Pera

997 Words
[Donnah's POV] Malungkot akong napangiti nung makitang naubos na ang beer ko. Kikita nga ako pero hindi ko naman magamit iyun para sa tuition fee ko. Ilang beses na naming ni-report si Rachel sa mga police at DSWD pero wala eh... nakakalusot pa rin siya kaya wala na kaming choice ni Elaine kung hindi ay mabuhay na kasama siya. "Akyat na kami, Don!" Nagsitakbuhan na ang mga costumers ko paakyat sa taas. Napangisi ako nung makita si King na mag-isang nakaupo. Hindi ko maisip na wala siyang kaibigan dito. I mean, magkakalaban nga sila pero dapat he should hang out with the other fighters. "Ang galing mo kagabi!" sabi ko nung makalapit na ako sa kanya. "Nanood ka?" "Obviously," napaismid ako dahil sa malamig niyang tono. "Paano mo nagawa yun? Para kang si Saitama!" Agad naman siyang napalingon sa sinabi ko at nakakunot ang kanyang noo. "Who?" "Saitama! Hindi mo yun kilala? Oh gosh. He's an anime character, he always end a match with just one punch," excited kong sabi. "What are you? An eight year-old?" "Hephep, anime is not only for kids. Well, naisip ko lang naman kasi na baka nanonood ka. Ang antisocial mo kasi, so it's either you're into anime or video games." "You talk nonsense." Ang ikli niya talagang magsalita at ang suplado. Mas tuyuin pa siya kesa kay Elaine. "You talk boring!" Panunuksong sigaw ko at sinamaan niya agad ako ng tingin. Tumayo siya at nataranta naman ako nung talikuran niya na ako. Bwisit, wala nga akong makausap dito eh. Ayaw kong umakyat, kapagod. "May laban ka ba mamaya?" tanong ko para malibang naman siya tsaka ano kasi eh... ang gwapo niya. Parang sa korean-drama. "Wala," hinarap niya ako at natigilan naman ko dahil sa pagtitig niya nang maigi sa akin. May dumi ba sa mukha ko? Nagagandahan ba siya sa akin? Liligawan niya na ba ako? "What happened to your face?" "H-huh? Anong pinagsasabi mo?" Umiwas ako ng tingin. Pakening s**t, na-notice niya? "The concealer can't hide your scars from me. I've already studied every single details of your face." Napakuyom ako ng hangin dahil sa kilig. Ramdam ko ang pag-init ng magkabilang pisngi ko at halos dumugo ang labi dahil sa kagat ko para lang pigilan ang ngiti. "I-i didn't know you're interested in me." Nauutal na sabi ko sabay hawi ng ilang hiblang buhok na tumatabon sa mukha ko. I could feel my heart melting for what he said. He's the kind of guy that doesn't do jokes, so I bet he meant what he said. "I'm not." Parang nabibingi ako sa hiya. Saan ba ang fire exit dito? "T-then why are you saying that you studied every details of my face?" "I have. You're not bored-looking, everyone can tell, but i'm not saying that you're beautiful." Napairap ako. Deny pa more, sing laki ng buho ng ilong niya ang pride niya. Pesteng 'to, gwapo sana. "Salamat?" Napaismid ako. "Hindi mo pa nasasagot ang tanong ko. Anong nangyari sa mukha mo?" "Sabi mo hindi ka interested sa akin!" "Hindi nga, sa pasa mo lang ako na-curious." Mas magaling pa 'to sa akin magpalusot. "N-nabangga lang," tumango ito at bigla namang tumahimik ang piligid. Sana hindi ko na lang siya sinagot noh? Para madami pa kaming pag-uusapan. "Uy ano na?" I poke him and he looked at me confusedly with his left eyebrow raising. Tuyuin nga naman... "I thought you had a fight. Like those girls who are caught making-out with other woman's husband." Nanlaki ang mga mata ko at hindi makapaniwala. Nahampas ko siya dahil sa kanyang sinasabi. "Hoy! Hindi ako mistress noh! I have never been hooked with a married man. Over my dead body, hindi ako linta!" Sigaw ko sa kanya. "Whatever." . "Kita mo lang! Sabi walang laban." Inis na sabi ko nung makita si King na pumasok ng battleground. "Nagkausap kayo ulit?" tanong ni Cement Head. Katabi nito ay si Joe at Red Carp na mukhang hindi makapaniwala. "Kanina." "Baka natitipuhan ka niya, Don. Swerte mo naman!" Nagtawanan sila. "Ang lalaking yun? Ang sungit niya kaya. Hindi ko siya type!" Napanguso ako at itinuon ang pansin sa nangyayari sa battleground. Bigla akong napahampas sa railings nung matamaan si King ng suntok sa pisngi. "Hindi raw interesado. Ba't nag-aalala ka?" "N-nagulat lang ako! Akala ko kasi si Saitama na siya." Hindi ko maiwasang matuwa nung agad naman siyang naka-recover and it only took forty seconds for his opponent to surrender. Ibang klase! He's amazing. . "Salamat ulit, Donnah," tumango ako kay Boss Tom at niligpit na ang gamit ko para makalabas ng Knight G. "Anong meron?" Tanong ko sa kasamahan ko nung nagsitumpukan ang mga tao sa entrance. "Bagong release ng mga hoodies. Ganito rito palagi kapag naka-straight two wins si King." Agad naman akong napatango. Iba rin pala ang loko na yun, may sariling fan club. Sa back exit ko na lang napagdesisyunan na lumabas. Ayos doon at walang tao. "Himala," bulong ko dahil may mga light bulbs na umaandar. "... Ba't ayaw mong kunin?" Napatalon ako nung makarinig ng boses. Nakita ko sa tabi ng puno ang isang lalaking brunette at nakatali ang mahaba nitong buhok. Nanliit ang mga mata ko nung makitang si King ang kausap niya. Hindi ko sana sila papansinin pero hindi ko magawa lalo na't dahil sa mga sumunod na sinabi nung lalaki. "Sayang ang pagod mo, King, kung hindi mo kukunin ang pera mo. Madami diyan na halos magpakamatay para lang makakuha ng perang ganito kalaki." "We have different mindsets. I'm fighting for myself, not for the money." "Ano ang gagawin ko sa pera mo kung ganun?" "Sayo na yan o bigay mo sa iba. I don't care." Akmang magsasalita pa sana ang lalaki nung sinuot na ni King ang hood niya at nakapamulsang tinalikuran ang lalaki. Pera...? Hindi na ako nagdalawang-isip at agad ko siyang hinabol, "King!" Agad naman siyang napalingon at napataas ang kilay niya nung makita ako. "What?" "Bigay mo na lang sa akin yung pera."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD