He Will Be Dead

1064 Words
[Donnah's POV] "D-donnah," kinalas ni King ang braso ko mula sa kanya at mabilis na umatras. Binasa niya ang kanyang pang-ibabang labi at mukhang nagulat sa ginawa ko. While me... I can't help but to be disappointed by his actions. Why didn't he responded to my kiss? Does my lips feel dry? "M-maybe we should head back. Kanina pa naghihintay sa atin si Elaine." Naiilang na sabi niya bago siya naglakad pabalik sa loob at nilampasan ako. Buong dinner ay tahimik lang ako. Naguguluhan at nasasaktan dahil parang ayaw sa akin ni King. I have kissed men before and all of them didn't reject me... so it's either King didn't find my lips pleasant or he's being loyal to someone. May iba kaya siya? Nakokonsenya ba siya na baka ay may masasaktan? . "May lagnat ako. Baka sa makalawa pa ako makakapasok." Napanguso ako nung marinig ang napapaos na boses ni Hannah mula sa kabilang linya. "Sige, magpagaling ka." "Yep. Ingat ka mamaya sa pag-uwi." Napabuga ako ng hangin nung matapos ang pag-uusap namin. Mukhang magiging mapag-isa ako pansamantala. Masyado na akong nasanay sa presenya ni Hannah kaya tiyak kong malulungkot ako if ever na lilipat talaga ako ng school. "Anong nangyari?" Tanong ko sa mga kaklase ko pero sinamaan lang nila ako ng tingin bago tumalikod. Bwisit, kung hindi lang ako nangako kay King na magpapakabait ako ay baka pinanlampaso ko na ang mga mukha nila sa pusonegro. "Baka dalawang subjects daw na walang klase." "Ayy, salamat naman!" "Tambay tayo sa cafeteria." Dalawang oras pa lang walang klase. Hayst, kung nandito lang sana si Hannah ay hindi ako maboboryong. Lumaganap na yung nangyari noong inter-high. Yung number 11 na nadisgrasya ay nasa ospital pa at nahihirapan pa raw na makalakad. Wala ring may alam kung ano na ang nangyari kay Romualdez pero balita ko ay inexpell siya ng Aslavina dahil sa kahihiyan na ginawa niya pagkatapos nun ay wala nang may nakakita sa kanya. Bumuga ako ng hangin at nagdesisyon na lamang na umuwi. Isang subject na lang yung natira at sayang lang sa oras kung manatili pa ako rito na walang ginagawa. Mas maayos na lang kung itulog ko na lang ito sa bahay. "Ah!" Napadaing ko nung may biglang tumulak sa akin at nabunggo ang likod ko sa pader. Namilog ang mga mata ko nung makita si Rivan na nakangisi nang nakakadiri. Tatakbo na sana ako pero mabilis niyang hinila ang braso ko at kinorner ako. "There's no running away this time, Donnah." Unti-unti kong naramdaman ang mga luha ko sa gilid ng aking mga mata nung hawakan niya ako sa leeg. Unti-unti niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin at bago pa man niya ako mahalikan ay sinipa ko siya sa kanyang ari dahilan para bitawan niya ako at dumaing nang malakas. Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at mabilis akong tumakbo. Habang tumatakbo ay napahawak ako sa aking leeg dahil sa sakit ng pagkakasakal niya sa akin. "Donnah!!" Kinilabutan ako dahil sa galit niyang pagsigaw. Naghaharumentado ang puso ko at hindi ko alam kung saan ako patungo. Hindi kami umabot ni Rivan ng dalawang buwan kaya hindi ko aakalain na ganito pala kabarado ang utak niya, nakakakilabot. "King?" Ipinilig ko ang ulo ko nung makita ko siya sa parking lot. Hindi ko inaasahan na makikita ko siya dito pero kahit papaano ay nagpapasalamat ako. "King!" Tinawag ko siya at takot na takot akong lumapit sa kanya. "Baby, what happened? Why does your neck look so swollen?" Nag-aalala niyang siniyasat ang leeg ko at kumunot ang kanyang noo nung hindi niya nagustuhan ang nakita. Biglang naging seryoso ang kanyang mukha at umayos siya sa pagtayo. "Get inside the car." Agad akong tumalima dahil sa malamig niyang boses. Dali-dali akong pumasok sa loob ng sasakyan na nakaparada hindi kalayuan sa kinatatayuan namin. Nasa loob ako ng sasakyan ni King habang pinapanood ko siya. Nakatayo pa rin siya sa pwestong pinanggalingan ko at nakaharap sa akin ang likod niya. Napasinghap ako nung makita si Rivan na tumatakbo. Hindi tainted ang sasakyan ni King kaya ngumisi siya nung makita ako sa loob. Akmang tatakbo na sana siya papalapit sa sasakyan pero bigla siyang hinila ni King mula sa kanyang damit at tinulak dahilan para mapaupo siya sa sahig. Nataranta ako nung biglang ni-lock ni King ang sasakyan. No, no! He might kill Rivan! Alam kong walang laban si Rivan kumpara kay King. Pinaghahampas ko ang bintana habang sumisigaw. "King! Please, umalis na tayo! King!" He can't hear me... he can't f*****g hear me kaya mas lalo akong kinakabahan... hindi para sa sarili ko kundi para sa buhay ni Rivan. I've seen King bringing down countless fighters inside the battleground with time limit, I couldn't imagine what would possibly happen to Rivan if I let King do whatever he wants. Kita kong sinisigawan ni Rivan si King na siyang ikinatampal ko sa aking noo. Yan ang isa sa mga pinakaayaw ni King, ang sinisigawan siya. Kahit noong nalaman ko na hindi pala niya gusto si Artemis ay nakiusap siyang sa loob ng sasakyan mag-usap at dapat ay mahinahon. Oh God, Rivan will be dead in just two minutes or less. Especially dahil ni isa sa mga suntok at sipa niya ay hindi tumatama kay King. Napatabon ako sa aking bibig nung mahuli ni King ang kanyang leeg. Kita ang pamumutla sa mukha ni Rivan at ilang segundo pa lamang ang nakakalipas ay unti-unting nawawalan ng lakas ang mga kamay niya mula sa pagsuntok kay King na siyang ikinabahala ko. "King, let him go! Please, i'm alright now! King!" Sigaw ko at pilit na binubuksan ang kotse niya. Natigilan ako nung bitawan niya si Rivan matapos bigyan ng mabigat na suntok. Isang suntok na naging dahilan para mawalan ng malay si Rivan. I thought titigil na siya pero napasigaw ako nang napakalakas nung ilang beses niyang inapakan ang hita ni Rivan, hindi pa siya nakuntento at pinaulanan niya ng mga solidong suntok ang kaliwang mata ni Rivan at kahit hindi ko makita ay tiyak kong puno na ng dugo ang kaliwa niyang pisngi. Bumagal ang paghinga ko nung matuwid na tumayo si King. Tumataas-baba rin ang kanyang baga at tumutulo na ang dugo sa kanang kamay niya. I was praying that he'll turn his back around... well yeah, he finally did after giving Rivan one last kick on his jaw that made me froze.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD