I Humiliate Students

1002 Words
[Donnah's POV] Nanlamig ang buong katawan ko habang nakatitig sa nakahigang katawan ni Rivan. Is he still alive? Is he breathing? Naramdaman kong pumasok na si King ng driver's seat at nung hinarap ko siya ay parang wala lang nangyari. Umiiyak ko siyang pinaghahampas sa braso na siyang ikinagulat niya. "You should have stop! One punch was enough, you beat the hell out of him. Wala ka man lang awa! Tiyak kong hindi na niya mamumulat ang isa niyang mata dahil sa ginawa mo!" I gritted my teeth and stared into his eyes with rage. He returned a cold stare and he's so heartless for not showing any regrets for what he did. "You still care for that guy? Kaano-ano mo ba siya?" "He's my ex." Nagbabaga ang kanyang mga tingin na tumingin sa labas kung saan nakahiga si Rivan. "Your... ex? My girlfriend was hurt and she still cares for her ex. Wow." Sarkastiko niyang saad. "You don't get my point. He looks dead. You should have controlled yourself! You're a fighter, not a criminal!" "Handa akong magpakriminal, maprotektahan ka lang. I can even kill everyone just to secure your safety." Umigting ang kanyang panga bago pinaandar na ang sasakyan. Hindi ako makaimik dahil sa kanyang sinabi. Hindi ko aakalain na may taong darating sa buhay ko na handa akong protektahan... na handang pumatay para sa akin. "Did you do it with him?" Blanko ang ekspresyon na tanong niya sa akin. "N-nung kami pa–" "At ngayong break na kayo ay gusto pa rin niyang may mangyari sayo? Heck, Donnah, what kind of men were you involved with?" Hindi ko maiwasang mapayuko nung maramdaman ang disgusto sa pananalita niya. "I'll transfer you to Keyyato, Donnah. Doon ay walang magtatangkang lalapit sayo. I have eyes around the campus." "You're transferring me because you care? Or you're just being possessive?" "I'm being both. You're precious, Donnah. I can't afford to see a single scratch on your body. I don't want you to experience the pain I once felt." Habang tumatagal ay parang nagiging estranghero na sa akin si King. Hindi ko alam kung ano ang kanyang kwento dahil wala naman siyang balak sabihin sa akin ang lahat pero kahit papaano, sigurado akong mahal niya ako. . "Kamusta ang pag-aaral mo?" Tanong ko kay Elaine habang kumakain kami ng hapunan. "Madami akong naging kaibigan, Don, pero sobrang dami ng projects. May mga sayaw pa kami na ipe-perform." "Basta, sikapin mo na ipasa ang lahat ng mga projects mo. Kailangan may maganda kang kinabukasan para hindi mapagdaanan ng mga magiging anak mo sa huli ang napagdaanan natin." Tipid akong ngumiti at ginulo ang buhok niya. "Kung hindi ba naman siraulo ang tiyahin natin ay hindi na natin kailangang maghirap nang ganoon." "Nasaan nga pala siya?" Tukoy ko kay Rachel. "Bumili ng groceries." "Buti naman at umayos na siya." "Anong umayos na? Tumatambay pa rin yan sa sugalan pagwala kayo. Halos dalawang kaha nga ng sigarilyo ang nauubos niyan sa isang araw. Minsan naman ay may mga briefs sa loob ng kwarto niya, nagdadala pa rin yan ng mga boylet niya rito tuwing wala tayo rito." Hindi makapaniwalang iniling ko ang aking ulo. Wala ngang pagbabago sa buhay niya maliban na lang at hindi na niya kami sinasaktan, sinisigawan o kinakausap man lang. Hindi ko nga lubos maisip kung paano naging tiyahin siya namin. "Donnah, you think our lives would have been better if our parents are still alive?" "I-i don't know." I actually keep asking myself that question every night. Mababait kaya yung mga totoong magulang namin? Anong trabaho nila? Wala na ba silang ibang kamag-anak? Paano nga ba sila namatay? "Ba't naka-uniporme ka?" "Lilipat na ako ng school. Masyadong magulo na sa Lakewood kaya napagdesisyunan ni King na ilipat ako sa school na pinapasukan niya rin." "Yung KPA?" Tumango ako habang nagsusuot ng sapatos. "Woah," inangat ko ang aking tingin para tingnan ang reaksyon ni Elaine at nakaawang ang kanyang labi. "Bakit?" "Amazing kaya ang Academy na yan. Pagnaka-graduate ka roon ng high school na hindi mo nalalabag ang mga rules ay pagdudumugan ka ng mga prestigious universities para gawing scholar." "Seriously? Saan mo yan narinig?" "Sa mga kaklase ko. Wala bang sinabi sayo si Kuya?" Iniling ko ang ulo ko na ikinakibit-balikat niya. Mabilis kaming lumabas nung makarinig na kami ng busina sa labas. Ihahatid muna namin si Elaine sa Troan High bago kami didiretso patungong KPA. "Magpakabait ka, Elaine." Bilin ko sa kanya nung huminto na ang sasakyan ni King sa harapan ng school. "Mabait ako, Donnah. Baka nga ikaw dapat ang magpakabait, demonyong damo ka pa naman." "Aba't–" Hindi na niya ako pinatapos at sinara na niya ang pinto ng sasakyan matapos makalabas. Kalma lang, Donnah. Kapatid mo yan... mahal na mahal mo ang kapatid mo, so chill. "May ibibigay sayo mamaya ang Dean na mga papeles, basahin mo iyun nang maigi. Rules are sacred inside the KPA, make sure to obey every single one of it for your sake." Napangisi ako dahil sa pagkastrikto niyang magsalita. He looks attractive especially his well-refined jaw. "Why? Would you punish me?" I seductively said and it made his lips parted. He gulped before looking away. "I hope it would be me." "Si Secretary ba ang inaalala mo?" "All of the other officers. Secretary has this insane habit that can twist every student's mind. Vice has a different and mysterious way of disciplining students and President... he likes to tempt students to break the rules." "What about you?" I asked nung maalala ko na parte rin siya ng Student Council. "I am the Treasurer and I humiliate students mercilessly." Binasa ko ang aking pang-ibabang labi. Ewan ko ba kung ano ang mas gusto ko. Ang seryoso na King o ang malambing? "If I ever break a rule, would you humiliate me?" "You know that I can't do that." "But wouldn't that be unfair to the other students?" "Why would it be unfair? Girlfriend kita at mahal kita, sayo lang ako mag-aalala."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD