Chapter 18: let me explain

1891 Words
Halos hindi ako makagalaw sa sobrang sakit ng likod ko, pakiramdam ko parang ginupit, napunit yung likod ko. Hindi ko akalaing makakaya ko ng ipasok ng lalaking to ang pag aari nya sa likuran ko. "Okay kalang?" Sabi nya habang nakangiti sya. Masaya ba sya na nasaktan ako? Nakahiga kami sa kama nya at nakahiga ako sa mga braso nya habang walang tigil ang paghalik halik nya sa pisngi, ilong at labi ko. "Salamat." Sabi nya kaya naman napatingin ako sakanya. "Salamat dahil binigay mo yung sarili mo sakin." Nahiya ako sa sinabi nya kaya naman tinakpan ko yung mukha ko. Natawa naman sya. "Sakin kalang ha? Hindi kana pwede sa iba. Akin kalang. Gusto ko lagi lang kitang nasa tabi. Wag mokong iiwan ha!" Sabi nya pero agad akong napatingin sakanya ng seryoso. "Airel...." kailangan ko ng sabihin... sasabihin ko na, na malapit nakong umalis? Na iiwan ko na sya. "Uhmm?" Tumingin ako sakanya na nakangiti parin sakin, bigla akong nawalan ng lakas ng loob para sabihin sakanya ang saya saya nya ngayon pano ko sasabihin? ayokong sirain yung sayang nararamdaman nya. "Ahhh wala.. wala." Sabi ko sabay niyakap nya ko ng mahigpit. *** Hindi ko alam bakit pag gising ko ngayong umaga namumula yung mukha ko dahil ba to sa nangyari samin kahapon ni Jaja? Nahihiya ako, pano ko sya haharapin kapag nagkita kami mamaya sa school? Pakiramdam ko mas mapula na ko sa kamatis dahil sa sobrang hiya. :) "Oh? Bat ang pula ng mukha mo?" Bungad ni Mae pagpasok ko ng classroom. "Ha? Ano--anong pula? Normal lang to no!" "O tignan mo ang pula din ng tenga mo." "Siguro..." "WALA! WALANG NANGYARI!!" napasigaw ako sa sobrang kaba. Gulat na gulat din si Mae sa naging reaksyon ko kaya tumawa lang sya. Nagsorry naman ako sa iba kong classmate na nasa loob narin ng classroom na nagulat dahil sa pagsigaw ko. "So ano? Masakit ba?" Tanong ni Mae habang nakangiti pa. Nang aasar ba sya? "Ha? Anong sinasabi mo!?" Nang bigla kaming magulat ng bumukas ang pinto hindi kami nagulat dahil sa pagbukas kundi sa taong nagbukas ng pinto, Si Jaja. Agad akong nataranta sa sobrang hiya uminit bigla yung tenga ko at napayuko agad. Narinig ko pang natawa si Mae siguro may alam sya dahil sa kinikilos ko ngayon. "Oh!" Sabi ni Jaja sabay abot sakin ng isang supot. "Ano to?" "Basura? Malamang pagkain." "Alam ko na pagkain to, ang ibig kong sabihin bakit mo'ko binibigyan nito?" Ngumiti lang sya sakin sabay inabot ulit yung plastik na hawak nya. Kinuha ko yun habang nakatingin sakanya. ngayon ko lang sya nakitang nakangiti kahit yung mga classmate ko dito naririnig ko yung bulungan nila na parang sa tagal tagal na nilang nandito sa school ngayon lang nila nakitang ngumiti ng ganito si Jaja. "Syempre ayokong magugutom yung asawa ko." Nagtilian yung mga classmate ko kasama nadun si Mae habang ako sobrang hiya na. Dyusko lupa lamunin mo na ako. "Baliw." Sabi ko na parang naiirita, nakangiti parin sya sakin sabay kindat bago pa sya umalis. "May nangyari na sainyo no?" Bulong ni Mae na lalong nagpapula ng mukha ko agad kong tinakpan yung bibig nya para hindi na sya magsalita at baka may makarinig pa sakanya. Nakita ko pa syang tumango tango habang nakangiti kahit di ko man sagutin yung tanong nya pakiramdam ko alam na nya yung sagot ko sa tanong nya. Ni hindi ako makapag concentrate sa lecture namin dahil walang tigil tong si Mae na asarin ako kay Jaja. Kaya naman sinabi ko sakanya na tulungan nya kong magreview mamaya after class. Hindi narin ako masyadong nakinig sa afternoon class namin dahil alam ko naman ituturo rin naman sakin yun ni Mae. Salamat! Wheeew uwian na! Kung kailan uwian na nawala bigla yung antok ko, yung antok na pilit kong nilalabanan nung naglelecture kami sa mga subjects namin. Palabas na kami ni Mae ng room ng bigla kaming napatigil dahil sa taong nakatayo sa pintuan. "Uuwi ka naba?" Sabi ng lalaking todo ngiti, parang hindi na mawala wala yung ngiti nitong lalaking to ha. Umiling lang ako sakanya sabay ngiti. "Mag rereview pa kami ni Mae eh." "San?" Mabilis nyang sabi. "Dyan lang sa baba sa quad." Tumango lang sya at ngumiti. "Sige hintayin nyo nalang ako duon." Sabi nya at nag madaling umalis. "Teka! San ka pupunta!" Sigaw ko. "Bibili lang ng pagkain nyo!" Sabi nya habang nakangiti parin at nagmamadaling umalis. Umalis muna si Jaja para bilihan kami ng pagkain ni Mae anong oras narin kasi medyo madilim na ang paligid pero nasa quad kami ni Mae sa labas ng building namin para mag review sa lecture kanina. Ayoko na nga sanang gawin yun ni Jaja kasi gusto ko umuwi na sya dahil baka malaman nya pa na nagpa part time ako pag gabi. "Nga pala nakausap ko na si Zyrus, willing naman syang tumahimik sa nalaman nya pero make sure na ipapaalam mo na kay Ariel habang maaga pa." Sabi ni Mae. "...." "Nasabi mo naba kay Airel yung pagtransfer mo ng school?" Huminga ako ng malalim. "Hindi pa nga... hindi ko pa alam kung pano ko sasabihin sakanya." "Hay nako! Kailan mo pa balak sabihin? Ilang araw nalang last month mo na! Mag te-thirthy days kana dito. Kung ako sayo ipunin mo na lahat ng lakas ng loob mo magdasal kana sa lahat ng santo at humingi ka ng lakas sa universe para masabi mo na!" "Sasabihin ko naman." "Kailan nga!?" "Di ko pa nga alam, Anong gusto mo, sabihin ko nalang bigla Airel sorry aalis nako. Umpisa palang niloloko na kita na hindi ako mag i-stay sa tabi mo, Magtatransfer nako ng school this month iiwan na kita at hindi nako babalik ganun ba yung gusto mo? Edi san----" napatigil ako sa pagsasalita ng makarinig kami ng ingay sa likuran namin kaya naman agad kaming napalingon dalawa. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko sa likuran namin si Jhan Airel na gulat na gulat, napatingin din ako sa hawak-hawak nyang sofdrink at pagkain na ngayo'y nagkalat na sa lupa. biglang nanlisik ang mga mata ni Jaja at parang nagtitimpi ng galit nakatitig lang sya sakin at tumingin kay Mae sabay tumingin ulit sya sakin, kitang kita ko ang pagpipigil nya sa galit na nararamdaman nya. tinikom nya ang kanyang kamao at tumalikod samin nakita ko pa ang pamumula ng kanyang mga mata sa sobrang galit, ito na nga ba yung sinasabi ko, ito na nga ba yung ikinakatakot ko. "Anong ibig mong sabihin!" Galit nyang sabi. Hindi ako makapagsalita natataranta ako at the same time natatakot ako. "Sabihin mo na... narinig naman na nya.." bulong sakin ni Mae. Nakatitig lang sya sakin na para bang sinasaktan na nya ako sa isip nya pero ang totoo hindi nya yun magawa sakin bagkus naglakad lang sya papalayo samin kaya naman agad ko syang hinabol. "sandali lang Jhan Airel magpapaliwanag ako!" sabi ko sabay hawak sa balikat nya na agad naman nyang tinabig. "WAG MO'KONG HAWAKAN!!!!" sigaw nya. Ramdam na ramdam ko ang galit sa mga tinig nya. "Teka lang mag papaliwanag ako! pakiusap pakinggan mo muna ako." pag mamakaawa ko. "para san pa!? Para paikot ikutin mo ulit ako sa mga palad mo! ang tanga tanga ko, naniwala ako sa mga sinasabi mo!!! Kaya pala... kaya pala, una palang ginagago mo na ako! Ang tanga tanga ko!!! bakit ko hinayaang lokohin ako ng isang tulad mo! hanggang kailan ha? hanggang kailan mo BALAK ILIHIM SAKIN NA AALIS KA HA!!!" "di mo alam, gustong gusto ko nang sabihin sayo to pe---" "TAMA NAAAAAA!!! tumahimik kana! WAG MO'KONG HAWAKAN! h'wag mo'kong hawakan!!!!... nagtiwala ako sayo Rayven! akala ko iba ka! akala ko may isa kang salita! Pinaglaruan mo'ko, akala ko ikaw na yung taong tatanggap sakin ng buong buo pero katulad karin pala ng iba. manloloko at sinungaling!!! Una palang... una palang ALAM MO NA NA IIWAN MO RIN PALA AKO!!!! Pero pinaglaruan mo pa yung emosyon ko! Pinaglaruan mo pa yung nararamdaman ko!!!" galit na galit na sigaw ni Jhan Airel. "Jhan Airel... please naman pakinggan mo muna ako." pag mamakaawa ko sabay hawak sa isa nyang kamay pero agad nyang tinanggal yung pagkakahawak ng mga kamay ko at hinawakan nya ako sa leeg, na para bang sinasakal pero sa totoo lang hindi ko maramdaman kung madiin ba o hindi ang pagkakasakal nya sakin. "hinding hindi nako ulit maniniwala sayo! at lalung lalong hindi nako mag papaloko pa ulit sayo! tandaan mo yan! simula ngayon kalimutan mo na lahat ng pinagsamahan natin!" nang gigigil parin nyang sabi, ito na nga ba ang kinakatakutan ko na mangyari simula palang ng magkwento sakin si Jhan Airel. pano ko sasabihin sakanya ang totoo kung alam ko una palang na ganito ang mararamdaman nya. huminto sya sa paglalakad nya pero nakatalikod parin sya. "ikaw ang unang taong pinagkatiwalaan ko, pero ikaw rin ang unang taong sumira nun, ang tanga kong isipin na may taong tatanggap sakin... na hindi nako iiwanan pero wala pala talaga, ibabalik ko lahat ng sakit na pinaparamdam mo sakin ngayon,, tandaan mo yan. mararanasan mo ang masaktan, gagawin kong impyerno ang nahuhuli mong araw dito." sabi nya sabay nagmadali itong umalis. tinitignan ko lang sya papalayo habang tumutulo yung luha ko, wala akong nagawa ni hindi man lang nya ako binigyan ng pagkakataong magpaliwanag, sasabihin ko naman sakanya pero naghahanap lang ako ng magandang tyempo. napaupo nalang ako sa kalsada habang umiiyak. "Venray!" sabi ni Mae habang papalapit sakin at agad akong niyakap. Napaiyak nalang ako sa mga bisig ni Mae, sobrang sakit sa pakiramdam ng makita ko syang nasasaktan at ang pinakamasakit padun ako ang nanakit sakanya. Hinatid nalang ako ni Mae sa bahay at agad akong humiga sa kama para huminga ng malalim. Sinubukan kong tawagan at itext si Jaja pero hindi sya sumasagot hanggang sa hindi ko na sya makontak. Nang makapagpahinga nako kahit tuliro pa ang isip ko nag bihis agad ako para pumasok sa resto. Halos hindi ako makapagtrabaho ng maayos kakaisip kay Jaja, iniisip ko kung ano ng ginagawa nya o kung kumain naba sya o kamusta naba sya since ng maghiwalay kami kanina? kung nakauwi naba sya? Pero naisip ko rin na baka nagpapalamig lang sya susubukan ko ulit bukas na kausapin sya pagpasok ko sa school. Habang naghuhugas ako ng plato may pumukaw ng pansin ko, isang pamilyar na boses. Kaya sumilip ako, napaatras ako ng makita ko si Renz kausap yung manager namin, si Renz na kaibigan ni Jaja. Pano sya nakapasok sa loob? "Sige sir ako napo bahala dito." Sir? Tinawag syang sir ng boss ko? "Nga pala sir san na tayo kukuha ng diswashing liquid? Nagsara na supplier natin eh." "Ahhhh.. sino nga ba ulit supplier natin ng sabon?" "Waterfall po sir" waterfall? Waterfall yung company ng family namin na nagsara. So ibig sabihin cliente namin tong restaurant nato. "Sayang nga po sir mura lang yung kuha natin ng sabon sakanila." Dagdag pa ng boss ko. "Well business is business. Tutal kaibigan ko naman na ang may ari ng kumpanyang yun, tatanungin ko nalang kung itutuloy nila ang production ng products ng dating may ari." "Kaibigan nyo po sir?" "Yeah si Jhan Airel, yung kasama ko last year na pumunta dito." Nanlaki yung mga mata ko sa narinig ko at napasandal sa pintuan. Sila Airel.... sila Airel ang bumili ng kumpanya namin????!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD