"Teka lang, teka lang! Bakit kailangan nyo pa akong dalahin dito sa rooftop!? Hindi nyo ba muna ako tatanungin kung anong nangyari!?" Pagpapaliwanag ko habang hawak hawak ako ni Renz at Miguel sa dalawa kong balikat habang si Jhan Ariel at Zyrus ay nauuna sa harapan si Adrian naman nakapwesto sa likod para sakaling pag tumakbo ako mahaharang nila agad ako.
Sa puntong ito sobra nakong kinakabahan, bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa nangyari to kung kailan ilang buwan nalang ako dito sa school nato.
Sinara ni Adrian yung pinto ng rooftop para wala ng makapasok pa, parang bodega na dito dahil marami ritong nakatambak na upuan at mga lamesa na sa tingin ko maayos pa naman pero balak na nilang itapon teka nga ano batong iniisip ko may panahon pa talaga akong isipin yun ha.
Umupo si Jhan ariel sa lamesa at pinaupo naman ako sa upuan na nakaharap sakanya.
"Anong gagawin ko ngayon sayo!?" Payabang na sabi nya.
"Sorry! Hindi ko sinasadya, hindi ko alam na ikaw yung nasa picture... sorry kung ginamit ko yung picture mo hindi ko alam na ikaw yun, gusto ko lang naman----" napahinto ako sa pagpapaliwanag ko ng maisip ko na kailangan ko pa bang sabihin sakanya to?
"Gusto mo lang naman na ano!" Sigaw nya.
"Ginamit ko yung picture mo para malaman ko kung may gusto sakin yung ka-chat ko sa chatapp. Pero hindi ko alam na ganito yung mangyayari, naghanap lang ako ng random picture na hindi nakikita yung mukha para magamit ko." Pag papaliwanag ko, humanda ka talaga sakin Mae! Idea mo tong lahat eh.
"So ginamit mo lang yung picture ko para pag selosin yung iba?! So parang ginamit mo na lang din ako ganun ba!?" Napatingin agad ako sakanya.
"Hindi, hindi naman sa ganon. Gusto lang namin malaman kung may gusto sakin yung ka-chat ko kaya namin nagawa yun pero kung alam ko na picture mo yun, hindi ko naman gagamitin yun eh. Kaya sorry na, buburahin ko nalang ngayon." Pagpapaliwanag ko ulit. Sabay kinuha yung ceelphone ko para ipakita sakanya na buburahin ko na pero napahinto ako ng magsalita sya.
"Eh pano yan!? Alam na ng buong school na boyfriend mo ako, anong gagawin mo ngayon?!"
"Wa-wala namang maniniwala dun eh, lalaki ka lalaki rin ako hindi sila maniniwala na boyfriend kita at lalung lalo na hindi sila maniniwala na papatol ka sa katulad ko." Sabi ko, natataranta parin yung boses ko.
"Lalaki kaba talaga!?" Hindi ako nakasagot sa tanong nya at napatingin lang ako sakanya.
"Ha?!"
"Kung lalaki ka diba sana ang ginamit mong picture babae hindi lalaki?". Hindi parin ako nakasagot sa tanong nya at napaisip bigla na akala ko makakalusot nako sakanya.
"Sorry, kung ginamit ko yung picture mo." Pag hingi ko ulit ng paumanhin.
"Sa tingin mo ba makukuha nalang sa sorry yung ginawa mo sakin?" Sabi nya sabay lapit ng mukha sakin.
"Sige na! kung gusto nyo bugbugin nyo nako para maging okay na kayo! dyan naman kayo magaling diba!" Sabi ko na halata parin sa boses ang pagkatakot. Mas lalo pakong natakot ng hampasin ni Jhan Airel yung lamesang inuupuan nya kaya naman napapikit ako sa gulat.
Ito na, first time kong mabubugbog pero kasalanan ko rin naman eh, dapat hindi ako gumamit ng picture ng iba.
"Hindi, hindi. Masyadong magaan na parusa ang pambu-bugbog sayo, isa pa hindi ako nananakit ng mga babae lalo na pag partner ko."
Napatingin ulit ako bigla sakanya na bakas sa mukha ang pagkagulat at pagkagulo. Pero parang sumaya ako ng sabihin nya na hindi nya ko bubugbugin.
"Ha!?"
"Simula ngayon dahil ginamit mo kong boyfriend mo, gagamitin din kita. Susundin mo lahat ng gusto ko na walang tanong at gagawin mo lahat ng pinapagawa ko sayo ng walang alinlangan. Simula ngayon you're my servant and i am your king!" Nanlaki nanaman yung mga mata ko ng marinig ko yun parang mas gusto ko pang bugbugin nila kesa maging alipin nya.
"Ano!? Nababaliw kanaba!? Boyfriend kita bago aalipinin mo lang ako!"
"Ganun talaga, pinili mong maging boyfriend ako kaya naman magdusa ka. Remember I am your King kaya ako ang magpapasya kung kailan matatapos yung mga ipapagawa ko sayo. Galingan mo ha!" Sabi nya sabay hawak sa balikat ko.
"Inaasahan ko na magiging masunurin ang magiging partner ko ha?, simula ngayon boyfriend mo na ako!" Sabi nya pa sabay tawa at naglakad.
"Sya nga pala! Kinuha ko na yung number mo at account no. Mo sa chatapp" sabi nya sabay kindat at umalis na silang lima para bumalik na sa building nila.
Hindi ko ba alam pero kahit wala na sila dito sa tabi ko ang bilis parin ng t***k ng puso ko na para bang gusto ng umalis sa dibdib ko. Dapat nga masaya sako dahil hindi nila ako nabugbog eh pero bakit parang mas kinakabahan ako sa sinabi nya.
Sa tinagal tagal ko na dito alam ko na mga hulmahan at galaw ng bituka ng limang yun lalung lalo na si Jhan Airel walang pangyayaring hindi pinapalagpas yun hanggat hindi sya nakakaganti.
Pero bigla kong naisip na oo nga pala ilang buwan nalang pala ako dito sa school at aalis nako, tatlong buwan ko lang titiisin yung p**********p sakin ni Jhan Airel, tama kaya dapat hindi nya malaman na aalis nako para mabigla nalang sya, baka kasi pag nalaman nya na aalis ako may finale syang gawin sakin. mas maganda narin to na ganito yung nangyari lang sakin kesa mabugbog nila ako, mag titiis nalang muna ako.
"ano kamusta? anong--- araaay!" sabi ni Mae sabay batok ko sa kanya.
"ikaw ha! tignan mo yan ka-gagahan mo! muntik nakong mapahawak!"
"eh di ka naman napahamak eh wala naman akong nakikitang galos sa mukha mo oh, anong nangyari?!"
"so gusto mo talaga na may mangyaring masama sakin ganun?!" sabi ko sabay umakma ulit na babatukan sya.
"sorry na! di ko rin naman napansin na si Jhan Airel yun eh" paliwanag ni Mae pero hindi ko na sya pinansin umupo nalang ako sa upuan ko at inihiga yung ulo ko sa desk ko.
"ano nga nangyari? hindi kaba magkukwento?!" pagpupumilit ni Mae, tinignan ko lang sya ng masama at tumalikod ako sakanya.
ayoko munang isipin kung ano nangyari kanina, kailangan ko munang mag focus lalo na, na may quiz kami ngayon at hindi ako pwedeng makakuha ng mababang marka para makalipat agad ako sa magandang school kahit na public payun, pero alam ko naman na hindi ako mahihirapan lalo na, na galing akong GFU pero syempre baka magduda sila na bakit ako biglang magta-transfer, maganda na yung maayos parin yung grade ko kahit papano.