CHAPTER TWO
Subsob si Thad sa pagbabasa ng mga papeles nang biglang dumating ang kanyang mga kaibigan. Sa klase ng mga ngiti ng mga ito ay tiyak niya kung saan galling ang mga ito.
“Dude, bakit parang bigla ka na yatang nagseryoso sa trabaho mo simula nang mapunta tayo dito sa Bagiou. Iyong totoo, may balak ka na rin bang magpakasal?” usisa ni Zach sa kanya.
Tiningnan niya lang ito ng masama at nagpatuloy sa pagbabasa ng dokumento. May ibinigay sa kanya si Ricar na mga papeles para sa gagawing pag-expand ng kanilang negosyo at humingi ito sa kanya ng tulong.
“Thad, baka may gusto kang aminin sa amin?” hirit ni Dabce na umupo pa sa kanyang mesa para maagaw ang kanyang atensiyon.
“I don’t have any secrets to tell and what the hell are you doing here, by the way,” sagot niya.
“We just want you to come and have some fun like we always do. Come on, man, huwag mo din namang kalimutang magpakasaya paminsan-minsan. Alam naman naming ikaw ang inaasahan ni Tan sa mga business matters pero hindi din naman masamang mag-unwind ka. Gusto mo bang tumandang binata?”
Marahas siyang nagbuga ng hangin. “Kung manggugulo lang kayo ay mabuti pang umalis na kayo. Wala pa akong panahon para mag-libang, malapit na ang opening ng Las Palmas at titingnan pa akong site para sa expansion ng sarili naming negosyo.”
“Dude, malala ka na.” Umiiling na wika ni Dabce.
Kumunot ang noo niya. “What do you mean?”
“Iyang pagiging workaholic mo! Dude, kailan k aba huling nagkaroon ng date?” Nakahalukipkik na tanong ni Zach.
Napailing na lang siya sa kababawan ng dalawa niyang kaibigan. Palibhasa kasi hindi pa nakakaramdam ng pressure sa mga negosyong itinayo nila.
“At dahil diyan…” Inagaw ni Dabce ang papeles na hawak niya. “Wether you like it or not, sasamahan mo kami tonight. May bago kaming chicks na ipapakilala sa’yo. Para naman ganahan ka pa magtrabaho.” Nakangising wika nito.
Wala siyang nagawa kundi ang pagbigyan ang mga ito. Pagkatapos niyang tawagan ang kanyang kapatid at ipaalam ditong bukas niya na lang pag-aaralan ang binigay nito ay sumama na siya sa mga ito. Hindi nila kasama si Tan dahil nakatutok ito ngayon sa magaganap na pagbubukas ng Las Palmas.
Hindi alam ni Tan na may nakahandang sorpresa para dito sa araw na iyon. Nakausap niya si Eillaine at handa na itong umuwi, kasama ang anak nito kay Tan. Nakita niya ang itsura ng pamangkin niya at hindi talaga maipagkakailang anak iyon ni Tna dahil parang pinagbiyak na bunga ang mukha ng dalawa.
Pagdating nila sa Club ay punong-puno na iyon ng tao kahit hindi maaga pa lang. Simula nang maitayo nila ang Bachelor’s Den ay lagi na iyong dinadagsa ng mga mayayamang turista lalo na iyong Club na ito.
Nang makaupo sila ay agad na may lumapit na isang grupo ng kababaehang foreigner. Nagkatinginan ang dalawa niyang kaibigan habang siya ay napailing na lang, mukhang talagang mapapasubo siya ngayong gabi dahil sa loko-loko niyang kaibigan.
“Hello ladies, what would you like to drink?” tanong ni Dabce sa mga babae.
“Hi, I’m Nicole, and if I’m not mistaken, you’re Thaddeus, right?” Inilahad ng katabi niyang babae ang kamay nito sa kanya.
“Call me, Thad. Nice meeting you.” Nakangiting niyang inabot ang kamay nito at hinalikan.
“The pleasure is mine. I finally met you in person.” Natatawang saad nito, halata namang kinilig sa ginawa niya.
Nangunot ang noo niya.
“Oh, I’m sorry to confuse you. I accidentally saw your picture on one of my friend’s phones way back in the United Kingdom. She said she was your ex-girlfriend, and I asked her to give me your picture hoping that we’re going to meet here in the Philippines,” paliwanag nito.
“My ex?” Natatawang tanong niya. Sino naman kaya sa mga naging babae niya ang nagreto sa kanya. “I think I’m gonna need to thank her for giving you my picture,” aniya.
Tumawa lang ito. “I did not expect that you’re here, I think we’re destined to finally met each other.”
“Honey, I don’t believe in such a word.” He leaned forward to the woman and kissed her. “But I believe that we’re going to have some fun, tonight. What do you think?’
Tila nalasing ang dalaga sa halik na ibinigay niya dahil biglang lumamlam ang mga mata nito.
Walang pasabi siyang hinalikan ng babae, nakita niyang nakangisi sa kanya ang dalawa niyang kaibigan habang ang ibang mga babaeng naroon ay tila hindi sila nakikita at may-kanya-kanya lang mundo.
Nang dumating ang kanilang inumin ay nakaisip nang kalokohan si Dabce. Sa bawat isang basong tequila na mauubos ng sinuman sa kanila ay pipili sila ng kahit na sinong makukursunadang dadaan sa tapat nila. Game na game naman ang mga babae, sa tingin niya ay mas mag-eenjoy pa ang mga ito kesa sa kanilang tatlo.
Nawala bigla sa isip niya ang bigat na dinadala niya sa opisina at nag-enjoy sa mga kalokohan ni Dabce. Bawat lagok niya ng tequila ay hindi puwedeng hindi siya bibigyan ng isang mapusok na halik ni Nicole. Parang ipinapakita ng babaeng ito lang ang may karapatan sa kanya nang gabing iyon, ngunit hindi pa rin nito napigilan ang ilang babaeng gustong makaytikim ng kanyang mga labi. Wala itong nagagawa kundi ang palihim na tingnna ang mga kasamang babae.
Nalaman niyang mga modelo pala ang mga ito at napagdesisyunang magbakasyon sa Bagiou dahil na rin sa popular na Bachelor’s Den.
Nasa kalagitnaan na sila ng kanilang pagsasaya nang mag-aya na si Nicole na umalis sila sa lugar na iyon. Dala na rin ng ispiritu ng alak ay sumama siya rito, biglang na-excite ang katawan niya lalo na ang sentro ng kanyang pagkato dahil hindi niya na rin maalala kung kailan siya ulit naging aktibo sa pakikipagniig.
Sumakay sila sa isang golf car at nagpahatid sa hotel, mahigpit ang pagkakakapit ni Nicole sa kanya at parang natatakot pa itong may aagaw pa sa kanya.
Dahil sa pagkaliyong nararamdaman ni Thad ay hindi na niya namalayan kung paano silang nakaakyat sa hotel suite ni Nicole. Hindi siya lasing, ngunit dahil sa gaslaw ng babaeng kasama niya ay parang umiikot ang paningin niya.
“Come on, Thad. I’ve been waiting for this moment to feel and touch you,” wika ni Nicole. Itinulak siya nito sa kama at mabilis itong umibabaw sa kanya.
Ngumisi siya. “Then show me what you’ve got, honey,” panghahamon niya rito.
Hinawakan niya ang balingkinitan nitong beywang at iginalaw. Napaungol ang babae sa ginawa niya, mabilis nitong hinubad ang suot nitong mini-dress at wala itong itinirang saplot. Hindi na siya nagulat sa nakitang kaseksihan nito dahil para sa kanya isa na lang iyong natural na tanawin sa kanya.
Hinubad nito ang suot niyang t-shirt at nagmamadaling tinanggal ang pantalon niya.
“Easy, honey, we have plenty of time,” turan niya.
“Yeah and I don’t want to waste that.” Ngumisi ito at lumapit sa mukha niya para halikan siya.
Natawa siya sa ikinikilos ni Nicole, kakaiba na ito ngayon sa babaeng nagpakilala sa kanya kanina. Naging mapusok ang babae at kulang ang salitang ‘wild’ para i-describe ito.
Unti-unti siyang nawalan ng gana sa babae, ngunit hindi niya puwedeng pigilan ang kung anumang binabalak ng babae dahil kahit papaano ay ayaw naman niyang may masabi itong masama tungkol sa kanya.
Nanatili itong nasa ibabaw niya at ginagawa ang lahat ng gusto nito sa katawan niya, habang siya ay nakatingin lang dito at kahit papaano ay nasasarapan naman siya. Nang handa na ito sa gagawing pag-iisa ng kanilang katawan ay hindi niya nakalimutan maglagay ng proteksiyon, hindi siya makakapayag na magkaroon ng anak sa ganitong uri ng babae. Isa pa ay hindi pa siya handa para sa mga ganoong bagay.
Nang mga sumunod na sandali ay kapwa na sila pinagpapawisan at ine-enjoy ang ritmong sila mismong dalawa ang may gawa. Hindi na rin niya naiwasang hindi mag-enjoy dahil na rin sa galling ng babae.
“Come on, honey, make it faster! Harder!” sigaw nito sa pagitan nang paggalaw sa ibabaw niya.
“F**k!” aniya nang maramdaman na maabot na niya ang hangganan.
“Yeah, that’s it! That’s it…Shit!” Napasigaw ng malakas si Nicole nang tumigil siya sa pagbayo at mahigpit na hinawakan ang beywang nito.
Kapawa sila hingal na hingal nang matapos ang aktibidad na ginagawa nila. Tila naman nahimasmasan si Thad at maingat na inihiga sa tabi niya si Nicole. Balak na sana niyang bumangon at magpuntang banyo para mag-shower nang mahigpit siyang niyakap ng dalaga.
“Can you stay with me for a while?” pakiusap nito sa kanya.
“Sure,” sagot niya at umayos ng higa.
Humiga si Nicole sa kanyang dibdib at naramdaman niyang ipinikit na nito ang mga mata.
Nakipagtitigan siya sa kisame hindi siya makaramdam ng antok, parang kinakati na ang katawan niya at gustong-gusto na niyang maligo. Nasanay kasi siya na pagkatapos niyang makipagniig sa kahit na sinong babae ay naliligo agad siya, ayaw na ayaw niyang tumatagal ang amoy ng mga babae sa katawan niya.
“After tonight, what will happen to us?”