Chapter 4 : begin!

1529 Words
Katatapos lang ng klase namin pero sa buong maghapon nayun hindi ako tinigilan nitong si Mae pilit nya kong pinag kwe-kwento kung ano yung nangyari saming dalawa ni Jhan Airel. "ano ba kasi talagang nangyari? alam mo dahil ayaw mong magkwento, mas lalo ko tuloy gustong malaman kung ano yung nangyari?!" "o ito na nga!" naiirita kong sabi para tumigil na sa pagtatanong tong kaibigan ko. niyaya ko sya sa isang milk tea store para dun kami magkwentuhan malapit lang naman yun sa school namin kaya nakarating agad kami. pero syempre inunahan ko na si Mae na sya ang taya saming dalawa ngayon, ibig sabihin sya ang magbabayad haha! sya kasi may gusto na magkwento ako at lalung lalo na na sya ang dahilan kung bakit nandito ako ngayon sa kalagayan nato. pumasok kaming dalawa sa store at umupo sa bandang gilid kung saan nakikita namin yung labas, medyo may kalakihan tong store dahil madalas dito tumatambay ang mga estudyante ng GFU pag uwian o kaya pag mahaba ang break nila. buti nga ngayon hindi masyadong maraming tao kaya nakaupo agad kami. "oh! ayan na yung sayo milk tea with strawberry? anong lasa nyan!?" "milktea na may strawberry." sagot ko sabay tawa pero tinignan lang ako ni Mae sabay irap. Pagkatapos kong humigop mula sa hawak kong milk tea nagsimula na akong magkwento sakanya kung ano talaga ang nangyari samin ng grupo ni Jhan Airel. "Annnnnnooo!!!!!" sigaw ni Mae ng makwento ko sakanya yung kalagayan ko ngayon. "yung bibig mo ha! mamaya mahigop moko!" mabilis kong sabi ng sumigaw si Mae. "pano!? wait di ko maintindihan, diba straight si Jhan Airel? panong nangyari!?" "ayun na nga rin yung iniisip ko eh, alam ko hindi nya to papalagpasin. feeling ko talaga may plano sya sakin kung pano sya makakagante eh." sabi ko sabay higop ulit sa hawak kong milktea. "alam mo kasalanan mo to eh, kung di dahil dyan sa kabaliwan mo edi sana magiging maayos patong last months ko di----" napatigil ako sa pagsasalita at napatingin kay Mae na ngayo'y natigilan narin at nakatingin sakin. "a-anong ibig mong sabihin na last month?" biglang nagbago yung expression ng mukha ni Mae yung masaya nyang mukha bilang nabalot ng lungkot. iniisip ko pa kung sasabihin ko na kay Mae na 90 days nalang ako sa school nato or hindi muna, pero kaibigan ko sya may karapatan syang malaman yun at mas maganda na nasa akin mang gagaling pero hindi pa'ko handa na masaktan ko sya. lumunok ako ng laway at huminga ng malalim. "Anong last months? May sinabi ba ako? Haha baka namali kalang ng dinig, maiba tayo, may itsura rin yung Zyrus no?" "ano!?" gulat ni Mae sabay nabuga yung ininom nyang milktea. "Anong may itsura? Hmp! Ni hindi ko nga napansin yung lalaking yun eh. Oo tama hahaha!" Sabi nya habang nauutal utal pa. Hinawakan ko sya sa kamay nya. "H'wag kang mag-alala Mae kung ano man yung nakita ko kanina, akin nalang yun. Promise, walang makakaalam, dadalhin ko yun sa libingan ko haha!" sabi ko sabay ngiti ulit sakanya. "Tumigil ka na nga! Nakukuha mo pang mag joke, aware kaba sa kalagayan mo ngayon? Haaay... ang tanga tanga ko kasi eh, kung hindi ko pinilit yung gusto ko edi sana wala ka ngayon sa gulong to." Tumingin sakin si Mae at nagsimula ng maipon ang luha nya sa mga mata nya. "Sorry Venray ha. Sorry talaga, pero kung gusto mo kakausapin ko ngayon ang grupo nila Jhan Airel para ipaliwanag sakanila yung nangyari." Sabi nito sabay umakma na syang tumayo pero hinawakan ko sya sa kamay para pigilan. "Ano kaba, hayaan mo na. Mas okay na yung ganito, na ako lang yung kasama sa problema, baka mamaya pag nalaman nila na kasama ka sa nangyari baka kung ano pang gawin nila sayo." Sabi ko nalang sa umiiyak na kaibigan ko. Pero napaisip din ako na tama nga na ganito nalang na ako lang ang involve sa problemang to, tutal aalis narin naman ako sa school nato. Natatakot ako na pag na-involve si Mae sa gulong to pag umalis ako sakanya lahat ibuhos ni Jhan Airel ang paghihiganti nya. Kumuha ako ng tissue at agad na binigay sakanya. "Punasan mo nga yan luha mo! Para kang tanga, baka mamaya isipin nila na nabuntis kita bago ayokong panagutan eh." Pagbibiro ko para mawala ang lungkot na nararamdaman ni Mae. "Sira ka talaga! As if nanan na mabubuntis mo'ko parehas tayong babae, baka ako pa makabuntis sayo. Isa pa baka bugbugin ako ng jowa mo." Sabi nito sabay napatigil sya sa pagsasalita. "Hahaha baliw ka talaga, syempre di naman ako papayag na itong kaibigan ko bubugbugin ni Jhan Airel? No way! Takot nya lang sakin. Hahaha!" Pagbibiro ko kahit pa na talaga namang natatakot din ako kay Jhan Airel. Tumingin ako kay Mae na nakatingin sa likuran ko. Kanina pako nagsasalita rito, hindi pala sya nakatingin sakin! "Huy, nakikinig kaba!?" "Jowa mo andyan!" Sabi nito sabay higop sa straw nya. "Huh!?" Alam ko pinag uusapan namin si Jhan Airel na jowa ko pero nung sabihin yun ni Mae nagtaka pa ako kung sinong jowa yung tinutukoy nya kaya naman agad akong napalingon at nakita ko si Jhan Airel at Zyrus sa harap ng pinto ng shop. Agad akong humarap kay Mae at nagkunwaring hindi ko sila nakita kahit pa na nagtama na yung mga mata namin ni Jhan Airel. Pero maiba muna ako, ako lang ba ang nahihirapan sa pag bigkas ng pangalan ni Jhan Airel? (Jan ey-rel). Ang Hirap diba? Parang pinapalipit yung dila ko. kaya simula ngayon ang tawag na natin sakanya ay Jaja para mas mabilis at hindi mahirap bigkasin hehe. "Naglalakad sila palapit dito!" Bulong ni Mae habang umiinom parin ng miltea pero hindi nya pinapahalata na nagsasalita sya. Nang marinig ko yun bigla nalang akong kinabahan, pakiramdam ko may balak silang masama sakin. Haaaay! baka pwedeng umalis nalang sila?! Yumuko ako konti para feeling ko hindi nila ako makikita. Hanggang sa makita ko na may nakatayo sa gilid ko at agad akong tumingin. Tumingala ako para makita ko kung sino yun kahit na alam ko pa na si Jaja lang naman yun. Nakatingin lang sya sakin na parang dissapointed ang mukha. "Hindi mo ba alam na panloloko yang ginagawa mo?" Bungad ni Jaja sa malamig na boses. "Ha!?" "Akala mo ba hindi ko nakita yung ginawa mo kanina." "....." hindi ako nakasagot at nakatingin lang ako sakanya. Pero nanlaki yung mga mata ko ng bigla nyang nilapit yung mukha nya sa muka ko. "Baka nakakalimutan mong may boyfriend kana!?" Sabi nya sa seryosong boses. "Anong sinasabi mo!? Wala naman akong ginaga---" "Una, ayokong pinagseselos ako at lalung lalo na ayokong may nakikita akong ibang kasama ang boyfriend ko!" Sabi nito pagkatapos nyang idampi ang daliri nya sa labi ko para hindi ko matuloy yung sinasabi ko. Hinawakan nya ko ng mahigpit sa braso na parang batang aakayin nya. "Huy anong ginagawa mo!" Sabi ko. "Imbes na sa iba mo inuubos yang oras mo sumama kanalang sakin, para matuwa naman ako sayo!" Sabi nya sabay hila sakin patayo, agad naman akong napatayo baka kasi mapunit yung damit ko. "Pre! Ikaw na bahala dito." Sabi nya na tina-nguan naman ni Zyrus ang ibig nyang sabihin kay Mae. "Huy teka, teka! Ano bang ginagawa mo!? May kasama ako oh!!" Sabi ko kaya napahinto si Jaja sa paghila sakin. "Okay lang ba na babawiin ko na yung boyfriend ko!" Sabi nito kay Mae. Hindi nakasagot si Mae at tumango nalang to, bwisit nato hindi man lang ako pinagtanggol hahayaan nya nalang ako sa taong to. Pagkatango ni Mae agad akong hinila ni Jaja palabas ng shop. "Teka! Teka yung milk tea ko naman! Sayang! Huy!" Sigaw ko kay Jaja na nagpatigil sa paglalakad namin, syempre ang mahal mahal ng milktea no tapos iiwan ko lang dun. "Bilisan mo!" Sabi ni Jaja pero nakahawak parin sya sa damit ko habang naglalakad ako pabalik sa table namin ni Mae. "Goodluck!" Bulong pa ni Mae sakin kaya inambahan ko sya na hahampasin ko sya kaso hinila na ulit ako ni Jaja. "San ba tayo pupunta!?" " pumasok ka dyan!" Sabi nya pagkatapos nyang buksan yung pinto ng kotse nya, infairness kahit na hindi ako babae gentleman sya. Teka baka nakalimutan ko na na bully tong taong to!. Pagkapasok nya ng kotse nya agad syang tumitig sakin ng masama, agad ko rin namang tinakpan yung dibdib ko ng mga kamay ko. "Bakit!? A-anong gagawin mo!" Sabi ko na nauutal utal pa. Gwapo si Jaja at mayaman kaya sa unang kita hindi mo mapagkakamalan na bully ito. "Ayokong nakikita ka na may kasamang iba!" Pagalit nitong sabi na nagyo'y nakatitig parin sakin. "Ha!? Panong---- teka teka, kaibigan ko si Mae. Isa pa hindi naman talaga tayo magjowa diba!? Pagbabayaran ko lang naman yung kasalanan ko?" Sabi ko. "KAHIT NAAAA!!!!!!" sigaw nya na ikinagulat ko. "Ayokong may kaagaw ako sa pag mamay-ari ko!" "Pag mamay-ari? Jhan Airel hindi ako bagay para ariin mo!" "Bakit ako ba ang nagsimula na nagkalat na tayo ha?! diba ikaw?" Hindi ko alam pero bakit hindi ako nakasagot sa sinabi ni Jaja at napatingin nalang ako sakanya ng sabihin nya yun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD