Chapter 11 : to know you more part 1

1576 Words
Sobrang pagod at nakaka stress ang araw ko ngayon kaya naman pag dating na pagkadating ko sa bahay sa kwarto na agad ako tumuloy at humiga sa kama, hindi pa ko nakakapag palit ng uniform. Sabi ko papahinga lang ako pero hindi ko alam na makakatulog na agad ako. Krrrriiiing! Nagising ako sa tunog ng telepono ko. Tinignan ko ang orasan 11:11 pm. Sino naman kaya tong tumatawag!? Nang sagutin ko ang tawag sa cellphone ko naguluhan ako ng malaman ko na si Renz yung nasa kabilang linya kaibigan ni Jaja, tinanong ko agad kung ano ang problema at bakit sya napatawag sa ganitong oras, dun ko nalaman na sobrang lasing na si Jaja at hindi nila ito mahahatid dahil may ihahatid pa silang iba at dahil alam nila na boyfriend ko si Jaja at somehow trabaho ko na imake sure na safe si Jaja, ako nalang ang tinawagan nila para sunduin sya at ihatid sa bahay nila. Una nainis pa'ko kasi bakit hindi nalang sila ang maghatid, nagpapahinga na kaya ako! Pero ng malaman ko na sobrang lasing na si Jaja bigla akong may naramdamang kakaiba na parang gusto kong magmadaling pumunta dun para kunin sya. Nag ayos agad ako at nag madaling pumunta sa bar na pinag iinuman nilang magkakaibigan. Nang makarating ako sa labas isang pamilyar na mukha ang tumambad sakin. "A-anong ginagawa mo dito?" "Ah!!?" Gulat na gulat si Mae. "Si...... si Zyrus kasi nagpapasundo." Nahihiya nyang sabi kaya naman tumango nalang ako at ngumiti, mukang may something na nga sa dalawang to ha. "Oh Rayven!" Bati ni Zyrus pag labas nya ng pinto. Halatang lasing na lasing nato. Agad naman syang inalalayan ni Mae. "Si Airel nasa loob pa, puntahan mo nalang di na makakalakad yun." Sabi ni Zyrus at nagtinginan nalang kami ni Mae para sabihin na aalis na sila. Pumasok ako sa loob at nakita ko si Jaja at ang tatlo nya pang kaibigan na sina Renz, Miguel at Adrian na lasing na lasing na. Nagmadali akong pumunta sa table nila. "Oh Rayven!" Bati sakin nila Renz at nakita ko si Jaja na nakapatong na ang ulo sa lamesa. "Andito na sundo mo." Sabi ni Miguel. lasing na lasing na si Jaja agad syang tumayo at ngumiti sakin. Tumakbo ako sakanya at agad na inakay sya patayo. Ngumiti lang ako sa tatlo nyang kaibigan at nagpaalam na sinagot lang din nila ng pagkaway ng mga kamay nila. "Ingat!" Sabi pa ni Adrian. "Dahan dahan lang." Sabi ko habang akay akay ko sya palabas ng bar. Lasing na lasing si Jaja at hindi na makatayo ng tuwid halos matumba na kaming dalawa sa kalsada. Pano ko kaya iuuwi tong lalaking to? Sobrang hassle nito pag nag commute pa kami at wala ng LRT, kung mag tataxi naman kami wala nakong pera... ano ba naman to!? Kung bakit kasi ako pa naisipan nilang tawagan, nakalimutan ko pang humiram kay Zyrus o kaya kay Mae. Babalik ba'ko sa loob para humiram ng pamasahe kila Adrian? Kaso nakakahiya. "Huy, may pera kaba? Wala akong dala. Pamasahe sa taxi?" Sabi ko sa gegewang gewang na lalaking akay akay ko. Tumingin sya sakin at ngumiti na halos maabot na ang tenga nya. "Syempre para sa girlfriend ko meron! Ay teka! Boyfriend pala! Tama boyfriend" hinawakan nya yung pisngi ko ng dalawang beses medyo malakas ang paghampas nya dito. "Wag kang mag-alala lahat ng pera ko, pera mo narin" kinuha nya yung wallet nya sa bulsa nya, hirap na hirap pa syang dukutin to. Pagkuha nya ng wallet nya humugot sya ng 5000 pesos at binigay sakin. "Mas malaki pa dyan ang makukuha mo dahil ako ang pinili mo." Ngumiti ulit sya. "Anong pinagsasabi mo. Okay natong 1k" binalik ko sa wallet nya yung sobrang perang binigay nya sakin. "Ibabalik ko rin yung sukli mamaya pagkabayad natin sa taxi. Hindi ko kailangan ng pera mo." Sabi ko pero sa tingin ko hindi na nya naintindihan pa yung sinabi ko dahil sa kalasingan nya. Pumara ako ng taxi at sa awa ng dyos hindi naman ako nahirapang makahanap. bago ko pa isakay sa loob ng taxi si Jaja sumuka pa sya, okay narin siguro yun kesa naman sa loob pa sya ng taxi sumuka. Pagdating namin sa gate ng mansion hinarang agad kami ng guard kilala nako ng guard nila dahil nung sinama ako isang beses ni Jaja rito pero chineck parin ng guard yung loob ng taxi sabay nilabas ang walkie takie nya at sinabing "clear". Kasabay nyon ang pagbukas ng malaking gate nila. Hinatid kami ng taxi sa harapan ng pintuan nila, pero bago kami lumabas kinuha ko muna yung sukli at tulad ng sabi ko kanina ibabalik ko kay Jaja yun, kaya naman kinuha ko yung wallet nya at nilagay duon yung sukli sabay nagpasalamat ako sa driver at dahan dahan kong nilabas tong lalaking to. Sa laki at dami ng kasambahay nila bakit wala man lang tumutulong sakin na mag akay dito sa lalaking to, pero naiintindihan ko naman dahil anong oras na, malamang nagpapahinga ng ang karamihan ng mga kasambahay nila. "Ay anong nangyari kay sir Airel, sir?" Bungad ni ate Berta ng pagpasok namin ng mansion. "Nalasing po te Berta, padalahan nalang po kami ng warm water po at towel para po sakanya." Sabi ko na agad naman sinang ayunan ng kasambahay. "Nako parating pa naman na si sir!" Natatarantang sabi ng isang kasambahay na kasama ni aling Berta habang nagmamadali silang nagtungo sa kusina. Inakyat ko sa hagdanan tong akay kong lalaki, kahit pa na parehas kaming lalaki hirap na hirap akong buhatin sya! kung pwedeng itapon ko nalang sya sa taas ng hagdanan ginawa ko na eh para di nako mahirapan. Nang maihiga ko na si Jaja sa kama nya, di ko maiwasang pagmasdan sya. Hindi ko mapaliwanag pero ramdam na ramdam ko sakanya ang lungkot. Hinawakan ko sya sa buhok nya na parang bata.. hahalikan ko sana sya sa noo pero ng malapit na ang labi ko sa noo nya ay napatigil ako. "Sir ito napo yung warm water at towel na pinakuha nyo." Sabi ni Ate Berta na agad ko namang kinuha. Binasa ko yung towel at pinunas ko sa mukha nya at mga kamay nya. Nang masigurado ko na nalinisan ko na sya kinuha ko na yung maliit na aserong palanggana pero ng patayo nako nagulat ako ng hawakan ni Jaja yung kamay ko. "Salamat.." napatingin ako sakanya na nakapikit parin. Hindi ako sumagot sa pasasalamat nya bagkus tumingin lang ako sakanya hanggang dahan dahan nyang minulat yung mga mata nya. "Kahit na ganito ako, tinaggap mo ako." Sabi nya sabay ngumiti sya ng taimtim. "Salamat kasi pinaramdam mo sakin na meron pa palang tao na tatanggap sakin... na gugustuhin ako.. nakakatawa man pero pakiramdam ko inaangkin mo'ko at ang sarap sa pakiramdam na may taong ganun sayo.. ganito pala yung pakiramdam kapag gusto ka ng isang tao kahit pa na hindi totoo." Nanlaki yung mga mata ko ng sabihin ni Jaja yun, wag mong sabihin na may alam sya sa nangyari? Nilapag ko ulit yung maliit na palanggana sa sahig at umupo malapit sakanya. "Jhan Airel..." "Siguro sobra akong natamaan sa ginawa mo dahil sa unang pagkakataon may taong naglakas loob na angkinin ako kahit alam ko na hindi mo naman yun sinadya... pero sorry kung sinamantala ko yung pagkakataon nayun para maramdaman na may taong magmamahal sakin, na hindi ko naramdaman kahit sa sarili kong ama." Sa pagkakataon nato tumulo na ang luha ni Jaja sa mga mata nya na agad ko namang pinawi gamit ang mga kamay ko. "Hindi yan totoo, mahal ka ng daddy mo, at hindi mo lang napapansin pero maraming tao ang nagmamahal sayo, sa school, dito sa bahay nyo----" "Ikaw? Isa kaba sa mga taong nagmamahal sakin?" Napatigil ako ng tanungin ako ni Jaja, para bang naging bato yung buo kong katawan at nagmistulan akong pipe at hindi nakapagsalita. "Alam ko na hindi to totoo.. tong pagiging magboyfriend natin, pero sa totoo lang masaya ako dahil dito. Sana kahit hindi to totoo o kahit matapos nato, sana hindi mo ako tatalikuran at iiwanan. H'wag mo'kong iiwan ha?" Biglang bumilis yung t***k ng puso ko ng sabihin yun ni Jaja, Nakatitig lang sya sakin na para bang naghihintay ng sagot ko hindi ko narin napigilan pang maluha pagkatapos kong tumango sakanya bilang pag sagot ng oo kahit pa na alam ko naman sa sarili ko na hindi ko magagawa yung gusto nya dahil sa isang buwan aalis nako at iiwan ko na sya. Nakita ko pa syang ngumiti at dahan dahang pinikit ang mga mata. Nang masigurado ko ng tulog na sya hinawakan ko yung buhok nya. "Sorry Jhan Airel, nagsinungaling ako... hindi ko mapapangakong hindi kita iiwan." Bulong ko sakanya habang patuloy parin ang pagbuhos ng luha sa mga mata ko at agad kong kinuha yung palanggana at tumakbo papalabas ng kwarto nya pero hindi pako nakakalayo mula sa pinto ng kwarto ni Jaja napahinto na ako. Napahinto ako sa paglalakad ng makita ko yung daddy ni Jaja na nakatayo sa labas ng pinto at para bang nakikinig sa pinag usapan naming dalawa. Hindi ko mapaliwanag yung nararamdaman ko, pakiramdam ko nahuli ako ng tatay ni Jaja na may masamang ginagawa sa anak nya kahit pa na wala naman. Nagkatitigan kami ng daddy niya, s**t! ano batong napasok ko nararamdaman ko yung panginginig ng mga tuhod ko baka kung ano gawin sakin ng tatay nya, papagalitan ba ako nito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD