Chapter 19: say sorry or suffer

1627 Words
Naguguluhan ako parang nahihirapang iprocess ng utak ko yung mga nangyayari ngayon, una nalaman ni Jaja na aalis nako na hindi ako handa, ni hindi ko pa nga naaayos yung problema naming dalawa ni Jaja bago ngayon malalaman ko na sila pala ang bumili ng kumapanya namin. JA Real state company.. JA... Jhan Airel... kaya pala... kaya pala nung banggitin ko sa Daddy ni Jaja ang dati namin kumpanya nag iba ang expression ng mukha nya na parang takot na nagulat.. kaya pala kilala nya ang papa. Pag uwi ko ng bahay agad kong kinausap si mama para iconfirm kung sino at kung ano talagang nangyari sa kumpanya namin. Pero bago pa magsalita ang Mama pinaalam ko na ang mga nalalaman ko sinabi ko na na nakilala ko ang may ari ng kumpanyang bumili sa kumapanya namin at lalong kilalang kilala ko ang anak ng may ari ng kumpanya. Tumingin lang sakin si mama na gulat na gulat ang mukha. umakyat ako sa kwarto ko at halos mapaluhod ako sa panlulumo ng nilapag ko yung bag ko ng hindi binababa ang kamay ko parang lantang gulay ang buo kong katawan. Ang sakit ng puso ko, gusto kong sumigaw, magwala ng malaman ko kay mama ang tunay na nangyari. "Siguro karapatan mo rin malaman ang tunay na nangyari anak." "...." "Hindi tototong nalulugi tayo dahil wala ng tumatangkilik ng mga produkto natin." "Anong ibig mong sabihin ma?" "Ang bumili ng kumpanya natin, sila ang dahilan kung bakit bumaksak at nalugi ang kumpanya natin." "Ha!? Pa--pano!?" "Gustong bilihin ng JA real state company ang lupang tinatayuan ng factory natin, dahil gusto nilang matalo ang mga produkto natin. Kaya pinabagsak nila ang kumpanya at kalaunan mabili nila ang lupa na kinakatayuan natin. Sobrang bilis ng panyayari..." "Pero ma..." nagsimula nakong umiyak. "Ayokong madamay kayo ng kaibigan mo sa problema naming matatanda. Hindi ko pipigilan ang pakikipagkaibigan mo sakanya anak dahil wala naman syang kasalanan... tandaan mo... ikaw ang magdedesisyon kung magagalit kaba sakanya o hindi. anak, naniniwala ako na mas pipiliin mo kung ano ang tama." "Pero ma, bakit hindi kayo lumaban? Bakit hindi nyo sinubukang ayusin ang kumpanya?!" "Sinubukan ko anak, sinubukan kong isave ang kumpanya natin pero minsan mas kailangan mo ng bumitaw hanggang meron pang natitira sayo." Hindi ko akalain na magagawa samin to ng pamilya ni Airel. Akala ko mabubuti silang tao. Bakit nila nagawa samin to?! Alam ko may nagawa rin akong masama kay Airel pero wala ba akong karapatan na magalit din sakanya? Bakit sa dinami rami ng tao kayo pa ang nagpahirap samin!? Umiyak lang ako sa kwarto ko habang iniisip ang sinabi sakin ni mama. Hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na ako. Pag gising ko narito parin sa puso ko ang sakin ng nalaman ko. Pero kahit ganon, bakit hindi ko magawang magalit sa taong sumira ng buhay namin?! Sa pamilyang umapak samin para lang makuha ang gusto nila. Kahit masama ang pakiramdam ko sinubukan ko paring pumasok kaya kahit sobrang bigat ng katawan ko tumungo parin ako sa school pero.... Pagkapasok ko ng school nakatingin agad ng masama sakin lahat ng estudyanteng makasalubong ko habang ang mga classmate ko naman ginagawa ang lahat para hindi ko sila makausap. "Anong nangyayari?" Tanong ko kay Mae. Huminga ng malalim si Mae at lumunok ng laway. " Venrey, sorry pero hindi dahil ayokong madamay sa galit ni Airel. Pero natatakot ako na mapatalsik ako sa school lalo na, na isang taon nalang ako dito. Sorry talaga. Nagbanta kasi si Airel na kung sino kakausap at sasama sayo gagawin nya ang lahat para mapatalsik dito sa school, kalat na kalat na ang nangyari sainyong dalawa... alam ng lahat na galit na galit sayo si Airel at ang kumakalat na balita niloko mo sya. Advise ko lang sayo bilang kaibigan mag lie-low ka muna Venray, pakiusap. Sa ngayon maraming galit sayo especially yung mga fans at may gusto kay Airel at nagbigay na ng permission si Airel na pwede ka nilang saktan." Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa sinabi ni Mae. Hindi ko alam kung pano ko kakayanin tong sitwasyon na napasok ko, pero hindi ba parang sobra naman ata si Airel? Bakit kailangan pang umabot sa ganito. Pero hindi ko rin kasi sya masisi dahil alam ko na may trust issues sya, iba ang takbo ng isip nya kaya kahit ganto naiintindihan ko yung behavior nya lalo na na pakiramdam nya na binetray ko sya. Pagkatapos ng klase namin tumuloy na agad ako sa chem lab, kinuha ko na agad yung mga lab equipment na gagamitin ko sa counter at pumunta ng locker sa loob ng chem lab para mag suot ng lab coat pero nagulat ako at napatakbo sa area ko ng makita ko na basag na lahat ng mga hiniram kong equipment. "Anong nangyari?" Sabi ko na gulat na gulat. "Hindi ko rin alam? Basta may mga estudyanteng pumasok dito sabay pinagbabasag nila yung mga gamit mo." Sabi ni Mae na takot na takot. Agad kong nireport sa counter ang nangyari pero sinabi nilang kailangan kong bayaran ang mga nabasag na equipment, lahat yun dahil the moment na hiniram ko raw yung equipment responsibilidad ko na yun wether na ako o iba ang makabasag. Halos manlambot ako sa nangyari saan naman ako kukuha ng ganun kalaking pera? Ni hindi nga kaya tong bayaran ng sinasahod ko sa part time ko. Anong gagawin ko? Sino naman ang gagawa sakin nito? Humingi narin ako ng tulong sa security namin even sa ITC para ipacheck ang CCTV pero mukang planado lahat hindi nahagip ang mga mukha nila. Wala rin naman magagawa even so dahil sakin nakapangalan yung mga aparatus. Mukang kailangan kong mag overtime para lang mabayaran ko tong mga nabasag na equipment. Gabing gabi nako nakauwi sa bahay at maaga rin akong gumising para i-take ang morning shift ng restaurant karamihan mga estudyante ang kumakain dito mga nakatira sa dorm, buti nalang nasa loob ako ng kitchen at hindi ako ang nasa frontline. Hindi na sana ako papasok pero inisip ko na magkakaroon nga ako ng pambayad sa mga nasirang equipment pero hindi ko naman mapapasukan yung klase ko, kaya nagmadali nalang akong pumunta sa school kahit pa pagod na pagod nako knowing pa na hindi na naman ako titigilan ng mga estudyante sa school. Haaaay! Ano bayan! Pag dating ko sa room nagulat ako ng makita ko na wala yung upuan ko. "Nasan..." "Nakita ko yung upuan mo sa labas Rayven" sabi ng isa kong classmate kaya naman agad akong tumakbo papalabas para tignan yung upuan ko. Kumpulan na ang mga estudyante sa quad. Kanina wala naman sila dito nung pumasok ako after ko sa canteen bakit ang daming tao. Pumasok ako sa crowd at nakita ko ang pinag kakaguluhan nila ang upuan ko. Napapikit nalang ako ng makita ko na sobrang dumi ng desk ng upuan ko at may mabahong amoy. "Sino may gawa nito!!! Sobra naman na kayo!!" Sigaw ko. "Ako!" Napatingin ako sa may ari ng boses. Pero hindi ko nakita kung sino yun pero kilalang kilala ko yung boses nayun. Tumabi ang mga estudyante para padaanin ang limang lalaki. Tumingin ako kay Jaja na walang expression ang mukha habang ang apat nyang kaibigan hindi makatingin sakin at nakayuko lang. "Ano ba'to? Airel!" Sabi ko. Ngumiti lang sya ng may pang asar. "Ano sa tingin mo?" "Hindi naman kailangan pang umabot sa ganito!" "Tsk, tsk, tsk, nagkakamali ka. Mabait pa nga ako sayo eh. Baka nakakalimutan mo na ako ang hari ng eskwelahang to! At ikaw! Ikaw sino kaba? Alipin?" Sabi nya na tinawanan naman ng mga estudyanteng nakapalibot samin lalo na yung mga fans nya na galit na galit sakin. "Hanggang kailan mo gagawin to?" "Gusto mong itigil ko to?" Sarcastic ang tono ng boses nya. "Sige sabihin mo, kung gusto mo na mag sorry ako. Sorry na! But please itigil mo na to!" Umiling sya bigla habang nakangisi parin." No, no, no. Hindi ganyan ang tamang paghingi ng sorry sakin. I am the king at ikaw?" "....." "Lumuhod ka." "Ha?" Naghiyawan ang mga estudyanteng may galit sakin. "Di mo ba narinig? Titigilan lang kita pag lumuhod ka, halikan mo yung paa ko at mag makaawa ka sakin na wag nakong magalit, humingi ka tawad sakin habang hinahalikan mo ang paa ko at baka dun... baka... tigilan kita." Ngumiti ulit sya ng pang asar. "At syempre! Hindi mo lang sakin gagawin yan pati sa mga kaibigan ko rin." Nakatitig lang ako sakanya habang namumuo na ang luha sa mga mata ko. "Akala ko... akala ko...." biglang tumulo yung luha sa mga mata ko sabay iniwas ko yun sa mga mata nyang nakatitig sakin at naglakad ako pero kakalagpas ko palang sakanya ng mapatigil akong maglakad. "Hindi kita titigilan hanggang hindi mo nararanasan ang masaktan. Ipaparamdam ko sa bawat araw mo na maling tao ang binangga mo!" Galit na galit na sinabi ni Jaja pero nagsimula na ulit akong maglakad. "Tandaan mo Rayven!!!! gagawin kong impyerno ang natitirang araw mo dito!" Sigaw pa nya pero hindi ko na sya pinansin at umalis nalang ako sa lugar nayun. Hindi nako humarap sakanya pero narinig ko pa yung mga kaibigan nya na parang pinipigilan sya at sinasabing tama na. Pagkatapos nun sunod sunod na ang atake sakin ng mga estudyante. Nandyan yung bubuhusan ako ng fish sauce at bigla nalang silang mag sosorry hindi raw nila sinasadya kahit pa na alam ko na sadya naman yung mga ginagawa nila ang hindi ko lang matanggap ay pati mga project at research ko sa ibang subject ay dinadamay na nila. Parang bumalik ako sa panahon na ang may galit lang sakin ay mga masscom pero ngayon? Pakiramdam ko buong school ang may galit sakin. Pano bako napunta sa ganitong sitwasyon?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD