CHAPTER 2

1972 Words
Maaga kaming natulog ni Akiel. Hindi mawala ang ngiti sa mga labi nito. Nakaginhawa ako ng maluwag at sumaya ako ng kaunti dahil nakakapagsalita na uli ito. Nakayakap ito sa akin ng magising ako kinabukasan. Hindi na muna ako gumalaw baka gumalaw ako ay baka magising ito. Mahimbing ang tulog ng aking anak. Wala na kaming magiging problema in terms of groceries and food. May dala na kaming grocery at namalengke kahapon si manong Berto. Isang oras na akong naghintay ditong magising. Dahan-dahan ang aking ginawang paggalaw.  Hindi na ako nag-abalang magsuot ng damit at short. Deritso ako sa kusina at nagluto ng pang-agahan ni Akiel. Hindi ako mahilig kumain ng breakfast kaya ang niluto ko ay good for one person.  Nag-init din ako ng tubig sa heater at hinintay itong kumulo bago ako magtimpla ng black coffee na nasa sachet. Kumuha ako ng tasa at nagsimula na akong magtimpla. Hindi siguro magigising kaagad si Akiel kaya lumabas muna ako at umupo sa upuan. Tanaw ko ang beach sa aking pwesto. Malayo man ako ay klarong-klaro na bughaw ang kulay ng tubig at malinaw ang tubig. This beach is like a paradise. Ang kinaganda sa pwesto ng bahay ay walang bangka sa dalampasigan. Habang uminom ako ng kape ay tanaw mo ang mga taong nag-jojogging. May iba din na naglalakad. Napatayo ako ng makita mo ulit ang pamilyar na bulto ng babae. Lalabas na sana ako natigil rin ang plano ko ng may yumakap sa babae galing sa likuran. My heart flinch a bit but I keep on reminding myself that the lady a while ago isn't Valencia. Bagsak ang dalawang balikat na bumalik ako sa lamesa. Mabigat ang aking dibdib ng pumasok ako sa rest house.  Walang lingon ako na pumasok sa rest house. Pumasok ako at tinapos ang pag-inom ng kape. Hindi naman two story ang bahay at may awang ang pinto ng silid bago kami lumabas ay narinig ko na may nagsasalita. Naghanap ako ng tray at ang pagkain na niluto ko para kay Akiel ay nilagay ko. Binuksan ko ng tuluyan ang silid at pumasok. "Good morning." Nakangiti kong bati rito. "Good morning too daddy." Ganti nito. Nanonood ito ng TV. Chill lang itong nakaupo sa kama at hawak nito sa kaliwang kamay ang  remote.  "Eat your breakfast first Akiel," tumango ito at tinanggap ang binigay ko. "Daddy mommy said that I can visit there house po." Napabuntong hininga ako at naawa ko na namang tinignan ang anak. "Do you her house?" tumango ito. Kung ito naman ang pagiging dahilan ng kanyang kasiyahan pagbibigyan ko na ito sa gusto nitong gawin. Wala sa sariling napatango ako. Tuwang-tuwa ito sa sagot ko kaya umuga ang kama sa paglikot nito. "Do you want to visit mommy? Mommy said you can pay her a visit." Gusto ko pero ayaw kong madidisappoint kaya umiling ako rito. I really don't like to be disappointed it will leave a hole in my heart. Habang kumakain ito ako naman ay nakaupo at nanood ng cartoon na pinamili nito. I really need a distraction. Napansin ko rin na maalon ang tubig at may nakita akong nagsusurfing. Naglakad ako sa direction kung saan nakita ko nakita ang mga ito na nagsusurfing.  Hinintay ko muna na may makarating sa dalampasigan at magpahinga bago ako maghihiram ng surfing board sa mga ito.  "Bro, pwede bang manghiram ng surfing board mo?" the guy with a well toned body and a tan skin nodded. "Sure!"  "My name is Aziel by the way," lahad pa ako ng kamay dito. "I'm Raul Ortega," tinanggap nito ang nakalahad kung kamay. Sumenyas ako na aalis na tumango naman ako. Hindi ko alam kung anong ginawa niya after kung tumalikod. Surfing has been my hobby eversince Valencia left the country. I really thought that we can start a new and have our happy family. I balance myself in the surfing board. Nakadalawang balik din ako magtatagal pa sana ako pero nakita kong nakatayo ito. Nakakahiya naman kung paghihintayin ko ito.  Hindi ko pa gustong tumigil pero dahil nakakahiya na ay tumigil na ako. Naglakad na ako ng hanggang baywang na ang tubig. Lumapit ako sa direction ni Raul na may kausap na dalawang lalaki. "Thank you." Sabi ko sabay tingin sa dalawang lalaki. Ang isa sa mga lalaki ay mukhang angat sa buhay dahil sa kulay ng balat nito. Kahit si Raul at ang isang kasama nito ay masasabi mo kaagad na nakaka-angat ang mga ito. "Sabay ka kaya sa amin sa tanghalian bro naghanda ang asawa ni Raul ng tanghalian." nakakahiya namang tumanggi kaya tumango ako. "Saan ba ang sa inyo?" may tinuro itong bahay. "Doon punta ka huh?" tumango ako at nagpaalam na sa mga ito na aalis at magbibihis. Naligo muna ako saka nagbihis ako. Ngayon ay nakabihis na ako ng isang white sando at isang khaki shorts. Sinabihan ko si Akiel na umuwi rito before lunch hanggang ngayon ay wala pa rin ito. Hinanap ko muna ito hanggang sa makita ko ang isang kumpol ng mga bata malapit sa mga  tinuro ni Raul kanina. Tumakbo ako palapit sa mga bata para makompirma na  kasama si Akiel sa mga bata na naglalaro. Laking ginhawa ko ng makita ko si Akiel na nakangiti habang naglalaro kasama ang mga bata.  "Akiel " Tawag ko dito at napansin naman ako nito. Tumakbo ito palapit sa akin. Ginulo ko naman ang buhok nito.  "Daddy, I already have friends here." sabay turo nito sa mga kaibigan na naglalaro ng habulan.  "Tell your friends that we need to eat our lunch," tumango ito saka nagmamadaling tumakbo patungo sa mga kaibigan. Natawa pa ako ng isa sa mga ito ay naghihirapan sa pagsasalita ng English. Actually they don't need to speak english cause Akiel understand tagalog but he can't speak tagalog.  Lumapit ito sa akin at hinawakan ko naman ang kamay nito. Naglakad ako patungo sa tinuro ni Raul kanina. Tahimik naman ang anak ko na naglakad. Nakita ako ng maputing lalaki na kasama ni Raul.  Kumaway ito sa akin. "Pasok ka," sumenyas itong pumasok ng makarating kami at binuksan nito ang gate. "Si Raul?" tanong ko. Nagtataka naman ako ng nakatingin na nakangiti ito kay Akiel. Mas lalo akong nagtaka ng ginulo nito ang buhok ng aking anak. Ngumiti ang anak ko dito. "Nasa loob. Anak mo pala si kulit?" tumango ako at nagkibit balikat na sumunod dito. Hindi ko kilala ang dalawa at tangging si Raul ang kilala ko sa mga ito. The way they talk to me ay para kaming matagal na magkakilala. Pumasok kami sa isang two story concrete house. Hindi malaki ang bahay at hindi rin maliit. The house is good for five person. Halatang may kaya sa buhay lalo na kapag tumingin ka sa itaas. I know how to look an expensive chandelier and not expensive chandelier. The house that Raul owned has expensive chandelier. "Our visitors arrived." Announce nito ng makalapit kami sa kusina.  Ang una kong nakita ay ang nakatalikod na lalaki. May kayakap ito. Si Raul siguro ang lalaki at ang asawa nito ang kayakap. Hinanap ng aking mga mata ang isang lalaki na kasama ng mga ito. Nakita ko ito na nakatayo at may hawak na cellphone. Tumingin ako kay Akiel ng binawi nito ang aking kamay.  "Mommy." He immediately run. Bumitaw si Raul sa pagkakayakap sa asawa nito. Nanlaki ang aking mga mata ng humarap ito. Sandali lang ang kanyang pagkakaharap pero alam ko na siya iyon. Memoryado ko ang mukha ni Valencia kaya alam ko na siya iyon. Hindi naman siguro ako minumulto. Malaking tao ako pero takot ako sa multo. "Namumutla ka bro." Ang kaninang may katawag ang siyang nagbalik sa aking huwisyo.  "Daddy look mommy is alive," ngumiti ito. "Hi," maikling pagbati ang sambit nito. As in gulat pa rin ako sa nakikita ko hanggang ngayon. Wala na sa isip ko ang tao sa paligid ko. Naluluha kong tinignan si Valencia at naglakad ako papalapit rito. Gulat ito ng yakapin ko siya ng mahigpit hindi naman ako nito nilayo at hindi ito gumanti ng yakap. "Valencia, akala namin patay ka na," narinig ko din na umiiyak na si Akiel. Nakahawak pa ito sa laylayan ng aking damit. Napatingin si Valencia sa anak. Ayaw ko man bumitaw sa pagkakayakap ko rito ngunit bigla akong may naramdamang kamay sabay layo nito sa akin kay Valencia. Ngayon ko lang napansin na malaki ang tiyan ni Valencia. Titig na titig ako sa kanyang tiyan. Malaki na ang kanyang tiyan kung tama ako ng hinala ang tiyan nito ay six months pregnant pababa.  Sana six months na ang kanyang tiyan. I'm really hoping na anak ko ang nasa loob ng kanyang sinapupunan. Napatingin na din ito sa akin. "Ano ka ba pare bakit bigla mo na lang niyayakap ang asawa ni Raul ko." A punch hit my face that make Valencia scream and Akiel started crying. Kung hindi ako natulala kanina hindi ako basta-basta masusuntok nito. Tinignan ko ito ng masama sabay hawak sa putok kong labi. Akmang lalapit si Raul ng harangan ito ni Valencia. Natigil ang kamao nito at binaba ang kamao ng matauhan. The scene is hurting me. Yumakap si Raul kay Valencia. Ganito siguro dati ang nararamdaman ni Valencia tuwing may kahalikan akong babae.  Nag-iwas ako ng tingin sa mga ito sabay yakap sa anak ko na wala pa ring tigil sa pag-iyak. Tinahan ko ito sinabihan ng mga bagay na para tumigil ito sa pag-iyak. Hindi lang yata ito ang gustong umiyak pati na rin ako. "Kumain na tayo," sabi nito ng makabawi sa gulo kanina.  Clarisse ang tawag nila rito. Kamukha lang ba ito ni Valencia o siya ito mismo. Bakit hinahayaan niya si Akiel na tawagin siyang mommy? Ang daming tanong ang pinapasok sa aking isip. Tahimik ang mga lalaki tila ang lalim ng iniisip. Si Valencia naman o Clarisse ay nilalagyan ng kanin si Akiel. Ako na mismo ang kumuha ng kanin at ulam. Wala man akong ganang kumain pinilit ko ang aking sarili.  Nagsimula na din ang mga ito sa pag-iingay. Panay ang tanong nito sa anak ko na nakangiti namang sinasagot. Si Valencia naman ay panay ang tanong dito kung magpapadagdag ba ito ng ulam o kanin. Ganado ngayong kumain si Akiel. Hindi ako sanay makita itong kumakain ng malakas. Kami ni Raul ay tahimik na nakikinig sa mga ito. Kung hindi ako pumayag sa gusto ni mommy makikita ko ba dito si Valencia. "What is your name mister?" napatingin ako dito. "Aziel." Tinignan ko ito at naghahanap kung ng evidence na nagpanggap lang ito. Gulat ito na napatingin sa kanyang asawa. Nag-iwas naman ito ng tingin. Tinignan niya ang braso niya at mas lalo itong nagulat ng makita ang nakasulat. "How?" gulat na gulat pa rin ito. Hindi ko alam kung kanino niya iyon tinanong.  "Can you spell your name?" Tumango ako. "A. z.i .e.l" napalunok ito." You have my name in your lower abdomen." "How did you know?" tahimik na ang mga ito.  Natigil din ang tunog galing sa kubyertos. Tinignan ko ang mga ito at nakita kong tumigil ito sa pagkain at naghihintay ng susunod kong sasabihin. "I was the one who put the ink in your skin." A long pause and I thank Akiel for breaking the silence. "Mommy can I have a glass of water please," aligaga ito sa pag-abot ng tubig sa anak. Wala akong reaction na nakita kay Valencia. Bumalik ito sa pagkain pagkatapos nitong bigyan ng tubig si Akiel. Sabay naman kaming apat sa pagbalik sa aming pagkain. "Mommy can I eat breakfast and lunch here?". "Yes of course. You can eat here as much as you want." Nakangiting sagot nito. Hindi nakaligtas sa akin ang ginawang paglunok ni Raul sa sagot ng asawa.  Now that its confirm that Valencia and Clarisse is the same person I will spend for months in here.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD