Chapter 13: pain and love

1505 Words
Dahil late nakong nakauwi kagabi at nagpahinga late narin akong nagising, halos mataranta akong mag ayos ng sarili ko para hindi ako ma-late sa school, sumagi narin sa isip ko na wag nakong maligo kaso baka manlagkit ako nito kahit pa naka airconditioned yung mga room namin maalinsangan naman sa labas. Kaya naman nagmadali akong naligo bilang na bilang sa kamay ko kung ilang buhos lang yung ginawa ko. Pakiramdam ko mauubusan nako ng hininga dahil sa pagtakbo papuntang school, kung bakit kasi ang laki laki nito. Buti nalang may oras pa'ko, bilib na bilib talaga ako sa sarili ko, kasi kahit pa na feeling ko male-late na'ko, lagi akong nakakahabol haha! Natry nyo narin ba yun? Habang tumatakbo ako papasok ng building namin hindi ko na napansin yung taong nakasalubong ko kaya naman agad akong bumangga sa taong nasa harapan ko. "So--sorry!" Sabi ko sabay tinulungan kong damputin yung mga libro na tumapon dahil sa pagbabanggaan namin. Pag abot ko ng mga pinulot ko nanlaki yung mga mata ko ng makita ko ang taong nabangga ko... walang iba kundi si Ji Sung. Parang namanhid yung buo kong katawan at hindi ako nakapagsalita. Ngumiti sya sakin at s**t! Yung mga mata nya para akong matutunaw! "Okay ka lang." Nakatitig lang ako sa kanya na para bang nakakita ako ng isang anghel na pinababa sa lupa. Ilang segundo pa ang lumipas ng tumango ako sakanya bilang pagsagot. "Masyado ka yatang nag mamadali, sa susunod mag ingat ka baka masaktan ka." Sabi nya at tinulungan nya kong tumayo. OMG! Ang galing nya magtagalog! ngumiti ulit sya at nagpaalam pero parang naiwan yung kaluluwa ko sa oras kung saan nginitian nya ko pakiramdam ko lumulutang ako ngayon. "Wooow naman! Talagang hindi ka pa nakuntento kay Jhan Airel ha.. gusto mo makuha rin si Ji Sung?" Biglang nabasag yung panaginip ko at bumalik yung lumilipad kong isip. Tumingin ako kung saan nanggaling yung boses. Nagulat ako ng makita ko ang mga pamilyar na mukha sakin ito yung mga masscom student na sumira ng project ko. Lumunok ako ng laway at iniwas ko yung tingin ko sakanila. Kailangan ba talagang sirain nila ang araw ko? "Wala akong panahon sainyo, ayoko ng gulo." Sabi ko nalang para hindi sila manggulo. Ngumiti yung matabang badesa at lumapit sakin. "Ayaw mo ng g**o? Sana inisip mo yan nung nilandi mo si Jhan Airel." Tumitig ako sakanya. "kung gusto nyo isaksak nyo sya sa baga nyo." Ngumisi ako "at hindi ko kasalanan kung hindi kayo napapansin ni Jhan Airel at mas lalong hindi ko kasalanan na ako yung pinili nya." "Ah ganun!?" Okay alam ko kasalanan ko to dahil sa sinabi ko, pero hindi ko inaasahan ng bigla nya kong sabunutan. "Feeling mo maganda ka! Wala karin namang bahay-bata!" "Aaray! Ano bang problema nyo!" Sigaw ko sabay pilit kumawala sa pagkakasabunot nya. "bakit ba galit na galit kayo sakin! Ano bang ginawa ko sainyong kasalanan!" "Malaki! Malaki ang kasalanan mo sakin!" Sigaw nito at agad na kinuha yung inuming dala ng kaibigan nya at tinapon sakin. Lumapit sya sakin at bumulong. "Hindi ako makakapayag na magkaka jowa si jhan Airel ng bading!... kung hindi lang din ako! Ako ang unang nagtapat sakanya ako ang unang nagmahal sakanya AKO! AKO!. Pero ikaw ang pinili nya at ayun yung pinaka malaking kasalanan mo sakin" sabi nya at umalis sila. Pinunasan ko nalang ng panyo yung mukha ko pero bakas parin sa damit at buhok ko yung basa. Huminga ako ng malalim at inisip na konting tiis nalang. Kinuha ko yung libro ko sa locker at naglakad pero... Napatigil ako sa paglalakad ko ng makita ko ang lalaking nakatayo sa harapan ko, bakas sa mukha nya ang pagkagulat, pagkalito at galit. Lumunok lang ako ng laway at inayos ang mukha ko na basang basa at yumuko. Mabilis syang lumapit sakin at alalang alala yung mukha nya. "Anong nangyari sayo!?" Nanginginig yung boses nya. Umiling lang ako bilang pagsagot ang tumingin sa kanya sabay ngumiti para sabihin sakanya na wag na syang mag alala. Pero hindi parin nagbago ang expression ng mukha nya. Hinawakan nya ko sa mga kamay ko at hinila nya ko papunta sa bungad ng school garden. Binitawan nya ako at nakatalikod parin sya sakin na para bang naghihintay ng paliwanag ko. Umupo ako sa tabi at narinig ko pa ang malakas na buntong hininga nya. "Kasalan ko to eh! Kasalan ko to!" Inis na inis na sabi ni Jaja sa sarili nya. "H'wag mong sisihin ang sarili mo, wala kang kasalanan kung anong nangyayari sakin ngayon?" Sabi ko sa malumanay parin na boses. "Panong hindi?! Eh sinong may kasalanan nito!? Ediba ako naman!?" Galit na galit parin si Jaja. "Kaya nga wag mo ng isipin na kasalanan mo! Choice nila kung ano man yung ginagawa nila sakin." Nagulat nalang ako ng biglang suntukin ni Jaja yung pader sa harap nya. "Anong gusto mong isipin ko, ha!? Anong gusto mong gawin ko!?... Kailan pa!? Kailan pa nila ginagawa sayo to?" Tumingin lang ako sakanya at iniwas ko rin agad. Ngumisi sya ng may pagkahalong pagkaasar. "Mahirap ba ha? Gano ba kahirap para sabihin sakin to ha!? Sobrang hirap ba para ipaalam sakin kung ano yung ginagawa nila sayo!!! Putcha naman Rayven! Sinasaktan kana! wala ka man lang bang gagawin!?" Nanginginig na sigaw ni Jaja sakin. ramdam na ramdam mo yung galit sa mga boses nya. "Bakit may magbabago ba kung sasabihin ko sayo?! Bakit pag once ba na sinabi ko sayo titigil narin sila sa pangugulo sa buhay ko.? Sige sabihin mo nga anong gagawin mo!?" Nagsimula ng magluha ang mga mata ko at tumitig ako sa kausap ko ngayon. Biglang napalitan ang galit nyang mukha sa pagkakadismaya. "Bakit?... Sino ba'ko sayo Rayven ha!?, sino ba ako sayo!?" Ngumiti sya pero hindi dahil natutuwa sya kundi dahil sa pagkadismaya. "Ni hindi mo'ko binigyan ng pagkakataong protektahan ka." "Hindi mo'ko kailangang protektahan Jhan Airel, dahil kahit bali-baliktarin natin ang mundo ngayon, alam natin sa isa't isa na hindi to totoo! Na itong... kung anong meron man tayo ngayon, lahat 'to puro kasinungalingan! Bunga ng kasalanan ko sayo." Tumingin ako sakanya habang pinupunasan ko yung luha sa pisngi ko. Tumango sya ng ilang beses at tumingin ulit sakin. "Kasinungalingan...." ngumiti sya ng bahadya at tumango ulit. "Okay! Kung ayan pala yung nararamdaman mo. Sige.... sige!" Tumingin sya sa mga mata ko at nakita ko na may namumuo narin luha sa mga mata nya sabay umalis sya. Huminga ako ng malalim at patuloy ko paring pinupunasan yung luha ko. Tama naman yung sinabi ko hindi ba? Ayoko narin idamay pa si Jaja kung anong nangyayari sakin ngayon kasi alam ko naman sa sarili ko na konting tiis nalang, konting araw nalang aalis narin ako sa lugar na'to, sa eskwelahang ito. Ayun yung huling araw na nakausap ko si Jaja pagkatapos nyang umalis, hindi ko na sya nakausap pa, kahit pa na magkasalubong kami sa campus hindi sya tumitingin sakin, hindi nya ko pinapansin o umiimik sa twing magkakasalubong kami o magkikita. Tumahimik na din ang school namin ni hindi na nakikita na nambubully ang magkakaibigan para ba silang bula nalang na biglang nawala at hindi nag eexist sa school kahit pa na hindi ka mahihirapan na ma spot-an sila sa loob ng campus. Ang iba nagpapasalamat sakin dahil simula daw na kumalat sa school na magkarelasyon kami huminto narin ang pang haharass nila sa ibang estudyante ang iba naman ay galit sakin dahil pakiramdam nila inagaw ko saknila ang prince charming nila. Ilang araw narin ang lumipas simula ng iwasan ako ni Jaja actually dapat nga matuwa ako na wala na kaming connection kasi magiging maayos na ang buhay ko dahil wala na sya kahit pa na alam kong hindi mangyayari yun dahil mainit ang mga mata ng mga masscom students sakin. Pero sa ilang araw na hindi nya pagpansin sakin may kung anong pakiramdam ang hinahanap ng sarili ko parang may kulang sakin parang may hinahanap... hindi kaya nami-miss ko sya? Yung presence nya hinahanap hanap ko at isa pa nangako ako sa daddy nya na pag aayusin ko sila. "Una nako Mae." Paalam ko sa kaibigan ko na parang may hinihintay. Kailangan ko na kasi umalis dahil nagsisimula narin ako sa part time na in-applyan ko nung nakaraan. Paglabas ko ng pinto ng room namin nagulat ako ng bigla kong mabangga si Zyrus. "Rayven!?" Gulat na gulat nyan sabi, pero sinagot ko lang sya ng ngiti at nagpaalam narin. malamang pupuntahan nya si Mae. "Ah Rayven..." "Hmmmmm?" "May problema ba kayong dalawa ni Airel?" Ngumiti lang ulit ako sakanya at nagpatuloy ng maglakad. Ayoko narin kasi palakihin pa at ayoko naring idamay pa si Jaja dahil alam ko pag nalaman nya na dahil sakanya kung bakit nagiging wild ang mga nagkakagusto sakanya to the point na nasasaktan nako, feeling ko hindi sya mapapakali at dadagdag payun sa nararanasan nya ngayon. Baka mamaya pakiramdam narin nya na lahat ng taong dumidikit sakanya ay nasasaktan... tama na yung sakit na nararamdaman nya ngayon tutal aalis narin naman ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD