“One more pose, Xie! Perfect!” sigaw ng baklang photographer ni Xielo. Nasa studio siya ngayon at ginagawa nila ang isang photoshoot ng isang signature brand na perfume.
Siya ang kinuhang front cover para sa bagong labas na perfume ng Lovely Scent.
“That’s it! We’re done here. Good job guys!” Pumapalakpak pang saad ng photographer.
“Thank God!” she exclaimed.
Inabot ng tatlong oras ang photoshoot nila at talagang nangangalay na ang kanyang mga paa sa pabalik-balik na pagpunta sa dressing room para magpalit. Buti sana kung hindi mataas ang suot niyang stiletto.
“Congrats, Xielo, for another job well done!” nakangiting bati sa kanya ng kanyang manager, si Simon Devough.
“Thanks, Simon, can I go home now? I can’t feel my body, anymore.” Pagpapaalam niya rito.
“Okay, honey, but before you go. Sign this first.” Iniabot nito sa kanya ang isang putting papel.
‘What’s this?” Kunot-nong tanong niya at nanlaki ang mga mata niya nang mabasa kung ano iyon. “Oh my God1 Thank you!” Tuwang-tuwa niya itong niyakap.
“You deserve a rest, go and have fun with your hubby.” Kinindatan siya nito at saka bumitiw sa pagkakayakap niya.
“He’s not my husband.” Natatawang pag-iling niya.
Ang tinutukoy nito ay ang kanyang live-in partner na si Jules, isang royal guard ng palasyo. Matagal na silang magkasama sa iisang bahay ngunit hindi pa siya nito inaayang magpakasal. Ilang beses na siyang nagparamdam dito at kulang na lang ay siya na mismo ang mag-propose sa katipan ngunit parng wala pa rin itong balak na gawing legal ang pagsasama nila.
“Yet,” sabi nito. “That’s why I’m giving you this one-month vacation. Spend your time with him and do everything you can to change his mind and marry you.”
Iling lang ang sinagot niya rito. “Whatever.” Pagkatapos niyang humalik sa pisngi ng Manager niya ay umalis na siya sa Studio na iyon. Balak niyang sorpresahin si Eiselle, alam niyang nasa bahay niya ito at inaasikaso ang anak nito.
Halos mag-iisang taon na niyang kasama ang kaibigan niya dito sa Wales, wala pa rin itong balak umuwi ng Pilipinas at harapin ang problema nito doon. Nakakainggit nga ang kanyang kaibigan dahil may lalaking kayang maghintay dito at pakasalan siya anumang oras gustuhin ni Eillaine.
Kung sana lang ay ganoon din siya, ngunit parang imposible na yatang mangyari iyon sa kanya. Isang royal gurad ang kinakasama niya at ayaw pa ng mga magulang ni Jules na magpatali siya at iwan ang mataas na posisyon nito sa palasyo.
Isa kasi sa mga hiniling niya sa mga magulang ni Jules kapag ikinasal na silang dalawa ay gusto niyang magbitiw ito sa posisyon nito at mamuhay sila nang ordinary lang. Iyong buhay na walang ibang gagawin si Jules kundi ang isipin siya at ang mabubuo nilang pamilya.
May kalakihan na rin naman ang naipon nilang dalawa at kaya nang magbukas ng sarili nilang negosyo. Isama pa ang Club na pag-aari niya.
Pagdating niya sa kanilang bahay ay nadatnan niya si Eillaine na abala sa pagtimpla ng gatas ng anak nito.
“Pinupuyat ka na naman ng lalaki mo?” sabi niya na lumapit sa naglalarong sanggol sa crib.
“Ayw pang matulog, eh. Kahit anong gawin ko, hindi talaga siya makatulog.” Nakangiting wika ni Eillaine saka lumapit sa anak nito at binigay ang boteng may lamang gatas.
Kaagad naman iyong kinuha ng bata at nakangiting humiga sa crib nito.
“Baka naglalambing sa Tita-Mommy niya. Anong gusto ng baby Tan-Tan ko, ha? You want to go shopping?” Malambing niyang tanong sa sanggol at pinisil ang matambok nitong pisngi.
“Ano ka ba, magpahinga na nga. Alam kong pagod ka sa shooting mo.” Naiiling na wika ni Eillaine.
Nakangiti siyang umiling. “Ikaw ang magpahinga, baka ipatawag ka bukas sa palasyo. Iwan mo na sa akin si Baby Tan-Tan.”
“Wala ka bang shooting bukas?” tanong ni Eillaine.
“Umiling siya. “My manager granted my one-month vacation.”
“Whoa! So, ibig sabihin, makakasama ka na sa pag-uwi ko sa Pinas, next week?” tanong nito sa kanya, pilit sinusupil ang matamis na ngiti sa mga labi nito.
Nanlaki ang mga mata niya at hindi makapaniwala sa sinabi nito. “Seryoso? Uuwi ka na?”
“Yup. Grand Opening nang Las Palmas at balak kung sorpresahin si Tan. Nakapagpaalam na rin ako kay Mommy at okay naman iyon sa kanya, sinigurado niya ring magiging ligtas ako at ang anak ko kapag umuwi kami. Alam mo nang may gulo pa akong dapat ayusin doon.”
“Bakit kaya hindi mo na lang muna iwan sa akin si Tan-Tan at mauna ka nang umuwi, nag-aalala ako sa kung ano ang puwedeng mangyari kapag umuwi ka,” saad niya.
“Bakit kaya hindi ka na lang sumama sa akin pag-uwi? Isama mo na rin ang pinsan ni Tan para dalawa kayong baby sitter ng anak ko ,” biro nito sa kanya.
“Good idea,” nakangiting saad niya. “Sige na, matulog ka na, ako na muna magbabantay kay Baby Tan-Tan, hintayin ko na rin ang pagdating ni Jules.”
Nang banggitin niya ang pangalan ni Jules ay biglang nagbago ang ekspresyon ni Eillaine, para bang may alam itong hindi niya alam. Gusto niyang pagdudahan ang naging reaksyon ng kanyang kaibigan, ngunit sa tagal na nilang magkasama ni Jules ay may tiwala na siya sa lalaki.
“Sige, tawagin mo na lang ako kapag dumating na si Jules,” sabi nito at tinalikuran na siya.
Malalim siyang nagbuntong-hininga at pinunasan ang gilid ng labi ni Baby Tan-Tan. Naalala na naman niya ang mga plano niya para sa kanila ni Jules.
Sa loob nang mahabang panahon niyang pamamalgi sa Wales ay lagi niyang sinasabihan si Jules na gusto na niya ng sarili niyang pamilya at ang mga gusto niyang mangyari kapag tuluyan na silang lumagay sa tahimik. Mahal niya si Jules at alam naman niyang mahal din siya ng binata, nararamdaman niya iyon, kaya lang minsan hindi niya maiwasang magtanong kung hanggang saan ang pagmamahal ng lalaki sa kanya.
Hindi niya maiwasang ikumpara si Jules sa ama ni Baby Tan-Tan, na handang maghintay ng kahit gaano katagal para lang makasama muli si Eillaine.
Nakipaglaro siya kay Tan-Tan na talaga namang wala pang balak matulog, inabot sila ng alas dose ng hatinggabi sa paglalaro. Sa laki ng crib ng sanggol ay pumasok na rin siya at tinabihan ito.
Nang saw akas ay nakatulog na ag bata ay saka lang siya dahan-dahang tumayo at umalis sa crib. Hindi na niya ginising si Eillaine at inayos niya na lang ang pagkakakumot sa bata. May sariling kuwarto si Tan-Tan sa bahay niya, siya mismo ang nag-ayos niyon at talagan nilaanan niya ng mahabang oras dahil espesyal sa kanya ang bata.
Pagkalabas niya ng kuwarto ng bata ay nagpunta na siya sa kuwarto nila ni Jules. Nadatnan niyang wala pa ring laman ang kama niya, mukhang wala na namang balak umuwi ang kanyang katipan. Baka sa bahay na naman ng mga magulang nito iyon natulog at hindi na naman siya nagawang tawagan.
Nagtungo siya sa banyo para maglinis ng katawan bago humiga sa kama. Nag-iisip na siya nang mga gagawin niya para sa isang buwan niyang bakasyon. Gusto niyang patulan ang sinabi ng kanyang manager, wala naman sigurong masama kung patulan niya iyon. Isa pa, hindi naman na siguro siya tatanggihan pa ni Jules kapag siya ang nag-ayang pakasalan ito.
Dahil sa mga naisip ay nakangiti siyang ipinikit ang kanyang mga mata. Wala siyang kaalam-alam na sa pagmulat niya ng mga mata kinabukasan ay isang balita ang wawasak sa puso niyang pinilit niyang mabuo at paghilumin.