Chapter 14: let me!

1867 Words
Ilang araw na ang lumipas pero hanggang ngayon hindi parin ako pinapansin ni Jaja! Ano bayan! Diba nga dapat mas maging masaya ako? Kasi hindi na nya ko ginugulo?! Pero bakit ganun hindi ko maintindihan yung sarili ko parang may iba akong nararamdaman? Parang hinahanap ko sya? Parang nagi-guilty ako sa nasabi ko sakanya! Parang sinasabi ng puso ko na humingi ako ng tawad sakanya. *batok! "Alam mo ikaw hindi nako magtataka kung isang araw makikita kita sa kalsada na madumi at may dala dala ng sako." Napakamot nalang ako ng ulo ng batukan ako ni Mae. Huminga ako ng malalim. "Kinukulit ako ni Zyrus, nagtatanong kung may problema daw ba kayo ni Airel? Ano bang nangyari?" "...." Tumingin lang ako sa babaeng kausap ko at inayos yung nga gamit ko. "Alam mo feeling ko... feeling ko may iba ng nararamdaman sayo yang si Jhan Airel... feeling ko lang ha?" Parang baliktad ata? Parang para sakin ata to. Kasi sa totoo lang ako ang may ibang nararamdaman saming dalawa. "Tara na! Kumain na tayo." Aya ko sa kanya para maiba yung topic na inopen ni Mae. Pagbaba namin ng building nagulat kami dahil ang daming estudyante sa canteen. Lunch break pala ngayon kaya asahan mo na marami talagang tao ngayon dito. "Gusto mo sa main canteen nalang tayo, malaki space duon at marami tayong pagpipilian." Aya ni Mae na agad ko naman sinang ayunan. Pagpasok namin sa main canteen maraming tao pero may mga bakante pang table at dito sure kami na hindi kami mauubusan ng pagkain. Umupo agad kami sa isang bakanteng table at iniwan naming dalawa yung ID namin bilang tanda na nakaresearved na yung lamesa. Sa lutong ulam ako pumila samantalang sa paotsin naman si Mae. Mas nauna akong naka order dahil luto na ang mga ulam dito. Binigyan din kami ng cookies at inumin libre lang to kasama sa binayad namin sa tution. Masyadong maraming tao ni hindi ako makasingit pabalik sa table namin kaya naman dahan dahan akong naglakad pero nagulat nalang ako ng biglang... "Aaaaah!" Parang nag slowmo yung paligid ko habang padapa ako sa sahig at nabitawan ko yung hawak kong tray. Pero alam ko sa sarili ko na dahan dahan akong naglalakad at may naramdaman akong sumagi sa paa ko. May tumisod sakin! Tumilapon sa sahig yung pagkain ko na agad namang umagaw ng pansin sa mga istudyangteng kumakain din duon, kung bakit kasi sa dinami rami ng canteen dito sa school dito pa namin ni Mae naisipan kumain sa main canteen nakakahiya! sa gitna ito ng school nakatayo at talaga namang halos lahat ng estudyante mula sa ibat ibang colleges ay nandito rin para kumain. s**t! Nakatingin sakin lahat ng estudyante dahil sa ingay na nagawa ng pagkakadapa ko sa sahig habang ang mga magkakaibigang mascom naman ay patay malisya sa nangyari at tuloy tuloy parin ang pagkain nila na para bang walang nangyari. Nasan naba si Mae? Hindi parin ba sya tapos bumili? Ginala ko yung mga mata ko para hanapin si Mae pero natigil ang paghahanap ko sakanya ng magtama ang mga mata namin ng isang lalaking pamilyar sakin na nakatayo sa di kalayuan, nakahinto sya sa tapat ng upuan ng mga kaibigan nya na kumakain at walang pakilam sa mundo, hawak hawak nya ang tray na parang katatapos lang umorder ng pagkain nya. "Okay kalang?" Bigla kong iniwas ang tingin ko sa lalaking pumukaw ng tingin ko at napatingin ako sa lalaking nasa tabi ko. "Ji---" ngumiti sya sakin at tinulungan akong ilagay sa tray yung mga natapon kong pagkain. "OMG Venrey! Anong---" sigaw ni Mae at nagmadaling pumunta saming dalawa ni Ji sung na ngayo'y tinutulungan akong tumayo. "Sumosobra na kayo ha! Hindi na tayo highschool para sa mga ganyang ugali!" Sigaw ni Mae sa grupo ng mga mascom sa tabi. For some reason hindi sumagot yung magkakaibigan at nakita ko na ngumiti lang ng may halong pang aasar yung beking tumisod sakin, sya rin yung may gusto kay Jaja. "Tara na!" Yaya ni Mae sabay hinila nya ko papaalis ng canteen pero bago pa kami makalayo narinig ko pa ang sinabi ni Jisung. "Hindi maganda yang ginagawa nyo." Sabi niya at umalis narin, tama yung narinig nyo tagalog yung sinabi nya 4 years nang nandito si Ji sung sa Pilipinas kaya hindi nako magugulat kong tuwid na syang magsalita ng tagalog. Ang cute lang. Napahinto si Mae sa paglalakad ng madaanan namin ang table nila Jaja, galit na galit si Mae at sana wag na syang magsalita kay Jaja buti tumingin lang sya dito sabay tingin kay Zyrus. Napatingin din ako kay Jaja na nakatingin lang sa pagkain nya sabay tingin sakin pero bago pa magtama ang mga mata namin agad ko na tong iniwas. Siguro iniisip nya ngayon na buti nga sayo hindi mo kasi ako binibigyan ng pagkakataong protektahan ka. Hindi na kinain ni Mae yung pagkaing dala nya at iniwan nalang namin yung tray sa table malapit sa pintuan palabas ng canteen pero kinuha namin yung cookies at drink at napagkasunduan nalang namin na sa Jollibee nalang kami kakain malapit sa labas ng main building. s**t! Buti nalang may meal saver sila. Nagkunwari nalang ako na nake-crave ako sa burger steak kaya ayun lang ang in-order ko pero nag order pa si Mae ng dalawang tuna pie. Pagkatapos namin kumain agad kaming pumunta sa building namin para tapusin yung afternoon class namin, f**k! Bakit ba ang boring boring ko ngayong araw ni wala akong naintindihan sa lecture namin parang lumilipad nanaman yung isip ko. Finally! Natapos din ang lecture namin at agad kaming tumambay ni Mae sa quad as usual na ginagawa naming dalawa bago kami umuwi. Nilalabas na ni Mae yung mga notebook nya sa table at handa na syang pag usapan yung lecture namin kanina habang ako heto nakatulala parin at lumilipad ang isip. *batok! "Aray!" Sigaw ko sabay hawak sa ulo ko na hinampas nya. "Ano bang problema mo ngayon? Kanina kapa ganyan!?" "Wala..." "Wala!? Ano ka chicks para sabihin na wala!? Ano nga yun? Bat nag e-MTV ka dyan!!" Huminga ako ng malalim sabay tumingin sakanya, alam ko kaibigan ko si Mae pero nahihiya parin akong magkwento sakanya ng iniisip ko lalo na pag dating kay Jaja. "Rayven! Si Airel!" Sigaw ni Renz isa sa mga kaibigan ni Jaja. Agad akong napatayo at napatingin sa hingal na hingal na lalaki. "Bakit?!" "Nakikipag away si Airel! Sa kabilang building!" Agad akong tumakbo kay Renz na tumakbo rin para ituro kung nasan si Jaja ni hindi ko na nahintay si Mae pero nakita ko naman sya na mabilis na pinasok yung mga gamit nya sa bag malamang susunod din sya. "Bakit hindi nyo pinigilan makipag away!?" Tanong ko kay Renz habang tumatakbo kami. "Inaawat namin sya, andun din sila Miguel, Zyrus at Adrian kaso ayaw nya talagang magpaawat kaya naisip naming hanapin ka nalang para ikaw ang umawat. Hindi na nakikinig samin si Airel. Pero baka pag ikaw ang nag awat makinig pa sya." Hindi ako nakasagot sa sinabi ni Renz at tumakbo lang ako ng mas mabilis para mapigilan agad si Jaja bago pa makarating yung g**o nila sa nakakataas. Pamilyar sakin tong building nato, faculty to ng liberal arts, dito ko nakilala yung magkakaibigang mascom. Halos maubos yung hininga ko ng pagdating namin sa harap ng building tumpok na ang mga estudyante na galing sa ibat ibang field ng faculty ang iba nagmula pa sa ibang faculty dahil sa style ng uniform nila. Ano bang ginagawa ni Jaja at nakikipag away sya!?. Agad akong sumuot sa grupo ng mga estudyante para makapasok sa loob, pag dating ko sa harapan nanlaki yung mga mata ko ng makita kong nakapila yung mga beki at babae habang nakaluhod sa lupa takot na takot sila habang pinapanood ang suntukan nagaganap sa harapan nila kasama sila Zyrus, Miguel at Adrian sa away na nangyayari hanggang makita ko si Jaja na nakapatong sa isang lalaki na nakahiga na sa lupa, duguan na ang mukha nito dahil sa panununtok ni Jaja. May dugo rin yung mga labi at ilong ni Jaja na sa tansya ko pinagtulungan muna sya ng mga mascom student bago sumali sila Zyrus. "Airel!!!!!" Sigaw ko na nagpatigil sa panununtok nya sa lalaking nakahiga na sa lupa, nakataas parin yung kamao nya at handang handa ng isuntok ulit sa mukha ng lalaki. Tumigil ang away dahil sa sigaw ko at lahat sila napatingin sakin maliban kay Jaja na nakatingin parin sa duguang lalaki. "Tama na... pakiusap. Tigil na." Nauutal kong sabi habang naiiyak. Binitawan naman na ng tatlong kaibigan nya yung kasuntukan din nila. Tumingin ng masama sakin si Jaja na naging dahilan para mapaatras ako ng isang hakbang, nanginginig ako at natatakot, dahil iniisip ng isip ko na baka saktan nya rin ako pero iba ang sinasabi ng puso ko, na hindi nya gagawin sakin yun. Tumayo sya at lumapit sa limang nakaluhod sa lupa grupo to ng mga babae at beki sila yung nagpapahirap sa buhay ko ngayon. "Humingi kayo ng tawad!" Sigaw ni Jaja at halos mapatalon silang lima sa takot. Tumingin ako kay Jaja pero hindi sya tumitingin sakin. "Humingi kayo ng tawad!!!!!" This time mas malakas yung sigaw ni Jaja. "Rayven sorry, sorry!" Halos sabay sabay nilang sinabi habang naiiyak iyak pa. Tumingin ako sa kanila at tumango lang bilang pagsagot na tinatanggap ko yung sorry nila. Agad akong tumakbo sa nakahandusay na lalaking binugbog ni Jaja at tinulungan ko syang tumayo. "Dahan dahan lang." Sabi ko habang inaalalayan syang tumayo, simula ng pahingi-in ng sorry ni Jaja tong mga to sakin dun palang na gets ko na na kaya sila nabugbog dahil sakin. Nang makatayo na ang lalaki tumakbo rin yung tatlong lalaking kasuntukan ng mga kaibigan ni Jaja para alalayan tong hawak ko. "Makinig kayo! Akin lang si Rayven!!! Sa susunod na may mananakit sa pag-aari ko, alam nyo na kung anong kakahantungan nyo!" Sigaw ni Jaja na kinatakutan naman ng lahat. "Pasensya na kayo, paki alalayan nalang sya." Sabi ko sa mga lalaking lumapit sakin at nagmadali silang umalis sabay ng limang grupong nakaluhod sa lupa. Lumapit ako kay Jaja para tignan sya pero hindi nya ko hinarap, mata nya lang yung ginalaw nya para tignan ako. Tinignan ko yung mga kamao nya na puno ng dugo, may mga sugat at gasgas din yung mga daliri niya. Dahan dahan kong hinawakan yung kamay nya at di ko na napigilan pang mapaluha sa nakikita ko, hindi ko akalaing ako pa ang magiging dahilan kung bakit masasaktan si Jaja ng ganito. "Anong nangyayari!?" Sigaw ni Mae na kararating lang, nagkatinginan kami pero agad nyang tinignan si Zyrus na may konting gasgas lang. Pinipigilan ko yung pag ungol mula sa pag iyak ko pero naririnig ni Jaja yung paghikbi ko, tahimik lang sya at hindi umiimik para bang biglang nawala sa katawan nya kung ano man yung sumanib sa katawan nya para gawin to. Tumingin ulit ako sakanya pero hindi sya tumitingin sakin nakayuko lang sya kaya naman dahan dahan akong naglakad habang hawak hawak ko ang mga kamay nya para tanggalin sya sa lugar nato. Hindi ko na inalala pa yung apat nyang kaibigan dahil sa kanilang lima si Jaja talaga ang parang napuruhan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD