JOY "Joy kamusta ka? Mabuti dumating ka. Sobrang nag-alala kami sa'yo kagabi. Kaya tinawagan ko si Weng para tanungin kung umuwi ka ba sa bahay ng Tita mo. Ilang beses kaming tumawag sa'yo hindi ka naman sumasagot kaya sobrang nag-alala kami. Saan ka na tulog? Saan ka galing? Bakit ngayon ka lang?" Sunod-sunod na tanong ni Kuya Winnie sa akin nga dumating kami sa hospital. "Winnie kumalma ka nga. Hindi mo ba ako nakikita? Hello nandito ako. Syempre kasama ako ni Joy dumating dito. Kaya matic na magkasama kami at duon siya natulog sa akin kasama ko. Kaya huminahon ka. Kweninto ni Joy sa akin ang nangyari kaya nakatulugan niya na ang pag-iyak. Hinayaan ko muna siyang matulog dahil alam ko'ng sobra siyang nasaktan sa nangyari sa kanyang Tita at Tito." Paliwanag ni Den-Den. Kumamot naman ng

