KABANATA 24

2123 Words
KABANATA 24 Yria's POV Nang araw din iyon ay tinawagan ko si Gaston. Ngunit hindi ko ito makontak. Napag-isip-isip ko din baka gusto nito mapag-isa kaya hindi ko na ito tinawagan pa. Sinabi ko din kay Manang Nora na hanggat maaari ay h'wag na muna banggitin ang pangalan ni Gaston kay Trudis. Nagtanong ito pero hindi ko na ito binigyan ng sagot. Nalulungkot ako para sa kanilang dalawa. Mas higit para kay Gaston. Nararanasan ko ang nararamdaman nito. Masakit para sa amin na pigilan ang aming gustong gawin sa taong mahal namin dahil alam namin ang magiging kapalit niyon. Kaya pala ganoon na lang ito mag-alala sa akin. Hindi kaya alam nito na ginagamit ko ang kakayahan ko dito sa lupa kaya pinaalala nito sa akin na dapat kong iwasan ang dapat iwasan dahil hindi iyon makabubuti para sa akin? Bakit hindi ko man lang nahalata na isa din pala siyang fairy? Sadyang magaling lang siguro magtago ng pagkatao si Gaston. Kailan pa kaya siya dito sa lupa? Masasagot lang ang mga katanungan ko kapag bumalik na siya. Nasa kusina ako ng may marinig ako na tila nagtatalo sa labas. Boses babae iyon at si manang ang kausap. Lumabas ako para silipin kung sino ang kausap nito. Nakita ko ding lumabas ng kwarto namin si Trudis. Ang galit na ina ni Hermes ang aking nabungaran paglabas ko ng kusina. Nakikipagtalo ito kay Manang Nora. Nang mapansin nito ang prisensya ko ay mabilis itong lumapit sa akin. "You!" Duro nito sa akin at isang nakabibinging sampal ang aking natanggap mula rito. Narinig ko naman ang singhap ni Manang Nora at Trudis. Marahil nagulat ang mga ito sa ginawa sa akin ng ina ni Hermes. Sapo ang parte ng aking pisngi na sinampal nito ay tumingin ako sa ginang. Nagtatanong ang mga matang tiningnan ko ito. "Katulong ka lang dito, tandaan mo 'yan! Wala kang karapatan sa anak ko! Sisirain mo lang ang buhay niya. Hindi ikaw ang gusto ko para sa anak ko!" Muli ako nitong sinampal na nagpaatras sa akin. Sa pagkakataong iyon ay lumapit na sa akin si Manang at si Trudis. Nag-aalala ang mga itong tiningnan ako. Binalingan ni manang ang ina ni Helda. "Tama na ma'am. Mahal ni Sir Hermes si Yria. Wala na po kayong magagawa doon." Pagtatanggol nito sa akin. "No! I don't like her! Hindi siya ang gusto ko. Isa lamang siya sa gustong humuthot ng pera kaya pinatulan ang anak ko!" Duro nito sa akin. Nanggagalaiti ito sa galit. Sa puti nito ay namumula na ang mukha nito. Halos maglabasan na ang mga litid ng ugat nito sa leeg. Alam na nito kung ano ang mayroon kami ni Hermes. Malaki nga ang pagkadisgusto nito sa akin. Saka ko lang napagtanto na hindi lahat ng tao ay tatanggapin ang katulad ko na ganito lamang ang estado sa buhay. Alam ko na isa akong fairy at nagpanggap lamang na isang ordinaryong tao. Pero ang isipin na minamaliit nito ang pagiging isang tagasilbi ay labis akong nanlumo. Tama nga na sa mundong ito ay hindi pantay pantay ang tingin ng ibang tao lalo na sa katulad nitong mataas ang antas ng pamumuhay. "Bakit po? Paghihiwalayin n'yo din ba silang dalawa tulad ng ginawa ninyo kay Sir Hermes at Yssa?" Sagot ni Manang Nora na ikinatigil nito. Nagbago ang ekspresyon nito ng nabanggit ni manang ang pangalan ng dating kasintahan ni Hermes. Nakwento na sa akin ni manang kung gaano minahal ni Hermes noon si Yssa ng nabubuhay pa ito at kung gaano kadisguto si Yssa noon ng ina ni Hermes. Ngunit wala na din nagawa ang ina ni Hermes ng pinili nito si Yssa. Tumawa ng pagak ang ina ni Hermes at nakangisi na tumingin sa akin. "Now I know. I finally realized kung bakit ka pinatulan ng anak ko. H'wag kang assuming na mahal ka ni Hermes. Nakikita niya sa'yo si Yssa. Hindi mo ba alam na may pagkakapareho kayo ni Yssa?" Humalakhak pa ito na tila nanalo sa isang pakikipaglaban. "Hindi totoo 'yan, Ma'am Helda! Nakikita namin kung gaano kamahal ni Sir Hermes si Yria. Mahal ni Sir Hermes si Yria dahil naiiba si Yria. Kung ano ang mayroon sila ngayon ay respetohin n'yo na lang. Para na lang sana sa kaligayan ng anak n'yo!" Sabat ni Trudis. "How dare you!" Sinampal din nito si Trudis. Siguro ang sampalin ako nito ay ayos lang sa akin. Pero ang idamay nito si Trudis ay hindi ko na mapapalampas. Pasimple kong pinitik ang aking daliri. Gusto ko maramdaman nito ang sampal na pinaranas nito sa akin at kay Trudis. Nakita ko kung paano muling nagbago ang reaksyon nito sa mukha. Tila nasaktan ito. Hawak nito ang pisngi at muling sumulyap sa akin. "You! Hindi pa tayo tapos. Babalik ako, at sa pagbalik ko kakaladkadin kita sa labas ng pamamahay ng anak ko!" Sabi nito at sapo ang pisngi ay tuluyan na itong lumabas ng bahay. Nang makaalis ito ay binalingan ako ni manang at ni Trudis. Nag-aalalang tiningnan nila ako. Ngumiti ako ngunit kalauna'y nanlabo ang aking paningin at tuluyan na akong nawalan ng malay. Naalimpungatan ako sa isang marahang haplos sa aking pisngi. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata at nakita ko ang nag-aalalang si Hermes. Napangiti ako ng makita ko ito. "Kanina ka pa?" Mahina kong wika. "Yes," tipid nitong tugon. "I'm sorry." Dugtong nito. "Para saan?" "She hurt you." Malungkot nitong wika. Bumangon ako at tumabi ako ng upo sa kan'ya. Humilig ako sa balikat niya at pinulupot ko ang aking braso sa braso niya. "H'wag mo na isipin iyon. Iniisip ka lang ng mama mo kaya n'ya iyon nagawa." "Pero hindi n'ya dapat ginawa iyon. Hindi ko ito mapapalampas." May determinasyon sa sinabi nito. Hindi ko hahayaan na magkasira ang mag-ina ng dahil sa akin. Ayaw ko na dumating ang araw na umalis ako pero ang relasyon nilang mag-ina ay nasira ng dahil sa akin. "Kumain ka na ba, paghahanda lang kita?" Pagkasabi ko niyon ay tumayo ako. Saka ko lang napagtanto na wala ako sa kwarto namin ni Trudis. "Kumain na ako. Madaling araw na, Yria." Natigilan ako sa sinabi nito. Nawalan lang ako ng malay, hindi ako natutulog. Hindi ko akalain na ganoon ang magiging epekto sa akin ng ginawa ko. Dahil kaya siguro hindi ko ginamit iyon sa kabutihan? "Ganoon ba? Magpahinga ka na, Hermes. Pupunta na ako sa kwarto namin ni Trudis." hawak ko na ang seradora ng pinto ng yakapin niya ako mula sa likod. Napapikit ako sa paraan ng pagyakap nito sa akin. Gusto ko namnamin ang yakap nito. "Stay, Yria. Dito ka na lang matulog." Nakikiusap nitong wika. "P-pero," "Please, my angel. Kahit ngayon lang." Tila naman hinaplos ang aking puso ng banggitin nito ang tawag sa akin. Bumuntong hininga ako at humarap sa kan'ya. Sinapo ng kamay ko ang kabilang bahagi ng pisngi nito. Gusto ko din malaman kung totoo nga ang sinabi ng ina nito kung bakit ako nito minahal. "Sabihin mo sa'kin ang totoo, Hermes. Hindi ako magagalit kung magsasabi ka ng totoo," sabi ko habang nakatitig sa kan'ya. "What is it?" "Totoo ba na minahal mo lang ako dahil nakikita mo sa akin ang dati mong kasintahan na si Yssa?" Malungkot kong wika. Kung totoo nga ang sinabi ng ina nito na may pagkakapareho kami ni Yssa ay masakit para sa akin na malaman kung sa bibig nito mismo manggaling. Pero kailangan kong tanggapin ang katotohanan na nakikita lamang nito sa akin si Yssa kaya ako nito minahal. Nakita ko kung paano nagbago ang ekspresyon nito sa mukha. Tila hindi nito inaasahan ang tinanong ko. Nagsalubong ang kilay nito at dumilim ang mukha. "Who told you that? Si mama ba?" Nagtagisan ang mga bagang nito. Tinanggal ko ang kamay sa mukha niya at bahagya akong lumayo. Yumuko ako at tumalikod na ako sa kan'ya. Hindi ko na dapat tinanong iyon. "Yes," sambit nito na ikinatigil ko sa pag-hakbang. May kung anong tumusok sa puso ko sa tatlong letrang iyon. Maikli lamang pero sapat na para masaktan ako. "S-salamat sa sagot." Gumaralgal ang boses ko. Nagpatuloy ako sa paghakbang. Siguro nga ay tama ang mga Guardian Fairy. Walang puwang ang mga katulad namin sa mundo ng mga tao. Parang pinira-piraso ang puso ko dahil sa sinabi nito. Mas masakit pala talaga kapag galing sa mismong bibig ng taong mahal mo. "But I love the way you are, Yria." Muli akong natigilan sa sinabi nito. "Oo, totoo nga nakikita ko sa'yo si Yssa. Madami kayong pagkakapareho pero may pagkakaiba pa din kayong dalawa…" Naramdaman ko ang paghawak nito sa aking braso at pinihit ako paharap. Hindi ako tumingin sa kan'ya dahil oras na gawin ko iyon ay tuluyan ng tutulo ang nagbabadyang luha sa aking mata. Hinawakan niya ang aking kamay at tinapat iyon sa kan'yang dibdib. Nanatili naman akong nakayuko. "Noon siya ang laman nito, pero ngayon… ikaw na Yria. Ikaw na ang paulit-ulit na tinitibok nito." Puno ng sensiridad ang boses nito. Sa pagkakataong iyon ay tumingin na ako sa kan'ya. Ang mata nito na puno ng pagsusumamo. Ipinaparating niyon na paniwalaan ko ang mga sinasabi niya. Muli kong sinapo ang mukha nito at ngumiti. "Naniniwala ako," sabi ko. Umaliwalas ang mukha nito at niyakap ako. Nang gabing iyon ay sumang-ayon na ako na sa kwarto nito ako matulog. Wala naman itong ginawang kakaiba maliban sa paghalik-halik nito sa aking noo. Hindi naman ako nakatulog ng maayos dahil baka nakawan ako nito ng halik. Mas maganda na ang sigurado. Naging alerto pa din ako sa tabi nito. Nagising na lamang ako sa sikat ng araw na dumadampi sa aking mukha. Gumalaw ako ngunit may natamaan yata akong matigas na bagay sa ilalim ng kumot. Dahil nagkaroon ako ng interes na alamin iyon ay sinilip ko ang bagay na iyon. Kumunot pa ang aking noo ng makita ko na may tila nakatayo sa suot na pang-ibaba ni Hermes. Marahan kong ginalaw ang aking kamay para sana hawakan iyon ngunit narinig kong mahinang umungol ang aking katabi na mahimbing pa din natutulog. Hinayaan ko lang itong matulog dahil alam kong pagod ito at madaling araw na din kami pareho nakatulog. Araw ng pahinga naman nito kaya ayos lang kahit anong oras ito gumising. Dahil nakayakap ito sa akin ay tinanggal ko ang kamay nito na nakapulot sa aking bewang. Malapit ko ng mahawakan ang nakatayong bagay na iyon. "That's not a good idea, my angel." Paos nitong wika na ikinaangat ko ng mukha. "Bakit?" Inosente kong tanong. Tumawa ito ng mahina at hinalikan ako sa noo. "Mas lalong magigising ang natutulog kong sawa." Sagot nito na lalo ko pang ikinakunot ng noo. "Hindi ko maintindihan." Muli itong tumawa. "Masyado kang inosente sa lahat ng bagay. Soon you'll know kapag kinasal na tayo." Sabi nito at niyakap ako. "Maghahanda ako ng almusal natin," sabi ko at yumakap na din ako rito. "Later, I just want to enjoy this moment with you." Matagal kami sa ganoong posisyon ng tumunog ang cellphone nito. Kinuha nito iyon ngunit tiningnan lamang nito at muling binalik. "Sino 'yun?" "Nothing," "Baka importante," "Wala ng mas importante pa sa'yo, Yria." Sabi nito ng hindi ako sinusulyapan. Nanatili lamang itong nakayakap sa akin. Kalauna'y nakumbinsi ko na din ito na bumangon at mag-almusal na. Nakakahiya din kay Manang Nora at Trudis na hindi ako tumulong ng gawaing bahay sa kanila. Ang sabi nito ay maliligo daw muna ito kaya mauna na akong bumaba. Palabas na ako ng kwarto nito ng hawakan ako nito sa kamay. Pumihit ako paharap dito. Nakangisi ito ng tingnan ko. "Parang gusto ko may kasabay maligo," sabi nito na hindi nawawala ang ngisi sa labi. "H-ha?" tanging nasambit ko. Naglakad kami at sumunod lamang ako sa kan'ya. Huminto ito at humarap sa akin. Nakangisi ito ng sulyapan ako. "Sasabay ka talaga maligo sa akin?" Naninigurado nitong tanong. "Pwede ba iyon?" Inosente kong tanong. Humugot ito ng malalim na buntong hininga. "Payakap nga sandali," sabi nito at hinila ako papalapit sabay yakap. "You know what, kung hindi lang kita nirerespeto baka sinamantala ko na ang kainosentehan mo." Mahigpit ako nitong niyakap. Tumugon naman ako ng yakap rito. "Pasensya na, madami akong hindi alam. Bakit mo ako nagustuhan samantalang para akong bata na walang muwang sa mundo?" Tanong ko. "I told you, ikaw ang tinitibok ng puso ko. Kaya kahit wala kang alam ay mamahalin ko ang kainosentehan mo." Paliwanag nito. Kumawala na ito sa pagkakayakap sa akin. "Sige na at baka hindi na ako makapagtimpi." Natatawang taboy nito sa akin. Wala na akong nagawa kun'di ang lumabas ng kwarto nito ngunit nagulat ako sa aking nabungaran. Hindi ako sigurado pero kakaiba ang titig na iyon ngunit kalauna'y nawala ng magkasalubong ang aming mga mata. "Ma'am Karla, kayo po pala."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD