KABANATA 11

2396 Words
KABANATA 11-TENSYON Yria's POV Kanina pa hindi maalis sa isip ko ang nangyari kanina. Paano ko nasabi ang mga iyon sa harap ni Hermes? Paanong lumabas sa bibig ko ang mga katagang iyon? Ipinilig ko ang aking ulo. Pakiramdam ko hindi ako ang nagsalita kanina. Sinulyapan ko ang puting pinto sa aking kanan. Nakaupo ako at naghihintay sa kan'ya na lumabas mula doon. Kasalukuyan kaming nasa clinic ng doctor nito sa mata. Ang sabi nito ay ipapakonsulta nito ang mata dahil may kakaibang nangyari daw sa kan'ya nung party. Hindi na ako nagsalita ng binanggit nito iyon dahil alam ko naman kung anong nangyari sa kan'ya. Ngayon nga ay ako ang sinama nito. Si Gaston naman ay naghihintay sa sasakyan. Wala akong nagawa ng ako ang sinama niya dahil may ginagawa din si Trudis. Hindi naman pwede si Manang Nora dahil magluluto ito ng tanghalian. Tumayo ako dahil masakit na ang aking pang-upo. Naglakad-lakad ako ngunit malapit lamang sa pintuan kung saan ito naroon. Mahirap na at baka masigawan at masungitan na naman ako. Matapos ang nangyaring iyon kanina sa kwarto ay halos hindi ko na alam kung paanong pakikitungo ang gagawin ko sa kan'ya. "Yria?" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Napangiti ako ng makita ko ang nakangiting si Val. Nagkita kaming muli. Hindi na kami nakapag-usap sa party dahil ang madilim na mukha ni Hermes ang bumungad sa amin. Nang gabing iyon ay mabilis na umalalay si Gaston kay Hermes ng huminto ito. Hindi nito dala ang baston nito ng tunguhin ang kinaroroonan namin. Iniisip siguro nito na may milagrong nangyari kung bakit ito nakakita kaya naman ay naging kampante ito. "Val, anong ginagawa mo dito?" tanong ko. "May kaibigan ako dito. How about you?" Nakangiti nitong balik tanong sa akin. "Sinamahan ko lang si Sir Hermes," tinuro ko ang puting pintuan. "I see," tumango-tango ito. "Oh, wait! Stay here. May kukunin lang ako sa sasakyan." Pagkatapos nito iyon sabihin ay mabilis itong tumalikod sa akin. Ilang minuto lang itong nawala at pagbalik nito ay may dala na ito. "Here," nakangiti nitong inabot ang paper bag sa akin. "Ano ito?" "You said, wala kang cellphone. So, I bought you a cellphone," saad nito. "Ha?" "Come on, take it, Yria." Pakiusap nito. Nanatili lang akong nakatitig sa hawak nitong paper bag. Ngunit ito na ang kusang humawak sa aking kamay para ilipat sa akin ang hawak nito. "I also saved my number there. I'll call you later, okay?" "Pero hindi ko alam gamitin ito." "It's okay, madali naman matutunan iyan. Pwede ka din magpaturo sa mga kasama mo." Hindi nawawala ang ngiti nito habang nagsasalita at nakatitig sa akin. "Salamat, pero bakit mo ako binibigyan nito?" tanong ko. Gusto ko malaman dahil kung tutuusin hindi ko naman kailangan ang binigay nito. Napakabuti niya sa akin samantalang hindi pa niya ako lubos na kilala. Alanganin itong ngumiti at napakamot sa ulo. "Hindi kasi kita madalas makita. Iyan lang ang paraan para makausap kita." Paliwanag nito pero hindi pa din ako naging kontento sa sagot nito. "Pero bakit gusto mo ako makausap?" tanong ko. Halatang natigilan ito sa tanong ko. Dapat ko lang siguro malaman kung bakit napakabuti ng taga lupang ito sa akin. Lumapit ito ng bahagya sa akin. Sinalubong ko ang titig niya. "I like--" "Val, you're here!" Sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses. Lumayo ako ng bahagya kay Val. Pakiramdam ko masisigawan na naman ako. Katabi nito si Hermes na madilim ang mukha at salubong ang kilay. "Hi!" usal ni Val. Sinulyapan kong muli si Val. Ang Ophthalmologist ni Hermes ang tinutukoy nitong kaibigan. Lumapit ito sa katabi ni Hermes. "Who's the lucky woman?" tanong ng lalaking nakaputi at makahulugang ngumiti sa akin. Alanganin ngumiti si Val at sumulyap sa akin. Lumapit ako para alalayan si Hermes. "Meet, Yria. Yria, meet Alex. Siya yung kaibigang tinutukoy ko." Tukoy nito sa lalaking nakaputi. "Hi," inilahad nito ang kanang kamay sa akin. Dahil sa nakahawak na ako sa braso ni Hermes ay binitawan ko iyon at inabot ang nakalahad nitong kamay. "Kinagagalak ko po kayong makilala, doc." Sabi ko at muli kong hinawakan sa braso si Hermes. "You're with Hermes?" tukoy nito kay Hermes na hindi na yata maipinta ang mukha. "Opo," tipid kong sagot. "I thaught…" bumaling ng tingin si Alex kay Val. Nagtatanong ang mga mata nito. "She's working at his house," sagot ni Val. "I see," saka tumango-tango. "She's too beautiful to be a maid." Makahulugan nitong wika. "Yria, let's go." Maawtoridad na wika ni Hermes na nagpatigil sa dalawa. Nagsimula na itong maglakad. "Doc, Val, mauna na kami." Paalam ko sa dalawa. Tatalikod na ako ng hawakan ako ni Val sa kamay. Nagtataka ko siyang tiningnan. "Bakit hindi ka na lang sa akin?" tanong nito. Naguluhan ako sa tanong nito. Tumikhim ang doctor ni Hermes. Sinulyapan ko si Alex at ang makahulugan nitong ngiti ang tumambad sa akin. Muli kong sinulyapan si Val. "I mean, bakit hindi ka na lang sa bahay ko mamasukan? Anyway, I was the one who offer you first." Paliwanag nito. "Yria!" Tawag sa akin ni Hermes. Napapikit ako. Sinasabi ko na nga ba at masisigawan na naman ako. Muli ako nagpaalam sa dalawa at hindi ko na nagawa pang sagutin ang tanong ni Val. Inalalayan ko si Hermes at nagsimula na kaming naglakad palabas ng clinic. Nang nasa labas na kami ay winaksi nito ang braso dahilan para mabitawan ko ang braso niya na hawak ko. "Kaya ko na," malamig nitong usal. Mabigat akong nagpakawala ng isang buntong hininga. Hinayaan ko siya maglakad at sumunod na lamang ako sa kan'ya. "Yria!" Lumingon ako ng may pamilyar na boses ang muling tumawag sa pangalan ko. "Val?" Ano na naman kaya ang kailangan nito? Kinakabahan na ako dahil iba na ang timpla ng mukha ng kasama ko. "Ano iyon?" tanong ko ng makalapit ito. Hindi ko din magawang sulyapan si Hermes. Baka umuusok na ang ilong nito dahil sa presensya ni Val. "Gusto lang kita ipaalam sa amo mo," seryoso nitong wika. Natigagal ako sa sinabi nito. Binalingan nito si Hermes na tahimik lamang na nakikiramdam at nakatalikod. "Para saan, Val?" "Yes, what is it all about?" Sabat na ni Hermes na sinulyapan agad ni Val. Nakaharap na ito sa amin. Salubong ang kilay nito at at bahagyang nakataas ang isang kilay. "Well, sa'yo na ako pormal na magpapaalam, total nandito ka naman na." "Direct it to the point, Mister Gernoso." Tila may diin sa bawat katagang binitawan nito. "Gusto kong pahintulutan mo akong ilabas si Yria sa araw ng kanyang pahinga." Napaawang ang bibig ko sa sinabi ni Val. Sinulyapan ko si Hermes na lalo yata dumilim ang mukha. Nakakaramdam ako ng kakaibang tensyon kapag naghaharap ang dalawang ito. Para bang ano mang oras ay may sasabog na bulkan. "Hindi mo ba naiintindihan ang pahinga o kailangan ko pang i-explain sa'yo ang ibig sabihin ng pahinga?" Sarkastikong wika ni Hermes. "Paano ako makasisiguro na nakakapagpahinga nga si Yria sa pamamahay mo? Baka nga pinagtatrabaho mo pa siya kapag araw ng day-off niya." Sagot ni Val. "You want proof? I will send you the video. I have CCTV at my house. It's better to see with your own eyes." May determinasyon sa bawat sinabi nito. Napaisip ako. Ano kaya ang CCTV na sinasabi nito? "Wait, what?! CCTV at your house? Are you serious? Pati ba sa kwarto ni Yria naglalagay ka ng CCTV? You're crazy man." Tila hindi makapaniwalang wika ni Val. Ano ba ang mayroon sa pinag-uusapan nilang dalawa. Naguguluhan na ako sa kanila. Bawat salitan ng salita ng dalawang taga lupang ito ay tila ba may mali sa pinag-uusapan nila. "What seems to be the problem? Bahay ko iyon kaya wala kang pakialam kung maglagay man ako ng CCTV doon. Mind your own business." Bahagyang tumaas ang boses ni Hermes kaya naman ay naalarma na ako. "Val, uuwi na kami," singit ko sa dalawa. "No!" Sabay na wika ng dalawa na ikina-igtad ko. Hindi ako nakapagsalita sa inasal ng dalawang ito. Kulang na lang ay magbuga na ng apoy ang mga mata ng mga ito. Paano na lang pala kung nakakakita si Hermes? Paano naman kaya mag-away ang mga tagal lupang ito? "So, naglalagay ka nga ng CCTV sa kwarto ni Yria?" Paninigurado ni Val. Sinulyapan ko si Hermes. Hinintay ko itong sumagot. Sa tingin ko kailangan kong alamin kung ano ang pinagdidiskusyunan nilang dalawa na tila ba napakalaking bagay niyon. "Do you think I will do that? I'm not crazy. Anyway, kahit maglagay ako doon ay wala akong makikita, you f*****g idiot!" "Malay ko ba kung may nagmo-monitor para sa'yo." "So, wala ka ng pakialam doon. I said mind your own business!" Tumaas na naman ang boses ni Hermes. "No! Yria is now my responsibility, hindi ko alam pero ayoko s'yang nasa bahay mo! Sa inaasal mo ngayon, pakiramdam ko pinapahirapan mo si Yria and I won't let that happened again!" "The f**k! Who the hell are you, huh?! Yria is my responsibility dahil nasa pudir ko s'ya, and you, back off!" "Sandali!" Hindi ko napigilang sumabat sa usapan ng dalawa. Gulong-gulo na ako sa pinag-uusapan nilang dalawa. Bakit ba sila nagbabangayan? Natigilan naman ang dalawa sa ginawa ko. Sinulyapan ako ni Val. Nagtatanong ang tingin nito. Habang si Hermes naman ay biglang naglaho ang madilim na mukha at napalitan iyon ng malambot ng ekspresyon. "Ano ba pinag-uusapan ninyo? Anong CCTV? Bakit panay pangalan ko ang paulit-ulit kong naririnig?" Sunod sunod kong tanong. "Yria, please, sumama ka na lang sa akin. Hindi kita papahirapan sa bahay ko." Pakiusap ni Val sa akin. "No, Yria. Responsibilidad kita kaya hindi kita ibibigay sa kan'ya," saad naman ni Hermes. "Eh, kung gawin ko kaya kayong palaka na dalawa? Masisiraan ako ng ulo sa inyong mga taga lupa." Pagkatapos ko iyon sabihin ay tinalikuran ko na silang dalawa. Pagdating ko sa sasakyan ay sinabihan ko agad si Gaston na alalayan ito. Ayoko ng bumalik dahil ayoko ng makaharap ang dalawang iyon. Nagmamadali naman itong lumabas ng sasakyan at tinungo ang kinaroroonan ni Hermes. Pagbalik ni Gaston ay nagtatanong ang matang tiningnan ako. Hindi ko tinatapunan ng tingin si Hermes habang nasa sasakyan kami. Nasa kabilang gilid lamang ito nakaupo habang ako ay sa kabila. Sumasakit na nga ang leeg ko dahil kanina pa nakabaling ang tingin ko sa labas ng sasakyan. Puno ng katahimikan ang sasakyan habang binabagtas namin ang daan pauwi. Nakakaramdam ako ng inis ngayong araw. Madami akong hindi maintindihan sa pinag-usapan nila at hindi ako papayag na hindi natatapos ang araw na ito na hindi ko nalalaman iyon. Tumikhim ang aking katabi ngunit nanatili lamang akong nakatingin sa labas ng bintana. Tumikhim itong muli. "Sir, may ipag-uutos po ba kayo?" Tanong ni Gaston na hindi na nakatiis magsalita. "Nothing." Muli itong tumikhim ngunit nilakasan na nito iyon. Tila ba sinasadya na nito iyon. Sinulyapan ko si Gaston sa rear-view mirror. Bakas dito ang pigil sa pag ngiti habang nakatuon ang mata sa daan. May pinindot ito sa harapan ng sasakyan. Pagkatapos niyon ay isang Napakagandang awitin ang pumailanlang sa loob ng sasakyan. Bigla ako nagkainteres sa awiting iyon kaya hindi ko napigilan ang mapangiti. "Gaston, anong awitin iyan?" tanong ko. "Ah, ito. Can't help falling In Love. Bagong version na itong kanta." Sagot ni Gaston at nilakasan pa iyon. "Ang ganda naman. Gusto ko iyan Gaston." Hindi ko napigilang sabihin. Pakiramdam ko sinasayaw ako ng tugtuging iyon sa isang napakagandang lugar. Tila ba ang awitin na iyon ay nakakawala ng mabigat na enerhiya na bumabalot sa aking katawan dahil nawala ang inis ko sa taga lupa ng marinig ko ang awiting iyon. "Talaga, gusto mo din ang kantang ito? Pareho pala kayo ni Sir Hermes, Pareho ng gustong kanta." Ang ngiti ko sa labi ay biglang napalis ng marinig ko ang sinabi ni Gaston. Umismid ako sa kan'ya pagkatapos. Pagdating sa bahay ay si Gaston na din ang pinaalalay ko sa taga lupa. Napansin din ni Trudis ang hawak kong paper bag. Nilapit pa nito ang mata sa dala ko at pinakatitigan iyon. "Binilhan ka ni Sir Hermes ng cellphone?" tanong nito na hindi makapaniwala. "Hindi. Iyong taga lupang iyon pagkakaabalahan akong bilhan ng ganito. Baka maging palaka na lang s'ya hindi pa ako nabibilhan ng ganito." Wala kong ganang sagot at binigay ko kay Trudis ang hawak ko. Nagtataka naman niya akong tiningnan. "Akin na ito?" "Mayroon ka na n'yan. H'wag kang makasarili." Tumawa ito sa tinuran ko. "Ang taray naman. Mayroon ka ba? Ang sungit mo ha. Lumabas lang kayo ni Sir Hermes eh, ganyan na ang asal mo." Lumapit ito ng bahagya sa akin. "May lovers quarrel ba kayong dalawa?" Patuloy nito. "Anong lover's quarrel?" "Lover's Quarrel, iyong magkasintahan na may pinag-awayan at hindi nagpapansinan." "Bakit, kasintahan ko ba ang taga lupang iyon para magkaroon kami ng sinasabi mong lover's quarrel? Kapag ako hindi nakapagpigil sa ugali niya, hindi na palaka ang gagawin ko sa kan'ya kung hindi ay--" "Kung hindi ano Yria?" Nanlaki ang mata ni Trudis ng marinig ang boses ni Hermes. Ako naman ay humarap sa kan'ya dahil nakatalikod ako. Nasa b****a ng pintuan ng kusina ang mga ito. Katabi nito si Gaston at Manang Nora na parehong nakikiusap ang tingin. Ang mga tingin ng dalawa na h'wag na akong sumagot. Pasimple akong siniko ni Trudis na hindi na yata alam ang gagawin sa presensya ni Hermes. "Come on, say it. Ang tapang tapang mo magsalita kanina ng wala ako. Ngayon nandito na ako. Ngayon mo ilabas iyang katapangan mo." Sabi nito na halatang pinipigilan ang pagtaas ng boses. "Humingi ka na lang ng pasensya, Yria. Kilala ko iyan si Sir Hermes magalit. Baka palayasin ka ng wala sa oras." Bulong sa akin ni Trudis. Pero hindi ako takot sa taga lupang ito kaya maaari kong sabihin ang gusto kong sabihin. "Gusto mo malaman?" "Yes," "Gusto kitang gawing Ice Cream para matunaw iyang kagaspangan ng ugali mo." Pagkatapos ko iyon sabihin ay naglakad ako at nilagpasan ko ito. "Yria!" Tawag niya sa akin pero patuloy ako sa paglalakad at tinungo ang aming kwarto. Kung mapapalayas ako sa bahay nito ay ayos lang. Ang mahalaga ay makalayo ako sa kan'ya dahil parang ayoko na ituloy ang misyon ko kahit pa ang kapalit niyon ay hindi na ako makabalik sa Wings Fairy. Baka maaari ko pang pakiusapan ang mga Guardian Fairy na kung maaari ay bigyan ako ng ibang gagabayan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD