KABANATA 18

2307 Words
KABANATA 18-t***k NG PUSO Hermes's POV Napahawak ako sa aking dibdib habang pinapakinggan ko ang awiting iyon. Pareho pa pala kami ng gustong kanta. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko kapag nasa malapit siya. May pagkakataon na parang may kulang ngunit hindi ko alam kung ano iyon. Sa mga nakalipas na araw ay palagi na lang mainit ang aking ulo. Hindi ko mahagilap si Henry. Pati mga kaibigan nito ay hindi alam kung nasaan ang magaling kong pinsan. Hindi ako titigil na hanapin ang kumag na iyon. Pinagkatiwalaan ko siya sa aking kompanya tapos ganito lang ang igaganti niya sa akin. Sa mga nakalipas din na araw ay paulit-ulit kong napapanaginipan ang mukha ng babaeng iyon. Gumigising na lang ako na malakas ang t***k ng puso ko. Hindi ko siya kilala. Pero pakiramdam ko malapit lang siya sa akin. Iisa kaya ang babaeng palaging nasa panaginip ko at si Yria? Ang palaisipan sa akin ay hindi ko pa nakita ang babaeng iyon kahit pa noong nakakakita pa ako. Saan ko siya nakita? "Sir, nandito na po tayo," saad ni Gaston. Huminga ako ng malalim. Ngayon na lang ulit ako makakaapak sa lugar na ito. Ang lugar kung saan binuhos ko ang lahat ng pagod at puyat. Ngunit malalagay sa peligro dahil sa kapabayaan ng taong pinagkatiwalaan ko. Naramdaman ko ang pagbukas ng sasakyan. Pababa na ako ng may humawak sa kamay ko. Napapikit ako sa pagdantay ng kamay na iyon sa aking balat. Pakiramdam ko ay nahawakan ko na ang kamay na iyon. "Magiging maayos din ang lahat, sir." Pagpapalakas loob nito sa akin. Kahit paano'y nabawasan ang pag-iisip ko sa sinabi nito. Gusto ko lang hawakan niya ang kamay ko dahil pakiramdam ko nawawala ang lahat ng problema ko. Para namang gusto ko habulin ang kamay niya ng inalis niya iyon sa pagkakahawak sa aking kamay. Ngunit hindi ako dapat magpadala sa nararamdaman ko dahil hindi ko talaga maalala na nakasama ko na siya. Pagbaba ko ng sasakyan ay mabilis siyang umalalay sa akin. Iyon ang dahilan ko kaya pinasama ko siya. May aalalay sa akin patungo sa opisina. Hindi na nga dapat dahil tinawagan ko na ang sekretarya ko. Ewan ko ba, gusto ko siyang nasa malapit. "Wow! Ang ganda naman dito." Bulalas nito habang naglalakad kami. "H'wag ka ngang ingnorante. Baka kung ano isipin ng mga nakakakita sa'yo, na ngayon ka lang nakakita ng ganito." Sabi ko kahit pa ang lakas ng t***k ng puso ko . Paraan ko na din iyon para maibsan ang kakaibang nararamdaman ko dahil sa pagkakadantay ng kamay niya sa aking balat. "Good morning, Sir Hermes!" Masiglang bati sa akin ni Sheryl, ang aking sekretarya. "Good morning. Are they already there?" Tukoy ko sa mga aking ka-meeting. "Yes, sir. They're waiting for you at the conference room." Sagot nito. "Okay, let's go." Bawat madadaanan ko ay binabati ako. Nararamdaman ko sa kanila na hindi nawawala ang respeto nila sa akin. Masaya silang makita ako. Sabik sila sa pamamalakad ko. Kaya ko bang biguin ang mga taong umaasa sa kompanya ko? "Ang ganda naman n'ya. Girlfriend ba siya ni Sir Hermes?" "Baka, kasi tingnan mo naman kung makakapit kay sir." Dinig kong bulungan ng mga nakakasalubong ko. Pinipigilan ko ang mapangiti dahil hindi na pag-alalay ang ginagawa nito sa akin. Naka-angkla na ito sa aking braso. Hindi yata nito alintana na pinag-uusapan ito ng mga nakakakita sa amin. Maganda daw siya. Talaga ba? Gusto ko batukan ang sarili nagkaroon pa ako ng interes na alamin pa iyon. Pagdating sa taas ay pinaiwan ko na siya sa labas at pinaghintay ko muna sa aking dating opisina. Hindi ko iyon pinagamit kay Henry. Mabilis ko lang tatapusin ang meeting at uuwi na kami. Ayoko siya paghintayin ng matagal. Ang sekretarya ko na ang umalalay sa akin papasok ng conference room. Pagpasok ko sa loob ay tumigil ang usapan ng makita nila ako. "Does he have no plans to have surgery?" dinig kong sabi ng isa. "How will he handle the company if he is blind?" Dagdag pa ng isa. "I will answer all your questions when we are done with the meeting. For now, let's start." Maawtoridad kong wika at naupo. Sa ngayon babaliwalain ko muna ang mga sinasabi nila. Kailangan kong maisalba ang kompanya ko. Hindi ko hahayaang bumagsak ito at maapektohan ang mga empleyado ko. Hindi ko hahayaan na mawalan ng trabaho ang mga ito. Pinag-usapan namin ang mga dapat gawin at kung paano masosolusyunan ang problema na kinakaharap ng kompanya. Nagbitaw ako ng salita sa kanila na ibabangon ko ang kompanya. Makakaasa sila na gagawin ko ang lahat para maiahon ang iniwang problema ni Henry. May ibang investors na gusto bawiin ang pera nila. Baka daw ay tuluyan ng malugi ang kompanya ay wala na silang makuha. Sa akin ay ayos lang na ibalik ang perang in-invest nila dahil pera naman nila iyon. Pero sinabi ko na bigyan nila ako ng pagkakataon na maiahon ko ang kompanya. "You said earlier about how I can run this company because I'm blind…" Pukaw ko sa kanila dahil wala pa din tigil ang bulungan kung paano ko mapapalakad ang kompanya kung bulag ako. "What is it, Mister Alejandro? We will not be complacent if the blind lead us. We will really be forced to take the money we have invested." Nasaktan ako sa sinabi ng isang investors kaya hindi ako papayag na mauwi lang sa wala ang pinaghirapan ko. "I'm going to make an appointment for surgery. Just give me time. I hope when I return you will still be with me in my company." May determinasyon sa sinabi ko. May dahilan na din ako para magpa-opera. Gusto ko makasiguro kung iisa nga ang babaeng nasa panaginip ko at ang babaeng nasa opisina ko ngayon. "Well, that's a good news Mister Alejandro. How about your cousin. What is your plan?" Tanong ng isa. "I hired someone to look for him. Don't worry, ihaharap ko s'ya sa inyo kapag nahanap ko na s'ya. Hindi ko mapapalampas ang ginawa niya. Kung maaari sana ay sa atin na lang muna ang pagpapa-opera ko. Ayoko itong malaman ng iba." "Finally, Hermes, your back. Bumalik na ang boss ng kompanya. I think we give him a round of applause, hmm?" Mister Gregorio's said. Pagkatapos nito iyon sabihin ay hindi ko napigilan ang mapangiti. Napuno din ng palakpakan ang loob ng silid. Napapailing na din lamang ako. Palibhasa malapit na kaibigan ng papa ko kaya ganito niya ako tratuhin. Hindi ako nagsisisi na nanatili siyang nasa kompanya kahit namayapa na ang aking ama. Nagpapasalamat ako dahil kasama ko pa din siya. Nagpapasalamat din ako sa kan'ya dahil siya ang naging daan para malaman ko na papalugi na pala ang kompanya ko. Nang matapos ang meeting ay nagpaalam na ako sa kanila. Hindi ako nagbigay ng eksaktong araw kung kailan ako makakabalik ng kompanya dahil kailangan ko pa magpa-appointment ng surgery. Pero sana maoperahan ako agad dahil kailangan na ako ng kompanya at ng mga empleyado ko. Hindi ko sila maaaring biguin. Bago ako lumabas ng conference room ay isa-isa nila akong kinamayan. Nagpapasalamat sila dahil babalik na ako. Alam nila kung paano ako mamalakad ng kompanya. "I'm glad you're back, Hermes," sabi ni Tito Marlon at umakbay sa akin. "Thank you for informing me, Tito Marlon. Kung hindi dahil sa'yo ay baka tuluyan ng nawala ang kompanya ng papa ko." Taos puso ang pasasalamat ko dahil sa kan'ya. "Thank me kapag maayos na ang lahat, Hermes. Sana naman kapag okay na ang kompanya ay ang susunod na sasabihin mo ay magpapakasal ka na." Sabi nito na ikinatigil ko. Tumawa ako sa tinuran nito. Hindi ko alam kung biro iyon pero natawa ako. Alam naman nito na limang taon na akong walang girlfriend. Hindi na ako nagkaroon ng girlfriend simula ng mawala si Yssa. Sino naman ding babae ang gusto magkaroon ng boyfriend na bulag? "I'm not joking, Hermes. You're not getting any younger. Kailangan mo na ng makakasama sa buhay. Anyway, she's beautiful. Matutuwa ang papa mo kapag pinakilala mo siya sa kan'ya." Sabi nito na ikinakunot ng aking noo. Sino ang tinutukoy nito? "Who are you talking about?" Takang tanong ko. Siniko niya ako ng bahagya sa tagiliran. "Come on, I know you like her. Bilisan mo at baka maunahan ka pa ng iba. Lalo na nung party madaming mata ang nakatingin sa kasama mo. Ikaw din, baka pagsisihan mong hindi ka nagtapat sa kan'ya." Pagkasabi nito iyon ay nagpaalam na ito. Palaisipan sa akin ang sinabi nito. Ang kasama ko nung party ay si Manang Nora at si Trudis. Sino ang tinutukoy nito na kasama ko? "Sir, tayo na po sa opisina ninyo." Yaya sa akin ni Sheryl. Inalalayan niya ako patungo sa aking opisina. Sabik na akong tunguhin iyon. Matagal na akong hindi nakakatuntong sa aking opisina. Isa pa, hindi lang basta gusto ko na iyon puntahan, bagkos ay nandoon ang babaeng gusto ko ng makita. Pagkapasok namin ng opisina ay dinig ko ang awiting gustong gusto nito. Pambihira, hindi ba siya nagsasawang pakinggan iyon? Napakaganda ng tinig nito habang sumasabay sa awitin. Gusto ko iyon pakinggan ngunit huminto ito ng marahil ay mapansin nito ang presensya ko. "Nandito na po pala kayo. Tapos na po ang meeting?" Tanong nito at agad akong inalalayan. Bawat dantay ng balat nito sa aking balat ay nakakaramdam ako ng pang-iinit. Fuck! Ngayon pa talaga ako nag-isip ng ganito? "Yes," tipid kong sagot habang naglalakad kami. Pinaupo niya ako sa sofa. Sinandal ko ang aking ulo at likod. Huminga ako ng malalim. Nakaramdam ako ng kaginhawahan. Sa dami ng pinag-usapan namin ay para na akong hindi makahinga. "Sir, may kailangan pa po ba kayo?" tanong ni Sheryl. "What time is it?" "It's eleven thirty, sir." "Pwede mo ba kami i-order ng pagkain? Make it three, patawag na din si Gaston. Thanks." Utos ko at ipinikit ko ang aking mata. "Copy, sir." Narinig kong nagsara ang pinto. Napuno ng katahimikan ang loob ng aking opisina. Pakiramdam ko na naman ay tinititigan niya ako. "Wala ka bang gagawin kun'di ang titigan ako?" Sambit ko. "Hindi ko kayo tinititigan. Ganoon na ba kayo ka-shunga para titigan ko kayo?" Nang sinabi nito iyon ay iminulat ko ang aking mata. Tinawag niya akong shunga? Sino ba siya sa akala niya? Inalis ko ang aking ulo sa pagkakasandal sa sofa. "What did you just say to me?" Hindi ako galit pero hindi naman ako naiinis sa sinabi niya. Nagtataka lang ako kasi bakit niya ako tinawag na shunga? Alam ba niya ang ibig sabihin niyon? "P-po?" "I said, what did you say?" "Ang alin?" "Dammit!" "Alin po ba?" "Yung sinabi mong shunga ako. Hindi mo ba alam kung ano ibig sabihin nun?" Hindi ko na napigilan ang mairita sa kan'ya. Siya pa lang ang nagsabing shunga ako. "Alam ko," Natigilan ako sa sinabi nito. Alam nito, ibig sabihin shunga ako sa paningin niya? What kind of woman is she? Okay lang ba siya? "Hindi mo ba alam kung sino ang kausap mo?" Bagkos ay sabi ko sa kan'ya. Hindi ako makapaniwala na sinabi niya iyon. Minsan ko ng narinig iyon kay Trudis na sabihin kay Gaston. Pero ang lumabas iyon sa bibig nito at sabihin sa akin ay talagang hindi ako makapaniwala. "Kilala ko po kayo. Kayo si Hermes John Alejandro." Banggit nito sa buong pangalan ko. Isa lang ang namumukod tanging sumasambit ng buong pangalan ko. Iyon ay si Yssa. Kung paano iyon sabihin ni Yssa ay ganoon din nito iyon sabihin. "Itigil mo ang pagtawag sa akin ng pangalan ko. I don't like it. Hindi din ako shunga." Napapalatak ako. "Sir, pinapatawag po ninyo ako?" Putol ni Gaston sa pag-uusap namin. Iminwestra ko ang aking kamay para maupo ito. "Kumain muna tayo bago umuwi." Seryoso kong wika. "Gaston, saan ang banyo dito?" tanong nito. "Samahan na kita," sabi ni Gaston na lalo kong ikinairita. "Sasamahan mo s'ya?" Paninigurado ko. "Opo, tapos babalik din po ako," saad nito. Nahimasmasan naman ako sa sinabi nito. What am I thinking? Natatawa ako sa sarili ko. "Ang sungit talaga ng amo n'yo." Narinig ko pang mahinang sabi nito. "Naririnig kita, Yria." Sabi ko na pinipigilan mangiti. Narinig ko pa itong humagikgik bago lumabas ng opisina. Siya ang namumukod tanging babae na wala pakialam sa sasabihin ko. She's impossible and different. Kakaiba siya, at may kakaiba sa kan'ya. Kung ano man iyon ay malalaman ko din sa tamang panahon. Sandali lang nawala si Gaston at kalauna'y bumalik na ito. Malapit lang kasi ang banyo sa palapag na iyon. Pinasadya ko talaga na bawat palapag ay may banyo para sa mga empleyado. "Gaston," "Sir," "Ang sabi ni Yria, shunga daw ako." Hindi ko mapigilan ang matawa sa sinabi ko. "Sinabi n'ya po iyon?" Hindi makapaniwalang tanong ni Gaston. "Yes. Shunga ako sa paningin niya." Ang tawa ay naging halakhak. I think I'm crazy. It's because of her. "Ah, kasi sir...yung shunga po kasi para kay Yria, iba ang ibig sabihin," tila nahihirapan pa ito ipaliwanag sa akin iyon. Nagsalubong ang aking kilay. May Ibang ibig sabihin kay Yria ang salitang iyon? May sarili ba itong lenggwahe? "What are you trying to say, Gaston?" Narinig ko ang pagbuga nito ng hangin. Ganoon ba kahirap ipaliwanag ang salitang iyon? "Naikwento po kasi sa akin ni Trudis na binigyan niya ng ibang depenisyon ang maganda kay Yria. Hindi lubos akalain ni Trudis na seseryosohin pala iyon ni Yria," paliwanag nito. Hinintay ko siyang magpatuloy. "And…" "Ang shunga po para kay Yria ay...gwapo kayo sir sa paningin niya." Napaawang ang bibig ko sa sinabi nito. Hindi ko napigilan ang mapangiti. Really? Gwapo ako sa paningin niya. May kung anong tuwa ang bumalot sa puso ko. Kakaiba man siya ay nabibigyan niya ako ng kasiyahan. Lalo na ng malaman ko na gwapo pala ako sa mata niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD