KABANATA 3

1930 Words
KABANATA 3-NAKAHAHALINANG AMOY Hermes's POV Kanina pa ako hindi dinadalaw ng antok. Ngayon lang ako hindi agad nakatulog. Kanina pa ako napapaisip sa babaeng bagong dating sa bahay ko. Umupo ako at kinapa ko ang aking baston. Minabuti ko na lamang na bumaba at uminom ng tubig. Pakiramdam ko kanina pa nanunuyo ang lalamunan ko. Gusto ko uminom ng maraming tubig ngayon. Dahan-dahan kong tinahak ang pababa ng hagdan. Napahinto ako ng may narinig akong kaluskos. Tinalasan ko ang aking pandinig. "What the?" mahina kong wika. Napapikit ako dahil nanuot na naman sa ilong ko ang amoy nito. Nagpatuloy ako sa pagbaba ng hagdan. Tinungo ko ang kusina. Hindi kaya nagkamali ako na pinatuloy ko ang babaeng iyon sa pamamahay ko? Hindi ko pa siya lubos na kilala. Hindi nga ako nagkamali. Nandito siya sa kusina. "What are you doing here?" tanong ko. Sigurado ako na siya iyon dahil sa amoy nito. "Maaari mo bang hinaan ang boses mo?" sagot nito. "Uminom lang ako ng tubig, aakyat na din ako." "Wait!" pigil ko sa kan'ya. Natigilan ako sa tinuran ko. Bakit ko siya pinipigilan? "Ano iyon?" tanong nito. Hindi ako makapagsalita. Nanatili lang akong nakatayo. Pinapakiramdaman ko ang bawat kilos nito. Narinig kong nagsalin ito ng tubig sa baso. Marahil iinom itong muli. Napapikit akong muli dahil lalong nanunuot sa ilong ko ang amoy nito. May kakaiba sa amoy nito na hindi yata nakakasawang amoyin. Napaatras ako ng may humawak sa kamay ko. Ang lambot ng kamay nito at mainit. "Maaari mo ng inumin iyan. Kapag gusto mo pa ay kukuha pa ako," sambit nito. Napakalamyos ng tinig nito. Parang ito yung tipo ng babae na hindi marunong magalit. Ininom ko ang binigay nitong tubig. Hindi pa ako nakakapagsalita ay kinuha na nito sa akin ang baso. "Gusto mo pa ba?" tanong nito. "Yes," tipid kong tugon. Muli kong narinig ang pagsalin nito ng tubig sa baso. Hinawakan nitong muli ang aking kamay at nilagay doon ang baso na may lamang tubig. Pagkatapos ko iyon inumin ay kinuha nitong muli sa akin ang baso. "Aakyat ka na ba? Aalalayan na kita," presinta nito. "Don't bother. I can manage," sagot ko at nagsimula na akong humakbang palabas ng kusina. "Hermes," natigilan ako sa paraan ng pagtawag nito sa pangalan ko. May pagkakahalintulad iyon sa paraan ng pagtawag niya sa paraan ng pagtawag ng babaeng ito sa pangalan ko? "Hindi tayo magkaibigan para tawagin mo ako sa pangalan ko. Baka nakakalimutan mo na binigyan kita ng trabaho dito sa bahay ko. Baka pati pagtawag sa amo mo ay hindi mo pa alam?" Pagpapaalala ko sa kanya. Hinintay ko siyang magsalita. Muli ko siyang pinakiramdaman. "Ano ba ang dapat kong i-tawag sa'yo?" Hindi ako nakasagot sa tanong nito. Pakiramadam ko ay walang muwang ang babae na ito kung nasaang mundo siya. Bakit pati pagtawag sa amo nito ay hindi nito alam? "Never mind. Matulog ka na, may mga dapat ka pang gagawin bukas. Tumulong ka sa gawain dito sa bahay. Ayoko ng tatamad tamad." Sagot ko at muli akong humakbang. Habang pumapanhik ako pataas ng hagdan ay pakiramdam ko nakasunod siya sa akin. Yeah, alam ko because of her smell. Hanggang sa makarating na ako sa aking kwarto. Nasa likod ako ng pintuan at sumandal ako doon. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Ang amoy nito na hindi maalis sa aking ilong. Tinungo ko ang aking higaan at naupo ako doon. Kanina pa ako napapaisip kung bakit tila nalalaman ko kung nasaan siya. Dahil iyon sa kakaibang amoy nito. Hindi iyon masakit sa ilong. Para iyong dinadala ako sa mundo na hindi ko pa nararating. Nakahahalina ang amoy nito. Para sa akin, ang amoy nito ang pinakamabango. "Damn!" Hinagis ko ang baston at tumama iyon sa kung saan. Kumunot ang aking noo ng marinig kong bumukas ang pinto. Walang sino man ang nangangahas na pumasok sa aking kwarto ng wala ang aking pahintulot. Wala akong pinatawag ngayon dahil tulog na ang mga kasama ko sa bahay. "f**k! What are you doing here?!" Tumayo ako at mabilis akong humakbang papalapit kung saan naaamoy ko siya. Wala pa naglakas ng loob na pumasok sa kwarto ko, maliban na lamang kapag pinatawag ko. Agad ko siyang nahawakan at mabilis ko siyang itinulak. Paatras siya ng paatras sa ginawa ko hanggang sa tumigil kami ng pakiwari ko ay nakasandal na siya sa padir. Hinarang ko ang aking katawan para hindi siya makaalis. "What do you think you're doing? Pati privacy ko pinapasok mo? Who the hell are you to do that? Stalker ka ba? Hell! Kung stalker kita ngayon pa lang lumayas ka na sa pamamahay ko. Hindi ko kailangan ang katulad mo!" Habang sinasabi ko iyon ay hindi ako sigurado kung sa mukha niya ako nakaharap. Muling nanuot sa ilong ko ang mabango nitong amoy. Hinawakan ko ng mahigpit ang balikat niya. Naramdaman ko ang paghawak nito sa aking kamay. "Nandito ako para tumulong," mahina nitong wika. "Kung ayaw mo na nandito ako ay maaari kong hilingin iyon. Hindi ko din gusto ang mundo mo lalo na ang ugali mo." Pagkasabi nito ay marahan nito tinanggal ang kamay ko sa balikat nito. Natigilan ako sa sinabi nito. Lahat ng mga kasama ko sa bahay ay wala akong naririnig na reklamo simula na ng mag-iba ang ugali ko. Alam ko sa sarili ko kung ano mga nagbago sa akin. Pero hindi nila ako masisisi kung nag-iba ang pag-uugali ko. Ngunit ang marinig sa babaeng ito, lalo pa at ngayon lang kami nagkakilala ay nakakagulat. Malakas ang loob nito na sabihin ang gusto nitong sabihin. "Get lost! Hindi ko kailangan ang tulong ng ibang tao. Kaya ko ang sarili ko!" Narinig ko na lamang na nagsara ang pinto. Tila naghahabol ako ng hininga ng umupo ako sa aking kama. Who the hell is she para sabihin niya na ayaw niya sa ugali ko? Hindi ako manlilimos ng atensyon para lang magustuhan ako. Hindi ko akalain na siya ang kauna-unahang babaeng maglalakas loob na sabihin sa akin ang saloobin. Hindi niya gusto ang ugali ko? "I really don't care," mahina kong wika. Nahiga ako at ipinikit ko ang aking mga mata. Nang ginawa ko iyon ay isang mukha lang ang palaging nagrereflect sa utak ko. I missed her so much. Limang taon na ang nakalipas ngunit parang kahapon lang iyon nangyari. Limang taon na din akong nangungulila sa kanya. Sariwa pa din sa alaala ko ang nangyari ng gabing iyon. Kinabukasan ay minabuti kong gumising ng maaga. Maaga ako gumigising pero mas inagahan ko pa. Tanging alarm sa cellphone ko ang nagsisilbing panggising ko tuwing umaga. Pina-set ko na iyon kay Gaston. Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan. Kapag ganitong umaga ay sa hardin ako namamalagi at nagpapalipas ng oras. Kahit hindi ko iyon nakikita ay nasasamyo ko ang mababangong amoy ng bulaklak. "Napakaganda n'yo naman, ngayon lang ako nakakita ng mga ganitong bulaklak. Para akong nasa paraiso," natigilan ako ng marinig ko ang pamilyar na boses. "Mabuti at naaalagaan kayo dito. Maganda sana kung may mga paru-paro din dito. Kapag nangyari iyon ay para na talaga itong paraiso." Patuloy pa nito. Mahilig din pala siya sa mga bulaklak. Hindi ko na yata nasamyo ang mabangong amoy nito. Marahil siguro ay amoy ng mga bulaklak ang nasasamyo ko. Humakbang ako para lumapit sa kanya ngunit tumigil ako kalaunan. Napaisip ako bigla, kung tama ako ay magkahalintulad ang amoy nito sa amoy ng mga bulaklak. Marahil siguro hindi ko siya naamoy ng papalapit ako. Nahihiwagaan ako sa babaeng ito. Kakaiba din ang mga sinabi niya sa akin kagabi. "Yria, anong ginagawa mo dito? Hindi ka pwede dito. Baka mapagalitan ako ni Sir Hermes niyan," narinig kong wika ni Trudis. "Bakit? Sadyang natutuwa lang ako sa mga bulaklak na nandito. Pati ba naman dito ay bawal?" Reklamo nito. Yria? Yria nga pala ang pangalan niya. Napakagandang pangalan. Ngunit wala akong interes sa babaeng iyon. Hindi ko gusto ang asal niya. "Oo, basta bawal ka dito. Doon na tayo sa pool. Tulungan mo ako maglinis," yaya ni Trudis. "Sandali, anong pool?" muntik na akong matawa sa tanong nito. Kakaiba talaga ang babaeng ito. Hindi ko alam kung saang lupalop ba ng lugar ito nanggaling. Madami itong hindi alam. "Pati pool, hindi mo alam? Ang ganda ganda mo pero shunga ka," saad ni Trudis. "Really, huh? She's beautiful but stupid," bulong ko. "Anong shunga?" "Pambihira ka naman, Yria. Saang planeta ka ba galing? Shunga, ibig sabihin…" tumawa si Trudis. "Maganda ka," Gusto ko na sila puntahan ngunit nawiwili pa ako pakinggan ang usapan nila. Parang napakainosente ng babaeng iyon sa lahat ng bagay. "Ah, ibig sabihin, shunga din si Hermes na taga lupa?" Dammit! Paanong pati ako nasali sa usapan? Narinig ko ang pagsinghap ni Trudis. Tila yata nagulat ito sa sinabi ng kausap. "Hinaan mo ang boses mo at baka marinig ka ni sir. Isa pa, itigil mo iyang kakasabi mo ng taga lupa at mapagkakamalan kang taga ibang mundo. Sir ang itawag mo sa amo natin," mahinang wika ni Trudis. "Ibig sabihin pala gwapo din sa paningin mo si Sir Hermes?" Dugtong pa nito. Hinintay ko siyang magsalita. Ano kaya isasagot nito. Nagkaroon ako ng interes sa maaari nitong isagot. "Hindi," sagot nito. Nadismaya ako sa sagot nito. Siya lang ang namumukod tanging nagsabing hindi ako gwapo sa paningin nito. "Hindi gwapo si sir? Alam mo bang madami ang nagkakandarapa sa kan'ya para lang mapansin siya. Tapos ikaw, hindi ang sagot mo? Bulag ka ba?" "Hindi," "E bakit hindi ka naga-gwapohan sa kan'ya?" I loved to hear this conversation. Gusto ko marinig ang bawat isasagot nito. "Ang sabi mo shunga ako. Ibig sabihin ng shunga, maganda," "Ah...eh...oo, ano naman ang konek sa pinag-uusapan natin?" tila naguguluhang tanong ni Trudis. "Shunga si Sir Hermes, maganda din siya sa paningin ko," Gusto ko humagalpak ng tawa ngunit pinigilan ko iyon. Ang tawa ni Trudis ang narinig ko. Napailing na lamang ako. Kakaiba ang babaeng ito. Marami pa yata itong dapat malaman. "Nakakaloka ka, Yria. Mababaliw yata ako sa'yo," sabi ni Trudis sa gitna ng pagtawa. "May mali ba sa sinabi ko?" inosenteng tanong nito. "Oo, para kang bata na walang kamuwang-muwang," tumawa si Trudis pagkatapos iyon sabihin. "Marami pa nga akong dapat matutunan dito sa mundo n'yo," "Mundo natin, shunga." "Shunga ka din," sabay silang nagtawanan. Tuluyan na akong nagpakita sa kanila. Tumigil ang mga ito sa pagtawa. Napasinghap naman si Trudis. Alam kong siya iyon dahil ganoon ito kapag nakikita ako. "S-sir, kanina pa po ba kayo d'yan?" nauutal nitong wika. "No," "Hay, salamat," sambit nito. "Sige po sir, maiwan na po namin kayo." Paalam nito. "Iwan mo si Yria, gusto ko siyang kausapin," saad ko. "P-po? S-sige po sir," sambit nito. Nang hindi ko na marinig si Trudis ay binalingan ko si Yria. Alam ko kaharap ko siya. Pakiramdam ko ay tinititigan niya ako. "May kailangan po ba kayo, Sir Hermes?" Tumaas ang isang kilay ko. Mukhang natuto na ito kung ano ang dapat itawag sa akin. Mabuti naman kung ganoon. "Akala ko ba aalis ka na?" tanong ko. Gusto ko lang malaman kung bakit nandito pa siya. "Gustuhin ko man pero hindi ako makakabalik sa tirahan ko kapag hindi ko ginawa ang tungkulin ko. Isa pa…" huminto ito sa pagsasalita. "What?" "Kailangan ko tiisin ang ugali mo, ayon na din sa nakausap ko," sagot nito. Siya lang talaga ang nakakapagsalita sa akin ng deretsahan. Mukhang hindi magiging madali sa akin na makasama ang babaeng ito sa bahay ko. Araw-araw ko ito makakasama at araw-araw ko din maririnig sa bibig nito ang pagkadisgusto nito sa ugali ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD