Chapter 15: bloom

1519 Words
Halos mapapikit nalang ako habang tinitignan ko yung sinapit ni Jaja, nagkalat ang dugo sa kulay puti nyang uniform, may sugat at dugo rin yung gilid ng bibig nya not to mention yung kamay nya na puno rin ng dugo na parang naghalo na sa dugo ng sinuntok nya at sa sarili nyang dugo mula sa sugat nya. Nang makalayo kami sa maraming tao tumigil nako sa paglalakad at humarap sakanya, basang basa na yung mga mata ko pero hindi parin sya tumitingin sakin o kumikibo. "Bakit?... bakit mo ginagawa to?" Sabi ko sa naiiyak na boses pero hindi parin sya sumasagot. Ano bang dapat kong gawin para kausapin ako nitong lalaking to. "Jhan Airel naman... bakit ba kailangan pang humantong sa ganito? Hindi mo naman kailangan gawin to.. isa pa----" "BAKIT HINDI KO PWEDENG GAWIN TO HA!?" Galit na galit na sigaw ni Jaja. Tumingin lang ako sakanya na naguguluhan. "Sige sagutin mo'ko! Bakit pag ako ang nagtatanggol sayo lagi mong kinu-question?!" "Annon---?" "Ahhhh.. oo nga pala sino ba'ko sa buhay mo diba?" "Jhan Airel!" "Ediba ayan yung sinabi mo sakin?!" "Hindi mo'ko naiintindi---" "SIGE!!! ipaintindi mo sakin! Ipaintindi mo rin sakin na kung bakit pag si Ji sung ang tumutulong sayo hindi ka nagkakaganyan! Pero ako?" Napahinto sya sa pagsasalita at ngumisi bakas parin sa mukha nya ang galit. "Ano ba talaga tingin mo sakin Rayven ha?! Ako yung boyfriend mo. Pero hindi mo'ko binibigyan ng pagkakataon na protektahan ka! Pero si Ji sung? Okay na okay sayo eh no? Kinikilig kapa? Ni hindi mo nga ako kayang i-cheer diba!?" Totoo ba'tong naririnig ko? Totoo bang lumalabas to mula sa bibig nitong lalaking kausap ko? Pero baka naguguluhan lang sya dahil ang alam ko hindi naman totoong kami. Kaya lang naman kami naging mag boyfriend dahil sa isang pagkakamali... dahil gusto nya lang na mas malapit ako sakanya para mas madali syang makaganti sa nagawa ko sakanya. Hindi pa'ko sumasagot pero parang nabasa na nya ang nasa isip ko. "Oo nga pala... hindi mo'ko tunay na boyfriend kaya wala akong karapatang gawin to sayo." Tumingin sya sakin na naging dahilan para malito ako. "Ganun ba talaga tingin mo sakin Rayven ha?! Basura ba talaga ang tingin mo sakin?" Nagsimula ng mamuo ang mga luha ni Jaja sa mga mata nya at bigla syang tumalikod at akma ng maglalakad papalayo pero hindi pa sya nakakadalawang hakbang bigla ko nalang syang niyakap mula sa likuran nya, kahit ako nagulat sa ginawa ko para bang may sariling isip yung katawan ko at bigla nalang niyakap tong lalaking to. "Sorry.... sorry.... patawad hindi ko lang kasi alam yung gagawin ko pag may nangyaring masama sayo.. hindi ko alam kung pano ko haharapin yung sarili ko... hindi ko alam kung anong gagawin, hindi ko alam kung bakit ayokong nakikita kang nasasaktan." Bumuhos na ng tuluyan ang luha ko at sa mga oras nato dun na naging malinaw sakin ang lahat gusto ko parin si Jaja simula ng una ko syang makita simula pa nung freshmen palang kami, kahit kailan hindi nawala yung nararamdaman ko sakanya na kala ko napalitan nato ng inis."Parang dinudurog yung puso ko ngayon dahil alam kong nasasaktan ka. Ayokong makita kang nasasaktan. Ayokong nasasaktan ka dahil sakin." "Sa tingin mo hindi ako nasasaktan kapag nakikita kitang nahihirapan dahil sakin? Sa tingin mo ba di masakit para sakin na alam ko na may kaya akong gawin para maprotektahan ka pero ikaw mismo ang nagtataboy sakin." "Sorry.... sorry Airel...." "Oo mayabang ako, masama ang ugali, nananakit at nangbu-bully, matapang, matigas pero hindi ibig sabihin nun wala nakong nararamdaman na hindi ako nasasaktan na manhid ako." Hindi nako nagsalita pa at niyakap ko lang si Jaja habang umiiyak. Ilang minuto rin kaming ganun hanggang yayain ko syang pumunta ng hospital para ipagamot yung mga sugat nya pero hindi sya pumayag, mas gusto nalang nyang umuwi sa bahay nila at magpahinga. Nung una ayokong pumayag pero kalaunan pumayag narin ako dahil wala nakong magawa dahil mas gusto talaga ni Jaja na umuwi nalang. Sumakay nalang kami ng taxi dahil alam ko na hindi kakayanin pa ni Jaja na magdrive alam ko pagkatapos ng nangyari, nakakaramdam na sya ng sakit mula sa mga natamo nyang mga sugat. Pagbaba palang namin sa mansyon agad kaming sinalubong ni Aling Isah kasunod ni Ate Berta at ang iba pa nilang kasambahay. Agad silang nagpanik sa nakita nilang sugatang lalaki na akay akay ko ngayon. Agad nagpakuha si Aling Isah ng first aid kit sa mga kasambahay nila. Pero natigil kami sa paglalakad ng makita ko ang taong pababa ng hagdanan at nakatingin samin na gulat na gulat, Ang daddy ni Jaja. Tumingin lang si Jaja sa daddy nya at agad na yumuko. "Magandang hapon po sir Jhan!" Pagbati ko sa Ginoong nakatingin saming dalawa. "Rayven." Sabi ng ginoo. Nanlaki ang mga mata ni Jaja sa gulat at napatingin sakin, oo nga pala hindi nya pala alam na kilala nako ng Daddy nya dahil nung araw na hinatid ko sya dito sa mansyonq nagkausap na kami ng Daddy nya. Yumuko ako ng bahadya bilang pagbibigay ng respeto sa daddy nitong lalaking to habang sya nakayuko lang at hindi umiimik parehas sila ng daddy nya na hindi umiimik. Tinulungan nako ng driver nila sa pag akyat sa hagdanan papunta sa kwarto ni Jaja. "Magkakilala kayo ni Daddy?" Sabi nya habang tinutulungan ko syang umupo sa sofa sa loob ng kwarto. Tumingin lang ako sakanya at halatang naguguluhan sya. "Uhm.." "Pano?" "Nung nalasing ka." "Sir ito na yung first aid kit!" Sabi ni Aling Isah na sinagot ko naman ng ngiti. Kasunod ng first aid kit ay yung aserong may lamang tubig na amoy alcohol at towel, nakabantay lang ang tatlong kasambahay habang nililinisan ko kung mga sugat nya nakahanda sila para palitan agad yung tubig sa twing ibabalik ko yung towel na pinanglinis ko sa sugat. "Ayoko ng makita pa ulit to, ayoko ng maramdaman pa ulit yung kanina." Sabi ko sa malambing na boses habang nilalagyan na ng band aid yung mga sugat nya sa kamay, nalinisan at nagamot ko narin yung sugat nya malapit sa bibig. "Hindi na mangyayari to dahil alam ko na naprotektahan na kita, alam kong hindi na kita makikitang masasaktan, pero pag dumating yung araw na makita kitang nasasaktan hindi ko mapapangakong hindi ko ulit gagawin to." Tumingin lang ako ng masama sakanya at diniin ko yung pagkakahaway ko sa kamay nya. "A---aray! Dahan dahan lang! Kala ko ba ayaw mo'kong nakikitang nasasaktan?!" "....." "Pero seryoso pangako hindi ko hahayaan na masaktan ka ulit, poprotektahan kita sa abot ng aking makakaya." Napatingin lang ako sakanya at hindi na nakapagsalita. Bigla akong nalungkot ng maalala ko na hindi nako magtatagal dito at malapit ko na syang iwan. "Airel....." "Uhmmm?" "Alam mo bang mahal na mahal ka ng Daddy mo?" Sabi ko bigla dahil gusto kong magkaayos na silang dalawa bago pako umalis, bago ko sya iwan para maramdaman nyang kahit umalis ako may taong nagmamahal sakanya. "....." "Kung iintindihin nyo lang ang isa't isa.. kung bibigyan nyo lang ng pagkakataon ang isa't isa." "....." "Airel...." "Pano mo nasabing mahal ako ng Daddy ko? Ilang taon... ilang taon nyang pinaparamdam sakin---" "Bigyan mo lang ng pagkakataon na magkausap kayo ng daddy mo. Pakiusap.. alam ko wala ako sa lugar pero nakikiusap ako na give him a chance na makausap ka." "......" "Airel ha." Sabi ko sabay hawak sa kamay nya sinagot naman nya ko ng pagtango kahit pa na alam ko na napipilitan lang sya. Ngumiti ako at tumayo pero hinawakan nya ko sa kamay. "Susubukan ko." "Salamat." Sabi ko at kinuha ko yung natitirang asero na hindi na naibaba ng tatlong kasambahay dahil narin sinabi ko na okay na, na ako nalang magbababa nun dahil last naman na. Bago ako makarating sa dirty kitchen dadaan muna ako sa dining area nila at duon nakita ko ang daddy nya na nakaupo habang umiinom ng tsaa, alalang alala ang mukha nya. Ng makita nya ko agad syang napatayo. "Anong nangyari?!" Dahan dahan kong nilapag sa lamesa yung hawak kong asero. "Sorry po sir... hindi ko po alam na mangyayari to. Please po wag po kayong magagalit kay Jhan Airel. Nagawa nya lang po yun dahil prinotektahan at pinagtanggol nya lang po ako. Sorry po. Huminga ng malalim ang Ginoo."kamusta na sya?" "Okay na po sya, nag papahinga na'po sya." "Okay... okay... ikaw kamusta ka?" "Okay naman po ako sir, salamat po kay Airel." Tumango lang ang Ginoo. Nang makita ni Aling Isah yung asero ay kinuha narin nya ito. "Pakisabi nalang po kay Airel nauna nako." Sabi ko sa kasambahay ng makita ko ang oras. "Aalis kana? Dito kana mag dinner." Sabi ng Daddy ni Airel. "Hindi na po sir, may pupuntahan din po kasi ako." Nagsisimula na kasi akong pumasok sa part time ko. Tumango lang ang ginoo at nag offer na ihatid ako sa bahay namin pero tumanggi nako dahil hindi naman ako sa bahay namin didiretso ayoko rin naman ipaalam sa daddy nya na nag papart time ako. Nagpasalamat nalang ako at nagmadaling umalis para hindi ako ma-late sa part time ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD