Tumingin ako sa taong nakatayo ngayon sa harapan ko at halos tumalon ang puso ko ng makita kong nakatingin din sya sakin.
nakatitig lang sya na para bang may malaki akong nagawang kasalanan sakanya. Kung hindi lang siguro masamang pumatay malamang pinaglalamayan na ngayon ako dito.
Iniwas ko ulit yung tingin ko sakanya pero parang may mali kaya tumingin ulit ako sakanya at ngumiti ako ng bahadya para sabihing okay lang ba sya. Pagkatapos nun tumingin din ako kay Zyrus na para bang may iba ring nararamdaman, pagkatama na pagkatama ng mga mata namin ni Zyrus agad syang sumenyas sakin gamit ang mata nya tungkol kay Jaja na para bang tinatanong nya ko kung meron ba kaming problema.
Well una sa lahat wala naman akong kasalanan sakanya no! Hindi naman talaga mag boyfriend! kaya pwede ako mag cheer kung sino yung gusto kong i-cheer, isa pa kapag mag kasama kami andun parin yung takot ko sakanya sa kabila ng mga ilang kabanata ng buhay nya ang nalaman ko.
Nanlaki yung mga mata ko sa gulat at halos mahulog yung panga ko ng bigla syang maghubad sa harapan ko. Napatingin ako kay Mae na gulat na gulat din sabay tingin ulit ako sa kanya.
"Panyo." Pagalit na sabi ni Jaja.
"Ha?"
"Akina panyo mo!" Pagalit parin nyang sabi kaya naman nataranta akong kunin sa bulsa ko yung kulay pula kong panyo.
Nag aalangan pakong ibigay sakanya pero nung iaabot ko na sakanya agad nyang hinablot sakin yung panyo, nagkakatinginan nalang yung apat nyang kaibigan dahil sa pinapakitang asal nitong lalaking nasa harapan ko. Bakit ba parang gulat na gulat sila eh ganyan naman talaga gumalaw at umasal tong si Jaja.
Pagkatapos nyang hablutin yung panyo ko agad naman nyang binato sa mukha ko yung tshirt nya na basang basa ng pawis eeeew!. Medyo naamoy ko pa yung pabango nya sa damit nya kahit pa basang basa ito ng pawis. Ganito ba talaga ang mayayaman? Kahit pawisan na ng husto wala paring amoy yung damit nya ni hindi ko naamoy yung amoy araw kahit na sobrang init kahit pa nasa ilalim sila ng araw.
Narinig ko pang nagsigawan yung mga estudyante na nandun, bulungan at hiyawan! hindi ko na masyadong naintindihan yung mga sinigaw nila ng itapon ni Jaja sa mukha ko yung damit nya.
"Whoa, ahmmm... pre punta lang kami sa restroom ha, dun nalang tayo kita." Wika ni Adrian sabay tapik sa dalawa pa nilang kaibigan na sina Miguel at Renz pag katapik na pagkatapik ni Adrian sakanila nagmadali agad silang pumunta sa restroom na para bang may pakiramdam sila na may mangyayaring gera.
Tumingin lang ako sakanya habang pinupunasan yung pawis nya sa dibdib gamit yung panyo na kinuha nya sakin.
"Ahmm.. ay! Mae nga pala may kukunin pala ako sa cafe nakalimutan ko, samahan mo nga ako." Aya ni Zyrus.
"Sa-sama ako!" Mabilis kong sabi sabay hawak sa mga kamay ni Mae habang nakatayo na ito, tinititigan ko sya para sabihin sakanya na wag nya kong iwan sa taong to. Pero nabigo ako agad tinanggal ni Mae yung pagkakahawak ko sa kamay nya at ngumiti lang sabay nagmadali silang umalis.
Narinig ko pa si Zyrus na bumulong kay Mae na bilisan nyang maglakad pero hindi naman sila pumunta sa cafe nakita ko sila na nagtago lang sa likod ng puno.
Tumingin ulit ako kay Jaja habang yakap yakap ko yung damit nya ni hindi ko na nga naramdaman na basa yun.
"Ahhmmmm... ahh.. may... ahmm.... may problema ba? Tara na! Puntahan na natin sila." Sabi ko at agad na tumayo pero agad nya kong hinawakan sa balikat ko na naging dahilan para mapaupo ulit ako. OMG! Yung puso ko parang sasabog na!
Kinakabahan ako sa gagawin nya sakin at the same time nahihiya ako dahil lahat ng estudyanteng na nandito sa field ay nanonood samin na para bang pelikula kami sa sine.
"Ba-ba-kit???" Natataranta kong tanong galit parin yung expression ng mukha nya.
"Alam mo kung ano yung ginawa mo! Wag ka nang mag maang maangan na hindi mo alam!"
Bigla syang yumuko at nilapit yung mukha nya sa mukha ko na naging dahilan para magsigawan yung mga nanonood na estudyante. Nararamdaman ko na yung hininga nya.
"ngayon palang sinasabi ko na sayo, Subukan mo ulit... subukan mo ulit na gawin sakin yun at sa harapan ko pa! pagsisisihan mo na naging boyfriend moko." Nanlaki yung mga mata ko sa gulat at kaba ng sabihin yun ni Jaja. Seryoso ba sya ngayon? Hindi naman totoo tong boyfriend boyfriend status namin eh, kaya lang naman naging kami dahil gusto nya saking makaganti at pahirapan ako.
Sa takot ko napatango nalang ako sakanya bilang pagsabi na gagawin ko yung gusto nya. Nakatitig lang sya sakin at sinuot yung damit na binigay sakanya ni Zyrus at umalis.
Agad akong nakahinga ng maluwag ng umalis na sya sa harap ko dun ko lang napansin na lalo pa palang dumami yung mga grupo ng estudyante rito, mga fans siguro nitong si jaja at ni Jisung at yung iba gusto lang makakita ng mga lalaki.
"Huy tara na!" Halos mapatalon ako sa gulat ng magsalita si Mae mula sa likod ko, nakalimutan ko na magkasama pala kaming dalawa.
Habang naglalakad kami papuntang building para sa last subject namin, napansin ko na pinagtitinginan ako ng mga nakakasalubong naming estudyante sabay nagbubululungan. Kaya naman nagtaka ako kung anong meron?
Nagtinginan lang kami ni Mae dahil hindi namin alam kung anong nangyayari? Yung pakiramdam nung tulad ng nangyari sakin nuon ng palitan ni Mae ng picture ni Jaja yung profile picture ko sa chatapp.
Ng malapit na kami sa building may limang babae na nakatambay sa dadaanan namin kaya nagulat ako ng biglang magsalita yung isang babae.
"Andyan na yung pinaka maganda sa school." Sa sarcastic na pananalita sabay bigla silang nagtawanan.
"Oh baka maapakan nyo yung buhok nyan." Sabi pa ng isa, parehas sarcastic yung boses nila at nakatingin samin ng masama nagtawanan sila habang naglalakad paalis.
"Anong problema nung mga yun?" Sabi ni Mae.
"Baka nakita kayo ni Zyrus." Biro ko.
"Ah talagang ako? Di pa pwedeng ikaw yung sinasabihan?"
"Hahaha! anyway, ano nabang relasyon nyo ni Zyus? Meron ba kong hindi alam? Kailan pa kayo naging close?" Pag iiba ko ng usapan. Hindi nakasagot si Mae at agad na namula ang mga tenga.
"Rayven! Tignan mo to!" Papasok palang kami ng room ng salubungin ako ni Angel. Pero Angelo talaga pangalan nya, gusto nya lang ng Angel tawag sakanya para pambabae raw.
Pinakita nya sakin yung video na nakaupload sa isang page na puro events sa school ang content.
Nanlaki yung mga mata ko ng makita ko na nagkalat yung videos at photos naming dalawa ni Jaja pati yung picture ni Ji sung nadamay na. Mas nagulat pa ako dahil nangyari lang to kanina as in ilang minuto palang ang nakakalipas naka upload na agad sa internet! aware ako na maraming estudyante dun pero hindi ko alam na kinukuhanan na pala nila kami ng litrato at videos. Ang masakit padun nadamay pa yung taong wala namang kinalaman saming dalawa ni Jaja.
Umupo kami ni Mae at agad kong tinignan sa cellphone ko yung mga page na gawa ng mga estudyante at sobra akong nalungkot sa mga nakita ko nagkalat yung mga picture naming dalawa ni Jaja ang iba kasama pa si Jisung at ang mga gawa gawa nilang caption at storya saming tatlo na kinagalit at kinainis ng maraming estudyante. Nanginginig pako at halos maluha ng mabasa ko ang mga comments nila na minumura ako at sinasabihan ng masasamang salita may nabasa pako sa comment na p****k at malandi raw talaga ako. Pero bakit ngayon pa nangyari to? Kung kailan paalis nako.
"Sobra natong mga to ha!" Sigaw ni Mae habang nagbabasa ng mga comments sa litrato namin. Napaluha nalang ako at nilapag yung cellphone ko sa table ko at huminga ng malalim.