JOY "Joy magpakatatag ka, magiging maayos din ang lahat. Nandun na rin si Dennis at Winnie. Sumunod sila kaagad kay Lola Neneng, kami muna ang magbukas, bukas ng karenderya." Saad ni Ate Tin at Ate Weng. Pagdating ko kanina sa bahay nang nalaman ko ang nangyari kay Tita at Tito, bigla akong napaluhod sa sahig. Bakit nangyari ito sa amin, sa akin? Tanong ko sa aking sarili habang umiiyak. Nakayakap si Ate Weng at Ate Tin sa akin habang pinapatahan nila ako. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin na mga oras na ito. Nasa ospital ang tatlong mahalaga sa buhay ko. Pagkatapos kung umiyak sa bisig ni Ate Weng at Ate Tin. Nagpaalam muna ako sa kanilang dalawa na magbihis lang ng damit. Pupunta ako sa ospital kung nasaan ngayon sina Tita at Tito sana maging ligtas lang silang dalawa. "Mga At

