Sugar Daddy

1015 Words
[Donnah's POV] Matapang ko siyang tiningnan sa mata at sinalubong niya naman iyun ng blangkong ekpresyon. Hindi siya umimik at sa tingin ko ay wala siyang balak magsalita. Nagulat ba siya? Tss. Ngayon niya lang siguro na-realize kung gaano siya kaswerte. "Matalino ka at magaling lumaban, ang pera na nga ang lumalapit sayo ay inaayawan mo pa! Habang ako ay kulang pa rin kahit ibenta ko ang kaluluwa ko!" Sinasapak ang dibdib ko sa sobrang sikip dahilan para mapahikbi ako. Marahas kong pinunasan ang tumutulong luha sa magkabilang pisngi ko. Umiigting ang panga niya habang nakayukong nakatingin sa akin. "Hindi mo ako maiintindihan," wala sa sariling bulong bago siya tinalikuran. Napailing ako habang naglalakad para iwakli sa isip ko ang paghaharap namin ni King. Hindi ako pwedeng malunod sa sarili kong emosyon. Madami pa akong gagawin... hindi ako pwedeng mapagod. Napatawa ako sa sarili na parang baliw. Pagod ako, pagod na pagod. Gusto ring maranasang magkaroon ng kompletong pamilya, masayahin na mga magulang na pepektusan ako kapag naninigarilyo ako o umiinom, nais ko ring maranasang maging isang normal na estudyante na hindi na kailangang magtrabaho. . "Makakauwi ka na." Malapad na ngumisi akong lumabas ng room. Sa wakas ay natanggap din ang research paper ko. Kompleto na... lahat ng kailangan kong ipasa ay kompleto na. Kaya payapa akong nakauwi. Hayst, hindi rin biro ang ginawa kong pagpuyat para matapos lang ang mga kailangang ipasa. "Elaine!" Gulat na sigaw ko nung maabutan ko siyang nakahandusay sa kwarto. Mabilis ko siyang nilapitan at umupo sa sahig. Maputla ang kanyang mukha at sobrang laki ng bukol niya sa noo. Naiiyak ako habang nakatingin sa kanyang mukha. "Tatawag lang ako ng ambulansya." Akmang kukuha na sana ako ng phone pero pinigilan ako ni Elaine gamit ang nanghihina niyang kamay. "A-ayos lang, Don. Sanay na ako." Gumagaralgal ang boses na sabi niya at matamlay na ngumiti. Mariin kong kinagat ang labi ko at nagsipatak ang mga luha ko. Seeing my sister smiling despite the pain, made me question if I ever been a good sister to her. Humihikbing pinunasan ko ang kanyang mukha pagkatapos siyang bihisan. "Ba't niya naman nagawa sayo 'to ulit?" "Napagbuntungan. Natalo kasi siya sa Casino." Ningalit ko ang ngipin ko sa galit. Dahil lang natalo siya kailangan niyang gawin ito sa kapatid ko? Ang gaga niya. Ba't ba kasi naging tiyahin ko ang malansang p**e na iyun? "Anong nangyari sayo, Don?" Nag-aalang tanong ni Elaine sa akin at marahang hinawakan ang pisngi ko at gilid ng mga mata ko. "Stress lang sa trabaho pero keri naman." "Pasensya na kung nagiging pabigat ako. Pwede mo naman akong iwan, Don. May trabaho ka naman, pwede kang tumakbo palayo." "Hindi. Hinding-hindi kita iiwan. We only have each other, kaya dapat tayong magtulungan at tsaka, hindi ka kaya pabigat sa akin. Mas napapadali nga lahat ng bagay dahil sayo." Mahigpit ko siyang niyakap at hinalikan sa pisngi. Natigilan kaming dalawa nung makarinig ng mga boses sa baba. Sinenyasan ko si Elaine na huwag mag-ingay bago dahan-dahang lumabas ng kwarto para tingnan ang nangyayari sa baba. "Totoo bah?" "Oo naman, malakas ka sa akin eh!" "Ang pogi-pogi mo talaga." Nandidiri kong pinapanood si Rachel na makipaghalikan sa lalaking medyo may katandaan na dahil sa puti nitong buhok. Mapayat siya at madaming pekeng alahas. Nabuhayan ang mukha ko at napangisi nung may matindi naman akong naisip para bwesitin ang tiyahin kong mahilig makipapagtalik sa hayop. . "Kailan ba?" Tanong ko nang hindi nakatingin sa kanya dahil busy ako sa pagbebenta ng beers. "Bukas." "Edi good luck, basta yung mga sinabi ko ah? Tandaan mo, bigyan mo ang babae ng kanilang personal space. Huwag masyadong maging madaldal paghindi naman kailangan, turn-off sa mga babae ang mayayabang at madaldal pero may tiwala naman ako sayo kasi tahimikin ka kaya ang tandaan mo na lang, huwag mong gawing awkward ang sitwasyon. Matuto ka ring mag-take initiative at maging gentleman." "Yun lang?" Napaangat ako ng tingin sa kanya nung marinig ang mahinahon niyang boses. "Umm... ngumiti ka rin nang madalas." Binasa nito ang pang-ibabang labi at tumango-tango. "Salamat! Heto ang sukli mo." "Salamat, Don." "Tawagin niyo lang ako kung may dagdag pa kayo." Ngumiti ako sa mga customers ko at nung makaalis sila ay itinuon ko na ang pansin ko kay King. "I want you to come." "Baliw ka ba? Gagawin mo pa akong third party, kapals mo talaga." Tawa ko. Ano kaya ang nakain nito at kung anu-ano ang pinagsasabi. "Hindi ko kaya, kailangan ko ng tulong at gusto kong umaligid ka sa amin." "Paano ako makakatulong kung aaligid ako?" "I'll text you." "Hayst! You think magugustuhan ka ni Artemis kung panay hawak mo sa phone mo at text? Ayaw sa lahat ng mga babae ay may kahati sa atensyon." Nakapameywang na sabi ko sa kanya. He clearly doesn't know what girls are. I never thought a guy like him exist. "Doble ang ibibigay ko sayo kung susunod ka." Napanganga ako sa sinabi niya. Bwisit, may magagawa pa ba ako? Pera na yung pinag-uusapan ah. "Sige bah, 'di mo naman kasi sinabi agad." . Tinaasan ko siya ng kilay nung hinawakan niya ako sa pulupulsuhan. Aalis na sana ako para umuwi since tapos na yung shift ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa batugang 'to at parang nagiging weirdo na siya. "Ihahatid na kita." "No, thanks. May susundo na sa akin." "Sino?" Ngumisi ako sa tanong niya. "Sugar Daddy ko." "What the f**k is that?" Kumunot ang noo niya. "Parang ahmm... you know like an aristo." Napaawang ang labi niya nung sa wakas ay na-gets niya ang ibig sabihin ko. "Like a man who spends money for the benefit of a relationship with a s****l partner? Is that right? You're using your body again to gain money?!" Medyo tumaas ang boses niya at naiiritang umakto ako na parang nabibingi. "Oo nga! Parang hindi ka naman sanay sa akin at tsaka gusto ko lang gantihan ang tiyahin ko. Nobyo niya yung Sugar Daddy ko." "Are you out of your mind?" "Yes. After all those things I went through, maybe I got crazy," I chuckled.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD