bc

TOUCH OF YOUR HEART |R-18|

book_age18+
2.1K
FOLLOW
12.6K
READ
fated
dare to love and hate
drama
sweet
bxg
city
first love
model
like
intro-logo
Blurb

|SPG| • |R-18|

This story contains matured contents.

POSSESSIVE BACHELORS SERIES

BOOK 2: Thadeus (Thad) Mendoza

Blurb:

Nasa Kolehiyo pa lamang sina Thad at Xielo ay mahal na nila ang isa't-isa. Pinangakuan niya si Xielo na sa pagtatapos nila ay aayain na niya itong magpakasal at mabuhay nang magkasama.

Ngunit isang pangyayari ang nagpabago sa pangako niyang iyon, nagkaroon nang matinding problema ang kanyang pinakamamahal na pinsan at binalak nitong maglayas. Wala siyang nagawa kundi ang sundan ito at iwan si Xielo, alam niyang mali ang ginawa niya ngunit sinabi din sa kanya ng dalaga na aalis ito pagkatapos ng kolehiyo at pupuntang ibang bansa para sa pinapangarap nito career, ang maging isang sikat na modelo.

Hindi alam ni Thad kung naging maganda ba ang paghihiwalay nilang dalawa dahil ang nasa utak niya ay ang kanyang pinsan nang mga araw na mag-usap sila, pero ang alam niya ay masakit para sa kanya ang paghihiwalay nila ng kanyang nobya. She was her first love and would be the last, he'll never fall in love again.

But their destiny has a plan for them to meet again. For all the times he's thinking about her, trying to forget everything about her, avoiding their sweet memories and killing his own heart just to stop the beating every time he saw her face in his mind, was all damned useless!

Lahat ng effort niyang iyon nasayang dahil nang muli silang magkita ay ramdam niya pa ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso sa tuwing makikita niya ito. Would it be okay if he confesses his feelings again? What should he do to touch her heart and come back to his arms, again?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
"Thad, you don't have to do this. I can come with you, we'll stay together and we both take care of Eillaine. She's my best friend too," garalgal ang boses na wika ni Xielo. Umiling si Thad. "You don't need to do that, I can take care of my cousin, alone," malamig niyang turan. "But what about me?! What about your promises?! About us?!" sigaw ni Xielo. Tumiim ang bagang ni Thad at lihim na naikuyom ang mga kamay. "Those are just promises, Xielo. None of them are true, I just said those shits to impress you and stay with me because I really want to be with you." Alam niyang masakit ang mga binitiwan niyang salita ngunit kung iyon lang ang paraan para tuluyan siyang bitiwan ni Xielo ay gagawin niya. Hindi akalain ni Thad na darating sila sa puntong iyon. Na darating siya sa puntong iyon, kung saan kailangan niyang iwan ang babaeng pinakamamahal niya. Kailangan niyang gawin iyon! Hindi niya kayang isama ito dahil sa ngayon ay mas kailangan siya ng kanyang pinsan na mas matindi ang pangangailang sa kanya. Alam niyang kailangan din siya ni Xielo ngunit alam din niyang mas kakayanin ni Xielo na mag-isa dahil kilala niya itong matapang. "Thad, please don't do this to me." Umiiyak nang wika ni Xielo. Tinalikuran niya ito. "Huwag mong ipagpilitan ang sarili mo, Xie. Maging praktikal ka, tanggapin mo ang offer sa'yo na maging modelo sa ibang bansa. Choose your career and forget about me, we're not destined to be in each other arms." Nagsimula siyang maglakad palayo dito. Bawat hakbang siya palayo rito ay sumasabay sa pagpatak ang mga luha sa kanyang mga mata. Parang pinipiga ang kanyang puso at tila may malalaking bakal na nakakabit sa mga paa niya habang naglalakad siya palayo dito. Maya-maya lang ay tila tuluyan siyang nanigas sa kinatatayuan niya nang maramdaman niya ang mainit na yakap nito mula sa kanyang likuran. Dagli niyang pinunasan ang mga luha at tinanggal ang mga kamay nitong nakapulupot sa katawan niya. "I'm begging you, Thad. I love you more than I love myself, I can't live without you in my life. Even if you don't love me, I'll come with you. Even if your promises aren't true, I still want to be with you. You don't have to say anything nor love me, just, please let me be with you," pabulong na pagsusumamo nito sa kanya. Mas lalo siyang nasaktan sa mga sinabi nito. Damang-dama niya ang paghihirap ng kalooban nito ngunit hindi na magbabago pa ang desisyon niya. Tinanggal niya ang mga kamay nito at nagpatuloy sa paglalakad palayo dito. Palayo sa babaeng una niyang minahal at pinag-alayan ng pag-ibig at mga pangakong alam niya na hindi na niya kailanman maibibigay sa ibang babae. Mananatiling para kay Xielo lamang ang kanyang puso at tunay na pagmamahal. Kung darating man ang araw na bigyan ulit siya ng pagkakataong itama ang lahat ay gagawin niya ang lahat para muling makuha ang dalaga. Habang papalayo dito ay bumabalik sa kanyang isipan ang mga alaala nilang dalawa na masayang magkasama at punong-puno ng pagmamahal. Mga araw na dadalhin niya hamabng-buhay. Nakilala niya si Xielo nang minsang isama siya ni Eillaine sa party ng isa sa mga schoolmates ng mga ito. Simula noon ay niligawan niya na ang dalaga at nang mga sandaling iyon ay alam niyang nakilala na niya ang babaeng ihaharap niya sa altar at pag-aalayan ng habang-buhay na pangakong magsasama sila hanggang sa pagtanda nila. Nang araw na sagutin siya nito ay kulang ang salitang kaligayahan sa totoong nararamdaman niya. Sobra-sobra ang nararamdaman niyang tuwa at galak ng mga sandaling iyon, agad niya itong ipinakilala sa pamilya niya at wala na siyang mahihiling pa noon. Isabay pang masaya na rin ang pinsan niya sa piling ng lalaking nagmamahal din dito ng tunay. Eillaine, is one of his cousins and his favorite one. Sobrang protective siya dito at ayaw na ayaw niyang nalulungkot ito o nasasaktan. Iyon ang ipinangako niya rito kaya naman nang magkaroon ito ng mabigat na problema ay hindi siya nagdalawang-isip na samahan ito at damaya. Hindi maganda ang realsyon ng pamilya ni Eillaine at ng dalaga. Malayo ang loob nito sa mga magulang nito at iyon ang dahilan kung bakit hindi niya mapabayaan ang dalaga. Nangako siya rito at kailangan niya iyong tuparin dahil sa mga sandaling iyon ay siya lang ang makakapitan nito at magbibigay ng lakas dito. Nang mamatay sa aksidente ang pinakakmamahal nitong nobyo ay labis itong nagluksa. Ni hindi nito nakita ang bangkay ni Seb dahil agad itong kinuha ng mga magulang nito at dinala sa bansa nila. Hindi ito pinalabas ng Mommy nito na siyang may kagagawan kung bakit naaksidente si Seb. Ang masaklap pa ay lantaran nitong ipinaalam kay Eillaine ang ginawang kalokohan para daw bigyan siya ng leksyon na huwag siyang sawayin sa gusto nito para kay Eillaine. Nagalit si Eillaine at nagpaalam sa kanyang maglalayas at magpupuntang Manila. Gusto nitong umalis mag-isa at mamuhay mag-isa, malayo sa ina nito. Wala siyang nagawa kundi ang sumunod dito at samahan ito, sa umpisa ay ayaw nito ngunit siya pa rin ang nasunod sa huli. "Sigurado ka ba sa gagawin mo, Thad? Iiwan mo nang ganoon lang si Xie? Mahal ka ng best friend ko at alam kong mahal mo rin siya, hindi mo kailangang sumama sa akin." Malungkot siyang ngumiti. "Mas mahal kita, Ei. Hindi ko makakaya kapag napahamak ka sa gagawin mo, para na kitang kapatid kaya hindi ko hahayaang mag-isa kang umalis." "Pero..." "No buts, let's go, bago pa malaman ng Mommy mo na wala ka na sa bahay niyo." Kinuha niya ang bagahe nito at isinakay sa kotse. "Where is Xie? I want to see her first," saad nito. Huminga siya ng malalim. "Ei, huwag mo ng problemahin pa ang nangyari sa amin ni Xielo. It was on me, and my own decision. Wala kang kasalanan dito, isa pa, naalala mong may kumukuha sa kanyang international photographer? Hangga't nakatali siya sa akin ay alam kong hindi niya tatanggapin iyon dahil mas pipiliin niyang manatali sa tabi ko. We need to grow and choose our own path." Hindi ito kumibo at tahimik na sumakay sa kanyang kotse. Mabilis niyang isinara ang pinto ng kanyang kotse at nang makasakay na siya ay hinawakan niya ang pisngi ni Ei. "Don't be sad, everything will be fine," aniya. "Are you fine?" tanong nito. "I will be... soon," malungkot niyang sagot. "When is that soon?"  Humugot siya ng napakalalim na buntong-hininga. "Very soon... I hope." Pinaandar na niya ang sasakyan at mabilis na nilisan ang lugar na iyon. Sa lugar kung saan niya naramdaman kung paano magmahal ng totoo. Ipinangako ni Thad sa sarili niya na hinding-hindi siya babalik sa lugar na iyon hangga't hindi naghihilom ang sugat sa kanyang puso. "Thad, thank you," puno ng sinseredad na turan you. "Anything for you, honey." Nakangiting wika niya. "And I'm sorry if you have to do this," pabulong lang iyon pero narinig niya pa rin. "It's fine. Lilipas din ang lahat at pare-pareho tayong makaka-move on," aniya. "Nakakatakot nang magmahal ulit, lalo na kapag ang una mog pag-ibig ay nauwi sa trahedya dahil sa'yo," malungkot na wika nito. Natahimik siya sa sinabi nito, mukhang parehas silang pinaglaruan ng tadhana. "I'll agree with you on that," aniya. "Get some sleep, mahaba pa ang biyahe natin." Hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa kanila sa ginawa nilang paglalayas ni Eillaine, pero isa lang ang sigurado niya. Umalis sila para makalimot at matutong mag-move on.  Sana nga ay matutunan niyang makalimutan ang lahat ng sakit na nararamdaman niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE BILLIONAIRE'S SÊX SLÂVÊ R-18 (COMPLETE)

read
603.7K
bc

The Innocent Wife

read
3.4M
bc

Lucas Sebastian III - SPG

read
2.7M
bc

POSSESIVE MINE

read
971.4K
bc

I Sold My Virginity To A Billionaire. RATED SPG/ R-18

read
2.3M
bc

Married To A Billionaire

read
1.0M
bc

SINFUL HEART (BOOK 1) SPG Completed

read
454.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook