[Donnah's POV]
Napamulat ako ng mata at nataranta nung marinig ang pagbukas ng pinto sa driver's seat. Shems, nakatulog ako.
"Did I do the right thing?" Tanong niya sa akin at ako naman ay parang lumilipad ang utak sa ibang kalawakan. Anong 'thing' ba? Nakatulog ako.
"Y-yeah, as expected, galing mo!" I complimented him. Ayaw kong malaman niya na wala talaga akong alam sa nangyari.
Ngumisi siya at bumalik ulit sa pagiging seryoso. Hindi niya siguro kaya ang ngumiti nang isang minuto.
"A-ano ba pinag-usapan niyo? Hindi ba awkward?"
"No, it wasn't. She has good sense of humor."
"At?" I was waiting for him to say something exciting. Yung parang ikaw ay kikiligin talaga dahil may progress nang nagaganap sa pagitan nilang dalawa.
"What? That's it."
Napahilot ako sa sintido ko. Ibang klase. Saang galaxy ba 'to pinanganak? I didn't expect that this will be hard. Gwapo nga, sobrang inosente naman.
.
"Hindi niya ba alam?" Bulong sa akin ni Elaine.
"Hindi, kaya dapat mag-ingat tayo." Sumang-ayon siya. Hindi alam ni Rachel na kalahati lang sa sweldo ko ang nakukuha niya. Ang kalahati kasi ay naitago ko sa maliit na butas ng pader na nasa ilalim ng kama ko.
Ginamit ko ang pera para pang-enroll sa isang eskwelahan at nakapasok agad ako.
Tuwing p.e. class lang ang kinakailangan ng uniform at civilian na sa ibang subjects. Unang araw ko pa lang sa Lakewood University ay kita ko na ang maasim na mga mukha ng mga babaeng estudyante lalo pa na dahil sa porma kong puting rounded sunburst neckline na shirt, maikling denim shorts at itim na lita boot.
It feels great knowing that you're the star of the day. I caressed my hair as I walked confidently through the hallway.
"My name is Donnah Martinez and I am pleased to meet everyone." I sweetly smiled at my classmates and I heard the boys whistled. I smirked when I saw their pervert eyes gazing at my flawless legs.
Umupo ako katabi ng isang babaeng maganda at mukhang badass. Inayos ko ang buhok ko at ginawa siyang messy na para takpan ang maliliit kong sugat na hindi pa rin nahihilom. Hindi naman siya masyadong obvious except na lang kung susuriin mo talaga siya sa malapitan.
"Looks like a b***h to me."
"Let's see kung sino naman ang mawawalan ng boyfriend."
"Another guy hunter."
Those words... Ah! I missed them. Mag-iisang buwan din kaya akong hindi nakapasok. I wonder if my previous classmates missed me.
.
I groaned and pulled my hair in frustration. Parang mababaliw na ako. Unang araw ko pa lang ay parang mahihiwa na yung utak ko. That's the reason why I hate schooling... pero no choice ako. Kailangan ako ni Elaine.
"Donnah?" Napaangat ako ng ulo nung marinig ang pangalan ko.
"Rivan?" Gulat akong tumingin sa kanya. Rivan Asuncion, ex-boyfriend ko. Malas nga naman. I was about to speak, but I was surprised when he just suddenly sat beside me without any permission.
"Ba't hindi mo sinabi na lilipat ka rito?"
"Nag-break na tayo remember?"
"Tumawag ka man lang sana."
"Na-delete ko ang number mo." Sa wakas ay bigla rin siyang tumahimik. Palihim naman akong napairap nung hindi pa rin siya tumatayo.
Hindi ko na siya pinansin at itinuon muli ang pansin sa textbook. Gosh, I hate this subject! Mas ayaw ko pa sa katabi ko.
"Essay? You know how i'm good in essays and thesis," bulong niya at napaayos ako ng upo nung maramdaman ang pagtama ng mainit niyang hininga sa leeg ko. Napalunok ako nung maramdaman ang kamay niyang hinihimas ang maputi kong hita. Napalinga-linga ako para tingnan kung may mga tao sa paligid at dahil nasa garden kami sa may masulok na parte ng school ay konti lang ang mga estudyante at wala sa kanila ang nakapansin sa ginagawa ni Rivan.
Naalala ko kung bakit nakipaghiwalay ako sa kanya... mas manyak pa kasi siya sa 'kin.
"Wanna study... somewhere else?"
.
Ngumisi ako habang tiningnan muli ang ginawang essay ni Rivan sa akin. I had s*x with him in exchange of doing my essay; hitting two birds with one stone. Now I feel refreshed and free.
"You smell funny." Napataas ang kilay ko nung biglang magsalita si King habang nagmamaneho.
"Funny? What do you mean?"
"You smell... jizz."
"Well, hindi ako naligo matapos makipag-ano. What did you expect?" Kibit-balikat ko at itinuon muli ang attensyon sa papel ko.
"You shouldn't do it with different men. You might get an illness from it."
"Illness-illness ka diyan. I prioritized pleasure than safety."
"Then what if you'll get pregnant?"
"I won't. I regularly take birth control and I don't do it without condoms." Umigting ang panga niya at napairap naman ako. Paki niya ba?
"Huwag mo nga akong pagsabihan. Ano kita? Tatay? Psh."
"Gusto ko lang ipaalala sayo ang consequences nung tinatawag mong pleasure," malamig niyang sabi kaya naiinis ko siyang hinarap.
"Wala ka nang paki roon. Ikaw nga, kay pangit ng pangalan mo, sinabihan ba kita? Pa-King King pa yung nickname. Queen naman pala ang katunog ng Quintez. Nakakabakla yung pangalan."
Psh, ba't tumahimik? Wala ka pala eh. Akala mo smart-smart, daig ko pa siya. Tss, asan na ang english trashtalk mo?
Hininto na niya ang sasakyan sa Sky Autumn at nakitang nandoon na si Artemis.
"Yung plano natin ah? Yayain mo siyang mag-date." Agad naman siyang tumango at lumabas ng sasakyan.
"You shouldn't do it with different men. You might get an illness from it."
Napapikit ako nang mariin nung bumalik sa isip ko ang sinabi ni King. So what the hell with it? As if he cares. Tss, inosenteng tuta lang talaga siya. Hindi niya alam na kapag pumasok ka na ay malululong ka talaga rito.
Mataman ko silang pinapanood at hindi ko maiwasang magtaas ng kilay nung makita ang malawak niyang ngiti habang nakikipag-usap kay Artemis.
Those smile that I never witnessed when he talks to me. Tss, he obviously doesn't likes me at hindi ko rin siya type.
My gosh, ba't ba pinoproblema ko 'to?!