KABANATA 5

1815 Words
KABANATA 5-PALAISIPAN Yria's POV Hindi ako mapakali sa kwarto namin ni Trudis. Mabuti na lamang at tulog na ito at hindi na magtatanong. Isa sa mga katangian ni Trudis ay matanong itong tao. Hindi ko nga pala naitanong na kapag nahalikan ako ng taga lupang iyon ay pati mga nakapaligid sa buhay nito ay mawawala din ang alaala? Pasalampak akong naupo sa higaan. Umuga iyon at tumunog. Sinulyapan ko si Trudis na nananatili pa ding tulog. Tumayo akong muli. Nagparoo't parito ako sa loob ng silid. Hindi mawala sa isip ko na nahalikan ko ang taga lupang iyon. Paano na bukas? Sigurado ako na wala na ang alaala nito. Minabuti ko ang mahiga at pilitin ang matulog. Ngunit hindi ko yata magawang matulog lalo pa at may iniisip ako. Sinulyapan ko ang orasan na nasa gilid ng higaan. Alas-dos na ng madaling araw. Mahigit limang oras na akong dilat. Hindi ko nararanasan sa Wings Fairy ito. Ngayon lang, at dito pa sa lupa. Hanggang sa mag-umaga ay gising pa din ako. Wala akong ginawa magdamag kundi ang tumayo, umupo at magpaikot-ikot sa loob ng silid. Hanggang sa gumising na din si Trudis. Nagtataka pa itong tumingin sa akin. "Anong nangyari sa'yo?" tanong nito na hindi inaalis ang pagkakatitig sa akin. "B-bakit?" "Nakakatawa iyang mata mo, ang itim ng ilalim. Natulog ka ba?" "Oo naman," sagot ko kahit hindi naman. Tumayo ito at uminat ng katawan habang naghihikab. Tinali nito ang buhok pagkatapos ay nag-ayos ng higaan. "Kumusta ang day-off mo? Mukhang nag-enjoy ka ha. Anong oras ka na umuwi?" Sunod sunod na tanong nito. Tumingin ito sa salamin at pinasadahan ang mukha. "Maayos naman," tipid kong sagot Binalingan niya ako. Muli nito akong sinulyapan at nagtatanong ang matang tiningnan ako. "Sigurado ka, okay ka lang?" "Oo nga," "Matulog ka muna kaya, baka kulang ka lang sa tulog," suhistyon nito saka lumabas ng kwarto. Tumayo ako at sinipat ko ang sarili sa salamin. Gusto ko matawa sa itsura ko dahil maitim ang ilalim niyon. Ganito ba kapag hindi nakatulog sa gabi? Gusto ko matulog pero hindi naman ako dalawin ng antok. At isa pa, baka hanapin ako ng taga lupang iyon kapag hindi nito napansin ang prisensya ko sa loob ng bahay. Palagi pa naman itong nandoon sa bahay. Nang maalala ko ang taga lupang iyon ay napaisip ako. Kinausap ako ni Trudis. Ibig sabihin ay hindi nawawala ang alaala ng mga taong nakapalibot dito. Si Hermes kaya? Kaya kahit hindi pa ako handa makita ang taga lupang iyon ay lumabas na ako ng silid. Bahala na kung hindi niya ako maalala. "Yria, halika na at mag-almusal ka na. Pagkatapos mo ay dalhan mo ng almusal si Sir Hermes," bungad sa akin ni Manang Nora ng nasa kusina na ako. Si Manang Nora ang taga luto sa bahay ni Hermes. Ang tawag daw sa kan'ya ay kusinera. Madami din ako natutunan sa kan'ya. "H-ho? Bakit po ako?" tanong ko. "Bakit nga ba ikaw?" balik tanong nito sa akin. "E, kasi baka hindi niya ako maalala," sagot ko. Nagtataka nito akong tiningnan. Maging si Trudis at Gaston ay napasulyap sa akin. Kumakain ang mga ito ng almusal. "Paanong hindi ka n'ya maaalala e ikaw ang madalas niyang ipatawag. Isa pa, natulog ka ba?" "Baka kulang ka lang sa tulog, Yria. Mamaya matulog ka. Nangangalumata ka." Sabat naman ni Trudis sabay higop ng kape. "Napagalitan kasi siya ni Sir Hermes kagabi kaya siguro hindi nakatulog ng maayos si Yria. Tama ba ako, Yria?" nakangising wika ni Gaston . Sinamaan ko siya ng tingin. May alam kaya ito sa kaganapan na nangyari ng nagdaang gabi? "O s'ya, tama na iyan. Sige na, Yria. Mag-almusal ka na. Maya-maya ay gising na iyon si Sir Hermes." Wala na akong nagawa kun'di ang sumunod kay Manang Nora. Pagkatapos ko kumain ng almusal ay pinanhik ko na ang dalang pagkain sa kwarto ni Hermes. Kumatok ako ngunit walang sumagot. Ayoko muna pumasok dahil baka isipin na naman nito na pumapasok ako ng wala man lang niyang pahintulot. Kumatok akong muli ngunit ilang segundo na ang nakalipas ay wala pa din nagbubukas ng pintuan. Nagpasya akong buksan na lamang iyon. Kung mapapagalitan at masisigawan na naman ako ay may rason naman akong maibibigay sa kanya. Pinihit ko ang seradora ng pintuan. Bumukas naman iyon. Minsan napapaisip ako. Kung ayaw niyang pinapasok siya sa loob ng kwarto niya ay dapat matuto siyang mag-lock ng pinto. Pumasok ako sa loob. Kung hindi ko siya makita o kung kaya tulog pa siya ay iiwan ko na lamang ang tray sa lamesita nito. Malalaman naman siguro nito na may pagkain doon dahil sa amoy niyon. Inilibot ko ang tingin sa loob ng silid nito. Hindi ko siya nakita sa loob ng silid. Hindi ko siya napansin na lumabas. Hindi Kaya nasa hardin ma ito? Nilagay ko ang tray na may lamang pagkain sa lamesita. Pagkatapos ay mabilis kong tinungo ang pintuan. Hanggat maaari ay ayoko na magkaharap kami. "Yria?" napahinto ako sa paghakbang ko palabas ng pinto. Pumihit ako paharap. Muling bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa pagtawag niya sa pangalan ko. Hindi lang iyon, tinawag niya ang pangalan ko, ibig sabihin ay kilala pa din niya ako. Pero paaanong nangyari iyon? Nahalikan niya ako kagabi. "S-sir," nauutal kong sagot. Nagsimula itong humakbang papalapit sa kinaroroonan ko. Lalong bumilis ang t***k ng puso ko. Anong nangyayari? Bakit ko ito nararamdaman? "May kasalanan ka sa akin," saad nito sa malamig na boses. Patuloy pa din ito sa paghakbang palapit sa akin. "A-ano 'yon? W-wala akong matandaan na kasalanan ko sa inyo." Patay malisya kong sagot. Kasabay niyon ang pag-atras ko dahil nasa tapat ko na siya. "Really?" sambit nito na tila pinapaalala sa akin ang nangyari ng nagdaang gabi. Tuluyan na siyang nakalapit sa akin. Saka ko lang napansin na wala siyang saplot sa itaas na bahagi ng kan'yang katawan kaya naman ay kitang kita ng mga mata ko ang mamasa masa nitong katawan. Bawat daloy ng tubig sa katawan nito ay tila mabagal sa aking paningin. Tanging puting tela lamang ang nakatakip sa ibabang bahagi ng katawan nito. "M-may gagawin pa ako," sinubukan kong lumayo ngunit mabilis nito akong nahawakan sa braso. "Bulag lang ako pero hindi ako uto-uto, Yria." Mabilis nito akong hinila papalapit sa kanya dahilan para mahawakan ko ang dibdib niya na basa. Dahil matangkad ito ay patingala ko siyang tiningnan. Ang bango ng amoy nito. Iyong walang halong pabango na madalas kong maamoy kapag nakakaharap ko ito. Dahil hindi naman niya ako makikita ay malaya kong pinagmasdan ang mukha nito. Alam ko na ang tawag sa mukha nito. Kung ang sabi ni Trudis ay shunga ako na ang ibig sabihin ay maganda. Ang tawag sa mukha ng taga lupang ito ay gwapo. Tama, gwapo si Hermes John Alejandro. "Stop staring at me, Yria," bulong nito sa akin. Napapikit ako. Pakiramdam ko nagugustuhan ko na ang bawat tawag niya sa pangalan ko. "You're not my type," natauhan ako sa sinabi nito. Mabilis ko siyang tinulak at agad akong lumabas ng kwarto nito. Nakalimutan ko na may pagka-arogante at masama pala ang ugali ng taga lupang iyon. Dumiretso ako ng hardin. Nagpalinga-linga ako. Kapag ganitong umaga ay walang pumupunta dito. Dahil kakain pa ang taga lupang iyon ay hindi pa iyon pupunta dito. Alam kong pinagbawalan na ako dito pero hindi ko matiis na hindi ito puntahan. Tinungo ko ang sulok ng hardin para kahit may pumunta ay hindi ako mapapansin. Pumikit ako at sinubukan kong muli makausap si Inang Yesha. Siya ang huli Kong nakausap ng sinubukan kong kausapin siya ng gabi na sinabi ko kay Hermes na aalis ako ng tirahan nito. Ngunit sandali lamang iyon. "Inang Yesha, gusto ko kayo makausap," tawag ko sa isa sa mga Guardian Fairy. Naghintay ako ng ilang segundo. "Yria," napangiti ako ng marinig ko ang tinig na iyon. "Inang Yesha, kayo na po ba iyan?" tanong ko. "Ako nga ito, Yria." Nabuhayan ako ng loob. Mabuti na lamang at hindi ako nahirapan na tawagin siya sa aking isipan. "Maaari po ba na bigyan ninyo ako ng ibang gagabayan? Hindi ko gusto ang taga lupang Hermes na iyon. Ayoko sa kanya, Inang Yesha. Hindi ko gusto ang ugali niya. Masama ang ugali ng taga lupang iyon." Reklamo ko kay Inang Fairy. Tumawa ito pagkatapos ko iyon sabihin. Totoo naman ang mga sinasabi ko. Naglabas lamang ako ng sama ng loob. "Mukhang marami ka hinanaing sa taga lupang iyon, Yria," saad nito. "Arogante po siyang nilalang at higit sa lahat matigas po ang ulo niya," dugtong ko. Muling tumawa si Inang Yesha. "Hindi ba at matigas din ang ulo mo," sagot nito. Napasimangot ako sa sinabi nito. Kaya ba binigyan nila ako ng katapat na kasing tigas ng bato ang ulo? "Hindi ko po ba maaaring hilingin iyon, ang bigyan ninyo ako ng ibang gagabayan?" muli kong tanong kay Inang Yesha. "Ang itinakda ay itinakda, Yria. Wala kaming kakayahan baguhin ang nakatakda." Makahulugan nitong wika. Nagsalubong ang kilay ko. Ano ang ibig nitong sabihin? "Hindi ko po kayo maintindihan, Inang Yesha," saad ko. Lumipas ang ilang segundo ay hindi ko na narinig ang tinig ni Inang Yesha. Nawala na naman siya ng hindi nagpapaalam. Wala akong nakuhang sagot sa kanya. Minabuti kong maupo na lamang sa upuan na nandoon. Nawala din sa isip ko na itanong sa kan'ya kung bakit hindi nawala ang alaala ni Hermes na taga lupa. "What are you doing here?" Umikot ang mata ko. Nandito na naman ang halimaw na ito. Simula sa araw na ito ay halimaw na ang itatawag ko sa kan'ya. Tumayo ako at hindi ko na siya pinagkaabalahan pang sulyapan. "Aalis na din ako," sagot ko. "Stay," Dahil sa baba ng boses nito ay sinulyapan ko siya. Kinapa nito ang upuan at naupo ito doon. "May gagawin pa ako," wala kong ganang sagot. "Leave it to Trudis, stay here, please." Dahil nakikiusap naman ang tono ng pananalita nito ay minabuti ko na lamang ang sundin ito. Naupo ako sa bakanteng upuan. Tinitigan ko ito. Nakatitig lang ito sa kawalan. Mahirap siguro ang hindi makakita. Ilang taon na kaya itong hindi nakakakita? Sa parte nito at mahirap ang madilim ang palaging makikita. Iyong tipong gusto mo makakita ng liwanag ngunit hindi mo iyon magawa dahil bulag ka. Sa naisip ay nakaramdam ako ng awa sa taga lupang ito. Kung maaari ko lang sana gamitin ang kakayahan ko. Maaari ko kayang gamitin kahit sandali lang? "I said stop staring at me," pukaw nito sa katahimikan namin. "Lagi mo sinasabi iyan samantalang hindi mo naman ako nakikita." Nanlaki ang mata ko sa binitawang salita. Huli na para bawiin ko iyon. "I know, pero nararamdaman ko na tinititigan mo ako," saad nito. Humugot ako ng malalim na buntong hininga. "I'm sorry about last night," sambit nito. Nagulat ako sa sinabi nito. Totoo ba ang narinig ko? Humihingi ng paumanhin ang taga lupang ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD