KABANATA 16-NAKALIMUTANG ALAALA
Hermes's POV
Hindi ako mapakali sa aking higaan. Hindi ko alam kung anong oras na pero nananatili pa din akong gising.
Umupo ako mula sa pagkakahiga.
Hindi ko maalalang nagpa-appointment ako sa Ophthalmologist ko ng operasyon. Bakit madami akong hindi matandaan? Isa pa, hindi na sumagi sa isip ko ang magpaopera.
"f**k! I'm just thirty five. Ganoon na ba ako katanda para hindi ko maalala iyon?"
Kilala akong matandain sa lahat ng bagay. Bakit ngayon hindi ko matandaan iyon? Nang bigla akong natigilan.
"Yria," sambit ko sa pangalan niya.
Bakit parang narinig ko na ang pangalan na iyon?
Hindi ko din maalala na nag-hire ako ng bagong katulong. Hindi ko naman siya napansin ng buong araw. Kailan ako tumanggap ng bagong katulong?
Ipinilig ko ang aking ulo. Magtatanong na lang ako kay Manang Nora.
Kinapa ko ang aking baston at nagsimula na akong maglakad. Kinapa ko ang seradora at pinihit iyon.
Paglabas ko ng kwarto ay may narinig akong mga yabag.
Marahan akong bumaba ng hagdan. Kumapit ako sa railings niyon ngunit napahinto ako. Something strange happened to me here.
Bakit parang pakiramdam ko ay may alaala ako sa hagdan na ito na hindi ko matandaan?
Fuck! What the hell happened to me?
"Sir, saan kayo pupunta?" Dinig kong tanong ni Gaston.
"May gusto lang akong itanong kay Manang," sagot ko at inalalayan niya akong bumaba ng hagdan.
"Baka hindi n'yo po makausap si Manang Nora, sir." Sabi nito na ikinahinto ko.
"Why?" tanong ko at nagpatuloy kami sa pagbaba ng hagdan.
"May sakit kasi si Yria. Pinupunasan po niya. Mataas kasi ang lagnat." Paliwanag nito.
"How is she?" Bigla akong nag-alala.
Pero bakit ko nararamdaman ito? I don't even know her para mag-alala ako sa kan'ya. Gusto ko pa ikumpirma kay Manang Nora kung totoo ngang tinanggap ko siya dito sa pamamahay ko.
"Mataas pa din po ang lagnat niya. Ayaw n'ya kasi magpadala sa ospital." Sagot nito.
"Why?" tanong kong muli.
"Ewan ko ba sa babaeng iyon. Matigas din ang ulo. Marahil kaya nagkasakit siya dahil sa pagpapaulan ninyo kahapon," sabi nito na ikinatigil kong muli.
"Pakiulit nga ang sinabi mo, Gaston?" Hindi ako sigurado sa narinig ko pero gusto ko iyon marinig muli.
"Ang alin sir?"
"Iyong sinabi mo na naligo kami sa ulan kahapon," ulit ko.
Naguluhan ako dahil sinabi niya na bago lamang siya sa bahay ko pero ang sabi ni Gaston ay naligo ito sa ulan kahapon kasama ako. Ganoon ba kami kalapit sa isa't-isa para magsabay pa kami maligo sa ulan? Pero wala naman akong maalala na naligo ako sa ulan kahapon.
"Iyon nga po--"
"Sir, may kailangan po kayo?" Putol ni Trudis sa sasabihin ni Gaston.
"Nothing," tipid kong sagot.
Binitiwan na ako ni Gaston ng marating namin ang sala. Kinapa ko ang sofa at naupo ako doon.
"Okay na ako dito, Gaston. Pwede n'yo na akong iwan." Utos ko sa dalawa.
Nagpaalam na ang mga ito sa akin.
Ako naman ay pilit inaalala ang mga nangyari kahapon. Wala akong matandaan na nangyari kahapon. Ang tanging naaalala ko ay dumalaw si Karla, iyon lang.
Tinukod ko ang aking siko sa aking tuhod at sinapo ko ang aking ulo.
Bakit may mga nangyaring hindi ko matandaan?
Pakiramdam ko ay may mga alaala akong nawala. Pero ano ang mga iyon?
"Sir Hermes, nandito pala kayo. May kailangan po ba kayo? Ako na po ang kukuha." Tanong sa akin ni Manang Nora.
"Wala, manang. Aakyat na din ako mamaya."
Nilapat ko ang aking likod at ulo sa likod ng sofa. Nagpakawala ako ng isang mabigat ng buntong hininga.
"Manang,"
"Bakit po, sir?"
"Kumusta na siya?" tukoy ko sa nagngangalang Yria.
Hindi ko siya kilala pero bakit ganito ako mag-alala sa kan'ya?
"Medyo bumaba na po ang lagnat niya, sir. Pinainom ko na din po siya ng gamot. Nanibago po yata sa ulan kahapon kaya nilagnat." Paliwanag nito.
So, totoo nga na naligo ito sa ulan.
"Manang, kailan pa si Yria dito sa bahay?" Lakas loob kong tanong. Kailangan ko malaman ang totoo.
"Sir?"
Base sa boses nito ay tila nagtataka ito kung bakit ko pa naitanong iyon.
"Just answer me, manang." Maawtoridad kong wika.
"Mahigit isang buwan na po si Yria dito sir."
Fuck! At hindi ko alam iyon.
"Yung naligo siya kahapon, totoo bang ako ang kasama niya maligo sa ulan?" Parang ayoko marinig ang magiging sagot nito.
"Okay lang po ba kayo, sir?"
"Answer me, manang!" Tumaas na ang boses ko.
"O-opo sir, kayo nga po ang kasama ni Yria maligo sa ulan kahapon." Mabilis nitong sagot ng tumaas ang boses ko.
Dammit! Bakit wala akong maalala?
"M-manang, n-nagugutom ako," sabi ng malamyos na tinig.
"Naku! Dapat hindi ka na tumayo. Sana tinawagan mo na lang ako. May cellphone ka naman."
Tumawa ito.
That damn laugh. I like the way she laugh.
"Nawala na po sa isip ko," saad nito.
"Ikaw talaga. Halika at ipagluluto kita ng noodles para pagpawisan ka."
"S-sige po,"
Narinig ko ang yabag papalayo ngunit isa lamang iyon. Pakiramdam ko my nakatitig sa akin. And that smell...
"Yria?" tawag ko sa pangalan nito.
Gusto ko ikumpirma kung siya ang nagmamayari ng mabangong amoy na iyon.
Naamoy ko din iyon kanina ng dinalhan niya ako ng pagkain sa balkonahe. I like her smell. Hindi nakakasawang amoyin.
"S-sir," sagot nito.
So, sa kan'ya nga.
Magsasalita na sana ako ng tawagin ito ni Manang Nora. Hihintayin ko matapos ito kumain at kakausapin ko siya.
Tumayo ako at tinungo ko ang kusina kung saan ito nandoon.
Natigilan ako ng marinig ko ang usapan nila. Hindi ko ugali ang makinig sa usapan ng iba pero nagkaroon ako ng interes na marinig ang pinaguusapan nila dahil ang babaeng iyon ang kausap ni Manang Nora.
"Yria, may napapansin ka ba kay Sir Hermes?" tanong ni Manang Nora.
Narinig kong tumigil sa pagkalansing ang kubyertos.
"Wala naman po manang, bakit n'yo po naitanong?" sagot nito.
"Naninibago kasi ako sa kan'ya simula ng paggising niya kaninang umaga. Ang pinagtataka ko lang kasi ay hindi niya maalala ang ginawa n'yo kahapon. Yung naligo kayo sa ulan."
May narinig akong umubo.
"Magdahan dahan ka nga, Yria. Nasamid ka tuloy." Nag-aalalang wika manang
Nagpatuloy ito sa pag-ubo.
Hindi ko napigilan ihakbang ang aking paa ngunit kalauna'y napahinto ako. Humigpit ang hawak ko sa aking baston.
Nangyari na ito. Hindi ko lang matandaan kung kailan.
Napahawak ako sa aking sintido. Kumikirot iyon. Muli akong humakbang ngunit pabalik sa sala.
Muli akong umupo sa sofa. Itinukod kong muli ang aking siko sa aking tuhod at sinapo ang aking ulo.
Ano ba ang nangyayari sa akin?
"Sir Hermes, okay lang po ba kayo?" Tanong sa akin ni Manang Nora. Marahil tapos na kumain ang kausap nito kanina.
Nag-angat ako ng mukha. Gusto ko siyang makita. Damn! What am I thinking? Bakit gusto ko s'yang makita?
Napahilamos ako sa aking mukha.
"Gusto n'yo ba ng tubig sir? Ikukuha ko po kayo."
"No!" Hindi ko napigilang tumaas ang aking boses. Matinding frustration ang nangyayari sa akin ngayon.
Tumayo ako at humakbang ako papalapit kung saan ko siya naaamoy.
"Leave us, manang." Utos ko kay Manang Nora.
Narinig ko ang papalayong yabag. Kilala ako ni Manang Nora. Kapag inutos ko ay dapat masunod.
"May kailangan po ba kayo sir?" She asked in a soft voice.
Yes! Marami akong gustong malaman at gusto kong sa bibig nito iyon mismo manggaling.
"Tell me, who really are you, huh? Bakit kilala ka nila pero hindi kita kilala? Bakit may mga hindi ako maalala na kasama kita. Bakit wala akong matandaan?!" Hindi ko napigilan ang sariling taasan siya ng boses. Sumasakit na ang ulo ko dahil sa hindi ko maintindihan ang nangyayari sa akin.
"H-Hermes," sambit nito sa pangalan ko.
Natigilan ako sa paraan ng pagtawag nito sa pangalan ko. Bakit ganito ang nararamdaman ko?
Napahawak ako sa aking dibdib. Bumilis ang t***k ng puso ko na hindi ko mawari.
"f**k! What the hell happened to me?!" Hindi ko napigilang sabihin.
Hinawakan niya ako sa aking kamay.
"Patawad, Hermes," gumaralgal ang boses nito.
Umiiyak ba siya? Pero bakit?
Marahas ko siyang hinawakan sa braso. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kan'ya para hindi siya makawala. Gusto ko malaman ang totoo.
"What did you do to me?!" Singhal ko sa kan'ya.
Hinintay ko itong magsalita ngunit nanatili lamang itong tahimik.
"Sir! Bakit kayo gan'yan? May sakit po si Yria." Narinig kong sabi ni Manang Nora.
Para naman akong natauhan sa aking ginawa. Mula sa mahigpit na pagkakahawak sa kan'yang braso ay dahan dahan ko iyong niluwagan.
Naramdaman ko din ang mainit na nagmumula sa kan'yang balat. She's sick.
Bahagya akong lumayo at muli akong naupo sa sofa. Sapo ko muli ang aking ulo.
"Halika na, Yria. Magpahinga ka na." Yaya ni Manang Nora rito.
Ilang minuto pa akong nanatili sa sala at pinagpasyahan ko na din na umakyat. Kailangan ko lang siguro ipahinga ang utak ko. Masyado ng madaming pumapasok doon.
Pagdating sa aking kwarto ay hindi pa ako nahiga. Nanatili lamang akong nakaupo. Paulit ulit kong inaalala ang lahat.
Napahawak ako sa bedside table. Nakapa ko ang litrato ng nagiisang babaeng minahal ko. Kinuha ko iyon ngunit muli na naman akong natigilan.
May isang eksena ang biglang rumihistro sa utak ko. I hugged that woman. Who's that woman? Sigurado akong hindi siya si Yssa. f**k!
Pasalampak akong nahiga sa kama.
Sinubukan kong pumikit ngunit isang eksena na naman ang aking nakita. Kitang kita ng dalawang mata ko ang isang babae na nakangiti. She's too beautiful. Kakaiba ang ganda niya. Napakainosente ng mukha niya. Pero sino siya?
Paano ko makikita ang babaeng nakita ko kung bulag ako?
"Damn! I hate this!" Bulalas ko sabay iminulat ko ang aking mga mata.
Madami akong katanungan na hindi ko alam kong may kasagutan nga ba.
Nakatulugan ko na lang ang ganoong pag-iisip. Mabuti na lamang kahit masakit ang ulo ko ay nakatulog ako.
Kinabukasan ay hindi ako nagpaabala sa mga kasama ko sa bahay. Gusto ko mapag-isa. Masakit pa din ang ulo ko.
Maghapon akong nasa study room ko.
Nasa kalaliman ako ng pag-iisip ng tumunog ang telepono sa aking study table.
"Hello, who's this?" tanong ko sa kabilang linya.
"Mister Alejandro, it's Marlon Gregorio." Pakilala sa akin nito.
Marlon Gregorio is one of the board members of my company. Bakit ito napatawag sa akin?
Simula ng hindi ko na hinawakan ang kompanya ay ipinaubaya ko na iyon sa pinsan kong si Henry.
Si Henry ay anak ng kapatid ng papa ko. Tiwala ako sa kan'ya dahil simula pagkabata ay magkasama na kami.
Hindi ako nag-alinlangan na ipagkatiwala sa kan'ya ang kompanya dahil subok na din naman ito sa pagpapatakbo ng kompanya.
"Yes, what is it? Hindi ba dapat kay Henry kayo tumawag dahil siya ang nagpapatakbo ng kompanya?" tanong ko.
"Hindi mo pa ba alam ang balita? Akala ko alam mo na. May magaganap na meeting sa susunod na linggo ang mga investors at board members ng kompanya. I thaught Henry would tell you what is happening to your company, Hermes?" Mahabang litanya nito.
Every end of the month ay nagre-report sa akin si Henry sa kaganapan ng kompanya. Kahit pinaubaya ko sa kan'ya ang pagpapatakbo niyon ay kailangan ko pa din malaman kung anong nangyayari sa kompanya ko.
"Para saan ang meeting? Walang nababanggit sa'kin si Henry." Taka kong tanong.
Tumuwid ako ng upo.
Dinig ko ang buntong hininga nito sa kabilang linya. May dapat ba akong malaman na kaganapan sa kompanya ko?
"Your company is in danger, Hermes. Nalulugi na ang kompanya mo. It's because of the negligence of your cousin."
Natigilan ako sa sinabi nito.
My company is in danger? Nalulugi na ang kompanya ko? Anong ginawa ni Henry?
"What happened to my company? Bakit nalulugi? Walang sinasabi si Henry sa'kin. Lahat ng report niya sa akin ay positive feedback. Why it's in danger?!" Bahagya ng tumaas ang boses ko.
Hindi pwede na malugi ang kompanya ko. Inalagaan ng papa ko ang kompanyang iyon.
"That's why you need to attend the meeting, Hermes. The company needs you...and your employee needs you also. Hindi maaaring mawalan ng trabaho ang mga empleyado dahil lang sa kapabayaan ng pinsan mo."
I heaved out a deep sigh. Naging mabuti ako kay Henry. Pinagkatiwalaan ko siya. Bakit niya pinabayaan ang kompanya?
"Just give me a few days. Kakausapin ko lang si Henry." Wala kong ganang sagot.
"Umalis na siya ng bansa, Hermes. After the party ay hindi na siya nagpakita sa kompanya."
"f**k! Bakit hindi n'yo sinabi sa akin?!" Sigaw ko sa kabilang linya.
Lalong sumakit ang ulo ko sa nalaman. Pinabayaan ang kompanya ng taong pinagkatiwalaan ko.
"I'm sorry, Hermes. Ang buong akala naming mga board members ay sinabi na sa'yo ni Henry. Kampante kami na alam mo na at gumagawa ka na ng paraan." Sabi nito na lalong ikinainit ng ulo ko.
Nang matapos ang aming usapan ay tinawagan ko si Tito Rico, ang ama ng pinsan kong si Henry.
Ayon rito ay wala itong ideya kung ano ang nangyayari sa kompanya na pinangasiwaan ng anak. Nagtatanong naman ito ngunit ang sinasabi ni Henry ay maayos ang lahat. Nagulat na lamang din ang mga ito na papalugi na pala ang kompanya ko.
Wala din alam ang mga ito na aalis ng bansa si Henry. Nagpaalam lang ito na aalis pero palabas na pala ito ng bansa.
Nang malaman ko ang mga iyon ay napuno ako ng galit sa aking pinsan. Lubos ko siyang pinagkatiwalaan pero sinira niya ang buo kong tiwala sa kan'ya. How could he do this to me?
Tinawagan ko si Sheryl, ang aking sekretarya. Hindi din ito nakaligtas sa galit ko dahil hindi man lang nito sinasabi ang mga nangyayari.
Ayon dito ay sinabihan ito ng aking pinsan na siya na daw ang bahalang magsabi at magpaliwanag sa akin. Kaya naman ay naging kampante din ito na alam ko na ang lahat.
Hindi ko ito mapapalampas.
"I will find you, Henry. You f*****g asshole!"