Halos mapatalon ako sa gulat at muntikan ko pang mabitawan yung hawak kong asero ng makita ko sa labas ng pinto ng kwarto ni Jaja ang Daddy nya na nakatayo at naka halukipkip ang mga kamay.
Halos hindi ako humihinga ng makaharap ko ang ginoo, hindi ko alam kung tatakbo bako ng mabilis o babatiin sya ng magandang gabi. Natatakot ako kung anong sasabihin nya sakin, kung anong itatanong nya sakin. Pano kung tanungin nya ko kung ano ko si Jaja!? Anong isasagot ko!!!?
"Pwede ba kitang makausap?"
"Po? O----opo--opo.." natataranta kong sagot.
Malamig naman sa bahay nila dahil sa centrelized na AC pero pakiramdam ko mas mainit pa sa pilipinas pag summer yung nararamdaman ko ngayon, sobrang bilis ng t***k ng puso ko sa sobrang kaba na para bang gustong umalis sa dibdib ko. Nanginginig parin ako habang nakayuko. Dyusko yung puso ko!
"Sir Rayven? Anong?"
Napatingin ako sa boses ng babae at nakita ko si Aling Isah na nakatingin sakin habang dala dala ang isang babasaging takore at dalawang cup. Nanlaki yung mga mata ko sa gulat kasi kala ko si Ate Berta yung may ari ng boses, hindi pala.
"Ma--magandang gabi po." Nauutal ko parin sabi at napatingin ako sa daddy ni Jaja na tumingin kay aling Isah sabay tingin sakin na para bang gulat na gulat na kilala ako ng mayodorma ng mansion. Tumingin ulit ako ng palihim sa ginoo at nakita ko na ngumiti sya ng bahadya habang nilalagyan nya ng tea yung cup nya samantalang ang cup ko ay may nakalagay ng hot chocolate.
Dun ko lang din halos napansin na parang pinagbiyak na bunga ang mang amang ito, hindi mo talaga maitatanggi na mag ama sila. medyo may pagkasingkit lang tong daddy nya pero the rest parang carbon copy na silang dalawa.
"Salamat po Aling Isah." Sabi ko at ngumiti sa ginang. Sabay yumuko ulit ako. Hindi ko mapaliwanag para bang iinterviewin ako ng presidente ng isang kumpanya ngayon.
Hinawakan ko yung cup ko at iinom sana ako kaso sa sobrang kaba ko nakalimutan ko na mainit pala tong iniinom ko kung bakit kasi may rug sa hawakan ng cup nawala tuloy sa isip ko na mainit pala yung laman ng cup, nasamahan pa ng kaba. Napaubo agad ako at naluwa ko yung konting chocolate na nasa bibig ko.
Narinig ko naman na natawa yung daddy ni Jaja. "So--so--sorry po!" Humigop sya ng tea mula sa baso nya.
"Okay kalang? Relax kalang." Ngumiti ako sakanya bilang pagsagot.
"Salamat ha." Napatingin ako sa kaharap ko ngayon na puno na pagtataka. "Po?"
"Sa pag-aalaga sa anak ko." Napatingin lang ako sa kanya. May alam ba ang daddy ni Jaja? Wait? Alam nya ata na kami?! Pero hindi naman talaga kami?! Sasabihin ko ba sa daddy nya yung totoong sitwasyon namin ni Jaja?!
"Sana hindi ka mapagod sa Anak ko." Nakatingin lang ako sa kaharap ko ngayon na para bang hindi makapagsalita. Hindi makapaniwala sa naririnig ko.
"Hwag kang mag-alala, hindi naman ako tutol sa relasyon nyong dalawa." Ngumiti ulit sya pero sakabila ng ngiti nya bakit nararamdaman ko na malungkot tong kausap ko? Kabaliktaran sa akala ko na masungit at grumpy yung daddy ni Jaja.
"Sino ba naman ako para pigilan kung sino yung gustong mahalin ng Anak ko... You see, tutol ang mga magulang namin sa relasyon namin ng Mommy ni Jhan Airel kaya naman sinabi ko sa sarili ko na hinding hindi ko ipaparamdam sa anak ko. Yung naramdaman namin ng momny nya nuon." Anong gagawin ko? Pano ko sasabihin sa daddy ni Jaja na hindi talaga kami? Na parusa lang to ni Jaja dahil sa pag gamit ko ng picture nya?
"Alam mo ba kung anong ibig sabihin ng pangalan ni Jhan Airel?"
"Po?"
"Pinagsama namin ng mommy nya ang pangalan naming dalawa, Jhan at Ariel, Pero ginawa namin Air-el ang pangalan nya meaning hangin kumakatawan sa kalayaan...
kaya lahat ng ginagawa ng anak ko, lahat ng gusto nyang gawin hindi ko pinapakilaman o kinukwesyon, dahil ayokong iparamdam sakanya na kontrolado ko ang buhay nya.
Pero hindi ko akalain na magkukulang pala ako bilang ama ng anak ko." Nakatingin ako sa malungkot na mukha ng daddy ni Jaja at dahan dahan akong yumuko at tumingin sa hot chocolate na nasa harapan ko..
dun naging malinaw sakin ang lahat.
Hindi totoong hindi sya mahal ng daddy nya, habang nagsasalita ang ginoo sa harapan ko ramdam na ramdam ko ang pagmamahal sa mga mata nya at sa bawat pagbigkas ng mga salita sa bibig nya. Missinterpret at missunderstanding lang ang lahat.
Tumingin ulit ako sa daddy ni Jaja. " nakausap nyo na po ba regarding dito si Jhan Airel?" Tinikom lang ng ginoo ang bibig nya at tumingin sakin sabay ngumiti ng taimtim at yumuko ulit.
"Sir, alam ko po wala po akong karapatang magsalita o manghimasok sa pamilya nyo, pero sa tingin ko po karapatan ni Jhan Airel na malaman kung ano po yung saloobin nyo...." nakatitig lang ako sa kausap ko. "buong buhay nya ang akala nya wala po kayong pakilam sakanya at ang worst pa po nun is pakiramdam nya hindi nyo po sya mahal."
Napatingin lang sakin ang Ginoo na ramdam mo ang sakit mula sakanyang mga mata, napatingin ako sa kamay nya na biglang nyang tinikom.
"Aware naman ako kung ano yung nararamdaman ng anak ko. Pero... sa t'wing magkikita kami...
sa t'wing tatangkain kong kausapin ang anak ko,
parang pakiramdam ko hindi kami magkakaintindihan... pakiramdam ko mamasamain nya kung ano man yung sasabihin ko...
Siguro hindi ko lang talaga alam kung pano maging isang ama, kung pano ko kakausapin ang anak ko. Ang alam ko lang gagawin ko ang lahat para mabigay ko sakanya ang lahat ng kailangan at gusto nya, ang mabuhay sya ng walang problema." Huminga ng malalim ang ginoo. "Kung buhay lang sana ang Mommy nya hindi siguro ako nahihirapang kausapin ang anak ko. Wala siguro kami sa ganitong sitwasyon."
"H'wag po kayong mag-alala sir, tutulungan ko po kayo kay Jaja. Kung hindi po kayo sanay o hindi nyo po kayang kausapin si Jhan Airel... ako po ang magiging boses nyo. Pangako ko po yan." Sabi ko sabay ngiti.
Alam ko mahirap tong napasok ko pero deep inside alam ko na gusto kong magkaayos silang mag-ama gusto ko na kahit papano may matulungan ako at gusto ko ring mag-iba ang pananaw ni Jaja sa mundo once na umalis nako sa tabi nya. Gagawin ko ang lahat para magkaayos silang dalawa. Hindi lang pala itsura ang nakuha ni Jaja sa daddy nya kundi pati yung hirap nitong maipakita ang totoong nararamdaman nila kaya ang resulta parehas nilang nasasaktan ang isa't isa ng hindi sinasadya.
***
"Sure kaba na ayaw mo nang dito nalang magpalipas ng gabi? Anong oras na oh?"
Ngumiti ako sa daddy ni Jaja."pwede kanamang matulog sa kwarto ni Jhan Airel pero kung hindi ka komportable pwede kang magpahinga sa guest room namin."
"Salamat po, pero hindi na po. Mag-isa lang din po kasi si Mama sa bahay kaya kailangan ko rin po umuwi."
"Ganun ba? Sige ipapahatid nalang kita."
"Ay hindi napo!" Mabilis kong sabi.
"Tanggapin mo na, hindi na safe sa labas sa ganitong oras hayaan mong ipahatid na kita. Isa pa alam kong ganito rin ang gagawin ng anak ko sayo at pag nalaman nyang hindi ka hinatid sa bahay nyo sa ganitong oras malamang magagalit yun." Ngumiti ako sa daddy ni Jaja at ngumiti rin sya sakin. Kilala nya rin pala ang ugali ni Jaja after all, Kahit pa na hindi sila nag uusap dalawa.
Pinatawag ng Ginoo ang driver nila at agad naman itong pumunta sa harap ng masyon. Nakasakay na ang driver sa van pero bigla itong bumaba para pagbuksan ako ng pinto ng sakakyan, ngumiti ako sa driver at nagpasalamat.
Nang papasok nako sa sasakyan."nga pala iho, anong pangalan mo?" Napaharap agad ako sa daddy ni Jaja ng sabihin nya yun, dahil ako mismo nagulat dahil sa haba ng pinag usapan namin nawala na sa isip ko na magpakilala sakanya.parang ang bastos ko tuloy. sana naman hindi nya maisip na bastos akong tao.
"Ay sorry po, sorry po kung hindi ako nakapagpakilala agad. Ako po si Rayven sir.. Rayven Dimaano po." Sabi ko sabay yumuko ako ng bahadya bilang pagbibigay galang sabay ngiti. Nag-iba naman ang expression ng mukha ng ginoo na para bang may bigla syang malalim na iniisip.
"Say, aahhmm are you somehow related to Ray Dimaano?" Nanlaki yung mga mata ko ng sabihin yun ng kausap ko ngayon dahil ang pangalan na sinabi nya ay walang iba kundi ang tatay ko na pumanaw na ng ilang buwan.
"Pa...? Yes po! Tatay ko po siya." Sabi ko, pero hindi ko maintindihan dahil nanlaki yung mga mata nya sa gulat at napaatras pa sya ng kaunti. Bakit? Anong meron bakit ganito na lamang ang reaksyon nya ng malaman nyang tatay ko si Ray Dimaano?
"So kung anak ka ni Ray, ibig sabihin Nanay mo si Trisha Dimaano ang nagpalakad ng waterfall factory?" Tumango lang ako sa Ginoo habang nakangiti bilang pagsagot at ipaalam sakanya na tama nga ang sinabi nya.
"Pero nagclosed na'po yung family business namin, medyo palugi narin po kasi yung factory nung mawala si Papa, kaya nung hinawakan na'po ni mama nag desisyon nalang po syang isarado nalang at ipagbili sa JA Real state company po." Paliwanag ko pero hindi na sumagot ang Ginoo kaya naman nagpaalam na'ko sakanya medyo malalim narin kasi ang gabi at maaga pa'kong magigising bukas.