"So ano na ngang nangyari? Ikaw ha p****k ka! Anong ginawa nyo ha? Ha? Ha?"
"Anong sinasabi mo!
Wala nga. Wala." Sabi ko sabay higop mula sa hawak kong milktea.
"Ano!? nagtitigan lang kayo? Wait ibig sabihin hindi kayo sa motel pumunta kahapon?!"
"Ewan ko sayo, ang halay ng isip mo." Sabi ko sabay tumayo ako at naglakad papalabas ng shop.
"Huy sandali lang!"
Actually gusto ko naman ikwento kay Mae yung nangyari samin ni Jaja kahapon kaso nahihiya ako, hindi dahil sa ginawa nya kong personal yaya nya, kundi sa weird na naramdaman ko nung paalis nako sa bahay nila Jaja.
Kagabi ko pa iniisip kung ano yung nararamdaman ko, pero siguro hindi abnormal ang magkacrush sakanya lalaking lalaki yung dating nya, matangkad, moreno, maganda ang katawan bago nalaman ko pa na meron syang pagkatao na hindi alam ng iba yung kwento ng buhay nya hindi man buo pero kahit papano may nalaman ako sa kanya.
Sige aaminin ko na, tulad lang din ako ng ibang tao dito sa school nato na may crush sakanya sa dinami rami ng istudyante na may gusto sakanya isa na siguro ako dun at sa dinami rami rin ng nag aaral dito sya yung una kong nakita, hindi ko alam kung naalala nya pa nung first year college palang kami, first day of class naligaw ako sa building nila at sa dinami rami ng tao sa hallway nyun sya yung tanging taong naglalakad papalapit sakin, alam kong first year din sya dahil sa badge ng uniform nya pero nagbakasakali parin ako, nagtanong ako sakanya kung alam nya yung building na hinahanap ko.
Naalala ko pa ng sinamahan nya ko papunta sa harap ng building namin hindi ko alan kung sino sya ni hindi ko alam kung anong pangalan nya. Dun palang naantig na agad ang puso ko sakanya, dahil sino ba naman ang lalaking maghahatid ng kapwa nya lalaki? Akala ko nuon mabuti syang tao not until nalaman ko ang totoo nyang ugali hanggang sa makita ko ang tunay nyang kulay. Kaya simula nuon, biglang nawala yung paghanga ko sakanya yung bilis ng t***k ng puso ko nung araw nayun ay napalitan ng pagkabigo at inis. Sinusuka ko ang ginagawa nyang pambubuly sa ibang istudyante dahil naranasan ko na nuon yun.
Hanggang yung paghanga ko sakanya ay napalitan na ng pagkasuklam. Pero sa ilang taon na pagkasuklam ko sa kanya bakit ngayon ko lang nasilip ang maliit na bahagi ng buhay nya?
"Tambay tayo sa field Venray!" Wika ni Mae habang hinuhugasan yung mga hiniram naming lab equipment sa chem lab.
"Ano naman gagawin natin dun?"
"Tanga, maraming nag mamarathon dun takbo, takbo ganun"
"Sa iba nalang tayo tumambay, mainit!" Sabi ko sabay inayos na yung gamit ko at umakma ng maglakad ng makita kong tapos ng hugasan ni Mae ang mga equipment.
"Ay sayaaaang, marami pa namang boys dun? Well san nalang tayo tatambay? Sa quad nalang?"
Tumigil ako sa paglalakad ko sabay humarap ulit kay Mae.
"Anong kala mo sakin? Cheap!?" Sabay nagpatuloy ulit akong maglakad.
"Ay! Nako! Sayang talaga mga ganitong oras pa naman naglalaro yung mga varsity ng track and field, pati yung mga elite students na mga lalaki, sayang ang gwagwapo pa naman nung mga yun!"
Napahinto ulit ako sa paglalakad at umubo kunwari.
"Well, ang kulit kulit mo kamo Mae, sige na nga sandali lang tayo ha!" Sabi ko, na agad namang sinagot ng ngiti ni Mae at tumakbo papalapit sakin.
Agad kaming pumunta sa field at umupo sa pangatlong baytang malapit sa field at abot sa lilim ng dahon ng punong mangga. Ang style ng field namin is pa-rectangle na sa gitna yung mismong track and field na pabilog, mga apat na talampakang ang layo nito sa unang baitang ng upuan, hanggang sa apat na baitang ang upuan at nasa pangatlo kami may dalawang malalaking puno ng mangga sa taas katabi nun ay ang walkway papunta sa mga building.
"Oh my gad! Diba si Ji sung yun? Yung koreanong bet mo!" Malakas na sabi ni Mae habang turo turo yung binatang tumatakbo sa field.
Agad kong kinuha yung kamay ni Mae para ibaba at itago, nakakahiya kasi baka mamaya may ibang makarinig samin maging issue na naman hindi pa nga ako tapos sa hot issue mula kay Jaja eh.
"Rayven.." wika ng isang lalaki mula sa likuran namin, lumingon ako para tignan kung sino yung may ari ng boses.
"Zy? Zyrus?" Ngumiti lang sya sakin at umupo sa tabi ko.
"Hi, Mae!" Sabi nito sa malambing na tono ng boses kaya naman napatingin ako kay Mae na kumaway rin sa lalaking katabi ko at abot hanggang tenga ang ngiti.
"Hala, hala. Huy! Ano? Dalagang pilipina?" Sabi ko, umirap lang sya.
"Ano palang ginagawa mo dito? Dont tell me may ipapagawa nanaman si Jhan Airel? Busy ako." Inunahan ko na agad sya.
Medyo mainit ngayon kahit hapon na, ay hindi! Sobrang init pala pero kahit sobrang init marami paring ang nanonood dito tumpok tumpok sila lalo na yung mga babae, gusto siguro nila makita yung mga crushes nila.
"Teka!?" Napakunot ako ng noo. Kasi ang alam ko hindi naman sila tumatambay sa ganitong karami at kainit na lugar, maarte kaya silang magkakaibigan kaya mas gusto pa nila ang mambully ng kapwa nila istudyante.
Hanggang sa mapaisip ako at tumingin kay Mae na abot parin hanggang tenga ang ngiti. Teka nga? May gusto ba si Mae kay Zyrus? O si Zyrus ang may gusto kay Mae?
"Dont tell me?..." sabi ko sabay tumingin ulit ako kay Mae. Natawa lang si Zyrus sa ginawa ko.
"Hahaha! Andito ako kasi hinihintay ko si Jhan Airel." Nanlaki yung mga mata ko ng marinig ko yung pangalan ng lalaking yun, pupunta ba sya rito? Wait? Bakit dito pa sila mag hihintayan?
"Ayun sya oh! Tumatakbo." Napatingin agad ako kung saan nakaturo ang daliri ni Zyrus, nakita ko rin na nakatingin sya samin dahil sa biglaang pagkaway nitong lalaking katabi ko.
Yumuko agad ako at tinago yung mukha ko.
"Anong ginagawa mo?"
"Ha? Wa-wala!?" Natataranta kong sabi kay Zyrus at kinuha yung bottle water sa bag ko na binili ko kanina sa milktea shop para uminom bigla kasing natuyo yung laway ko.
"Medyo mainit nga ngayon, Mae pwede mo ba akong samahan bili tayo ng malamig na inumin." Yaya ni Zyrus na agad namang sinang ayunan ni Mae.
"Teka! Iiwan nyo ko rito!? Sasama ako."
"Maiwan kana, para hindi isipin ni Jhan Airel na iniwan ko sya."
"Ako nalang sasama!"
"Hindi naman kilala ni Jhan Airel si Mae, kaya ikaw nalang maiwan dito babalik din naman kami agad."
"Wag kang panira!" Bulong sakin ni Mae kaya naman hinayaan ko nalang silang dalawa, nako parang mag lalandian lang naman ata silang dalawa.
Pagkaalis nilang dalawa napatingin ako kay Jaja na ngayo'y tumatakbo parin, tumitingin tingin sya sakin pero agad kong iniiwas yung tingin ko sakanya.
Kahit pa kulay puti yung tshirt nya kitang kita mo na basang basa nato ng pawis at bumabakat na yung chess nya kaya siguro marami yung nakaantabay ngayon. Basang basa narin yung buhok nya mukang kanina pa sya tumatakbo dyan, nag lalaro ba sya o nakikipag laban?
Ngayon naman ang kalaban nya si Ji sung, nagpapaligsahan ata sila kung sino mas mabilis tumakbo sakanila.
Nang nagsimula silang tumakbo hindi ko mapihilang mag cheer kay Ji sung sobrang crush ko kasi yang koreanong yan. Kasama nilang tumakbo si Renz at Miguel, yung dalawang kaibigan pa ni Jaja sa pambu-bully.
Halos mapaos nako kakasigaw ng makita kong nananalo na si Ji sung sa kanilang tatlo.
"Go Ji sung!" Ohmygad! Malapit na sa finish line.
Napasigaw ako at napatayo pa ng manalo si Ji sung sa pagtakbo nila, pero agad akong napatigil ng biglang napatingin si Jaja sakin.
Umupo agad ako na parang walang nangyari at natahimik bigla ng makita ko yung mukha nya na parang napikon, sana naman wag nya sakin ibaling yung pagkatalo nya.
"Nangyari sayo?" Wika ni Mae na hindi ko napansin na andito na pala.
"Ah-wala, wala."
"Airel!" Sigaw ni Zyrus pero hindi agad ako tumingin, bakit ba hanggang ngayon natatakot parin ako sa kanya? Dahan dahan akong sumilip sakanya at nakita ko syang tumatakbo papalapit saming tatlo.
Halos matunaw ako sa hiya dahil lahat ng mga nanonood dito nakatingin samin, nakalimutan ko na kahit pala bullies tong mga to, pinag kakaguluhan parin sila ng mga estudyante, ang iba pa nga nakita ko na nagbubulungan at umiirap samin ni Mae, hindi sila makapaniwala na kasama namin sina Zyrus at Jaja, bago sila Miguel, Adrian at Renz naglalakad papalapit dito.
"Oh, yung pinadala nyo. Bat trip na trip nyong magpapawis ngayon?" Sabi ni Zyrus habang inaabot yung mga damit ng mga kaibigan nya.
Tumingin ako kay Jaja at nagulat ako na halos lumundag yung puso ko ng nakatitig sya ng masama. Dysuko yung puso ko! Hala, galit ba sya dahil natalo sya o dahil nakita nyang nagcheer ako kay Ji sung? Hindi, hindi na siguro nya narinig yun o napansin pa.