Who Are You?

1019 Words
[Donnah's POV] Pumila na kami ayon sa schools na aming kinabibilangan. Hindi ko maiwasang mapahanga na kahit sa sobrang dami namin ay maluwag pa rin sa loob ng KPA. Yung tipong hindi ka mababangga sa braso ng kung sino o magsasabi ng 'excuse' para makaraan. Lahat ng mga estudyante pati kami ay sobrang excited na sa pagbubukas ng inter-high. Nagsihiyawan kami nung tumunog ang trumpeta sa isang magiliw na musika na nagmumula sa speaker. Kumanta kami ng prayer, pambansang awit, at district hymn. Kasunod ng mga kanta ay ang pagpapasalamat ng District School Chairman. The whole school is alive especially because of the jokes coming from the Chairman himself. "I shall now pass the mic to the KPA's beloved Student Council Officers." Nakangiting sabi ng Chairman at unti-unti ay biglang napawi ang kasiyahan sa mga mata ng mga estudyante. Bigla naging tensyonado ang paligid nung umakyat sa stage ang apat na estudyante. Nakaawang ang labi ko silang pinapanood at hindi maintindihan kung bakit naging ganoon ang reaksyon ng mga estudyante lalo na yung mga taga-Keyyato. Tinanggap ng isang lalaking matangkad ang microphone. May kagwapuhan din ito at naka-clean cut ang maitim niyang buhok. Ngumiti siyang humarap sa amin bago nagsalita. "Good morning, fellow students of District Two. We can't be more grateful than seeing excited faces as we are holding the opening ceremony for our 63rd inter-high today." Maigi kong tinitigan si King na matuwid lang na nakatayo habang nililibot ang tingin sa paligid. Pumipintig ang puso ko sa hindi malamang dahilan. Parang hindi si King ang nasa taas ng stage. He acts differently and weird. "... We would also like to thank the Headmasters of every school for making this event possible–" Hindi naipagpatuloy nung lalaking matangkad ang kanyang sasabihin nung lumapit sa kanya si King at may ibinulong na kung ano dahilan para kumunot yung aking noo. Nung tumango yung lalaking matangkad ay dali-daling bumaba si King sa stage na ikinasinghap ng mga estudyante. Halos mabingi ako sa sobrang tahimik habang sinusundan namin ng tingin si King. Dire-diretso lang siyang naglakad nang walang pag-aalinlangan at yung mga estudyante na lang ang nagsitabi para bigyan siya ng daan. Tumigil siya sa harapan ng apat na babaeng nagtatawanan at mukhang hindi alam kung ano na ang nangyayari sa kanilang paligid. Mukhang taga-University of District Two sila dahil sa kanilang uniporme. "Who's your adviser?" Tanong ni King at agad namang lumingon ang apat na babae sa kanya. Bigla silang namutla nung mapagtantong nakatingin kaming lahat. Hindi sila nakasagot dala ng kaba at takot. "I did not expect UDT students to behave insensibly. This is just the first warning for the four of you and take note... I never forget sinful faces. One wrong move and I shall humiliate you. A humiliation that you would wish not to step into the sun ever again." The four girls shivered even me when King looked at them with unbreakable coldness in his eyes. It seems like everyone stopped breathing for a while. He's... scary. Well, he has always been scary and cold but this is another version of him... a worse one. I could see tears hiding in the eyes of those girls. Their knees are trembling as they looked down, not wanting to meet his ferocious gaze again. "Naririnig niyo ba ako?" He's not shouting but hearing his voice again after a period of silence got them shock. "Y-yes, Treasurer." "Good." Agad na tumalikod si King at nagsimulang maglakad pabalik sa stage at tumayo roon bago ipinagpatuloy nung matangkad na lalaki ang kanyang speech na parang walang nangyari. "Donnah, your suitor is... terrifying. Are you sure he's your suitor?" "Y-yeah, of course I know he's King." "I just never imagine that a guy like him is capable of courting someone. It's just... weird." Hindi na ako sumagot kasi kahit ako ay nagtataka. Hindi ko na kilala kung sino nga ba talaga si King. Base on his role and the way he acts, he's terrifying and uncaring... a kind of person that is not capable of love. . "Lakewood! Lakewood! Lakewood!" Everyone in school chanted as the Lakewood's soccer team finally stole the ball. The game was intense because of how tight the score is. The stats of our players and the opponent's are almost alike. "Agawin niyo ulit!" "Huwag kasi kayong tanga!" "Talo na tayo niyan!" Mukhang naiinis na sigaw nung iba nung dahil sa sobrang dikit ng laban ay halos hindi na maipasok sa net ang bola dahil sa agawan na nangyayari. "Boo!!" Sigaw ng ibang taga-Lakewood nung mag-timeout ang kalaban at hindi pa rin nagagalaw yung scoreboard. "Saan ka?" "Ihi muna." Sagot ko nung makatayo na. "Samahan kita." "Huwag na, diyan ka lang at para hindi tayo mawalan ng upuan." Sumang-ayon na lamang siya at hinayaan ko. Kailangan kong bilisan para makahabol ako sa laro. Dali-dali akong lumabas ng field at napatampal ako sa aking noo nung wala akong katiting na ideya kung nasaan ba yung cr. Putcha naman, malapit nang matapos yung laro, e. Kabanas! Halos wala rin akong matanungan na taga-KPA kasi busy din sila sa panonood ng iba't ibang sports. Pumasok ako sa main building at parang haunted sa sobrang tahimik. Napaestatwa ako sa kinatatayuan ko at napasinghap nung makita si King na naglalakad papalapit sa akin. "King–" Mabilis niya akong hinila papasok sa isang kwarto na walang tao. Hindi ko inaasahan na makikita ko ang sarili kong nakabaon sa dibdib niya at nakapulupot ang kanyang mga braso sa katawan ko. "Damn, I finally got close to you at last," he whispered. Hinayaan ko siyang yakapin ako habang nakaawang pa rin ang aking labi dahil sa pagtataka. "I'm sorry for ignoring you earlier." "Buti at na-realize mo," biro ko at hindi ko naman inaasahang seseryosohin niya iyun. "My legs were itching to run down the stage and hug you. I'm sorry if I can't express my love the way I want because of all these shitty rules." Tumangla ako sa kanya para tingnan ang kanyang mukha at bumungad sa akin ang mata niyang pagod at nananabik. "Tell me, Quintez. Who exactly are you?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD