Drawn To His Sparks

1010 Words
[Donnah's POV] What the hell? Hindi talaga ako makapaniwala. Everyone really thought that Secretary knew something... even Romualdez. Hindi ako makapaniwala na ganoon maglaro ang utak niya. She's unpredictable for goodness sake! "Wow... that's scary. Paano na lang kung wala palang sikreto si Romualdez? Edi pahiya siya kung ganoon." "Kung alam niyang walang sikreto si Romualdez ay hindi naman siya magsasalita. She has the most weirdest instinct, she can almost know everything just by looking into your eyes." "Seryoso?" "Yeah, the eyes are the doors to the soul and Secretary has the key to unlock it." Si Secretary at King pa lang ang nakitaan ko ng aksyon kung paano sila makipagharap sa mga estudyante. Hindi ko maisip ang paraan ng pagdisiplina ni Vice at President. "Can I ask you something?" Tipid lamang siyang tumango habang seryoso ang mga tingin sa daan. "Nung sinita mo kanina ang mga estudyante... yun ba ang totoong ikaw? O ginawa mo lang iyun dahil parte ka ng Student Council?" Hininto niya ang kanyang sasakyan sa harapan ng bahay namin. "I already told you, Donnah, I will tell you everything in the right time." Matigas na sagot niya at nakakunot-noo bago lumabas na ng sasakyan. "Kuya King!" Maliwanag ang mukhang lumabas si Elaine ng bahay. "Plastic talaga. Ako na kapatid mo ay hindi mo tinatawag na ate pero kung makatawag na kuya kay King ay parang magkadugo kayo, ah." Nginiwian ko siya. "Hindi ka naman kasi kagalang-galang para tawagin na ate." "Ano?! Patay ka talaga pag nahuli kita mamaya." Binantaan ko siya nang nakataas ang aking kamao. "Yun ay... kung mahuhuli mo." Binelatan niya ako at ginawaran ng mapanghamong mga tingin. Pumasok na kami ng bahay at naroroon si Rachel na nanonood ng tv. Agad itong tumayo nung makita si King. Bakas ang pagkataranta at kaba sa kanyang mukha. "D-dito po ba kayo maghahapunan, Sir?" "No, sa labas kaming tatlo magdi-dinner." Napatingin kaming dalawa ni Elaine kay King dahil sa kanyang sinabi. Maghahapunan sa labas? E, wala naman siyang sinabi kanina, ah. "Totoo po ba, Kuya?" "Yeah, so why don't you fix yourself? Ikaw din, Donnah, magbihis ka rin. Dito lang ako, maghihintay." Tumango ako at dali-dali kaming tumakbo ni Elaine sa taas para makapagbihis na. . "What are you wearing?" Nakakunot ang noong tanong niya sa akin habang tinititigan ako mula ulo hanggang paa. "Damit...?" Baka sisitahin niya naman ako dahil sa aking suot na croptop na pinatungan ng denim jacket at knife-pleated skirt. "Whatever," dinig kong bulong niya bago kami tinalikuran. "So kayo na? Kayo na ba ni Kuya King, Donnah?" Usisa sa akin ni Elaine. "Oo," pabulong na sagot ko at napasimangot dahil sa pagiging makulit niya. "Ano? Kayo na ba?" "Oo nga, e. Papakasalan niya raw ako next time, masaya ka na?!" Ngumiwi siya dahil sa sagot ko pero inirapan ko lang siya bago pumasok na ng shotgun seat. "Kuya, kuya!" Tawag ni Elaine kay King habang busy ako sa paglalagay ng lipstick sa aking bibig habang hawak ang maliit na salamin ni King. "Mmm?" Nakangiting tugon ni King habang nakatingin sa rear mirror. "Nag-propose ka na raw kay ate, so kailan ang kasalan?-Ay!" Nagulat ako nung biglang hininto ni King ang sasakyan dahilan para kumalat ang lipstick sa pisngi ko. "Ba't mo hininto?!" Singhal ko at dali-daling kumuha ng wipes. "W-what did you just said, Elaine?" Tumingin ako kay Elaine matapos kong makita ang pawisan na si King. Hindi ko masyadong nakuha ang kanilang pag-uusap dahil masyado akong tutok sa ginagawa ko kanina. "Kailan kayo kako magpapakasal ni ate? Nag-propose ka sa kanya diba?" "Huh?" Napaawang ang labi ni King nung kumpletong nagtanong sa kanya si Elaine. "Hoy, ano ba ang pinagsasabi mo?!" Singhal ko. "Sabi mo diba sa akin-" Halos lumipat na ako sa backseat nung tinakpan ko ang bibig ni Elaine. Putangina talaga, hindi madala-dala sa biro. "H-hayaan mo na siya, King. Gutom lang yata." Tumango siya bago pinatakbo ulit ang sasakyan. Ang bibig talaga ng kapatid ko, ang sarap tahiin. Sumulyap ko kay King at kahit sobrang lakas nang buga ng aircon ay pinagpapawisan ang kanyang noo. Mukha siyang kinakabahan at hindi mapakali. "Order what you want, i'll just take the restroom." Tumayo si King at naglakad na papuntang restroom kaya mabilis din akong tumayo para sundan siya. "Saan ka, ate?" "Iihi lang, ikaw na yung mag-order para sa amin." Hindi ko na hinintay ang kasunod niyang sasabihin at mabilis na akong naglakad para maabutan si King. Bago pa man makapasok si King ay mabilis kong hinila ang shirt niya. "Why are you here?" "I want to talk to you about something." "About what?" Tumingin ako sa palibot at madaming tao. Yung mga waiters ay panay lakad sa harapan namin. "Tara," hinila niya ang kamay ko at mabilis kaming lumabas ng restaurant sa pamamagitan ng exit. "We can talk here. Ano ba yun?" Tanong niya sa akin. Wala ngang masyadong tao at halos motorbike lang ng mga empleyado ang nakaparada. "I just want to ask if you're fine. You seemed so nervous earlier." "Yeah... medyo na-pressure lang ako sa sinabi ni Elaine. Mahal kita, Donnah, and marrying you is already in my mind." Napatunganga lang ako habang nagsasalita siya. Hindi ko masyadong marinig ang kanyang mga sinasabi at nakatutok lang ang mga mata ko sa kanyang mukha... sa matangos niyang ilong... chinito niyang mga mata at sa mapula niyang mga labi. Sobrang gwapo naman ng boyfriend ko... nananaginip lang ba ako? "Maybe we'll get married after seven or eight years... well, is that if you still want to stay with me. What do you say?" "You look so sexy." "What?" Mukha itong naguluhan dahil sa responde ko pero hindi ako nagsalita. I closed the distance between us as I grab his shirt before smashing my lips against his. I just couldn't control myself, his lips were the ones to blame. I was tempted and I let myself get drawn to his spark. I closed my eyes as I felt the sensation and sweetness of his lips. I wrapped my arms around his nape to take control over him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD