Chapter 16: revealing secrets

1756 Words
Nagising ako na para bang hindi ako nakatulog sa sobrang pagod parin ng katawan ko dahil sa nangyari kahapon dumagdag pa ang dami ng customer namin kagabi feeling ko hindi ko na kakayanin pa. Gusto ko sanang umabsent pero hindi pwede dahil exam na next month. Hindi ko pa nga napapasa yung iba kong project buti nalang naintindihan ako ng iba kong professor alam kasi nila na aalis nako sa school na'to. Buti pa si Jaja hindi pumasok ngayon sana ganun din ako. "Huy anong nangyari kahapon!?" Bungad sakin ni Mae ng pag pasok ko ng room, ano ba?! Baka pwedeng paupuin muna ako diba? "Hindi ko alam, ba't di mo tanungin yung boyfriend mo." Sagot ko sabay upo sa tabi nitong babaeng to. "Sabi ko na yan sasabihin mo eh anyway ito na nga kahapo---- teka! Sino nagsabing boyfriend ko si Zyrus!!!!" Tsismosa na biglang naging dragon nung last sentence nya. Natawa lang ako kay Mae. "Ikaw! Ikaw nagsabi!" "Ako!? At kailan ko naman sinabi yan!?" "Ngayon lang hahaha!" Kumunot yung nuo ni Mae dahil naguluhan sya sa sinabi ko, nakangiti lang ako sa katangahan nya. "Anyway ito na nga girl, ang ganda mo pala talaga." "Ha?" "Ito palang jowaness mo sinugod yung mga estudyanteng nanggugulo sayo according kay Zyrus galit na galit si hubby mo nung tisurin ka nung mga taga masscom pero kahit ganun hindi kayang saktan ni Airel yung babae at mga beki kaya pinaluhod nya nalang to at sinabing humingi ng tawad sayo pero hindi to nagustuhan ng mga lalaki nilang kaibigan ng makita yung ginagawa nila ayun sumugod sila kay Airel at pinagtulungan nila buti nalang nakaantabay sila Zyrus sa di kalayuan kaya agad nilang natulungan si Airel." Kwento ni Mae na kahit pa nauubusan na sya ng hininga tuluy tuloy parin yung salita nya. Duon ko narealised na mali talaga ang pagkakakilala ko kay Jaja. Sobrang komplikado nya minsan hindi mo alam kung ano ba talaga yung nasa isip nya, muka syang matapang at mayabang pero kabaliktaran naman kung ano talaga yung panloob nyang ugali. "Nga pala kamusta na pala yung ka-chatmate mo sa chatapp?" Tanong ni Mae. "Ha? Bakit bigla bigla mo namang naitanong yan?!" "Wala lang curious lang ako kung ano ng nangyayari sainyo. Tagal mo narin kasing kachat yun diba dalawa o tatlong taon?" Kinuha ko yung telepono ko sa bag at binuksan yung chatapp at pinakita ko sakanya yung conversation namin. "Oh! Ayan." Pinakita ko sakanya yung conversation namin at ilang linggo na syang hindi nagpaparamdam. "Di na sya nagcha-chat." "Pano sya magcha-chat eh andami na nyang chat na hindi mo nirereplyan. Malamang hindi yan magchachat sayo." Sumang ayon lang ako sa sinabi ni Mae. Ang bilis ng oras at lunch na agad. After kumain ilang subjects nalang uwian na at pupunta ako kila Jaja para kamustahin sya. Iniwan na namin yung bag namin sa room dahil dun din naman yung klase namin after lunch. kumain muna kami sa canteen ng building, maaga kaming naglunch para konti lang tao pabalik na sana kami sa room ng makita ko yung professor namin na hindi ko pa napapasahan ng project. "Mae, dali pasuyo naman pakuha yung research ko sa bag ko dalii... kausapin ko tong prof natin, baka umalis na'to." pakiusap ko sabay habol sa professor namin agad namang tumakbo si Mae. Tong professor kasi nato basta after lunch mahirap na syang hagilapin sa school. Minsan hindi mo alam na wala na pala sya sa campus. "Siiir! Magpapasa na'po ako ng research ko." "Okay pero sa office mo nalang ipasa ha." "Yes po! Pasa ko na po ngayon." Bumalik ako sa room para salubungin si Mae pero nagtaka ako dahil di ko sya nakasalubong, hinahanap nya parin ba yung research ko? Madali lang naman makita yun sa bag ko. Pag tayo ko sa pinto nakita ko si Mae na nakatayo at hawak-hawak yung papel, nakita ko sa gilid na nakabukas na yung bag ko. "Nakita mo na?" Sabi ko habang nakangiti pa pero biglang nawala ang ngiti ko ng nakita ko yung hawak nyang papel!!! Shiiiiit!!!! Hindi to yung research paper ko!!! Ito yung request for transfer ko. Nanlaki yung mga mata ko sa gulat at agad na inagaw kay Mae yung mga documents ko. "Magta-transfer ka?" Malamig na boses ni Mae. "Uhm..." "Kailan?" "Next month..." "Next month?! Kailan mo balak sabihin sakin?!" Humarap na sakin si Mae at naluluha luha pa. "Hindi ko.... hindi ko alam kung pano ko sasabihin sayo. Sorry Mae, sorry sobrang bilis din kasi ng pangyayari. Nabasa mo naman yung rason ko sa letter for transfer diba?" Tumango lang si Mae at bakas parin sa mukha nya ang pagkalungkot."Alam naba ni Airel to?" "Hindi pa... maliban sa mga professors natin, ikaw palang ang nakakaalam." "Alam mong hindi to magugustuhan ni Airel once na malaman nya na aalis ka." "Kaya nga makikiusap ako sayo na wag mo munang ipaalam sakanya o banggitin kay Zyrus. Hindi ko kasi alam kung pano ko sasabihin kay Ariel, hindi ko alam kung pano ko sisimulan. Ayokong masaktan sya lalo na't...." napatigil ako ng maalala ko yung pag uusap namin nung nalasing sya na sinabi nya na wag ko syang tatalikuran at iiwan. Biglang tumulo yung luha ko ng isipin ko palang kung gano masasaktan yung taong mahalaga sakin. "Hindi mo matatago yan habang buhay Venray, ilang buwan ka nalang dito sa school natin, mas magandang sabihin mo na ng mas maaga kay Airel para alam na nya." "Sasabihin ko naman pero hindi ko pa alam kung pano, hindi muna sa ngayon." Napatigil kami sa pag uusap at nanlaki ang mga mata namin ng makita namin ang lalaking nakatayo sa pintuan ng room namin, si Zyrus na gulat na gulat ang itsura. Malamang narinig nya yung pag uusap namin ni Mae. "Zyrus...." tumingin lang sya sakin na para bang ang daming tanong na gusto nyang tanungin pero hindi bumuka ang bibig nya. Tumingin din sya kay Mae sabay umalis. "Ako na ang bahala kay Zyrus." Sabi ni Mae. Pero ng nasa pintuan na sya para habulin si Zyrus bigla syang huminto. "Kung ako sayo ipunin mo na lahat ng lakas ng loob mo para sabihin kay Airel ang pag alis mo. mas magandang sayo na manggagaling kesa sa iba pa nya malalaman." Sobra akong kinakabahan kung anong mangyayari pag nalaman na ni Jaja ang pag alis ko sa school napaupo ako habang tinatabi ko sa bag ko yung mga documents ko at iniwan yung research paper ko sa table. Huminga ako ng malalim at nag-isip ng ilang minuto bago ako pumunta sa department office para ibigay yung research ko. Hindi ko tuloy alam kung tutuloy ba ako kila Jaja o uuwi nalang para magpahinga baka kasi marami na naman kaming custumer. Pero tulad ng dati parang may sarili na namang isip yung katawan ko, nakita ko nalang ang sarili ko sa harap ng gate nila Jaja. Nagmadali silang buksan ang malaking gate na akala mo isa ako sa mga taong nakatira sa loob. Sinalubong agad ako ni Aling Isah sa pintuan ng mansyon nagulat nalang ako ng magsalita agad si Aling Isah kahit pa hindi ko pa binubuka ang bibig ko. "Nasa kwarto po sir si sir Airel." Ngumiti nalang ako sa kasambahay at yumuko kaunti bilang pagbibigay respeto. "Ay si Sir Jhan po ba andito?" "Wala pa po sir eh, nasa trabaho pa po." Tumango lang ako sakanya at ngumiti sabay dahan dahan akong umakyat sa taas at pumunta sa kwarto ni Jaja. Nakasara ang pinto nya kaya naman kumatok ako pero nakaapat nakong katok wala paring lumalabas kaya naman binuksan ko nalang ang pinto. "Airel?" Walang sumasagot pero naririnig ko ang tubig sa CR baka naliligo sya. Umupo muna ako sa sofa habang naliligo pa si Jaja, nakapatay yung TV kaya naman medyo nabored ako kaya kinuha ko yung telepono ko sa bag ko at nagbrowse sa internet buti nalang nakaconnect na yung device ko sa wifi nila, kinuha kasi nila agad yung Mac address ng cellphone ko nung unang punta ko dito para ma-add nila sa filter ng wifi nila. Una nakinig muna ako ng music mula sa cellphone ko at hindi ko alam kung bakit napindot ko yung chatapp at nakabukas pa yung conversation namin ni fault dahil siguro to kanina nung pinakita ko kay Mae. Kamusta na kaya sya? Tama siguro si Mae na baka kaya hindi na nagchachat sakin si fault dahil hindi ko sya nirereplyan. Naisip ko tuloy na ichat sya... ichat sya para magpaalam nako sakanya na sabihin ko na aalis nako. Fault: kamusta na? Fault: hindi kana na mamansin? Fault: busy? Fault: Good Morning! Fault: Good Afternoon, lunch kana. :) Fault: Good Night, Rayven.. sweet dreams. Fault: kamusta ka? Pano ko kaya sasabihin sakanya? Rayvent: kamusta kana Fault? Pwede ba tayo mag usap? Pagka send ko ng message ko, nagtaka ako dahil may narinig akong chatapp alert tone. Chineck ko yung chatapp ko pero wala naman akong natanggap na message. Hanggang pumukaw sa pansin ko ang patay sindi na led notification sa cellphone na nakapatong sa table malapit sa sofa. Wait? Nagkamali ba ako ng rinig? Or gumagamit ng chatapp si Jaja? Ayokong isipin pero bakit may kakaiba akong pakiramdam ngayon?! Binuksan ko ulit yung conversation namin ni Fault sa chatapp at nagtype. Rayvent: fault? This time bago ko isend yung chat ko nakatitig lang ako sa teleponong nakapatong sa table. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko ng tumunog ang teleponong tinitignan ko pagkatapos kong pindutin ang send button mula sa chatapp ko. Nalilito ako, teka? Siya ba?... o nagkataon lang?! Lumunok ako ng laway habang dahan dahan kong pinindot yung call icon sa chatapp. Umaasa na sana mali ako ng kutob. Pero nanglaki ang mga mata ko ng biglang umilaw ang screen ng teleponong tinitignan ko ngayon habang nag cacalling naman sa screen ng telepono ko. Dahan dahan akong lumapit sa table at nakita ko sa screen ang pangalan ko at mula sa chatapp ang tumatawag. Bumilis ang t***k ng puso ko na para bang hindi ako makahinga. Habang nakatitig lang sa teleponong nasa harapan ko. "Oh andito kana pala." Sabi ng lalaking kalalabas lang ng CR. "Okay kalang?" "..." hindi ako sumagot sa tanong nya at tumingin lang ako sakanya na may pagkalito. Tumingin lang din sya sakin na pilit inaalam kung anong mali sabay tumingin sya sa telepono nyang nakabukas ang screen. Tumingin sya dito at nanlaki rin ang mga mata nya sa gulat at agad na kinuha yung telepono nya para itago. "I--ikaw!? Ikaaaw??!" "Rayven..." tumingin sya sakin at litong lito ang itsura nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD