[Donnah's POV]
Napayuko ako at mas lalong lumapit kay King habang naglalakad papasok ng KPA. Lahat kasi ng atensyon ay nasa akin. Yung mga mata ng mga estudyante ay mukhang naguguluhan, natatawa at kinakabahan na parang ewan... hindi ko maintindihan. I've been stared at before and i'm always the center of the crowd's attention but the stares that they're giving me right now is making me hella confuse and disturbed.
"Why are they staring at me?" I asked King. Ngayon lang ba sila nakakita ng transferee?
"You're with the Student Council Treasurer, of course they will stare at you." Ngumisi siya at ako naman ay natigilan sa paglalakad. Kaya pala...
Kumunot ang noo niya nung unti-unti akong naglalakad papunta sa kabilang direksyon. "Saan ka pupunta? We're still meeting with the Headmaster." Hinila niya ako sa braso at mabilis na kinaladkad.
"They won't quit staring."
"Pake ko sa kanila."
"Parang pwet ka ng baboy, ako nga ang tinitingnan nila, e." Binitawan niya ako at napakamot sa kanyang ulo.
"Just... don't mind them. Mas mabuti nga na alam nila na malapit ka sa akin. They won't dare to touch even the tip of the strand of your hair."
.
Tama nga si King. Wala nga talagang may magtatangkang humawak sa akin at mas worse ay lumapit. Parang may virus ako dahil sa pag-iwas nila.
Nung makarating ako ng aking silid at namimilog ang mga matang tumingin sa akin ang mga kaklase ko bago mabilis na nagsiyuko.
They must be scared to know that I have King, the Student Council Treasurer, to back me up. Of course they would rather distant theirselves from me than be humiliated in front of the entire school.
I just sighed and chose to sat on the farthest seat from everyone, for their own peace of mind.
Isa-isa kong binasa ang mga rules and of course, common lang naman and this time, I would lay low and do everything to make King proud and also Elaine. So, I decided to make my bucket list for this school year.
Number One: Stay out of trouble and follow every rule.
Number Two: Pass every school works before the deadline.
Number Three: Review each lesson in ahead of time.
Number Four: Be friendly and approachable to everyone
Number Five: Get high scores in every test.
I am changing now. I won't be Donnah 'The w***e' Martinez that everyone in our street knows. Ipapatunayan ko sa lahat na kaya kong magbago, na may pag-asa pa palang magbago ang isang gaya ko.
Napangiti ako sa aking naisip at hindi ko maiwasang matuwa sa encouragement na naiisip ko.
"Good morning, everyone. I am Donnah Martinez, a transferee from Lakewood University." Tipid akong ngumiti sa kanilang lahat at hindi ko maiwasang kabahan dahil sa seryoso nilang mga mukha na parang hindi mo mabibiro, wala ni isa ang natuwa o may ipinakitang ekspresyon na naiiba... lahat sila ay mukhang robot.
Ganoon lang ba talaga ang mga estudyante ng KPA o ganoon sila humarap sa akin dahil kakilala ko si King?
Kagat-kagat ang mga labi kong bumalik na sa pagkakaupo. Naghaharumentado pa rin ang puso ko dahil may kakaiba sa paaralang 'to at sa mga estudyante.
.
Mag-isa lang akong naglakad papunta ng cafeteria at nung makapasok na ay nagsibulong-bulungan ang lahat at napatingin sa akin. Naging mabagal ang paglalakad ko habang nagtatakang sinuri ang lahat ng mga estudyanteng nakatingin sa akin. Unti-unti silang napaatras at binigyan ako ng daan para makauna sa pag-order sa counter.
"I-i'll just line up here. It's okay." Nahihiya akong ngumiti sa kanila at napayuko. They're giving me a weird treatment and I guess it's because of King... because of their fear for him.
Tumango silang lahat at tahimik na bumalik sa kanilang linya. Parang wala akong ibang naririnig maliban na lang sa sarili kong paghinga at pagpintig ng puso ko dahil sa sobrang katahimikan na naghahari sa loob ng cafeteria. Kahit yung mga nagta-trabaho ay halos hindi mo malalaman na gumagalaw pala sila at humihinga.
Calm down, Donnah. Iba na ang buhay mo ngayon, mas tahimik na... sobrang tahimik na. You'll get used to it eventually.
"Who's she? Is she the transferee?"
"She's the one? Gosh, she looks so gorgeous."
Agad akong napalingon sa gilid ko nung makaramdam ng mga titig at bulong-bulungan. "She's looking at us." Agad silang nagsiyuko at umalis nung nginitian ko sila.
Is that the reason why they are avoiding me?
Habang naglalakad papunta sa next subject ay hindi ko maiwasang mapatigil sa isang office na ang dingding ay gawa sa tainted na kristal.
I saw myself on it. I'm wearing the KPA's uniform which perfectly suits me. My long hair has been tied in a high ponytail and my lips, even without lipstick... they look so beautiful. I realized that I still outstand in the midst of the crowd even if I just feel simple. I smiled at my reflection but I instantly took steps backward when the glass door opened. My heart was racing so fast, nervous that it might be the President, the Headmaster or a teacher.
"You don't need to check yourself. Baby, you always look captivating." Pahilig na nakahawak ang kamay ni King sa may entrance ng sliding door habang kumikislap ang mga matang nakatitig sa akin. Malumanay siyang ngumingiti na parang ako ang pinakamagandang babae na nakilala niya.
"B-ba't nandiyan ka?" Tanong ko bago sumilip sa loob at nagulat nung makita ko ang Vice President na namimilog ang mga matang nakatitig sa akin. Parang naestatwa ito at kita sa buong mukha nito ang pagkasorpresa.
"This is the Student Council Office. What about you? Shouldn't you be in your next subject?" Nilagay niya ang magkabilang kamay niya sa kanyang mga bulsa bago naglakad papalapit sa akin.
"P-papunta na nga." Natataranta akong nagpaalam sa kanya bago dali-daling naglakad. Kinakabahan ako na baka isipin niya ay hindi ako seryoso sa pag-aaral.
"Wait!" Tumigil ako sa paglalakad at lumingon sa kanya nung tinawag niya ako. Ipinilig ko ang ulo sa pagtataka kung bakit pinigilan niya ako.
Nakatitig lang ako sa kanya habang naglalakad siya papunta sa akin hanggang sa naramdaman ko ang kanyang braso na yumakap sa aking balikat. He pulled me closer to him and my lips parted when I felt his soft lips on my forehead before whispering to my left ear. "I love you."