JOY "I miss you Ninang Rachel, Ninang Anika. I love you two po." Pa cute sa sabi ni Brianna sa kanyang dalawang Ninang. Isang linggo na siya dito sa Manila at dito na kami magkasama sa condo ni Anika. Isang linggo na rin na wala dito si Brent dahil my out of the country meeting siya. Kaya nakahinga ako ng maluwag dahil hindi pa sila nagkita ng anak ko. Araw-araw siyang tumatawag sa akin upang kamustahin ako. Gusto niya daw makita si Brianna kapag makauwi ako sa bahay. Pero in-off ko ang cellphone ko kapag nandito na ako sa bahay. Malakas ang hinala ko na si Brent at Tatay ni Brianna pero nagtatalo din ang isipan ko dahil n'ong mga panahon na iyon. Alam ko'ng nasa ibang bansa si Brent. Kaya sana lang talaga hindi si Brent ang tatay ni Brianna. Pero paano kung si Brent nga!? Tanong ko s

