Mag-aalas once na ng gabi ng matapos kong gawin yung exercise na binigay samin, tunog ng tunog yung cellphone ko mula sa chatapp na gawa ng school namin. Hindi ko na pinansin yung mga chat malamang si fault lang yung nagchachat sakin isa pa antok na antok nako para basahin pa yung mga chat nya sakin.
Pag gising ko sa umaga chineck ko agad yung cellphone ko para tignan yung oras may 153 chat notification ako pero hindi ko na muna binasa nagmadali agad akong maligo at mag ayos para pumasok baka kasi ma-late ako lalo na na may quiz kami sa first subject namin.
Pero mukang effective nga yung ginawa ni Mae ha, hala baka nga may gusto sakin tong fault nato kaya biglang dami ng chat nya. Nahiya tuloy ako bigla.
Hindi pako nakakapasok sa building namin napansin ko na lahat ng nakakasalubong ko nakatingin sakin at biglang nagbubulungan. Ano bang problema nila? Nakapaghilamos naman ako kanina may dumi ba sa mukha ko?
Hanggang makarating ako sa room namin nakatingin silang lahat kahit yung mga kaklase ko na para bang may ginawa akong masama pero yung tingin ng mga classmate ko more on parang may gusto silang malaman kesa sa parang pinag uusapan ako.
Umupo ako at nilabas ko sa bag ko yung libro ko at notebook, kalalagay ko palang sa table ko ng bigla akong tinawag ni Mae.
"Venray! Hala may kasalanan ako!" Natatarantang sabi ni Mae.
"Ano yun? Tanong ko habang naguguluhan parin sa sinasabi nya.
"Ohmygad! Venray! Sorry!"
"Bakit nga? Bakit ka nagsosorry?! Ano bang nangyari? At Bakit parang lahat ng nakakasalubong ko nakatingin sakin? May nagawa ba ako?"
"Yung nakuha kong picture na pinalit ko sa account mo sa chatapp. Picture ni Jhan Airel!"
"Haaaah!!!!!!! Panong---- bakit---!? Ayan na nga ba yung sinasabi ko sayo eh!!!! Pano nayan! Pangalan ko yung andun sa account! Pinalitan mo pa yung status ko na in relationship! Malamang iisipin nila na kaming dalawa nung Jhan Airel nayun!" Galit kong pabulong kay Mae na halatang halata na yung pagkataranta.
"Hindi mo ba nakita sa chatapp? Nagchat din ako sayo kagabi nung sumabog yung balita. Di ko naman alam na ganun kabilis kakalat! Alam ko popular sya dito sa school pero hindi ko naman alam na ganito kabilis at isa pa hindi ko napansin na picture nya yung ginamit natin, diba hindi naman nakikita mukha nya at diniliman ko pa. Yun lang hindi nakalusot sa mga fans nya dito sa school alam na alam nila yung mga pictures na inuupload, basta si Jhan Airel."
"Malamang hindi ko na babasahin mga chat sa cellphone ko ang akala ko si fault lang yun eh! Nakakainis kanaman Mae! Tignan mo yung ginawa mo! Pati ako mapapahamak sayo eh!" Agad kong hinanap yung cellphone ko sa bag ko para tanggalin yung picture ni Jhan Airel at ideactivate narin yung account ko.
"Saglit, buburahin ko nalang habang hindi pa nakakarating sakanya at lalong lalo na idedeactivate ko account ko para di nila malaman kung sino ako. Pwede akong gumawa nalang ng ibang account!" Dudukutin ko palang sa bag ko yung cellphone ko ng biglang bumukas ng malakas yung pinto sa harapan ng room namin.
Nanlaki yung mga mata ko ng makita ko ang grupo ni Jhan Airel na nasa pinto ng classroom namin sobrang bilis ng t***k ng puso ko sa sobrang takot at kaba.
"Sino nga ulit yung gumanit ng picture ko!?" Pagalit na sabi ni Jhan Ariel sabay tingin sa isa nyang kasamang lalaki ang alam ko ang pangalan nung tinanong nya ay Zyrus, nanlaki agad yung mga mata ko at agad na napatingin kay Mae.
"A-anong ginawa mo! Patay tayo dyan" Natataranta kong bulong kay mae sabay tumingin ulit sakanila para hindi nila mapansin na kinakabahan ako.
"Patayin mo na yung cellphone mo." Bulong ni Mae.
Sobrang natataranta nako kasi alam ko naiinis ako sakanila pero hindi ko naman pinangarap na mabugbog ng mga bullies nato at lalaong lalo ng hindi ko pinangarap na mangyayari to sa last three months ko sa school nato.
Halos tumulo na yung pawis ko sa ulo ng biglang hinawakan ni Jhan Airel yung cellphone ni Zyrus at nilagay nya yun sa tenga nya.
Nanlaki yung mga mata ko habang isa isang tinitignan ni Jhan Airel yung mga tao dito sa room. Nasan na ang power button hindi ko makapa. Hanggang mangyari na nga ang kinakatakutan ko. Biglang nagring yung telepono ko na lalong nagpabilis ng t***k ng puso ko.
agad kong ini-slide yung cancel button para sa tawag nya sa chatapp, natahimik ang buong klase at dahan dahan akong lumingon kay Mae na ngayo'y hindi makatingin sakin at nakuyo lang. Pambihira naman oh!!! (T__T)
paglingon ko kay Mae dahan dahan din akong lumingon sa limang magkakaibigan na tawagin nalang natin na bullies squad. Nakatingin silang lima sakin na parang handa ng makipag-away at mangbugbog. Hindi ko maramdaman yung mga binti ko pakiramdam ko maiihi nako sa sobrang takot pero hindi ko pwedeng ipakita sakanila yun lalo na ngayon.
Lumunok ako ng laway at biglang tumayo para tumakas.
"Ahh, Mae tara kuha tayo ng tubig sa labas" hindi ko alam kung nanginginig ba yung boses ko. Tumungin lang sakin si Mae na takot na takot at natataranta.
"Hoy!" Narinig ko mula sa likuran ko, bumilis yung t***k ng puso ko ng marinig ko yung yapak ng sapatos nya papalapit sakin, hihimatayin na ata ako.
Dahan dahan akong humarap sakanya at pagkaharap ko malapit na sya sakin bandang dibdib at leeg lang ang nakikita ko sakanya dahil sa tangkad nya. Napalunok nanaman ako ng laway.
"Ikaw ba to!?" Pagalit nyang sabi sabay pinakita yung hawak nyang cellphone na agad ko naman nakita, yung tinutukoy nya is yung account ko na may account picture nya at nakalagay na in relationship sa status, andun yung pangalan ko.
"Hi-hindi, hindi ako yan!? Baka ano baka kapangalan ko lang yan maraming Rayven dito sa school." Kinakabahan kong sabi pero hindi parin ako tumitingin sa kanya.
"Ah talaga!? Faculty of engineering major in Chemical Engineering!?" Napatingin agad ako sakanya at nagtama yung mga mata naming dalawa.
Ngumisi sya na para bang nahuli na nya yung salarin.
"Hindi ko alam yung sinasabi mo." Iniwas ko ulit yung mga mata ko sakanya at narinig ko yung pagtawa nya ng nakakaasar kaya tumingin ulit ako sa kanya.
"Alam mo parang familiar ka sakin, familiar yung mukha mo eh!" Sabi nya sakin sabay nilapit nya yung mukha nya sa mukha ko na para bang ineeksamen nya yung mukha ko.
"Di ko alam yang sinasabi mo, aalis nako." Nagmamadali kong sabi pero aakma palang akong umalis lumapit na agad yung apat nyang kaibigan at hinarangan ako sa likod para hindi ako makaalis.
Tumingin ulit ako sakanya na nakatitig ngayon sakin.
"Hindi mo talaga alam kung sino to?" Sabi nya, hindi ko alam pero mas lalong bumilis yung t***k ng puso ko. Nakatitig lang sya sakin at tinawagan nya ulit sa chatapp yung account na tinuturo nya, habang nakatingin sakin. Pagkalagay nya ng cellphone sa tenga nya dun ko naisip na wala na akong takas dito, mabubuking na ako, na ako yung may ari ng account.
Nabigla ako at nanlaki ang mga mata habang magkatitigan kami ng magring yung hawak kong cellphone na ngayo'y tinatago ko sa likod ko.
Agad hinawakan ni Zyrus yung kamay ko at itinaas nya para makita na nagri-ring yung cellphone ko.
Napayuko ako ng kunin bigla ni Jhan Airel yung cellphone ko at narinig ko pa yung pag ngisi nya.
"So ikaw pala yung nagkakalat na boyfriend ako ha. Malakas ang loob mo." Sabi nya pero nakayuko nalang ako.
"Ano kayang magandang gawin sayo!?" Napatingin ulit ako sa kanya at nakita na ang takot sa mukha ko na pilit kong itinatago kanina pa.
"Magpapaliwanag ako.... misunderstanding lang ang lahat." Bigla kong nasabi habang nakatingin sakanya pero sinagot nya lang ako ng mapang-asar na ngiti.
"Isama nyo yan sa rooftop!" Ng marinig ko yun sobra akong natakot sa kung anong gagawin nila sakin pero wala akong magawa kundi sumunod lang sakanilang lima, tatakbo ba ako? Anong gagawin ko? Hindi ko pinangarap na mabugbog ng mga taong tulad nila.