KABANATA 4-INTERES
Val's POV
Kanina pa ako napapasulyap sa hawak kong cellphone. Inaabangan ko ang tawag o text niya. Kapag tumutunog ang message alert tone ng cellphone ko ay agad ko iyon tinitingnan ngunit nadidismaya lamang ako.
Gusto ko na siyang makita muli. Hindi ko alam pero nagkaroon agad ako ng interes sa kan'ya. Kahit pa kakaiba siya. She's driving me crazy for almost five days. Hindi ba siya interesado sa akin at hindi niya magawang i-text man lang ako?
Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan. Mabuti na lamang at hindi ako nawawala sa konsentrasyon kapag may operasyon ako.
Kakaiba ang ganda niya. Napakainosente ng mukha niya. Lalo pa iyon napukaw ang interes ko sa kan'ya dahil sa magaling siya magbiro. Kung biro man ang lumalabas sa bibig nito na ikinatutuwa ko naman.
"Doc," narinig kong tawag sa akin mula sa labas ng pinto. Bumukas iyon at si Nurse Ellie ang pumasok.
"Yes," tumayo ako at tumanaw sa labas kung saan nakikita ko ang mga naglalakad na mga tao.
"May naghahanap po sa inyo,"
"Sino?"
"Yria po ang pangalan niya,"
Nang binanggit nito ang pangalang iyon ay agad akong humarap sa kan'ya.
"Yria?" ulit ko sa pangalang iyon. Gusto kong makasiguro na tama nga ang dinig ko.
"Opo, wala po siyang appointment sa inyo, doc," sambit nito.
"Yeah, I know. Please, papasukin mo siya," tugon ko.
Umupo akong muli sa swivel chair. Bigla akong na-excite ng marinig ko ang pangalang iyon. Sa wakas, makikita ko na siyang muli.
"Magandang hapon,"
Fuck! I missed her voice. Napakalamyos niyon na kahit sino ang makakarinig ay mahahalina sa boses nito.
Awtomatiko akong tumingin sa pintuan. Parang tumigil ang mundo ko ng masilayan ko ang maganda nitong mukha. She's wearing her beautiful smile.
"H-hi," utal kong tugon. Gusto ko batukan ang sarili dahil sa sobra kong excitement ay nautal ako.
"Naistorbo ba kita?" tanong nito.
"Of course not, maupo ka." Habang sinasabi ko iyon ay hindi ko inaalis ang mata sa kan'ya.
Pakiramdam ko na-starstruck ako sa babaeng kaharap ko. Sobra akong naa-amaze sa ganda nito.
"May gusto sana ako ibalik," sambit nito.
May inabot itong paper bag sa akin. Sinilip ko kung ano ang laman niyon. Sapatos ko iyon na pinasuot ko sa kan'ya noong huli kami nagkita.
"Salamat," nakangiti nitong wika.
Napakaganda nito habang nakangiti. Para itong anghel na bumaba sa lupa. Para itong diyosa ng kagandahan. Para itong diwata na naligaw sa lupa.
Damn! She's a perfect creature in my eyes.
"Walang anuman, kumusta ka na nga pala?" tanong ko. Gusto kong humaba pa ang pag-uusap namin. Ayoko muna siyang umalis.
"Maayos naman ako. Marami na akong alam sa pamamalagi ko dito sa lupa," sagot nito.
Alanganin akong ngumiti. Sa paraan ng pagkakasabi nito ay parang hindi ito taga lupa. Kung isa itong nilalang mula sa kung saan ay gusto ko maging bahagi ng pagkatao nito.
"Free ka ba mamaya?" Lakas loob kung tanong. Sana hindi niya i-reject ang offer ko.
"H-ha?"
"I mean, kung wala kang gagawin ay pwede ba kita yayain lumabas?" Paliwanag ko.
"Ah…sige, araw ng pahinga ko naman ngayon," tugon nito.
Lihim akong nagdiwang. Sa wakas, makakasama ko siya. Mabuti na lamang at wala akong pasok bukas. Mukhang para sa akin ang araw na ito.
At dahil wala na akong naka-line up na operasyon ay minabuti kong mag-out na sa trabaho. Ayoko maghintay siya sa akin ng matagal. Baka mainip pa siya ay magbago pa ang isip at umuwi na.
Pumasok ako sa aking opisina at nakita ko pa din siya doon nakaupo. Mabuti naman at nandito pa siya.
"Nababagot ka na ba dito?" nag-aalala kong tanong sa kan'ya.
"Hindi naman," nakangiti nitong sagot.
Hindi ko yata pagsasawaan pagmasdan ang ngiting iyon. She's different. Hindi siya tulad ng mga babaeng nakilala ko. Siya yung tipo ng babae na dapat mong ingatan at alagaan. OA man, pero i want this woman to be a part of my life.
Niyaya ko siyang pumunta sa mall. Bibilhan ko siya ng damit na nababagay sa kanya. Gusto ko siyang maging prinsesa sa mga oras na kasama ko siya. Parang ayoko na matapos ang araw na ito. Gusto ko mapigilan ang oras para hindi matapos ang gabing ito.
Kumain kami sa mamahaling restaurant. Tumanggi siya pero hindi ako pumayag. Naging masaya ang mga oras na kasama ko siya ngunit hindi ko yata mapipigilan ang oras. Dahil ngayon ay nagpapaalam na siyang umuwi. Gusto ko siya pigilan ngunit sino ako para gawin ko iyon.
Nagpasya akong ihatid na siya. Nang marating namin ang bahay na tinutuluyan nito ay parang ayoko pa siyang palabasin ng sasakyan. Gusto ko muna sulitin ang oras na kasama ko pa siya.
"Salamat sa paghatid, Val," ito na ang unang bumasag sa katahimikan sa pagitan naming dalawa.
Pababa na ito ng sasakyan ng hawakan ko siya sa kamay. Ngayon ko lang nahawakan ang kamay nito. Malambot iyon at makinis.
"Can I call you?" tanong ko.
"Pero wala akong telepono," tugon nito.
Nadismaya naman ako sa naging sagot nito. Sa sinabi nito ay may nabuong ideya sa aking utak. Alam kong nagsisimula pa lang ito magtrabaho kaya wala pa itong sapat na kita. Kaya naman ay bibilhan ko siya ng cellphone. Ayoko matapos ngayon ang ugnayan ko sa kan'ya. Gusto ko pa siyang makilala ng lubusan.
"Thank you for this wonderful day, Yria. You made my day full of happiness. Ngayon lang ako hindi na-stress ng ganito, at ikaw ang naging dahilan ko." Makahulugan kong wika sa kan'ya. Isang matamis na ngiti ang naging sagot nito.
Bumaba ako at pinagbuksan ko siya ng pinto. Tinitigan ko muna ang maganda niyang mukha. Gusto ko pagmasdan iyon bago kami maghiwalay ngayong gabi.
"Salamat ulit," sabi nito.
Hinawakan ko siyang muli sa kamay bago siya humakbang palayo sa akin. Gusto ko muna hawakan iyon.
"I should be the one to say thank you," saad ko.
Binitawan ko na ang kamay niya at pinagmasdan ko siya habang papalayo sa kinaroroonan ko.
Bumitaw ako ng isang malalim na buntong hininga. Pakiwari ko ay matagal ko na naman siyang hindi makikita. Hihintayin ko ang araw na magkikita kaming muli. Kapag nangyari iyon ay gagawin kong masaya ang bawat oras na kasama ko siya.
Yria's POV
Habang papasok sa loob ng bahay ay hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti. Sobra akong nagsaya na kasama ko ang taga lupang iyon. Masaya itong kasama. Hindi ko na nga namalayan ang oras at gabing gabi na pala.
Muntik na akong mapatalon ng biglang nagliwanag sa paligid ko. Inilibot ko ang aking paningin para hanapin kung sino ang nagbukas, ngunit gayon na lang ang panlalaki ng mata ko ng makita ko si Hermes na printeng nakaupo sa sofa. Salubong ang kilay at madilim ang mukha. Nakatayo sa likod nito si Gaston. Napapakamot ito sa ulo habang hindi makatingin ng deretso sa akin.
"Saan ka galing?" malamig nitong tanong.
"Sa labas,"
"Dammit! I know sa labas, saang labas?!" tumaas ang boses nito.
"S-sir, sa kusina muna ako." Paalam ni Gaston na hindi na nagawang sulyapan ako dahil nagmamadali na itong umalis.
"Hinatid ko lang yung sapatos na pinahiram sa'kin ni Val," paliwanag ko.
"Who is Val?" tanong nito.
"Si Val, yung doctor na tumingin sa akin noong nawalan ako ng malay?" diretso kong sagot.
"Really, huh? Bago ka pa lang dito pero nakikipag-date ka na?"
Naalarma ako ng tumayo ito. Hindi na nito nagawang hawakan ang baston nito at mabilis nitong tinungo ang kinaroroonan ko.
Minsan nagtataka ako dahil mabilis nitong natutunton kung nasaan ako. Pero bulag naman ang taga lupang ito.
"Kahit bulag ako, hindi nakakaligtas sa kaalaman ko kung ano ang mga ginagawa n'yo. Porke ba bulag ako magagawa mo na ang gusto mo?!" singhal nito sa akin.
"Pero araw ng pahinga ko ngayon, hindi ba ako maaaring mamasyal man lang sa mundo n'yo?"
"f**k that world of you!" Para akong tinakasan ng paghinga ng lalong tumaas ang boses nito.
Bakit ba ito nagagalit? May ginawa ba akong mali? Hindi ba ako maaaring magpahinga sa ugali niya?
Sa limang araw kong pamamalagi dito sa bahay nito ay puro galit at sigaw ang nararanasan ko sa kan'ya.
Sa limang araw na din iyon ay pinag-aralan ko ang mga bagay na nakikita ko at kung paano ako makikitungo sa mga kasama ko sa bahay at sa mga makakasalamuha ko. Pinag-aralan ko ang buhay dito sa lupa. Ngunit hindi pa din sapat para sa akin iyon. May mga bagay pa ako na dapat matutunan.
Gusto ko muna ipahinga ang aking isipan kaya minabuti ko ang lumabas. Ngunit hindi yata naging maganda ang paglabas ko dahil ang galit na mukha ng taga lupang ito ang sumalubong sa akin.
Lumapit pa siya dahilan para mapaatras ako. Maaari ko naman iwasan siya dahil hindi naman niya ako makikita ngunit hindi ko iyon magawa.
"H-Hermes," tanging nasambit ko ng tuluyan na akong mapasandal sa nakasarang pintuan.
"Stop calling me that way, Yria. You're not her," bumaba ang boses nito.
Lihim akong natuwa dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nabanggit na nito ang aking pangalan. Ngunit napalis iyon ng sinabi nito na hindi ako s'ya. Sino ang tinutukoy nito?
"Aakyat na ako,"
"No!" Mabilis niya akong hinawakan sa magkabilang balikat. Hindi na ako makahinga sa sobrang lapit nito sa akin. "What are you?"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito. May alam na kaya siya? Wala pa ako sa kalahati, mali, wala pa akong nasisimulan sa tungkulin ko. Limang araw pa lang ako dito sa lupa. Sa limang araw na iyon ay hindi madali na gampanan ang tungkulin ko lalo na sa taga lupang ito.
"Sino ka ba talaga? Bakit may pagkakapareho kayo?" tanong nito.
Kanina pa ako napapaisip sa sinasabi nito.
"Ano ba sinasabi mo?" nagtataka kong tanong.
"Kiss me, Yria." pabulong nitong wika.
Halos naghahabol na ito ng paghinga. Para na itong nakayakap sa akin sa sobrang lapit nito sa aking katawan. Wala ng espasyo sa pagitan naming dalawa.
"H-Hermes, hindi mo naiintindihan ang sinasabi mo," utal kong wika.
Naramdaman ko ang pagbilis ng t***k ng puso ko. Kinakabahan ako dahil isa sa ipinagbawal ay ang mahalikan ako ng taga lupang ito. Ayoko mangyari na magsisimula na naman ako sa umpisa.
"Gusto ko malaman, please…" nakikiusap ang tinig nito.
Hindi ako nakagalaw ng tumaas ang isang kamay nito na nakahawak sa aking balikat at dumapo iyon sa aking mukha. Hindi ko napigilan ang pumikit. Tila ba matagal ko inasam ang pagdantay ng palad nito sa aking mukha. Ang bawat haplos nito na matagal kong pinanabikan.
Naramdaman ko ang pagdantay ng daliri nito sa aking labi. Tila inalam nito kung labi ko na nga ba iyon. Dumampi sa mukha ko ang mainit nitong hininga. Dahan dahan kong iminulat ang aking mata. Gayon na lamang ang panlalaki ng mata ko ng maalala ko ang sinabi ng mga Guardian Fairy sa akin.
Konti na lang at malapit na niya akong mahalikan. Mabilis akong gumalaw at itinulak ko siya. Ngunit nahawakan at nahila niya ako dahilan para sabay kaming natumba at napahiga sa sahig. Nasa ibabaw ako niya. Ngunit hindi ko inasahan ang sumunod na nangyari. Ang dapat kong iwasan ay naganap. Lumapat ang labi ko sa labi niya.
"Hindi!" Sigaw ko.
Hindi na ako nag-atubili na tulungan siya. Tumayo ako at mabilis kong kinuha ang mga bitbit ko na nahulog ng tinulak ko siya at tumakbo na patungo sa inuukopa naming kwarto ni Trudis.