[Donnah's POV]
"Ito na yung uniform mo," inabot sa akin ni Boss Tom ang denim jumper na may nakakamanyak na ngisi. Hindi naman ako nagpaapekto, boys will always be boys. Sanay na ako.
Tumalikod na ako at nagbihis sa locker room naming mga cigarette girls. Madaming mga katrabaho ko ang panay titig sa akin. Ganun talaga pagbaguhan ka, nagfe-feeling superior sila.
Tinaasan ko sila ng kilay at agad naman silang nag-iwas ng tingin at nagkunwaring may ginagawa.
"Ikaw si Donnah?" Tumango ako kay Ma'am Layla at inabot niya na sa akin ang box kong puno ng mga sigarilyong nakalagay sa maliliit na mga garapon. Itinali ko iyun sa aking beywang habang nakikinig sa kanya.
"Yung Chesterfield ay sampung piso. Yung Jackpot ganun din, pula man o puti ay pareho lang ang presyo. Yung Camel ay disiseis piso, Marlboro ay disiotso. Yung Fortune, Mighty at Hope naman–"
"Dose piso, tatandaan ko na lang na doble yung presyo rito." Napataas ang kilay niya sa ginawa kong pagputol sa kanyang sasabihin.
"Naninigarilyo ka?"
"Bawal ba? Baka maubos ko?" Biro ko at natatawa siyang umiling.
"Hindi naman siguro. Mukhang type ka ni Boss Tom kaya maaasahan ka. Sige na, magsisimula na ang first fight. Gorabels!" Ngumiti siya at pabirong hinampas ang pwet ko.
Yung locker room namin ay nasa katabing building lang ng arena. Nag-spread out na kami at nagsipasok sa entrance. Madaming entrance kasi at bawat entrance ay may mga nakabantay. Pagpasok ay agad na tumambad sa amin ang mahabang hagdan pataas na kumo-connect sa panggitnang bleachers.
Humugot ako ng hininga nung ume-echo sa arena ang mga sigawan, hiyawan at tawanan ng mga tao. Tumingin ako sa baba sa may battlefield at nakitang papasok na ang dalawang fighters. Pareho silang naka-topless at puno ng mga tattoo ang katawan.
"Miss Ganda, pabili nga ng Hope." May kumalabit sa akin at agad akong napalingon.
"I-ilan?" Parang nanuyo ang lalamunan ko, masyado occupied ang isip ko sa nangyayari sa battlefield. Hayy, dapat masanay na ako.
"Dalawang kaha." Napalunok ako. Bwisit, magkano pala ang bawat kaha nito?
Binigay ko sa kanya ang dalawang kaha habang binibilang ko pa rin ang presyong babayaran niya. Inabot niya sa akin ang isang libo
Bawat kaha ay may benteng piraso ng sigarilyo. So kung dalawang kaha ay fourty pieces. Twelve times fourty–
"480 pesos," tumingin ako sa gilid ko nung may nagsalita. Matangkad siya– sobrang tangkad, mga 6'2 or 6'4. Nakatuon ang pansin niya sa nagaganap sa battlefield at nakaitim na hoodie siya kaya hindi masyadong malinaw ang mukha niya.
Dali-dali akong kumuha ng sukli at ibinigay iyun sa lalaking bumili. Mabuti na lang at hindi niya napansin ang pagkakaroon ko ng hard time na bumilang dahil excited siyang panay sigaw habang nanonood.
Bumalik na ito sa upuan niya at liningon ko yung lalaking nagpadali ng buhay ko. Naglalakad na ito pababa sa first floor ng bleachers. Nanlaki ang mga mata ko nung mabasa ang nakasulat sa likod niya.
'KING'
Hindi ako pwedeng magkamali, siya yun! Grabi hindi ko ine-expect na ganun pala siya katangkad. Napaismid ako, is this his way of saying sorry sa pagsusuplado niya kahapon sa akin? Tss, he thinks that we're even? Dream on!
.
Nanlaki ang mga mata ni Boss Tom habang tinitingnan ang mga perang nagkalat sa kanyang mesa.
"This is incredible! Unang gabi mo pa lang ay sobra sa 8,000 pesos na agad ang benta mo." Napangisi ako. I'm a sexy 18 year-old, of course dadami talaga ang bibili sa akin.
"Ito na ang parte mo. Galing talaga!" Inabot niya sa akin ang porsyento ko at pinagpatuloy sa pagbilang ng pera.
Paglabas ko ng office ni Boss Tom ay agad akong sinalubong ni Ma'am Layla na tumatalon-talon.
"Donnah, Congrats! Napabilib mo ako dun ah."
"Diskarte lang po, Ma'am." Ngumisi siya ng nakakaloko matapos marinig ang sagot ko.
"Keep it up at tiyak kong tataas yung porsyento mo at mapo-promote ka. Baka mamaya ay maging announcer ka na." Biro niya at napatawa naman ako habang pinapasok yung sobre na may lamang pera sa bra ko.
"Ma'am Layla, may kakilala ka bang lalaki rito na matangkad at nakasuot ng hoodie?" Tanong ko nung naalala ko yung lalaking ubod ng suplado at yabang.
"Kaloka ka, hindi ko mabilang ang mga kakilala kong matangkad at naka-hoodie. I-describe mo pa siya, baka makilala ko."
"May nakalagay na KING sa hoodie niya." Natigilan ito at mukhang nag-iisip.
"Madami rin, uso kasi ang mga ganyang hoodie dito sa Knight G. Try mong hanapin siya sa mga susunod na gabi at ikaw mismo ang magtanong ng pangalan niya."
.
"1,400... 1,500... 1,600." Napangisi ako nung matapos naming bilangin ni Elaine ang perang natanggap ko.
"Grabi, sa isang gabi nagkapera ka nang ganyan kalaki. Ano ba ang trabaho mo, Don?"
"N-nang ano... nakahanap ako ng trabaho roon sa kabilang bayan. Tagatinda ng sigarilyo at softdrinks. By quota sila kaya malaki ang nakuha ko." Tumalikod na ako at nilagay sa loob ng kabinet ang perang natanggap ko.
"Kamusta pala ang pag-aaral mo, Don? Anong course ang kukunin mo sa college?" Napalunok ako at napaharumentado. I forced a smile and went to my bed; still avoiding my sister's eyes.
"J-journalism and mass communication ang kukunin ko."
"Pagnagkatrabaho ka ba ay pag-aaralin mo rin ba ako?"
"Oo naman, yun naman ang pangako ko sayo diba?"
Pinatay ko na ang ilaw at para na rin makatulog kaming dalawa. Sumisikip ang dibdib ko... as usual. Why do we need to end up like this?
.
Ikaapat na araw na akong nagta-trabaho at marami na sa mga manonood ang agad na nakakilala sa akin kaya mas tumataas ang nabebenta ko bawat gabi.
"I'm happy to have you working here. Simula nung dumating ka ay tumaas ang sales. You're such a fortune, Donnah. Kaya naman ipo-promote kita." Nanlaki ang mga mata ko.
"A-agad po, Boss Tom?"
"Of course! I can't just ignore your efforts and promoting you will best benefit us. Layla will explain to you about your new task and she'll also provide your uniform. You can go now." Kumikislap ang mga mata ni Boss Tom habang nagsasalita, dahil siguro sa laki ng naibenta ko ngayong gabi.
"Thank you po, Boss Tom. Magsisikap pa po ako lalo."
"I'm expecting a lot from you, Donnah."