CHAPTER TEN “Wala akong dapat sabihin sa ’yo. Ano bang inaasahan mong gagawin ko kapag nagkaharap tayo?” Walang emosyong tanong niya rito. Pinigilan niya ang kanyang sarili na magpakita ng kahit na anong emosyon at umaktong kalmado kahit ang totoo ay nagwawala na ang puso niya sa pinaghalu-halong emosyon. Narinign niya ang marahas nitong pagbuntong-hininga ngunit hindi niya ito nilingon. Natatakot siyang baka kapag nagtagpo ang mga mata nila ay bigla na lang siyang magbreakdown, yakapin ang binata at umiyak sa mga balikat nito. “Xie, hindi pa ba sapat ang ilang buwan mong pagpaparusa sa akin? Wala ka bang balak magpakita ulit sa amin? Sa mga kaibigan mo?” anito. “Masaya na ako sa simpleng buhay na natagpuan ko rito,” aniya. “Pero hindi pa rin sapat na dahilan na iw

