Chapter 20: distance

1987 Words
Nang dahil sa mga nangyari sakin sa school, mas pinili ko munang hindi pumasok para narin umiwas sa mga estudyanteng galit sakin dahil sa nagawa ko kay Jaja at para narin makaiwas sa galit niya. Siguro naman sa tatlong araw ko na hindi pumapasok makakalimutan na nila ang issue sakin, siguro naman tatahimik na ang buhay ko. Nagmadali akong pumasok sa part time ko para mas marami akong makuhang oras, since na part time lang ako per hour ang bayad nila sakin kaya mas matagal ako dito mas malaki yung ibabayad nila sakin, mas malaki kikitahin ko mas mabilis kong mababayaran yung mga nasirang lab equipment. "Oh ang aga mo ulit ha? Mukang pursigidong pursigido ka ngayon ha?" Ngumiti lang ako sa boss ko. "Hindi kana ba pumapasok?" "Umabsent po muna ako, kailangan na kailangan ko po kasi ng pera ngayon eh." "Ahhh ganun ba, oh basta as long na hindi maapektuhan yung pag aaral mo papayagan kitang mag whole day dito." Sinagot ko lang sya ng ngiti sabay kinuha yung pampunas ng table para linisan ang mga table, ang iba kasi naglilinis na ng kusina at ng sahig. "Nga pala bibisita ngayon si boss ha." In-announce ng boss namin habang papunta sya sa counter. Bumilis naman ang t***k ng puso ko sa sobrang kaba dahil sa sinabi ng boss ko kasi kung di ako nagkakamali ang boss na tinutukoy nya ay walang iba kundi si Renz, pero pwede rin naman daddy nya? Pero kahit sino pa sakanila kailangan na hindi ako mapansin dito, wala dapat makakaalam na nagtatrabaho ako dito. Matatapos nakong maglinis ng mga table ng marinig kong bumukas ang pinto sa harapan dun palang alam ko na na ang pumasok dito ay yung pinaka boss namin dahil closed pa yung resto sa ganitong oras. Hindi nga ako nagkamali ng marinig ko yung boss namin na bumati, binati rin sya ng lalaki na alam ko kung sino, nakikilala ko yung boses nya, boses ni Renz. Napapikit nalang ako ng marinig ko ang boses nya, s**t naman! Bakit sa dinami rami ng araw ngayon pa sya pumunta? Pwede namang after class atleast sa ganung oras maraming tao hindi nya ko mapapansin. Sumilip ako sa kanilang dalawa na bising busy mag usap kaya naman yumuko ako at nagtago sa mga table papuntang kitchen pero mas lalo akong kinabahan ng ipakilala ng boss namin yung mga bagong empleyado pati narin yung iba ko pang kasamahan na nag papart time rin. Palakad nako ng kitchen ng bigla syang mapatingin sa kinakatayuan ko kaya naman agad kong hinarang sa mukha ko yung pamunas ng table para hindi nya ko makita, pero papasok nako ng kitchen ng biglang magsalita yung boss ko. "Bago sir si.... ahhh? Nasan na si Rayven? Nandito lang sya kanina ha?" Oh s**t! Oh s**t! Mukang malalaman na ni Renz na nandito ako OMG! Baka tanggalin nya ko!!!! "Rayven?" Sabi nya. "Yes sir si Rayven bagong part timer din natin. Anyway ito sir si April...." "Nice to meet you." Wheeew feeling ko nasa detective movie ako na kailangan makatakas sa lugar nato, pero thankful parin ako na natakasan ko yun, muntikan nako dun ha. Sumilip ulit ako sa pinto at nakita ko na papunta sila dito kaya naman nagmadali akong tumakbo para lumabas sa pintuan. Tinignan pako ng mga chef namin at helper na para bang naweweirduhan sa ginagawa ko. Malamang ipapakilala rin yung mga tao sa kitchen pero pagkakatanda ko bumisita narin dito si Renz pero bakit parang hindi pa pinakilala sakanya yung mga empleyado at chineck tong resto? Pero anyway thats not my business na. Ilang minuto rin akong nakaupo sa labas ng pintuan hinihintay na umalis yung kaibigan ni Jaja na nagkataong boss ko rin. Matagl nakong nakaupo dito siguro naman umalis nayun? Sobra akong nakahinga ng maluwag ng dahan dahan akong pumasok at nakita ko na wala na si Renz,! Success! Wheeeew sana paabutin muna ng tadhana na matapos yung buwan nato para makaalis ako ng maayos dito. Napatingin ako ng biglang bumukas yung pinto ng kitchen mula sa harap. "Rayven! Nasan ka? Kanina pa kita hinahanap. Ipapakilala sana kita sa may ari." Ngumiti lang ako sa boss ko."ah sorry sir may inayos kasi ako, nako sayang naman sir! Sige po sa susunod sana makilala ko na sya." Sabi ko pa na punong puno ng kunyaring panghihinayang. Tumalikod ako sa boss ko para kunin yung pamunas ng table ng. "Rayven?" Napatingin ako at nanglaki yung mga mata ko ng makita ko yung taong nasa likod ng boss ko!!!!!!! Si Renz!!!!!!!! *** "Anong ginagawa mo dito!" Tanong ni Renz ng pagkatapos namin magkunwaring hindi magkakilala sa harapan ng mga emplyeyado, para wala naring masabi ang iba. Sumenyas sya sakin nun na lumabas ako after akong ipakilala ng manager namin. "Ilang araw kanang hindi pumapasok, nandito kalang pala!? Anong ginagawa mo sa restaurant ko?" "Pakiusap Renz, pakinggan mo muna ako. Magpapaliwanag ako." "Sige, ipaliwanag mo kung ano at kung bakit nagtatrabaho ang isang GFU student sa isang restaurant." Tumingin ako kay Renz na naguguluhan, ayokong sabihin sakanya ang rason pero baka pag hindi ako nagpaliwanag at pag hindi nya nalaman baka tanggaling nya ko dito kailangan na kailangan ko pa naman ng pera. Kaya naman huminga nalang ako ng malalim at kinwento ko sakanya ang sitwasyon ko ngayon na kailangan na kailangan ko ng pera na aalis nako sa GFU. "Kaya nakikiusap ako sayo Renz na hayaan mo muna ako na magtrabaho dito, maayos naman akong magtrabaho hanggang matapos lang tong bwan nato." Hindi sumagot si Renz at may agam agam parin ang itsura nya. "Makikiusap din sana ako na wag mo na sanang ipaalam to sa iba, lalo na kay Airel, hindi nya dapat malaman." Ang ibig kong sabihin dito na hindi dapat malaman ni Jaja na dito ako nagtatrabaho, ang sitwasyon ko ngayon at ang sitwasyon ng pamilya nya sa pamilya ko. Alam ko naman na alam na yun ni Renz ng sabihin ko na kami ang ang ari ng waterfall... nuon. "Papayagan kitang magtrabaho dito sa restaurant ko pero hindi ko mapapangakong hindi ko sasabihin kay Airel kung nasan ka." Tumingin lang ako kay Renz na may takot sa mga mata. "Sorry Rayven, alam mo naman na kaibigan ko rin si Airel at ngayong may alam ako, hindi ko alam kung maitatago ko sakanya to. Pero wag kang mag alala kakausapin ko rin sya." Tumango nalang ako kay Renz at ngumiti, hindi nako lumaban pa dahil alam ko naman na mahirap din para sakanya, okay nako na hindi nya ko tatanggalin dito sa restaurant nya. Bumalik ako sa pagtatrabaho habang nangangamba na baka any moment dumating si Jaja pero sana mangyari yun na wala nako dito. Hindi naman na nya siguro ako susundan dito? Siguro kailangan ko naring maghanap hanap ng ibang part time pero nag aalangan ako kung sino pang tatanggap sakin? Pero maghahanap nalang din ako ng pwedeng part time na pwedeng umalis kahit kailan gusto para sa ganun safe ako if ever may mangyari dito. Hapon na kaya naman nagpapasalamat ako na walang nangyaring masama sana magtuloy tuloy nato. "Ray! Diba breaktime mo na? May naghahanap ata sayo sa labas." Nagtaka ako ng sabihin sakin ng kasamahan ko yun kasi wala namang nakakaalam na nag papart-time ako at lalong walang nakaka alam kung saan ako nagwowork. Maliban kay Renz, hindi kaya sinabi nya kay Jaja? Kinakabahan ako ngayon feeling ko mag aaudition ako sa pinoy big brother. Naiihi pako please sana wag si Jaja wag si Jaja. Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko ang taong naghihintay sakin sa labas... si Mae. "Mae!" Bati ko. "Venray!" "Pano mo nalaman na nandito ako?" "Nako una sa lahat, bakit kasi ayaw mong tanggapin yung pera ko para bayaran yung mga nasirang lab equipment utang naman yun eh babayaran mo rin naman. Hindi yung nagtatrabaho ka sa ganitong lugar." Alalang alala yung mukha ni Mae. "Ano kaba wala namang masama sa trabaho ko ha? Marangal naman trabaho ko at isa pa alam mo naman diba na ayokong umuutang, ayokong may utang." Sabi ko sabay ngiti sakanya. "Kamusta kana pala? Nag aalala ako sayo tatlong araw kanang hindi pumapasok!" Ngumiti lang ako sa kanya. "Kamusta pala sa school?" "Nako sobrang tahimik, lahat nagtataka kung bakit hindi kana pumapasok. Yung iba sinasabi na baka natatakot kana, yung iba naman sinasabing pinatay kana! Anong silbi ng cellphone mo! Hindi mo man lang ako sinabihan!? Ni hindi mo sinasagot yung tawag at text ko sayo! Oh!" Nag aalala parin si Mae sabay abot sakin ng mga papel. "Ano to?" "Mga notes natin yan! Pinaphotocopy ko na para makahabol ka sa lesson natin. Malapit na ang exam." "Salamat Mae." Sabi ko sabay hawak sa balikat nya. "Hwag kang mag alala okay naman ako dito, masaya naman ako. Pero pano mo nalaman na-----" "Hanggang kailan ka magiging okay dito, eto na nga kwento lang sakin ni Zyrus kaya rin nalaman ko kung nasaan ka. Sinabi ni Renz nung kumakain sila ng lunch kung nasan ka." Ngumiti lang ako ng taimtim as expected sasabihin ni Renz yun, syempre kaibigan nya si Jaja. "Pero don't get him wrong, maganda ang intensyon ni Renz kung bakit nya sinabi kung nasan ka. Sa totoo lang hindi nila gusto yung ginagawa sayo ni Airel. Ayaw lang nilang mag salita pero nung nawala ka dun narin sila nag alala. Pinagsabihan nila si Airel, gusto nila na magkaayos na kayo kaya sinabi ni Renz kung nasaan ka and anyway kay Renz pala tong resto nato? Sya ba kumuha sayo?" "Ha? Hindi... actually kanina ko lang din nalaman na si Renz yung may ari nito. Akala ko nga tatanggalin nya ko eh dahil syempre kaibigan nya si Airel, kala ko galit din sya sakin." "Ahmm... sayang, siguro kung okay pa yung company nyo malamang madali karing makakagawa ng sarili mong business lalo pa't magaling ka sa chemistry." Nang sabihin sakin yun ni Mae bigla akong nalungkot at naalala ko yung nalaman ko. "Ah Mae... alam mo ba..." sabi ko pero nagdalawang isip ako kung babanggitin ko ba sakanya yung nalaman ko tungkol sa family ko at family ni Jaja. "Ano yun? Nako kinakabahan ako sa mga ganyang itsura mo ha!" "Hindi, sa tingin mo.... ano ba dapat mong maramdaman kapag nalaman mo na yung taong gusto mo ang dahilan kung bakit kayo naghirap?" Sabi ko pero sa totoo lang ayoko na sana pang sabihin to o ipaalam pero naguguluhan talaga ako sa nangyayari hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko. Sinasabi ng isip ko na magalit ako sa mga taong may kasalanan kung bakit kami nag kakaganito ni Mama pero kinokontra ng puso ko yun at pilit na sinasabing okay lang na nangyari na ang lahat na wala ng magbabago kahit pa na magalit ako sakanila. "Anong ibig mong sabihin?" Nalilito parin si Mae, huminga ako ng malalim at kinwento ko sakanya ang dahilan kung bakit nalugi ang kumpanya namin. Tapos nakong magkwento pero hindi parin makapaniwala si Mae sa nangyari. "Pakiramdam ko ang malas ko, tinatanong ko yung sarili ko na bakit samin pa nangyari to." Hindi nakasagot si Mae sa sinabi ko at hinayaan nya lang akong maglabas ng sama ng loob sakanya hanggang sa maging tahimik na kaming dalawa na parang nagpapakiramdaman, alam ko nabigla rin si Mae sa nalaman nya at siguro inuunawa pa ng isip nya ang mga nangyari pero nagpasalamat parin ako dahil andyan parin sya para makinig sa saloobin ko. Pagkatapos naming mag usap nagpaalam narin si Mae pero bago sya umalis sinabi nya na dadalaw ulit sya bukas. Bumalik nako sa trabaho ko at kahit papano naging magaan na yung pakiramdam ko dahil kay Mae. Nasa loob lang ako ng kitchen pero sa ganitong oras nagiging server nako dahil medyo dumadami ang mga tao pag gabi na dahil karamihan dito na nag didinner. Lumabas ako ng kitchen pero nanlaki ang mga mata ko dahil may isang taong pumukaw ng pansin ko! Anong ginagawa nya rito!?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD