Chapter 7 : his story

1208 Words
"Naku sir! Bakit po kayo ang gumagawa nyan!?" Nagulat ako sa sigaw ng babae mula sa likuran ko at agad na napalingon. "Ako na po yan!" Sabi nya sabay agaw ng dala dala kong maruruming damit ni Jaja. "Ah inutusan po kasi ako ni Jhan Airel." "Ganun po ba? So kayo po pala yung kaibigan nya?" "Po?" Nagulat ako ng bigla nyang hawakan yung mga kamay ko. Pag katapos nyang ilapag yung mga damit na inagaw nya sakin kanina. "Nako sir, kamusta naman po si Sir Airel sa school nyo? Wala naman pong nang aaway sakanya dun?" Nagtaka ako sa sinabi niya dahil ang totoo si Jaja yung punot dulo ng g**o sa school namin. "Huy Berta! Mag trabaho kana nga, pati si Sir ginugulo mo dyan." Wika ng isa pang babae na kausap kanina ni Jaja nung papunta palang kami sa kwarto nila. Masaya parin tong si aling Berta na nakatingin sakin. "Ay ako nga pala si Bertana, tawagin mo nalang akong ate Berta, ako yung isa sa mga tagalaba dito sa mansyon." Pagpapakilala nito na sinagot ko naman ng ngiti. "Oh sya sir, ako nalang po magpatuloy nito." "Ay ako nalang po." Sagot ko ng maalala ko si Jaja baka kasi mamaya madamay pa sila. "Ano po palang pangalan nyo sir?" "Ah Rayven po." Sabi ko sabay upo sa gilid. "Alam nyo sir Rayven nung nalaman namin na magdadala ng kaibigan si sir Airel lahat kami dito nagulat!" Kaibigan nga ba? More like katulong nya eh. "Oh bakit naman po kayo nagulat? Eh ang dami raming kaibigan ni Jhan Airel." Huminga ng malalim si ate Berta. "ano pong ibig nyong sabihin na maraming kaibigan si sir?" Bakas sa mukha ng ale ang pagkalito. "Sa labing anim na taon na paninilbihan ko dito sa pamilyang to, ikaw lang ang kauna unahang taong dinala ni sir Airel dito sa mansyon." Nagulat ako ng sabihin yun ng kasambahay nila knowing na marami namang kaibigan si Jaja sa school not to mention yung mga tao pang nakilala nya nung highschool at elementary palang sya. Hindi ako nakasagot sa sinabi nya at talagang nagulat ako alam ba ng mga tao dito na yung alaga nila ay bully at basagulero sa school? Sasabihin ko ba sakanila? "alam mo sir 3 years old palang yang si sir Airel ng pumasok ako dito, kamamatay lang din ng mommy nya dahil sa aksidente pagkatapos nun naging malayo na ang loob ng mag-ama sa isa't isa ni hindi nga sila nag-uusap, parang hindi nila nakikita ang isa't isa. kaya feeling ko nararamdaman ni sir Airel na sya ang sinisisi ng daddy nya sa pagkamatay ng Mommy nya." Nagugulat ako sa mga nalalaman ko tungkol sa taong kinaiinisan ko at kinakatakutan ng lahat sa school namin. Pero tama ba to? I mean okay lang ba na ikwento nila sakin ang personal na buhay ng amo nila? "Ganun po ba?" Yung lang ang nasagot ko dahil sa totoo lang hindi ko alam kung ano yung isasagot ko dahil malaki ang pagkakaiba ng pagkaka kilala namin sa iisang tao. "Nako kawawa nga yang batang yan eh buong buhay nya pakiramdam nya pinaparamdam sakanya ng daddy nya na walang may gusto sa kanya at walang tatanggap sa kanya dahil sa nangyari---" "Huy Berta! Tumigil kana nga dyan sa kakadaldal mo. Yung mga bagay na dapat hindi na kinukwento dinadaldal mo pa!" Sigaw nung isa pa nilang kasambahay. Nagmake face lang si ate Berta at tinuloy na ulit ang paglalagay ng iba pang damit sa washing machine. "magkaibigan naman kayo sir diba, kaya okay lang na malaman mo." Bulong pa nito. Sa mga sinabi ni ate Berta parang may kakaiba akong naramdaman, parang may part sa sarili ko na gusto ko pang makilala si Jaja at somehow parang nag iba ang tingin ko sakanya. Sobrang hirap pala ng pinagdadaanan ni Jaja biruin mo buong buhay nya hindi nya naranasahan na mahalin din at tanggapin ng iba ultimo sarili nyang tatay, hindi nya naranasan na kahit minsan na may taong aako at magiging proud sakanya, naisip ko tuloy na kaya siguro ganito yung pinapakita ni Jaja sa school kasi naghahanap sya ng kalinga at atensyon, kaya imbis na magmukmok sya sa isang tabi mas pinili nalang nyang manakit ng iba para masabi nya lang sa sarili nya na nag eexist sya sa mundong ito. Yung inis at takot na nararamdaman ko para kay Jaja parang napalitan ito ng awa, pero hindi ko talaga masasabing awa... more like parang napalitan ng pag intindi yung dating nararamdaman ko sakanya. "Sige sir akyat nakayo sa kwarto ni sir, ako napo bahala dito." Wika ng kasambahay na agad ko namang sinagot ng tango, maayos akong nagpaalam sa ginang at dahan dahang bumalik sa kwarto ni Jaja. sa mga nalaman ko hindi ko alam kung pano ko ba haharapin tong taong jinudge ko. Ano na kayang ginagawa nya sa kwarto nya? medyo matagal din kaming nagkwentuhan ni ate Berta habang pinanood ko syang naglalaba sa washing machine. Dahan dahan akong pumasok sa kwarto niya naririnig ko pa yung cartoons na pinapanood nya pero pagbungad ko sa loob ng kwarto nya nakita ko sya na nakahiga na sa sofa at nakapikit ang mga mata, ubos narin yung junkfood na kinakain nya kanina at nakapatong nato sa sahig kasama ang remote ng tv nya, nakadapa syang natutulog sa sofa. Dahan dahan akong lumapit sakanya at yumuko para kunin yung plastik ng chitchirya. Pero ng damputin ko yung kalat nya napatigil ako ng makita ko yung mukha nya ng malapitan, nakapikit sya at mukang himbing na himbing sya sa pagtulog, malamang napagod sya sa school kanina. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala sa mga nalaman ko tungkol sakanya. Tinignan ko ang makakapal nyang kilay na kala mo pinaayos sa salon pati ang mahahaba nyang pilik mata na parang aabutin ang muka ko sa sobrang haba. Muka syang anghel habang natutulog hindi mo aakalain na masama ang ugali nya, pero hindi narin ako nagtataka kung bakit marami paring ang nagkakagusto at nagkakaramdapa sakanya sa school sa kabila ng kasamaan ng ugali nya dahil hindi mo nga naman talaga maitatanggi yung itsura nya, napaka gwapo nya talaga. siguro kung naging mabait pa sya mas marami pang magkakagusto sakanya... "Anong ginagawa mo? Balak mo ba akong halikan?" Nanlaki yung mga mata ko at napatitig lang sa mga mata nyang nangungusap. "Kung hahalikan moko gawin mona!" Dagdag pa nito sabay pikit ulit ng mga mata. Napatayo agad ako at napahawak ng mahigpit sa kalat nya. "Anong sinasabi mo? Sinong hahalikan? Bakit kita hahalikan!? Kinu--- kinuha ko lang tong kalat mo!?" Natataranta kong sabi sabay lunok ng laway. Nakita ko lang syang ngumiti at tumalikod sakin. "Tapos ko ng gawing mga pinapagawa mo. Uuwi nako." Sabi ko sakanya pero hindi sya sumagot sa sinabi ko. Napakawalang kwenta talaga nitong taong to, hindi man lang nya ko ihahatid palabas ng mansion nila? O kahit man lang pakainin nya ko? Hmmp! Nakakainis talaga tong taong to. Ang puso ko! Nagtuloy tuloy akong lumabas ng kwarto nya at bumaba ng hagdanan habang bumubulong bulong pa. Pero napahinto nalang ako ng nasa kalagitnaan nako ng hagdanan, agad akong napahawak sa dibdib ko dahil sa kakaiba kong nararamdaman... na hindi dapat. Bakit?... Bakit ang bilis ng t***k ng puso ko?.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD