JOY "Brent bakit may mga gamit na kami dito ni Brianna sa kwarto? Saka bakit may ganito pa? Bakit at papano mo nalaman ang size ng katawan ko? Kailan mo pa ito pinamili?" Nagtataka ko'ng tanong kay Brent. Pagdating namin sa kanyang condo. Iniwan muna namin si Brianna sa sala habang nanunuod ng tv. Tinanong ko sa kanya kung saan kami matutulog mamaya sapagkat ilagay ko muna ang bag na dala ko. Kaya nagpaalam muna kami kay Brianna na ihahatid ko muna ang damit naming dalawa. Kaya hinatid muna ako ni Brent sa magiging silid namin ni Brianna habang nandito kami. Pero laking gulat ko nang pagpasok namin may mga gamit na kami ni Brianna dito. Kulay pink ang kwarto pati sapin ng kama at unan. Kulay pink din ang kumot. May malaking teddy bear din na kulay pink sa gitna ng kama. Pati ang loob ng

