[Donnah's POV]
Mmm, I know King's little secret. This should be fun and soon, i'll be rich.
Yun nga lang... kanina pa ako libot nang libot sa Knight Ground at hindi ko pa rin siya nakikita.
"Kita niyo na si King?" Tanong ko sa ibang fighters at nagsikibit-balikat lang sila. Putcha, ba't ba kasi hindi friendly ang mokong na yun?
"Ano ang problema, Donnah?" Tanong sa akin ni Ma'am Layla nung makita akong pawisan at parang may hinahanap. Malapit na kasing matapos ang shift ko at kahit anino ni King ay hindi ko makita.
"Si King nakita niyo ba?" Agad na sumilay ang nakakalokong ngisi sa labi ni Ma'am Layla... akala pala ng isang 'to ay crush ko si King. Tss, mabuti ngang ganoon.
"Nakita ko siya kanina... lumabas yata."
"Sige, salamat." Laglag ang balikat na bumalik ako sa station ko para magbenta. Bwisit, excited na excited na ako eh.
.
Matamlay akong nagbihis ng damit at lumabas na ng Knight Ground. Ba't kasi wala siyang laban ngayon? Saang lupalop ba yun sumusulpot kapag wala siyang laban?
"What do you need from me?" Tumigil ako sa paglalakad at napaestatwa nung makarinig ng pamilyar na boses sa madilim na parte ng gubat.
"K-king! Ikaw pala." I laughed despite the terror that i'm feeling. Nakahilig siya sa isa sa mga puno habang mataman na nakatitig sa akin.
Huwag kang kabahan, Donnah. Remember, this is your one f*****g chance to turn the tables.
Humugot ako ng malalim na hininga at ngumiti nang malapad bago naglakad papalapit sa kanya. Kaya mo 'to, it's like seducing another stupid boy.
"Quintez..." I called his name in a hoarse voice. Our bodies were only centimeters apart and he was so tall that i'm facing his broad chest.
"Artemis San Diego," I seductively chanted his girl's name while my fingertips started running from his delightful pecs up to his neck, before I can further continue, he harshly catch my hand in a snap.
"What are you talking about?"
"You like her right?" Napangisi ako nung umiba na ang kanyang expression. Finally, his face is not blank anymore. Ang galing ko!
"So what?"
"I can think hundred ways to make her yours."
Masasabi kong nag-iisip na siya; the way he lick his lower-lip and avoided my gaze. Parang nanalo ako sa lotto nung sa wakas ay binitawan din niya ang kamay ko.
"In exchange, you want my money?" Ang tali-talino!
"Yeah."
"Alright. Ano ang plano?" I smiled like an insane woman from the mental hospital.
"Kapag nakuha mo siya, saka mo ako babayaran." Of course magtatagumpay ako. I am the Queen of Seduction and this King of the Battleground is about to bow before me.
"Deal."
.
"May maganda bang nangyari, Don?" Tanong sa akin ni Elaine nung kanina pa panay kanta ko habang nagluluto. Maaga pang umalis si Rachel... manlalalaki na naman siguro. Hindi na nakakapagtaka kung kanino ako nagmana.
"Yep, tataasan pa lalo ang sweldo ko." Excited na sabi ko. Aabot din siguro ng 50,000 ang makukuha kong pera. Syempre, medyo patatagalan ko ang oplan-ligaw na pagtulong ko kay King para madaming laban ang kanyang mapapanalo before that. Mas madaming laban, mas malaking pera. Magpapatong-patong yung perang hindi niya kinuha kay Boss Tom at kapag sure akong madami na ang pera ay doon ko ipapalabas ang ultimate plan ko para mapasagot niya agad si Artemis.
So smart!
"Kaso nandiyan si Rachel. Hindi natin mabibili ang gusto natin," nakangusong reklamo niya.
"Don't worry, Elaine. Kapag nakuha ko na ang pera ko ay lilipat agad tayo, iiwan natin si Rachel... magpapakalayo-layo tayo."
"Talaga? Makakapag-aral na rin ba ako?"
"Oo naman and this time ay hindi mo na kailangang hintayin pang makatapos ako. Sabay tayong mag-aaral." Her eyes filled with hope and she started jumping in excitement. I think my purpose in life is to make my sister happy. I am also much lucky to see her in a new day, still smiling... it helps me step forward.
"Mag-aaral na rin ako!" Natutuwang sigaw niya at humagikhik.
"Sinong mag-aaral?!" Agad na napawi ang ngiti namin ni Elaine nung biglang pumasok si Rachel na nakapameywang at nakataas ang magkabilang kilay niya.
"Sagot!" We flinched when her shout startled us. We looked down with our lips shaking. We don't know what to answer, to say nor to lie.
"May pera ka noh? May pera kang tinatago sa akin?" Napaatras ako nung tinuturo niya ako at akmang lalapitan nung hinila ni Elaine ang braso niya.
"T-tita, wala po yun. Nag-uusap lang kami ni Donnah." Panay hila ni Elaine kasi alam niyang once na maabot ako ni Rachel ay sasaktan niya ako.
"Isa ka pang ambisyosa ka!" Hinampas niya si Elaine sa ulo gamit ang kamao niya. Napaatras naman ang kapatid ko at napahawak sa ulo niyang tiyak kong sumasakit.
"Anu bah! Nag-uusap nga lang kami!"
"Ano nga sabi ko sayo? Huwag na huwag kang sasagot." Lalapitan ko na sana si Elaine nung malakas akong tinulak ni Rachel. Napadaing ako sa sakit nung tumama ang likod ko sa pader.
"Pare-pareho kayong magkapatid! Mga ilusyonada!" Nag-aalala ako nung makitang namimilipit pa rin si Elaine sa sakit. Babangon na sana ako pero nakaramdam ako ng matigas na bagay na tumama sa tagiliran.
Kita kong lumuhod si Rachel sa harapan ko at pinagsasampal ang mukha ko gamit ang flat niyang sapatos.
.
"Sure ka bang wala kang laban? Sumagot ka nang seryoso para mapag-usapan na natin ang panliligaw mo." Nakahalukipkip ko siyang tiningnan mula ulo hanggang paa. Akala ko ba mayaman, ba't pare-pareho lang ang damit na sinusuot niya?
"Yeah, I only have two maximum of fights every week. Should we get started? Or should I wait until your shift ends?" Walang ganang niyang tanong. Is he not that persistent to pursue her? Well, bahala na, basta may kasunduan na kami.
"Pagkatapos na lang ng shift ko. Antayin mo ako sa may exit." Tinaasan ko siya ng kilay nung hindi pa rin siya umaalis at nakapamulsang tinitingnan ako habang inaayos ko ang mga beer na ibebenta ko.
"What's up with those scratches?" He asked while pointing out the scratch on my left cheek. He has sharp eyes. Kahit makapal na yung foundation at concealer ay kitang-kita niya pa rin.
"N-napaaway lang sa may kanto," pagrason ko pero mukhang hindi siya kumbinsido.
"Why?"
"Bakit? Gusto mong sumama? Psh, huwag ka na ngang magtanong."