[Donnah's POV]
"Takbo!" Mabilis kong hinila si Hannah sabay takbo. Naghaharumentado ang puso ko dahil sa kaba na baka maabutan niya kami. Dire-diretso ang takbo namin at lumingon ako sa likuran para tingnan kung nakasunod siya at namutla ako nung makitang hinahabol pa rin niya kami na may ngisi sa labi.
"Dito," hinila ko si Hannah papasok ng gym nung makitang maraming tao ang naroroon dahil sa practice match ng volleyball team. Agad kaming nakipaghalubilo sa umpukan ng mga tao sa bleachers. Sinadya naming tumabi sa mga matatangkad para mahirapan si Rivan sa paghahanap sa amin.
"Andalio, I love you!"
"Number 8, akin ka lang!"
"Yan, takbo!"
Napuno ang buong gym ng mga hiyawan ng mga tao. Kahit practice pa lang ay sobrang dami na ng tao. Yung iba ay nagsitayuan pa kaya tiyak kong mahihirapan talaga si Rivan na hanapin kami.
Sumandal ako at sumilip para tingnan ang entrance ng gym. Napaayos ako ng upo nung pumasok na siya.
"Sino yun, Donnah?" Nanginginig ang boses na bulong sa akin ni Hannah.
"Si Rivan, ex ko."
"Seryoso?"
"Oo, kahit ako nga ay nagtataka kung ba't ko pa pinatulan ulit ang manyakis na yun." Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko nung makita ang pagkagulo sa mukha ni Rivan. Nakakamot sa ulong lumabas din siya sa wakas.
"Wala na siya, Don."
"Sandali," pigil ko sa kanya nung tumayo siya.
"Bakit?"
"Baka nakabantay yan sa labas, patapusin na lang muna natin ang laro tsaka tayo lalabas sa kabilang exit." Tumatango-tango niyang sinunod yung sinabi ko.
"Ba't mo pinatulan ulit?"
"Wala eh, malibog ako." Pinanliitan niya ako ng mga mata dahil sa naging sagot ko.
"Ano na ang gagawin mo? What if makita ka niya ulit?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Hannah nung sa wakas ay nakalabas na kami ng gym.
"Mag-aaral ako nang mabuti para tumaas ang marka ko, next semester siguro ay magta-transfer ako... ulit." Napabuntong-hininga ako. Ako mismo ang nagdadala ng gulo sa buhay ko, why can't I just behave? Kung hindi pa dumating si King ay tiyak kong ikakandena ako ni Rivan.
"May ex ka na naghahabol sayo at meron kang manliligaw na gusto mo rin. Tell me, katulad din ba nung Rivan na yun ang manliligaw mo?"
"What? No way!" Napatawa ako.
"Desente si King at inosente. You will be amaze kung makikilala mo siya, Han."
.
The day of the inter-high came. Habang nasa bus kami papuntang KPA ay nagsilagay kami ng kulay purple na face paint sa pisngi para mamaya sa cheering. One-day event lang ang inter-high since sobrang lapad naman daw yung KPA. Four schools would compete simultaneously, lahat naman ng court ay kompleto. May tennis court, soccer field, olympic pool, at iba-iba pa.
Hindi ko nga ma-imagine kung gaano ito kalapad. Isang barangay ba?
"Rinig ko na sobrang mahal daw ng tuition fee sa Keyyato. Mayaman siguro yung manliligaw mo, Donnah."
"Hindi lang siguro, sigurado talaga." Naging hobby ko na yung pagyayabang kay Hannah tungkol kay King. Nakakatuwa lang kasi na isang Quintez Pascual ang nagmamahal sa akin... na may nagmamahal pa pala sa akin. Si King lang ang nag-iisang lalaki na nag-alaga sa akin at nagparamdam na may halaga ako. I got involved with men before, but it was just all lust... nothing more.
Papasok pa lang yung bus namin sa gate ay hindi ko maiwasang mapanganga, lahat kami ng mga kaklase ko ay umiidlak ang mga mata sa pagkahanga. Isang academy na hindi mo maiisip na nag-eexist.
Mula sa mataas na gate ay bumungad sa amin ang malapad na lawn na merong mga bermuda grass. Madaming matatayog na mga puno kaya kahit nasa loob pa lang kami ng bus ay tiyak naming mahangin sa labas. Madaming mga estudyante na nagkalat sa loob.
Kahit sobrang taas ng mga puno ay hindi nito natatakpan ang ganda ng mga buildings na iba-iba ang kulay at may pitong floors.
Huminto ang bus namin sa harap ng isang building na kulay yellow. Narinig ko na nandito na rin ang Aslavina National High School, isa sa mga makakalaban ng school namin kaya kailangan pa naming hintayin ang dalawa pang school bago mag-start and opening ceremony para sa inter-high.
Pinanood namin ni Hannah na magsilabas ang mga kaklase namin bago tumayo. Ayaw kong lumabas kami at makipagsiksikan, at iyun ang isa sa mga ayaw ko. We know that everyone hates us, so getting inches close to them is a big no-no.
"Students, you are freely to check the campus around, only until 9:30. After that, kindly assemble to the quadrangle." Napangiti kami ni Hannah dahil sa sinabi ng representative. Agad ding naghiyawan ang mga kaklase ko at ang mga taga-ibang section. Mga estudyante ng KPA ay napapatingin sa amin at mukhang nairita sa ingay na ginawa namin.
Masyado silang pormal tulad ng uniform nila. Naka-checkered necktine na pumapares sa palda nilang one-centimeter below the knee. Yung mga boys naman ay nakasuot ng pantalon na kulay latte, kapares ng blazer nilang mukhang mamahalin. Kainggit nga eh, sobrang komportable nila sa uniform nila. Joke lang, mas komportable yung sa amin... wala kasi kaming uniform, naka-civilian lang.
Sa isang iglap ay biglang nawala na yung mga taga-Lakewood kaya naiwan kaming dalawa ni Hannah.
"Nasaan na yung manliligaw mo, Donnah?"
"Sandali, tatawagan ko." Napakunot ang noo ko nung tila naka-off yung phone niya.
"Hanapin na lang natin. Pwede ring magtanong-tanong na lang tayo, so at the same time we can explore the campus." Sumang-ayon si Hannah at nagsimula na kaming maglakad.
Ibang-iba ito sa Lakewood. Yung ambiance rito masyadong peaceful kaya nakaka-tense. Seryoso yung mga mukha rito ng estudyante kaya nakakailang magtanong.
"Pwede rin tayo magtanong sa mga nasa cafeteria," bulong sa akin ni Hannah habang nakaturo sa sliding door kung saan maraming mga estudyante ang kumakain sa loob, particularly mga taga-KPA.
"Sandali, try nating tanungin sila." Agad kong nilapitan ang dalawang estudyante na kakalabas lang ng cafeteria.
"Umm... magtatanong lang po sana kami, kung pwede?"
"Sige. Ano ba yun?" Natuwa ako nung mahinahon silang sumang-ayon pero hindi pa rin mawala ang pagkaseryoso sa mga mukha nila.
"May kilala ba kayong Senior dito na ang pangalan ay Quintez Pascual?" Nanlaki ang mga mata nila at nagtaka ako nung mabahiran ng takot ang kanilang mga mukha. Agad nila kaming tinalikuran at tumakbo papalayo.