[Donnah's POV]
Napatitig ako kay King na seryosong nanonood ng laro habang nakapatong ang kanyang baba sa sariling kamay.
"They all look... scary." Anne let out a terrified laugh.
"They are the Student Council Officers right?"
"Yeah, no one can withstand their eyes. The KPA is the only school who have Officers that hide hundreds of secrets."
Hundreds... of secrets? Kumalabog ang dibdib ko habang nakikinig sa usapan nila. Nais kong pagdudahan ang katauhan ni King... ni Quintez Pascual. Ang katauhan niyang nakilala at minahal ko pero kailangan ko lamang magtiwala. Utang ko sa kanya ang buhay namin ni Elaine.
"Yung lalaking mas matangkad at maamo ang mukha, siya yung President. Approachable raw siya pero siya raw yung sobrang nakakatakot kapag nagalit. Ang babaeng matangkad naman na may straight na buhok, siya si Vice President. Tahimikin daw siya at sa kanilang lahat ay mas magaling siyang dumisiplina ng mga estudyante, alam kasi niya kung paano hulihin ang soft side ng isang student."
Hindi ko inaalis ang tingin sa mga Officers habang nagco-concentrate yung mga tenga ko sa paliwanag ni Samara.
"Yung isa naman... yung maliit na babae na naka-ponytail, siya yung Secretary. Lumapit ka na sa lahat, huwag lang sa kanya... may pagkasiraulo raw kasi at mahilig makipaglaro. Tas yung chinito, yung gwapo, siya naman ang Treasurer. Sa kanilang lahat, siya raw palagi ang mainitin ang ulo. Nakita niyo naman kanina ang kanyang ginawa, diba? I can't imagine myself getting humiliated like that."
King is actually not like that. He doesn't care about other people. He prefers to lay low and go on with his life without anyone noticing him. Maybe what he did earlier is to fulfill his duty as the Treasurer. I know King more than what the rumour tells.
Napabaling ang atensyon ko sa court nung pumito nang malakas ang referee. Nakita kong nakahandusay sa sahig ang isang player ng Lakewood habang hawak-hawak ang kanyang tuhod at namimilipit sa sakit.
"Gago yun, ah!"
"Bakit?" Tanong ko kay Mark dahil hindi ko naalintana kung ano ang nangyari.
"Nakita ko yun, e. Yung number 5, si Romualdez, ay sinadyang tinulak si number 11 habang nagdadala ng bola."
Tumingin ako sa court at unti-unti nang nagkagulo. Si Romualdez na taga-Aslavina ay halatang galit habang nakikipagtalo sa referee. Yung mga taga-Lakewood naman ay inaalalayan si number 11. Umiiyak na ito at halatang hindi kinakaya ang sakit. Ang baba nito ay dumudugo na rin.
"Anong ako? Nakita mo ba, nakita mo ba? Tangina, hindi ko nga nahawak yan, e!"
Umaalingawngaw ang sigaw ni Romualdez sa buong gym at nagmamatapang na sinasagot-sagot ang referee. Mukhang mayabang ito at binabantaan pa ang referee.
"Nakita naman ng lahat yung ginawa mo!" Napatingin ako kay Rodolfo nung bigla siyang sumigaw. Nanlalaki ang mga mata ko, ba't kailangan niyang sumali?
Kita kong sinalubong ni Romualdez ng matatalim na tingin si Rodolfo. Halatang napikon ito dahil sa ginawang pagsigaw ni Rodolfo.
"Ano? Papalag ka? Nakita nami yung nangyari!" Sina Lianne at Mark ay nakisali rin.
"Mayabang talaga. Siya lang yung basketball player na kinaiinisan namin." Lumingon ako kay Anne nung magsalita siya sa tabi ko habang masamang nakatingin sa court.
"Si Romualdez?"
"Yeah, ang dumi niyang maglaro. Kapag nasa school ay parang kung sino yan. Yung mga freshman ay binu-bully niya minsan naman ay pinipilay niya nang pasadya ang mismong mga team mates niya."
Kung titingnan mo ay hindi naman kagwapuhan si Romualdez. Sobrang kapal ng kilay niya, pango at sobrang payat. Hindi mo aakalin na marunong pala siyang maglaro ng basketball dahil sa kanyang katawan.
"We have witness," isang matinis na boses ang nagpatahimik sa buong court.
Walang nag-ingay at lahat ng mga mata ay nakatutok sa kanya... kay Secretary. Nakangisi ito nang nakaloloko kay Romualdez at nasa loob ng bulsa ng kanyang jacket ang mga kamay.
"Not just us, but even the audience saw what you did. Shannon Romualdez, admit what you have done to your opponent and you shall be spared from punishment."
"Ako ba pinagloloko niyo? Even the tip of my fingers didn't reached him. Nag-iinarte lang yan para makuhanan ako ng foul!" Napanganga ako. Does he seriously wants to get into trouble? It's the Secretary he's shouting at.
"That idiot. He really has the audacity to raise his voice in front of the Secretary... sa Secretary pa talaga." Natatawang bulong ni Mark sa likuran ko.
Parang ako yung kinakabahan dahil sa kagaguhang ginawa ni Romualdez. Unti-unting nawala ang ngisi ni Secretary pero maya-maya pa ay napuno ang buong court ng kanyang tawa... tawang dahilan ng pagtayo ng mga balahibo ko.
"Shannon, Shannon, Shannon... baka nakakalimutan mo ang rason kung bakit ikaw palagi ang MVP." Ipinilig ni Secretary ang kanyang ulo at ngumiti nang nakakilabot kay Romualdez. Lahat kami ay naguluhan sa kanyang sinabi lalo na nung biglang namutla si Romualdez.
"I have your little secret, Romualdez. Umamin ka na sa kasalanang ginawa mo kung ayaw mong malaman ng lahat... ang totoong nangyari." I could feel my soul shaking because of Secretary's smile.
"Come on, let the victim hear you confess!" Sigaw niya rito at nanginginig namang nagsalita si Romualdez. "I-i pushed him... in purpose." We all gasped because of the confession.
Nakatulala lang si Romualdez nung kinaladkad na siya ng mga guards palabas habang yung number 11 naman ay isinugod na sa ospital.
"f**k, it looks like he have seen a ghost."
"Bobo, sino ba naman hindi matatakot kay Secretary?"
"Ano kaya ang sikretong sinasabi ni Secretary?"
.
"Ingat ka, Don!"
"Kayo rin, mag-ingat kayo!" Kumaway ako sa kanila habang papasok na sila ng bus. Sumama rin si Hannah sa kanilang gumala. I can't be more happy than seeing her having a lot of friends.
"Hey."
"K-king, ba't nandito ka?" Nagulat ako nung makita siya. Nakapagpalit na ito ng t-shirt at jeans habang may suot siyang itim na cap at puting mask.
"Hahatid na kita." Hindi na niya ako hinintay pang magsalita at mabilis niyang hinablot ang bag ko bago nagsimulang maglakad papunta sa kanyang kotse na naka-park malapit sa plaza.
"King... about what happened earlier... may alam ka ba sa kung anong sikretong tinutukoy ni Secretary?" Tanong ko sa kanya sa kalagitnaan ng biyahe.
"Honestly, she doesn't know a damn thing about Romualdez's secret. Ever since the game started, Secretary's eyes didn't left him. She was observing him until number 11 got injured. Secretary manipulated him and assumed that she knows something... she successfully caught him pretentiously."