Cigarette Vendor

1062 Words
[Donnah's POV] "Kailan ba pwedeng magsimula?" "Kung gusto mo ay bukas agad. Do you want me to show you the place? Wala ka naman sigurong iba pang pupuntahan?" Elaine will be worried kung umaga na ako umuwi. Well, sanay naman siguro iyun. It's like nothing's usual. "Wala. Malapit lang ba rito?" "Dito sa subway? Oo, malapit lang. Ako na bahala sa pamasahe mo." Kinuha ko na ang bag ko at isinampay iyun sa aking balikat. Kanina lang ako nag-iisip na pumasok sa trabaho ay may agad na nag-offer sa akin. Iba talaga pagmaganda ka. . Agad kaming bumaba ng train paghinto sa sunod na station. Mula roon ay sumakay kami ng taxi. "Akala ko ba malapit lang?" "Limang minuto lang naman ang hihintayin mo. Chill." "Saan ang punta ho ninyo?" Tanong nung taxi driver. "Knight Ground," dalawang salita na ikinatango ng driver. Knight Ground? Mula pagkabata ay magala na ako pero hindi ko pa naririnig ang lugar na iyun. Matapos ang isang minutong biyahe ay unti-unti nang natatakpan ng matatayog na puno ang mga buildings. Sobrang dilim na ng paligid at mukhang kinalimutan na ng syudad dahil wala ni isang street lights. "Baba ka na," sabi nung lalaki at nag-abot ng bayad. Nagsimula na kaming maglakad sa isang pathway na may mga puno ng narra sa magkabilang gilid. Dire-diretso lang at nung lumingon ako ay halos hindi ko na makita ang highway. . Napaawang ang labi ko habang pinapanood ang dalawang lalaking nagpapatayan sa loob ng mala-disyertong battlefield sa gitna. Ang isa ay moreno at naka-braid ang buhok, ang kalaban niya ay nakasuot ng pulang maskara at mataba. Halos mabingi ako sa sigawan ng mga tao. Puno ang lahat ng bleachers at may nakikita akong mga ubos na sigarilyo na tinatapon kung saan na parang shower. Ah, parang sabong, may taya rin ang mga audience. Kaya pala may mga naririnig akong mga nababasag na bote ay dahil napipikon ang mga tumataya kapag natatamaan ang mga pambato nila. Mas lumakas pa ang sigawan ng mga tao matapos marinig ang bell. Ang lalaking moreno ay nakahilatay na at ang isang mata nito ay dumudugo na. Tumingin ako sa gilid ko at nakitang nagbabayaran na ang mga tao. "Scared?" tanong nung lalaki na hindi ko pa rin alam ang pangalan. "I've seen more of this when I was six. Akala ko ba magiging vendor ako? Ano ang ibebenta ko? Laman-loob nung natalo?" Tumawa siya at napahawak sa kanyang tiyan. OA lang. "Well, magiging katulad ka nila." Turo niya sa mga babaeng nagkalat. Nakasuot ng denim jumper at bra lang, may box na nakatali sa kanilang bewang at mga iba't ibang klase ng sigarilyo ang laman nun. "Magsisimula ako bukas," nakangising sabi ko. Yayaman na ako, mga tol. "Sige, aasahan ko yan. Ano, ihahatid pa ba kita?" "Kaya ko na, para malaman ko ang mga pasikot-sikot dito." . Nasa labas ako ng building ng Knight Ground habang inuubos ang Chesterfield kong binili ko sa babaeng blonde ang buhok. Yayaman talaga ako, mahal ang mga sigarilyong binebenta nila. Wala namang choice ang mga audience kesa naman na lalabas pa sila ng arena. Nagsimula na akong maglakad habang nasa bulsa ko ang isa kong kamay. Ang dilim, madami naman sigurong pondo ang arena, lagyan sana nila ng lamp post kahit dalawa lang. Iniisip ko pa rin ang pagyaman ko. Ang Chesterfield ay sampung piso sa loob tas sa tindahan ay limang piso lang. Doble presyo tas kung ang porsyento ko– "Bwisit!" Mura ko at napaubo. Halos malunok ko na ang yosi nung may bigla na lang bumangga sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin at naramdaman ang pag-gaan ng bulsa ko, "yung cellphone ko, pakipulot." Sabi ko since siya naman yung bumangga sa akin. Kahit madilim ay alam kong tinititigan niya ako nang malalim. Hindi ito gumalaw sa kinatatayu-an niya na ikinakunot ng noo ko. "Pupulutin mo ba– Bastos!" Sigaw ko sa kanya nung bigla na lang niya ako tinalikuran. 'KING' Napaismid ako at pinulot ang phone ko. Hindi nakawala sa mga paningin ko ang nakasulat sa likuran ng hoodie niya. . Umakyat ako sa balkonahe ng kwarto namin ng kapatid ko. Patay na ang ilaw kaya dahan-dahan akong pumasok. Hinubad ko ang sapatos ko at humiga na sa kama na parang hindi raw ako ginabi ng uwi. It's already ten at buti na lang na hindi ako inumaga. "Where did you go?" Napatalon ako nung biglang bumukas ang ilaw at nakatayo roon ang kapatid kong si Elaine. Nakasuot ito ng white sando na hindi gaano kasya sa kanya kaya kita ang maliit niyang beywang. Naka-pajama na ito na kulay mint green na hinaluan ng powder pink. "L-lumabas lang kasama ng mga kaibigan ko. Ginabi nga ako eh," pagsisinungaling ko sabay kamot sa ulo. "Kita ko nga. You went out with your friends habang ako ay nagtitimpi rito sa loob. Alam mo ba kung ano ang ginawa kanina ni Rachel sa akin? Look, Don, she did it again nung sinabi ko na hindi ko alam kung saan ka pumunta." Mangiyak-ngiyak na sumbong niya habang tinuturo ang pasa sa gilid ng noo niya. "I'm sorry pero trust me, El. Makakaalis din tayo rito. Konting tiis na lang." Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "Lumabas kami ng mga kaibigan ko para sa isang essay project na ipapasa first thing in the morning. Tiwala lang, El." Humikbi ito sa balikat ko at hinimas ang likod niya. May kung anong kirot sa puso ko dahil sa pagsisinungaling ko sa kapatid ko. She's Elaine Martinez and she's fourteen. Hindi na ito pumapasok sa paaralan at dito lang siya sa bahay ni Rachel, ang kapatid ni Dad. Siya na ang bumuhay sa amin simula nung mamatay na ang aming mga magulang. . "Alis na ako, El. Sabihin mo kay Rachel na nag-sleep over ako sa bahay ng kaklase ko. May ipapagawa sa akin si Ma'am mamaya kaya baka gagabihin din ako." Isinuot ko na ang uniform ko at bumaba na mula sa balkonahe ng kwarto namin. "Ingat ka!" Nginitian ko siya matapos niyang ihagis sa akin ang isang pirasong tinapay. I'm wearing my school uniform kahit na expelled na ako. I don't want her to know about sa mga bisyo ko at na kick-out ako. Paggala-gala ako sa downtown at tinapay lang ang tinanghalian ko habang hinihintay ang pagsapit ng alas sais para pumasok sa trabaho ko bilang isang Cigarette Vendor.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD