KABANATA 25

2317 Words
KABANATA 25 Yria's POV Tinitigan muna ako nito bago ngumiti sa akin. Hindi ako sigurado pero pakiramdam ko ay pilit lang ang ngiting pinakawalan nito sa akin. "Hi," nakangiti nitong bati sa akin. "Si Hermes?" Tanong nito at naglakad papalapit sa akin. "Nasa loob po," sagot ko. Huminto ito sandali sa tapat ko at pinakatitigan akong muli. Hindi ko mabasa ang iniisip nito. Wala akong makitang reaksyon sa mukha nito. Pagkatapos nito ako titigan ay nilagpasan na ako nito at pinihit na nito ang seradora ng kwarto ni Hermes ng may naalala ako. "Ah, Ma'am Karla, naliligo pa po si sir Hermes." Sabi ko. Ngumiti lamang ito sa akin. "It's okay," at tuluyan na itong pumasok sa loob ng kwarto ni Hermes. Wala na akong magawa kundi ang tingnan na lamang ang nag-saradong pinto. Ganito ba sila kalapit sa isa't-isa at pati ang pagpasok sa kwarto ni Hermes ay wala man lang itong paalam? Mabigat ang paa na bumaba ako ng hagdan. Pagdating ko sa kusina ay parehong nagtatanong ang mga mata ni Trudis at Manang Nora. "O, bakit ganyan ang itsura mo?" bungad sa akin ni manang. "Wala po," wala kong ganang sagot. Naupo ako sa bakanteng upuan at nangalumbaba ako doon. Sa gilid ng mata ko ay lumapit si Trudis sa akin at bahagyang nilapit ang bibig sa aking tenga. "Kumusta naman ang tulog mo sa kwarto ni Sir Hermes? Nakakita ka na ba ng batuta?" bulong nito sa akin. Nang sulyapan ko ito ay may kapilyahan sa mga ngiti nito. "Anong batuta?" inosente kong tanong. Nanlaki ang mata nito at nilagay sa bibig ang hintuturo na nagpapahiwatig na h'wag akong maingay at hinaan lamang ang aking boses. Malakas kasi ang pagkakasabi ko niyon. Napasulyap naman si manang sa amin. "Hoy, Trudis! Huwag mong turuan ng kung ano-ano iyan si Yria. Palibhasa ang dami mong alam." Sabat ni manang at ipinagpatuloy ang ginagawa. Sumimangot naman si Trudis sa sinabi ni Manang Nora. "Manang, para sabihin ko sa inyo hindi pa ako nakatikim ng ano na iyan. Virgin pa po ako." Nakangisi nitong turan. "Maniwala ako sa'yo," tila nag-aasar na wika ni manang. Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila pero kung ano man iyon ay tiyak na mahalagang bagay. "Bakit nga pala nasa kwarto ako ni Hermes?" tanong ko sa kanila. "Nung nahimatay ka pinagtulungan ka namin buhatin ni manang sa sofa. Hindi na kami tumawag kay Sir Hermes kasi ang buong akala namin ay magkakamalay ka bago siya dumating. Hindi naman namin lubos akalain na darating siya ng mas maaga. Wala kaming nagawa kundi ang sabihin sa kan'ya ang nangyari." Paliwanag ni Trudis. "Hindi namin magawang magsinungaling sa kan'ya, Yria. Kaya kahit gusto namin pagtakpan ang ginawa ni Ma'am Helda sa'yo para hindi sila muling magtalo ni Sir Hermes ay sinabi namin sa kan'ya kung ano ang ginawa sa'yo ni Ma'am Helda. Natural lang na magalit si Sir Hermes dahil sa pananakit ng ina niya sa'yo. Mahal na mahal ka ni Sir Hermes, Yria. Kakalabanin n'ya kahit ang sarili niyang ina lalo na kapag nasaktan ka." Dagdag pa ni Manang Nora. Bumuntong hininga ako ng matapos ko marinig ang sinabi ni manang. Narinig ko pa ang impit na tili ni Trudis. "You and Me against all odds. Sana all may pag-ibig." Nakangiting turan ni Trudis. Pinakatitigan ko siya. Kung alam lang niya na may nagmamahal din sa kan'ya. Napaisip tuloy ako kung ilang araw mawawala si Gaston. Nakakalungkot dahil nahihirapan ang kapwa ko fairy. Nagkaroon tuloy ako ng ideya kung paano ako magpapalipas ng ilang araw ng lungkot. Siguro ay gawain ni Gaston na magpaalam kay Hermes kapag nawalan ng alaala si Trudis. Napaisip din tuloy ako kung ilang beses na nawalan ng alaala si Trudis. Sa isiping mawawalang muli ang alaala ni Hermes ay binalot ng lungkot ang puso ko. Hahayaan ko pa ba ulit mangyari iyon? "Yria," napukaw ang pag-iisip ko ng may tumawag sa akin mula sa likod. Ang nakangiting si Hermes ang aking nabungaran. Katabi nito si Karla na nakangiti. Parang pilit ulit ang ngiti niya dahil katabi niya si Hermes. Bakit pakiramdam ko may kakaiba sa mga ipinapakita niya? Lumapit si Hermes sa akin at hinawakan ako sa kamay. Inalalayan ako nitong tumayo. Nanunuot sa ilong ko ang presko nitong amoy. Dahil siguro iyon sa bago itong ligo. Lumapit kami kay Karla na nanatiling nakatitig sa amin. Lumipat ang tingin nito sa magkahawak naming kamay. "Karla, I want you to meet my forever." Hindi ako nakahuma ng sinabing iyon ni Hermes. Hindi ko inaasahan na sasabihin nito iyon sa harap ni Karla. Narinig ko naman ang impit na tili ni Trudis. Animo'y kinilig ito sa sinabi ni Hermes. Hinapit ako sa bewang ni Hermes. Sinulyapan ko ito at puno ng pagmamahal ang nakita ko sa mga mata nito. "So, I guess, kasalan na nga ang kasunod because you found again your forever, Hermes. I'm happy for you." Pagkasabi ni Karla niyon ay lumapit siya sa akin at niyakap ako. "H'wag mo na pakawalan si Hermes, Yria. Hindi ka na makakakita ng katulad niya." Dagdag pa niya. "Salamat," sambit ko. Tumugon ako ng yakap sa kan'ya ngunit mabilis naman siyang kumalas sa pagka-kayakap sa akin. Sumulyap siya kay Hermes at ito naman ang niyakap niya. Ngunit hindi ako sigurado pero iba ang yakap na iyon kahit pa sabihin kong hindi ko nararamdaman iyon dahil hindi ako ang yakap niya. Alam kong siya ang babaeng gusto ng ina ni Hermes. At base din sa nakikita ko kung paano niya yakapin si Hermes ay may pagtatangi siya para rito. Bakit parang madali na lang niyang tanggapin ang mayroon kami ni Hermes? Nang medyo matagal na ang yakapan nilang dalawa ay tumikhim ng malakas si Trudis. Saka naman unang umalis ng pagka-kayakap si Hermes kay Karla. Muli akong nilapit ni Hermes at hinawakan ang aking kamay at pinihit ako paharap. "I've finally met my forever angel. After five years hindi ko ini-expect na magmamahal akong muli." Buong pagmamahal nito akong tinitigan habang sinasabi nito iyon. Wala na nga yata itong pakialam sa mga taong nakapaligid sa amin. "Grabe! Maiihi ako sa kilig!" Sabat ni Trudis. Natawa naman kami pareho ni Hermes sa sinabing iyon ni Trudis. Napakamot na lang si Hermes sa ulo. "Pa'no, aalis na ako. Masaya ako para sa inyong dalawa." Nagpaalam na ito sa amin. Hinatid namin siya sa sasakyan. Bago siya pumasok sa sasakyan ay may kinuha siya sa bag. Ngunit nabitawan niya iyon kaya nahulog iyon sa kalsada. Mabilis ko iyon kinuha at binigay ko sa kan'ya. Mabilis naman nito kinuha ang hawak ko at nilagay sa bag niya. "You're taking medicine?" tanong ni Hermes na nasa likod ko. Sa tono ng boses nito ay tila hindi nito alam na umiinom ng gamot si Karla. Alanganin siyang ngumiti at tumango. "For what? Bakit hindi ko alam na may iniinom ka palang gamot?" Nagtatakang tanong ni Hermes. "S-sa migraine ko lang iyan. Don't worry about me. S-sige, aalis na ako." Nauutal nitong wika. Napansin ko din na nanginginig ang kamay nito at pinagpapawisan. Sumakay na si Karla sa sasakyan at nakangiting tumingin kay Hermes. Kumaway pa ito sa katabi ko. Nauna na din pumasok ng bahay si Hermes ngunit nanatili pa din akong nakatayo at nakatitig kay Karla na pinagmamasdan si Hermes papasok ng bahay. Hanggang sa hindi ko inaasahan ang tinging ipinukol niya sa akin. Napalis din ang ngiti niya ng magkasalubong ang aming mga mata. Kalauna'y tinuon na nito ang atensyon sa harap ng sasakyan ngunit hindi nakaligtas sa mata ko kung paano niya tingnan ang harapan ng sasakyan. Animo'y nakikipagtagisan siya ng tingin doon. Ang mga kamay niya na mariing nakalapat sa manibela at ang pagtagis ng kan'yang bagang na animo'y gustong manakit. Mabilis niyang pinaandar ang sasakyan na animo'y walang pakialam kung may masagi man ito. Pumasok na ako sa loob ng bahay ay palaisipan pa din sa akin ang ipinakitang iyon ni Karla. Hindi ako sigurado pero sa tingin ko ay may kakaiba nga sa kan'ya. "Hey! Are you alright? Tulala ka." Pukaw sa akin ni Hermes sa pag-iisip. "Okay lang ako," sabi ko ng nakangiti. "Where are you going?" tanong nito ng nakita akong humakbang. "Maghahain ako ng almusal natin para makakain na din tayo. Nakaramdam na din ako ng gutom." Pagkasabi ko niyon ay lumapit ito sa akin at niyakap ako. Napangiti ako sa ginawa nito. Parang hindi na natatapos ang araw na hindi ako nito niyayakap. "Gusto mo ba lumabas tayo? Hindi pa tayo nakakapamasyal na magkasama." Suhistyon nito. Umiling ako. Mas gugustuhin ko na lang na makasama ito sa loob ng bahay kaysa ang lumabas. Sa labas kasi ay hindi ko masusulit ang bawat oras dahil may mga nakikita kami. Isa pa, baka may makakita pa sa amin na kakilala nito. Ayaw kong mayroon pang nakakakilala sa akin. "If that's what you want, my angel." Ito na ang nagyaya sa akin sa kusina. Nakahain na si manang at kami na lang dalawa ang hinihintay. Masaya naming pinagsaluhan ang almusal. Pagkatapos niyon ay tumulong muna ako maglinis sa loob ng bahay kahit ayaw na ako patulungin ni Manang Nora at Trudis. Tumanggi ako sa gusto nila mangyari. Ayaw ko mag-iba ang tingin nila sa akin kahit pa mayroong namamagitan sa amin ni Hermes. Gusto ko kung paano nila ako nakilala ay ganoon pa din ang pakikitungo ko sa kanila. Naging abala din si Hermes ng maghapong iyon dahil may mga trabaho din itong ginawa na dinala nito sa bahay. May pagkakataon na tumatawag ito sa akin at kinukumusta ako kahit pa pareho naman kaming nasa iisang bahay. Pilit kong tinatago ang saya kapag tumatawag ito at tatanungin lamang kong kumusta na ako at sasabihing nami-miss na daw ako. Kapag tumutunog kasi ang cellphone ko ay napapatingin naman ang dalawa kong kasama. Animo'y hinihintay ng mga ito kung ano ang sasabihin ko. Natatawa na lamang ako sa mga ito. Ngayon nga ay sabik na akong makita ito dahil hindi ko ito nakita maghapon. Nagpadala na lang din ito ng pagkain sa kwarto nito ngunit si Trudis na lang muna ang pinadala ko dahil abala ako sa ginagawa ko. Alas-syete na ng gabi at maghahapunan na kami. Sana naman ay wala na itong ginagawa. Kakatok na sana ako ng marinig ko itong may kausap. Marahil sa cellphone nito. Hinayaan ko muna itong matapos sa pakikipag-usap nito. "Where is that f*****g bastard?!" tanong nito sa kausap na may diin ang pagkakabigkas. "I don't care! Basta hanapin n'yo s'ya kahit saang planeta pa s'ya nandoon! H'wag kayong magre-report sa akin na wala kayong ibabalitang maganda!" Sigaw nito sa kausap. "f**k!" Nanatili pa din ako sa harap ng pinto at hinintay ko itong magsalita muli ngunit ilang segundo na ang nakalilipas ay hindi ko na ito narinig magsalita. Mukhang mainit yata ang ulo nito kaya minabuti ko na lamang na hindi na ito katukin. Siguro ay bababa ito ng kusa dahil alam naman nito ang oras ng kain. "Can you come?" sabi nito. Tumigil ako sa paghakbang dahil sana ay paalis na ako. Sino ang tinutukoy nitong pupunta? Bumaba na din ang boses nito. "Yeah, tomorrow night. Okay, thank you. I will expect you. H'wag mo ako paasahin." Dugtong pa nito. Sino kaya ang kausap nito at mukhang importante ang magaganap bukas? Ano kayang mayroon bukas? Bakit hindi ko yata alam at wala din nababanggit si Manang Nora at Trudis. Humarap na akong muli sa pinto nito dahil hindi ko na ito narinig pang nagsalita. Kakatokin ko na sana ito ng biglang naman iyong bumukas. Kaya naman naiwan sa ere ang kamay ko. Salubong ang kilay nito ng tingnan ako. "Kanina ka pa?" nagtatakang tanong nito. "Hindi naman," nakangiti kong turan. Nang bigla akong napaisip. Bakit hindi na nito nalaman na nasa harap na ako ng kwarto nito? Dapat ay alam na nito na nandoon na ako lalo pa at kanina pa ako nakatayo sa harap ng kwarto nito. Hindi na ba nito ako naaamoy? "Did you changed your perfume?" tanong nito. "Hindi nga ako gumagamit ng tinutukoy mong iyon." Sagot ko at sumimangot. Lumapit ito sa akin at inamoy ako. Ang reaksyon nito na tila hindi makapaniwala. "Are you sure? That's why I'm asking you kung nagpalit ka dahil wala yata ako maamoy sa'yo." Paninigurado pa nito. Lalo akong napaisip. Ibig sabihin hindi na nga ako nito naaamoy. Pero bakit? "H-hindi ko alam, Hermes." Bagkos ay sabi ko na lamang. Ngumiti lamang ito at hinawakan ang aking kamay. Pinagsalikop pa nito iyon. "Bukas mamasyal muna kayo ni Trudis." Nakangiti nitong wika habang hinahaplos ng isang kamay nito ang aking pisngi. Kumunot naman ang aking noo dahil tila yata tinataboy ako nito. "Bakit? May bisita ka?" hindi ko napigilang sabihin. Tila naman nagulat pa ito sa aking sinabi. Tumawa muna ito bago ako niyakap. "I missed you. Kulang ang araw ko kapag hindi ko nasisilayan ang maganda at maamo mong mukha." Bagkos ay sabi nito. "Ang layo ng sagot mo, Hermes." Halata sa boses ko ang pagkairita dahil sa sinagot nito. Hindi kaya si Karla ang papupuntahin nito dito sa bahay kaya nito kami pinapalabas ni Trudis bukas? Sa isiping iyon ay nakaramdam ako ng pagkainis. "Gusto ko mag-enjoy ka bukas. Simula ng dumating ka dito sa bahay hindi yata kita nakitang lumabas man lang. "Pa'no kung ayaw ko?" panghahamon ko rito. Tumawa lamang ito. "I insist. You need to go somewhere else. Sasabihan ko si Trudis na lumabas kayo bukas and that is final." Maawtoridad nitong wika. Wala n akong nagawa kun'di ang sumang-ayon na lamang. Kung may plano itong papuntahin sa bahay nito si Karla ay bakit kailangan kong magmukmok? Hindi maaaring ito lang ang masaya. Habang nasa labas ako ay susulitin ko ang oras. Pagkakataon ko na din iyon para magsaya habang nandito pa ako sa lupa. Ngunit mas masaya sana kung kasama din ito. Ang isiping makakasama nito si Karla bukas habang wala ako ay labis na ikinalungkot ng aking puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD