KABANATA 6-KAKAIBANG SAYA
Yria's POV
Mabilis na lumipas ang mga araw. Ang araw ay naging buwan. Matagal na pala ako dito sa lupa. Ngunit wala pa yata ako nagagawa sa taga lupang iyon.
Mainitin pa din ang ulo nito at laging nakasigaw. May pagkakataon na nag-iiba ang ugali nito kapag nagsasabi ako ng totoo sa mismong harapan nito.
Ang huli naming pag-uusap ay sa hardin. Pagkatapos nitong humingi ng tawad ay hindi na ito umimik kaya iniwan ko na ito mag-isa sa hardin.
Hindi ko na din ito madalas makita sa loob ng bahay. Gusto ko tanungin ang mga kasama ko sa bahay kung saan ito naglalagi ngunit minabuti ko na lamang ang manahimik.
Kasalukuyan akong nasa kusina at nakaramdam ako ng pangangalam ng sikmura. Hindi kasi ako sumabay ng kain sa mga kasama ko. Noong una ay hindi tinatanggap ng t'yan ko ang pagkain ng mga taga lupa. Tanging prutas at gulay lamang ang kinakain ko. Hindi ako kumakain ng mga karne kung tawagin. Ngunit kinasanayan ko na iyon ngayon.
Si Trudis ay niyaya kong kumain ngunit nakababad ito sa cellphone nito. May kung ano itong pinapanuod doon. Hindi ko naman maintindihan.
Kumuha ako ng kanin at ulam at nilagay ko iyon sa Plato. Uminom muna ako ng tubig dahil nanunuyo na naman ang lalamunan ko. Madalas ko ito maramdaman simula ng dumating ako dito sa lupa.
"Yria?"
"Huminto ka!" dahil sa gulat ko ay nabanggit ko iyon.
Natampal ko ang aking noo. Unang beses ko iyon gamitin pero hindi ko naman iyon sinasadya.
Pumihit ako paharap sa nagsalita. Bakit ba napakalaki ng boses niya? Nanatili lang itong nakatayo. Mukhang gumana iyon. Tsk! Manghihina ba ako agad? Sa ngayon, ayaw ko muna isipin iyon.
Minabuti kong ipagpatuloy ang pag-kain dahil hindi ko gusto na nandito siya kahit pa hindi niya ako nakikita. Hinayaan ko siyang nakatayo at hindi gumagalaw. Mamaya ko na lang siguro siya papagalawin kapag tapos na akong kumain.
Binilisan ko ang pagsubo para matapos ako agad. Napuno ang bibig ko ng kanin.
"Gutom ka ba?"
Napaubo ako ng marinig ko ito. Nailuwa ko ang mga kanin na nasa bibig ko. Wala akong tigil sa pag-ubo hanggang sa naramdaman ko ang paghagod nito sa aking likod.
"f**k! What am I going to do, Yria? Trudis!" nag-aalala nitong tanong at tinawag si Trudis.
"T-tubig…t-tubig..." sambit ko sa gitna ng pag-ubo.
"s**t! Where is that f*****g water?!" tila ito ang nahihirapan sa sitwasyon ko.
Naglakad ito patungo sa refrigerator ngunit pinigilan ko siya.
"A-ako na,"
"No!"
Mabilis itong kumilos at tinungo ang refrigerator kahit bumangga ito sa dulo ng mesa. Binuksan nito iyon at kumuha ng botelya na may lamang tubig. Ibinigay ko ang baso sa kan'ya para lagyan nito ng tubig ngunit nabitawan nito iyon.
"H-Hermes," nahihirapan na akong huminga.
"f**k! I hate this! Trudis!" tinawag nitong muli si Trudis.
Mabilis niya akong hinawakan sa kamay at niyakap. Hinagod nitong muli ang aking likod. Iyon ang paraan nito para kumalma ako. Pakalmahin ako o siya?
"Where are they?" Nag-aalala nitong turan.
"Anong nangyayari Sir Hermes, Yria?" bungad ni Manang Nora. Nagulat pa ito sa nabungaran nito.
"Give me water, manang, hurry up!" maawtoridad nitong utos.
"O-opo," mabilis na nagsalin ng tubig si Manag Nora at binigay iyon sa akin.
Agad ko iyon ininom. Humingi pa ako ng isa pa.
Nakahinga ako ng maluwag ng nawala na ang bara sa lalamunan ko. Napansin kong nakayakap pa din sa akin ang taga lupang ito.
"Okay ka na?" Makahulugang ngumiti si Manang Nora at nginuso ang nakayakap sa akin.
Agad akong lumayo rito at inayos ko ang sarili.
"O-okay na po ako," saad ko na hindi makatingin kay Manang Nora.
"Sir, okay na po si Yria." Baling nito kay Hermes na nanatiling nakatayo.
"Good, where is Trudis?" tanong nito. Sa paraan ng tanong nito ay parang galit ito kay Trudis. Pero bakit?
"Tatawagin ko lang po," agad na umalis si Manag Nora.
Naiwan kaming dalawa ni Hermes na madilim ang mukha.
"Bakit mo pinapatawag si Trudis?" tanong ko.
"Gusto ko siyang kausapin dahil wala siyang alam sa nangyayayari dito sa bahay." Malamig nitong wika at tumalikod na sa akin.
Pinigilan ko siya. Hinawakan ko siya sa kamay at humarap sa kan'ya.
"Nagagalit ka ba dahil hindi ka niya narinig? Maayos na ako, hindi mo na siya dapat pang pagsabihan." Paliwanag ko.
"Yria,"
"Okay na ako. Salamat sa iyo," ngumiti ako sa kan'ya kahit alam kong hindi niya ako nakikita.
"S-sir, pinapatawag n'yo daw po ako?" narinig kong wika ni Trudis.
Binitawan ko ang kamay niya at humarap ako sa bagong dating. Katabi nito si Manag Nora. Halata sa mukha nito ang takot. Marahil alam na nito ang nangyari.
"Next time, be aware of your surroundings." Pagkasabi nito ay tinalikuran na kami.
Mabilis akong nilapitan ni Trudis. Nag-aalala siyang hinawakan ang aking kamay.
"Okay ka lang?" nanginginig ang boses nito pati kamay. Hindi ko alam kung nanginginig ito dahil sa nangyari sa akin o dahil sa presensya ni Hermes.
Pinisil ko ang kamay nito at nginitian ko siya. Inakbayan ko siya para iparating sa kan'ya na maayos na ang lagay ko. Ayoko isipin nito na kaya ito pinagsabihan ni Hermes ay dahil sa akin.
"Okay na okay na ako, h'wag mong pansinin ang sinabi ni Sir Hermes. Ikaw na din may sabi na lumilipas din ang galit niya." Pagpapakalma ko sa kan'ya.
Yumakap siya sa akin. Natawa ako sa ginawa nito. Naalala ko si Feya sa kan'ya. Nang maisip ko ang kapwa ko fairy ay bigla akong nalungkot sa kinagisnan kong tirahan.
Hindi na naman ako dinalaw ng antok. Nagiging ugali ko na ang gawain ng mga tao. Sabagay, isa na nga pala akong ordinaryong tao.
Minabuti kong tunguhin muli ang hardin. Kapag nasa hardin ako ay pakiramdam ko ay nasa Wings Fairy ako.
Humugot ako ng malalim na buntong hininga. Kahit man lang sana isa sa mga kapwa ko fairy ay makausap ko. Nakakalungkot na wala man lang ako makausap isa sa kanila. Iba pa din kapag sila ang nakakausap ko.
"So, you are here too?"
Napalingon ako sa nagsalita. Tumayo ako at agad ko siyang inalalayan. Pareho kaming natigilan sa ginawa ko. Lumayo ako sa kan'ya at hinayaan ko na lamang siyang maupo mag-isa.
"Matutulog na din ako," sambit ko.
Tumalikod ako sa kan'ya. Kararating ko lang pero dahil nandito siya ay hindi na ako magtatagal dito sa hardin. Pipilitin ko na lamang ang matulog.
"Stay," maawtoridad nitong wika.
Napahinto ako sa paghakbang ng sinabi nito iyon. Pumihit ako paharap sa kan'ya.
"Bawal ako dito, kaya matutulog na ako."
"Alam mo palang bawal pero punta ka pa din ng punta," sarkastikong nitong wika.
Sumimangot ako sa sinabi nito. Totoo naman iyon, pero kailangan ba na ipamukha niya sa akin? Ganito din ako sa Wings Fairy, ginagawa ang mga ipinagbabawal. Kaya siguro binigyan na nila ako ng tungkulin para mapaalis na nila ako sa Wings Fairy at hindi na makagawa ng problema. Ngunit binigyan naman nila ako ng sakit sa ulo na tungkulin.
"Matutu--"
"Inuutusan kita bilang amo mo," putol nito sa sinasabi ko.
Gusto ko siya tirisin. Napaka-aroganteng taga lupa. Gusto palagi siya ang nasusunod. Tao lang naman siya, pero kung makapag-utos akala mo kung sino. Bakit ba hindi nawala ang alaala ng taga lupang ito?
Wala akong nagawa kun'di ang maupo sa bakanteng upuan. Tumingala ako at tumingin sa kalangitan. Napakaganda ng mga bituin. Maliwanag ang buwan at bikog na bilog. Napakaaliwalas ng langit sa gabing ito.
"Bakit palagi kang umiiwas sa akin?" Mula sa kalangitan ay awtomatiko akong napasulyap sa kan'ya.
Seryoso itong nakatingin sa kawalan.
"Yung tanong mo, parang sigurado ka na umiiwas ako sa'yo," sagot ko.
"Because that's how I feel," saad nito.
Humugot ako ng malalim na buntong hininga. Dapat ko ba sabihin na dahil sa ugali niya kaya ako umiiwas o dahil ayokong maulit ang nangyari ng nagdaang gabi? Siguro hindi nga nawala ang alaala nito dahil hindi iyon sinasadya ngunit paano kung ginusto na nito na halikan ako?
"Gusto mo ba talaga malaman ang sagot ko?" tanong ko.
"Yes," tipid nitong tugon.
"Dahil palagi kang nakasigaw at palagi kang galit. Hindi mo ba alam na lahat ng tao dito nangingilag sa'yo. Ayaw nila masigawan mo. Ako na lang yata ang nakakatiis sa ugali mo. Ang sabi ni Trudis, mabait ka naman daw. Saan naman banda?" Tuloy tuloy kong sabi.
Habang sinasabi ko iyon ay hindi ako nakatingin sa kan'ya. Ayoko makita ang reaksyon nito.
Hindi ko na nga inisip na amo ko ito. Sinabi ko lang ang dapat kong sabihin. Dapat lang na malaman nito na masama ang ugali nito. Baka sakaling mabawasan ang kapangitan ng ugali nito.
Nagulat ako ng marinig kong tumawa ito. Napasulyap ako sa kan'ya. Sa kauna-unahang pagkakataon ay natunghayan ko kung paano tumawa ang isang Hermes John Alejandro.
Minsan nga napapaisip ako kung pinanganak ba ito na palaging madilim ang mukha. Yung palaging galit sa mundo. Pero ang makita ng mismong dalawang mata ko na tumatawa ito ay bigla iyong naglaho. Hindi ko man alam ang pinagdadaanan nito ay sapat na sa akin na makita ang tawa nito. Baka hindi na iyon mangyaring muli.
Tumigil ito sa pagtawa. Nilinis nito ang lalamunan.
"You know what, ikaw lang ang namumukod tanging nagsasabi kung gaano kasama ang ugali ko. Malakas ang loob mo na sabihin iyon. You're interesting, Yria."
Napangiti ako sa sinabi nito. Mabuti na lang at hindi nito dinamdam ang mga sinabi ko. Siya naman nagtanong kaya sinabi ko lang ang saloobin ko.
"Sinagot lang kita," nakangiti kong turan.
"How old are you, Yria?" tanong nito.
Ang ngiti ko ay napalis ng sabihin nito iyon. Hindi ko napaghandaan iyon. Sino ba naman ang mangangahas na magtanong kung ilang taon na ako? Si Trudis, hindi niya iyon tinanong. Maging si Manang Nora at Gaston. Bakit ang taga lupang ito ay tinatanong ang edad ko?
Hindi ko alam ang isasagot. Maaari ko bang sabihin na nabubuhay kami ng walang hanggan? Na isang libong taon na akong nabubuhay sa Wings Fairy?
"Is that a difficult question to you?" Pukaw nito sa pananahimik ko.
"Ha? Ah...kung ilang taon na si Trudis, gayon din sa akin." Tanging nasagot ko. Ngunit wala akong ideya kung ilang taon na si Trudis. Pinalangin ko na sana ay hindi na nito itanong kung ilang taon na si Trudis.
"I see. So, you're 25 years old. Hmm...not bad," tila may kahulugan ang huling sinabi nito.
"Ikaw, ilang taon ka na?" Lakas loob kong tanong.
"35," tipid nitong sagot.
"Hmm...not bad," panggagaya ko sa kan'ya.
Tumawa siya ng mahina. Napangiti akong muli. Sana ganito na lang siya parati.
Tumingala ako, gusto ko muling pagmasdan ang mga bituin. Hindi nakaligtas sa mata ko ang shooting star. Ang sabi ni Feya, kapag nakakita ng shooting star ay may magandang mangyayari. Sa aming paraiso ay bihira lang kami makakita ng ganoon. Kaya naman ay hindi ko napigilan ang sariling matuwa dahil nakakita ako ng bulalakaw.
Gumalaw ang kamay ko at napahawak ako sa kamay ni Hermes. Mahigpit ko hinawakan iyon sa sobrang tuwa ko.
"Hermes, may shooting star!" bulalas ko.
Tuwang tuwa ako sa nakikita ko dahil tatlo ang nakita ko. Hindi ko na alintana ang kasama ko na hawak ko pa din ang kamay.
"Y-Yria," dinig kong mahinang tawag sa akin ni Hermes.
Binaling ko ang tingin sa kan'ya. Gayon na lang ang panlalaki ng mata ko na nakahawak ang kamay ko sa kamay niya. Akma kong babawiin iyon ngunit mabilis nitong hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.
"Please...let me hold your hand, Yria." Pakiusap nito at pinagsalikop iyon.
Bigla na naman bumilis ang t***k ng puso ko. Bakit madalas ko na yata ito maramdaman?
Pinagmasdan ko siya. Binaba nito ang tingin sa kamay namin magkasalikop na animo'y nakikita nito iyon. Gamit ang isang kamay ay hinaplos nito ng marahan ang likod ng aking kamay.
"H-Hermes,"
"P-please, stop calling me that way. Iisipin ko na ikaw s'ya." may lungkot akong naaninag sa mga mata nito at kung paano nito sabihin ang huling sinabi.
"Ano gusto mo itawag ko sa'yo? Taga lupa?" Biro ko na akala ko ay hindi nito magugustuhan ngunit tumawa ito.
"I don't know, siguro masasanay din ako sa tawag mo but not now," saad nito.
Binalot kami ng katahimikan. Kapagkuway tumayo na ito ngunit nanatili pa din na magkasalikop ang mga kamay namin.
Nagtataka ko siyang tiningnan. Kinapa nito ang baston. Nakuha naman nito ngunit dumulas iyon sa kamay nito at nabitawan iyon.
Agad akong tumayo at kinuha ang baston at ibinigay sa kan'ya.
"Thanks," sambit nito at nagsimula ng humakbang.
"Hindi mo ba bibitawan ang kamay ko?" Tanong ko sa kan'ya na nakatingin sa magkasalikop naming kamay habang marahang naglalakad.
"Why?"
"Matutulog ka na, hindi ba?"
"Yes, what seems to be the problem?"
"Matutulog na din ako,"
"Later,"
"Ano?!" bulalas ko.
"Sinisigawan mo ba ako?"
"H-hindi,"
"Then, don't shout at me,"
"Saan ba kasi tayo pupunta?"
"Sa study room,"
"Anong gagawin natin doon?"
"Magdadasal," pagkasabi nito ay tumawa ito.
Napapangiti na lamang ako. Kakaiba ang sayang nararamdaman ko ngayon dahil hindi na siya tulad ng una naming pagkikita. Sana ay magtuloy tuloy na ang pagtawa nito ng madalas.