Chapter 6 : What?!

1106 Words
nanlaki yung mga mata ko ng biglang lumapit sakin si Jaja na para bang nang-aakit, napatras ako at napasandal sa pader malapit sa pintuan, habang palapit ng palapit sya mas lalong umiinit yung katawan ko kahit pa na malamig dito sa bahay nila dahil sa centralized AC nila, naririnig ko na yung mabilis na t***k ng puso ko. nilapat ni Jaja ang isa nyang palad sa pader at nilapit yung mukha nya sakin halos maamoy ko na yung dibdib nya at buo nyang katawan dahil konting usog nalang nya magdidikit na katawan namin. nilapit nya ang bibig nya sa bibig ko at bumulong. "pagka-sara ko nitong pinto wala kanang magagawa, wala kang magagawa kundi magmakaawang tumigil na ako. ngayon araw nato wawasakin ko ang pagkatao mo." sabi nito sa malambing na boses at halos magdikit na yung mga labi namin damang dama ko yung mainit at malambot nyang mga labi. "a-anong gagawin mo? wag.. please.." sabi ko kunwari pero deep inside sobrang init na ng katawan ko at gusto ko na syang halikan at yakapin, gusto ko ng magpasakop sa kanya na kahit alam kong magiging mahirap at masakit ito. "aaaah!" napaungol ako ng bigla kong maramdaman ang matigas nyang pag-aari at agad na tumingin sa kanya ng isara nya ang pinto. "handa ka na bang mawasak Rayven." "waaggg pleaase" "Rayven..." "wag..." "RAYVEN!!!!" napamulat ako sa pagkakapikit ko ng biglang may tumama sakin na unan. "ha!?" sabi ko. "anong ginagawa mo? nababaliw kanaba?" sabi ni Jaja sabay takip sa dibdib nya at agad na kinuha yung kulay itim na sando sa sahig at agad na sinuot. sobra akong namula at nauhaw. "bakit ganun yung mukha mo kanina habang nakapikit ka? anong iniisip mo ha? anong iniisip mo?!" natatarantang sabi ni Jaja sabay kuha ng unan sa gilid ng sofa at tinakip sa malabundok nyang pag aari. "ha? wa-wala? wala!" halos matunaw ako sa hiya ng bumalik ako sa tama kong pag-iisip. hindi ako makapaniwalang na-imagine ko yun at ako talaga yung nag-imagine nun ha at sa tao pang yan, teka nga! diba ang alam ko nabubwisit at naiinis ako sa taong to pero bakit ganun yung naisip ko sakanya. parang may kakaiba akong naramdaman sa kanya kanina. lumunok ako ng laway habang pinupunasan yung pawis ko sa mukha nakatayo lang ako sa gilid malapit sa pintuan. "ano pang ginagawa mo?" "ha?" tanong ko sa kanya. "sabi ko ano pang ginagawa mo?" pag ulit nito sabay hawak ng remote ng TV. hindi ako sumagot dahil nalilito ako sa gusto nyang manyari. hindi ko sya maintindihan, tumingin ulit sya at ibinuka nya yung mga kamay nya. "hindi mo ba nakikita? marumi diba? anong gagawin mo sa maduming kwarto?" sabi nito Nanlaki yung mga mata ko sa gulat "ha? Bat ako? Ang laki laki ng bahay nyo ang dami dami nyong kasambahay bakit ako?!" "Bakit ano ba kita?" "Ha?!" Napatigil ako sa sinabi ni Jaja. "See, so okay na!? Simulan mo na." Sabi nito sabay ngiti at bumalik sa panonood ng TV. Tumingin lang ako ng masama sakanya at pinulot yung damit na malapit sa paanan ko. "Ang yaman yaman napakaburara naman!" "Anong sabi mo?!" "Ay wala po kamahalan." Sabi ko habang nakangiti sakanya sabay irap. Inuna kong linisin yung mga damit na nakakalat sa sahig at inipon sa lalagyanan nya ng marumihan, pagkatapos nun binalik ko naman sa bookshelf lahat ng mga librong nakakalat sa table sa di kalayuan at sa study table nya. Napatingin pako sa gilid ng study table nya na punung puno ng tissue. Ano bang ginagawa nito sa tissue? Halos hingal na hingal ako ng simulan ko ng lampasuhin yung tiles ng kwarto nya habang sya naman nanunuod ng adventure time habang nagmemeryenda. Galing din nitong lalaking to eh no. Itatapon ko sana sakanya yung alikabok na nawalis ko kanina dahil sa inis ko pero inisip ko na lang na mas maganda nato kesa kung saktan nya ko physically. Nako Rayven ilang buwan pa, kontong tiis lang, kaya mo to. Ni hindi ko na napansin ang oras dahil sa paglilinis ko ng malaki nyang kwarto, ang tanghali naging hapon na pero hindi ko pa naaayos ng mabuti, tagaktak na ang pawis ko pero sya naka ilang pack na sya ng malaking ruffles na cheese flavor ni hindi man lang nya ko alukin, ni hindi man lang nya ko pinakain ng lunch ha! Yung milktea lang yung tanghalian ko! "Ano matagal kapaba dyan?" Wika nito sa pang asar na boses. Subukan mo kayang maglinis ng kwarto mo, tignan natin kung hindi ko matatagalan! " ito po tapos napo kamahalan." Sabi ko sa sarcastic na tono. Tumingin sya sakin at tumayo sabay naglakad papalapit sakin pero hindi pa sya nakakalapit lumayo agad ako, syempre pawis na pawis nako malamang ang baho ko na. Tumigil sya sa paglapit sakin ng maramdaman nyang nilalayuan ko sya Kaya naman tumingin nalang sya sa paligid at naglakad na para bang chinecheck nya yung loob ng kwarto nya kung meron man akong na missed na bahagi nito na hindi ko nalinisan. Tumatango tango pa sya habang tinitignan yung table nya malapit sa bintana palabas ng balkunahe ng kwarto nya at lumipat ng tingin sa study table nya makakahinga na sana ako ng maluwag ng bigla syang bumalik sa pintuan palabas ng balkunahe. "Ano to!" Sigaw nya. "Ha!?" Pagtataka ko sabay lapit sakanya at sumilip sa salamin na pintuan.tinutukoy nya ba yung mga marurumi nyang damit? Tumingin ako sa kanya na nakatingin din sakin. "Mga marurumi mong damit yan kamahalan." "Nakikita ko nga! Ang tanong ko bakit andyan pa yan!?" Hindi ako nakasagot sa sinabi nya dahil hindi ko alam kung ano ba yung isasagot ko sa sinabi nya. "Ano kusa bang lalabahan ng mga damit yung sarili nila!?" "Ha!? Bakit ako!? Bakit pati damit mo ako maglalaba?" Pagrereklamo ko pero hindi sya sumagot sakin kaya naman napatingin ako sa kanya na ngayo'y nakatingin sakin na masama. Syempre sa tingin palang nyang yan alam ko na kung ano ibig sabihin nya. "Ay ito naman hindi ka mabiro, ito lang ba? Wala nabang iba? Kung gusto mo isabay ko narin mga damit ng kapitbahay nyo, para masaya!" Sabi ko sabay tawa pero tumingin lang sya ng masama sakin at bumalik sa panonood nya. Binitbit ko yung lalagyanan ng damit nya at lumabas ng kwarto nya pero hindi pako nakakalayo napabalik agad ako. "San ba labahan nyo?" Tanong ko. "Bumaba kanalang dyan." Sabi nya na parang ayaw paistorbo sa ginagawa nya. Nang hindi na sya nakatingin dumila lang ako sakanya. So ito na pala ngayon ang bago kong trabaho, bakit kaya hindi narin nya ko pag suutin ng uniform para todo bigay na! Kainis!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD