[Donnah's POV]
"Pumayag ba siya?" Agad na tanong ko nung makapasok siya ng sasakyan.
Tahimik lang siyang tumango bago sinuot ang kanyang seatbelt at pinaandar ang makina ng sasakyan.
"Ba't parang hindi ka masaya?"
"What do you want me to do? Scream? I'm happy alright?" Malalim itong bumuntong-hininga. I am not convinced... hindi mo ako maloloko.
"Ba't hindi ka ngumingiti? Smile is the symbol of happiness."
"I'm just... surprised. I didn't expect her to say yes quickly."
"Ayaw mo nun? It just mean that she's interested in you."
Ano ba ang nirereklamo ng isang 'to? Gusto niya sa pabebe, ganurn? Akala ko yun naman talaga ang plano?
"Huwag nga masyadong lumaki ang ulo mo. Magdi-date pa lang kayo ah, hindi pa kayo officially. Pumayag siya para kilatisin ka, hindi dahil gwapo ka," napaismid ako at humalukipkip. Baka aakalain ng isang 'to ay siya na ang pinakagwapo sa buong mundo dahil lang pumayag ang mala-diyosa na si Artemis na lumabas kasama niya.
"I never thought that i'm handsome, thank you for informing me."
"Hoy, hoy! Babaan mo yang pride mo ah, masasapak talaga kita." Tinaasan niya ako ng kilay dahil sa banta ko.
"You're talking to the Knight Ground top fighter, Donnah. I can't be threatened." Ngumuso ako at hindi na nanglaban. May point naman siya eh. Psh, mayabang nga lang.
.
Kagat-labi at nakapangalumbaba ko siyang pinapanood. Everyone inside the arena is chanting his name and thrilled by his movements. I fully understand why no one has ever beaten him. Not because he has large muscles nor tall height, but because he's wise. He seems to be a retired soldier; used to the battlefied and had done many mistakes before... not wanting to repeat those mistakes again.
Nasiyahan ako nung half-minute pa lang ay tumalikod na siya agad dahil agad na bumagsak ang kalaban niya. Madami ang naiinggit kay King dito sa Knight Ground pero wala man kahit na sino ang nagtangkang i-sabotage siya. Everyone has the brain to think what kind of threat he is if you dare to challenge him heads-up.
Agad na akong bumaba nung makitang pumasok na si King pabalik ng gate. Naabutan ko ang ibang fighters na pinapalakpakan si King at kino-congratulate siya. Hindi siya ngumiti o nag-angat man lang ng tingin. Busy siya sa pagsuot ng kanyang damit at hoodie.
Nung sa wakas ay nagtama ang mga mata namin ay sinenyasan ko siya na pansinin ang ibang mga tao.
"S-salamat," mabilis na pagkakasabi niya leaving everyone speechless. Agad na lumabas si King ng locker room nung makita ang reaksyon ng lahat.
"Seryoso?"
"Si King yun diba?"
"Gago, nagpasalamat siya!"
Napailing ako at natatawa. Ang lalaki ng mga muscles nila at puno ng tattoo ang mga katawan pero sa isang 'salamat' lang mula kay King ay naging fan boys sila.
"Ba't ka umalis agad?" Tanong ko nung makalabas na ng arena.
"What do you want me to do?"
"Makipag-chikahan. I mean, that was the perfect time to socialize with the other fighters." Naiinis siyang bumuntong-hininga.
"Socialize? I don't need any of them." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya at nainis.
"Hindi mo ba alam kung paano maging friendly? Socializing is important, King! Hindi mo alam kung ano ang mangyayari bukas o sa makawala. Fate will always bring trouble to your life and trust me, you need friends to deal with it. Oo, palagi kang panalo pero dadating din ang panahon na matatalo ka at maghihirap. Kailangan mo ng kaibigan para may masandalan."
I'm trying hard to make him understand the value of socializing and friendship, and how important it is to wreck the walls surrounding you and building a bridge to connect with others.
"Why? You have friends? I can see none of them," he sarcastically said to fight against my words.
"That's the reason why i'm still miserable. I have no family nor friends to run to... to ask for directions, that's why i'm still so lost. I just don't want you to experience the same thing." Mababa ang boses ko na parang pagod na pagod.
Except for Elaine, wala na akong mapupuntahan and it sucks. I tried making friends but girls only see me as a slut; trying to be famous, and boys... you know what they think of me.
Malungkot akong ngumiti sa kanya bago tumalikod. I guess we're done for today.
"Hatid na kita," habol niya sa akin pero napatawa ako at iniling ang ulo.
"Don't need to. Kaya ko ang sarili ko."
"It's dangerous."
"Nagpapatawa ka ba? I've been working here for three weeks now. The night is my life, I can be afraid of nothing."
Anong hangin ba ang pumasok sa ulo niya at biglang nagyayang ihatid ako? I've been into nightclubs and he'll tell me it's dangerous?
"Para makatipid ka." Natigilan ako. Parang bulong iyun ng anghel sa akin..
"...makatipid ka."
.
Ba't nga ulit ako pumayag? Ah, para makatipid... makatipid... bwisit! Ang awkward-awkward naming dalawa sa loob ng sasakyan habang nasa biyahe.
Ano ba gagawin ko? Untog ko kaya ulo ko? Pwede ring tumalon na lang ako kahit umaandar ang kotse?
"S-saan ka nag-aaral?" Tanong ko sa kanya para naman maputol ang awkwardness sa pagitan naming dalawa.
"Somewhere." Uminit ang ulo ko sa maikling pagsagot niya kaya hinampas ko siya sa braso.
"What was that for?!"
"I'm trying my best to get rid of this awkward atmosphere. Makisakay ka nga."
"Sorry, i'm just not comfortable to talk about my school."
"Fine... ano trabaho ng parents mo?"
"My Mom is a Doctor and my Dad is a business man." Kaya pala big time. May propesyon ang parehong magulang... nice, nice.
"Anong negosyo ba?"
"Oil Company."
"Ba't ka naging fighter? Parehos naman palang may mga trabaho ang mga magulang mo."
"I just want to get stronger... and better."
Parang may pinaghuhugutan siya nung sinabi niya iyun. Hindi na ako makaimik.
"D-dito na lang ako," turo ko sa isang kanto na malapit lang sa bahay. Alam kong gising pa si Rachel at tiyak na magtataka iyun kung may kotse na magpaparada sa harapan ng bahay.
"Salamat," sabi ko at bumaba na ng kanyang kotse. Nakita ko siyang marahang tumango lang.