Aslavina Students

1062 Words
[Donnah's POV] "Teka lang!" Akmang susundan ko na sana pero pinigilan ako ni Hannah sa braso. "Sa iba na lang tayo magtanong," turo niya sa ibang estudyante na nasa loob ng cafeteria. Sumang-ayon ako pero hindi pa rin mawala ang pagtataka sa mukha ko. Why did they run? Nung makapasok na kami ay agad na tumambad sa amin ang malamig na simoy ng hangin na nanggagaling sa AC. The students of KPA seemed not to mind us. They are formally talking to each other and eating their lunch. Me and Hannah approached a group of students who are obviously younger than us. Agad silang napaangat ng tingin sa amin nung maramdam ang aming presensya. "Hello, taga-Lakewood kami at may hinahanap kaming estudyante na taga-KPA. He's a Senior, his name is Quintez Pascual," masuyo kong pagkakasabi. Ang maamo nilang mga mukha ay agad na namutla, they all had the same scared expression just like the girls we approached earlier. "Kilala niyo ba siya?" Tanong ko nung magsibulungan sila. Akmang aalis na sila sana nung bumukas ang sliding door ng cafeteria at biglang tumahimik. Sobrang tahimik na ang tanging maririnig mo lamang ay ang hakbang ng apat na pares ng sapatos. Napalingon kami ni Hannah at parang nasemento ang mga paa ko sa sahig habang pinagmamasdan ang isang lalaking pamilyar na naglalakad kasama ang isa pang lalaki na sobrang tangkad. May kasama rin siyang dalawang babae. Yung isa ay maliit at naka-ponytail habang yung isa naman ay matangkad at umaalon ang mahaba nitong buhok. Lahat ng estudyante ng KPA ay napatigil sa kani-kanilang gawain habang sinusundan ng tingin ang apat na estudyante, at kabilang na roon si King. Hindi ko maiwasang mapanganga at mapatulala. It's the first time I ever seen him in a school uniform. Naka-gel ang kanyang buhok at matatalim ang kanyang mga tingin. Akmang lalapitan ko na sana siya pero pinigilan ako ni Hannah. Tumingin ako sa kanya at bahagyang iniling niya ang kanyang ulo. Pinapanood ko lang silang pumunta ng counter at may sinabi na kung ano ang matangkad na lalaki sa cashier. "Hannah, si King yan," bulong ko kay Hannah habang bahagyang nakaturo kay King. "Seryoso? Yan ang manliligaw mo?" Namimilog ang mata at hindi makapaniwalang pagkumpirma ni Hannah. Tumango ako at ibinalik ang tingin kay King na ngayon ay nakaharap sa amin. May kung ano siyang kinukuha sa kanyang bulsa at nakita kong phone niya iyun. May pinindot siyang kung ano at tumunog naman yung phone ko. [King: Let's just talk later. Sorry, i'm with the Officers.] [Donnah: Fine, just text me whenever you're available.] Umangat ako ng tingin at nakitang nasa loob na ng bulsa ang kanyang phone. He obviously didn't saw my reply. "Tara," ani ko bago hinila si Hannah palabas ng cafeteria. . "He's with the Officers daw." "Officers? You mean, Student Council?" "Siguro," kibit-balikat ko. "Nasaan na ba tayo?" Naguguluhang tanong ni Hannah bago nilibot ang tingin sa paligid. Nasa harapan kami ng isang building na kulay green na katabi ng parking lot. "Nasa exit na siguro tayo. Parking lot, e." Napalingon kaming dalawa sa sigawan sa bandang kanan namin. Agad kaming naglakad ni Hannah papaunta roon para makita kung ano ang ganap. Pumasok kami sa isang indoor pool kung saan nanggagaling ang ingay at nakita ang mga estudyanteng naka-civilian at nakasuot ng ID na royal blue yung kulay ng kanilang ID cord. Mukhang taga-Aslavina sila. Natigilan sila at napatingin sa amin ni Hannah. Mukhang alam nilang taga-Lakewood kami dahil sa purple na facepaint sa mukha namin. "Hello!" "Mga taga-Lakewood, kamusta?" Hindi namin inasahang papansinin nila kami. Agad akong napangiti habang si Hannah naman ay bahagyang nagtago sa likod ko. "Oo, ako nga pala si Donnah. Si Hannah naman, kaibigan ko." "Ako nga pala si Lianne," pakilala ng babaeng naka-messy bun ang buhok at matangkad. "Heto naman si Yana, Anne, Samara, Mark, at Rodolfo." Pinakilala niya sa amin ang iba pa nilang kaibigan. Lahat sila ay mukha namang friendly. "Are you checking the campus din ba?" Tanong ni Anne. Messy din ang buhok nito at may cute na nunal sa ilalim ng kanyang bibig. "Oo, e. Kaso nawala kami, sobrang lapad kasi ng school." "Parehos lang pala tayo!" Tawanan nilang magkakaibigan na ikinangisi ko. Ang saya nilang tingnan. They are groups of students consisting of both boys and girls, it's the kind of friendship I rarely see. "Sumabay na kayo sa amin!" Yaya nila. Tumingin ako kay Hannah at kinakabahang nakahawak ito sa dulo ng damit ko habang mariing nakakagat sa kanyang labi. "Hey, don't worry. They're not from Lakewood, they're not going to judge us. Come on." We only have 20 minutes left. We walked around the campus and even though we don't know we're heading at, i'm sure we're not lost. It's fun to have a lot of new friends. We talked a lot of things and Hannah gradually became comfortable with their presence. Sobrang gaan lang sa pakiramdam na tinuturing nila kami ni Hannah na parang hindi kami naiiba. They made sure we won't be out of place. Kada kwentuhan at topic ay naroroon kami. Napahiya nga si Rodolfo at Yana kanina nung pumasok na lang sila sa isang classroom kung saan nagwo-workshop ang robotics team ng KPA. Sobrang awkward kaya pagkalabas nila ay sobrang pula ng kanilang mukha. "Akala ko kasi walang tao," nakakamot sa ulo na sabi ng napahiyang si Rodolfo. "Ang daya! Ba't kasi hindi kayo sumunod? Para naman fair!" Tinawanan lang namin ang nagrereklamong si Yana. Buti na lang at napadpad kami sa entrance kung saan papasok ang bus ng dalawang school. Which means, magsisimula na maya-maya ang opening ceremony. "Kita-kita na lang tayo mamaya." Paalam ko. "Yeah, labas kaya tayo mamaya? Donnah, Hannah, pahingi nga ng number niyo." Lumapit sa amin si Samara sabay kuha ng phone niya. "Baby Hannah, mami-miss kita." Mangiyak-ngiyak na sabi ni Yana sabay yakap nang mahigpit kay Hannah na natatawang pumipiglas. We exchanged phone numbers before we rush towards our respective lines when the speaker announced that the opening ceremony will start anytime soon. "It's good na nag-enjoy ka," ani ko kay Hannah habang nakangiti. "Yeah, thank you, Don." "For what?" Nahihiyang iniling niya ang kanyang ulo at napatingin sa baba, "for being my friend. I experienced a lot of things and met people because of you." "I just don't want you to feel unworthy, Han. Kaibigan kita kahit anong mangyari."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD