CHAPTER THREE
“What will happen to us after tonight?” maya-maya ay tanong sa kanya ni Nicole.
Huminga siya ng malalim, hindi niya inaasahang tatanungin siya ng ganoon ni Nicole.
“There is no us, to begin with, Nicole. This is just a normal one-night stand, I hope you know that when you get on top of me,” diretsa niyang sagot dito.
Hindi ito umimik. Maya-maya lang ay naramdaman niyang namasa ang kanyang dibdib, agad siyang bumangon at gulat na tumingin dito.
“Why are you crying?” Kunot ang noong tanong niya.
Ibinalot nito ang kumot sa hubad nitong katawan at pinunasan ang luha sa mga mata niya, pagkatapos ay umiling ito.
“I can’t just let you go that quick, tell me, would it be bad to not let you off that easy?”
Marahas siyang nagbuga ng hangin. “Look, Nicole, I don’t have time for a relationship right now. I am focusing on our business and to tell you honestly I don’t like aggressive women.”
Nagtungo ito ng ulo at suminghot. “Then, can I be your f*****g buddy? No strings attached, no labels just a fu—”
“Nicole,” putol niya sa sinasabi nito. Humarap siya sa babae at itinaas ang baba nito para magpantay ang tingin nila. “I don’t like that idea. Yes, I am a jerk, an asshole but I can’t do what you want. I like one-night stand but not f*ck buddies. It’s out of my league.”
“Talagang bang hindi puwede?” hirit pa rin nito.
Natawa siyang umiling dito. “I thought you don’t know how to speak Tagalog.”
Tumawa din ito at pinahid ang luha sa mukha nito. “I told you, I have a good friend who taught me well to speak Tagalog. Isa pa, I need to learn your language to understand the people around me for the sake of my career.”
“I’m sorry, from the bottom of my heart,” turan niya.
Napangiwi ito. “Korni mo.”
Natawa siya ng malakas dahil sa accent nang pagsasalita nito. “Sige na, matulog ka na. I really need to take a shower.” Bumangon siya at isa-isang pinulot ang mga damit niya.
“I never mention the name of your ex, are you not interested to know her name?” pahabol nitong tanong sa kanya.
“Not interested,” sagot niya at naglakad patungo sa banyo.
“It’s Xielo Dominguez, remember her?”
Napahinto siya sa paghakbang at salunong ang kilay na tumingin kay Nicole. Tama ba ang pagkakarinig niya sa binanggit nitong pangalan.
“Can you repeat what you said?”
“It’s Xielo Doming—” Hindi na niya hinintay pang matapos ang sasabihin nito at nagmamadali na siyang pumasok sa banyo.
“s**t! f**k! Damn!” mahinang turan niya at kuyom ang kamaong gustong suntukin ang pader na katabi ng pinto.
Paano na lang kapag nalaman ni Xielo na nagkaroon siya ng isang gabing pagtatalik sa laibigan nito? Ano ang iisipin ng dalaga sa kanya? Pero bakit ba niya iisipin iyon, gayung may masaya ng buhay si Xielo sa Wales, kasama ang lalaking ipinalit nito sa kanya?
Sa hulin naisip ay tila biniyak na naman ang puso niya at ramdam na naman niya ang sakit nang paghihiwalay nila. Itinukod niya ang kanyang noo sa likod ng pinto at marahang iniuntog iyon. Dapat hindi na siya naapektuhan pa kapag nababanggit ang pangalan ni Xielo. Dapat katulad ng babae ay naka-move eon na siya at masaya na rin sa kung anong buhay na meron siya ngayon.
Ilang sandali pa ang pinalipas niya bago siya naligo at pagkatapos ay agad na lumabas ng banyo. Nadatnan niyang gising pa rin si Xielo at mukhang hinihintay pa yata siyang lumabas.
“I will not ask you again to sleep with me, the way I see it, you still love her, and because she’s my friend…” huminga ito ng malalim bago muling nagsalita. “I’ll surrender. I know that she still loves you.”
Sumilay ang isang mapait na ngiti sa kanyang mga labi. “I hope your right but I know that’s not true. Anyway, thank you for understanding me, I’m going.”
“Believe me, one day you’ll be getting back together.” Ngumiti ito ng matamis. “Can I ask you one last hug?”
Tumango siya at lumapit dito. Pagkatapos nitong yakapin siya ng mahigpit ay nag-iwan pa ito ng isang halik sa kanyang pisngi. “Thank you for the wonderful night, Mr. Thaddeus Mendoza.”
“Good night,” sabi niya. Inayos niya ang kumot nito at tinalikuran na para umalis.
Alas kuwatro na ng madaling araw ngunit parang hindi pa siya dinadalaw ng antok. Minabuti niyang tapusin na lang ang naiwan niyang trabaho kagabi, ngunit bago iyon ay dumaan muna siya sa gym at nagpapawis. Kailangan niya muna ng distraction para mawala sa isip niya ang sinabi ni Nicole.
Sa totoo lang, nagkaroon siya ng kaunting pag-asa nang sabihin nitong mahal pa siya ni Xielo ngunit nang maalala niya ang ginawa niyang pagtulak sa dalaga noon at ang pagtanggi niya sa gusto nito ay bumigay lahat ng pag-asang meron siya sa kanyang puso. Masakit ang ginawa niya at maging siya ay hindi niya matanggap ang mga salitang binitiwan niya kay Xielo noon, paano na lang ang dalaga na alam niyang nasaktan nang husto sa ginawa niya.
Ilang oras siyang naglagi sa gym, may mga mangilan-ngilan ng tao doon at katulad niya ay maagang nagpapapawis, nang magsawa na siya ay saka lang siya nagpunta sa kanyang opisina. Nagtimpla siya ng kape nagsimula nang basahin ang mga dokumentong iniwanan niya kagabi.
Tatlumpong-minuto na niyang binabasa ang dokumentong hawak niya ngunit kahit isang salita ay wala siyang maintindihan. Ibinagsak niya ang papel sa mesa at sumanddal sa kanyang upuan, minasahe niya ang kanyang ulo at tumingin sa teleponong nasa ibabaw ng kanyang mesa.
Oo nga pala, naiwanan niya ang kanyang cellphone kahapon dahil sa pagmamadali ng dalawa, nagawa niya pang i-text ang kanyang kapatid ngunit nakalimutan naman niyang dalhin iyon.
Binuksan niya ang mga messages na naroon, karamihan doon ay kay Tan, tinatanong siya kung okay na ba iyong mga invitations at food catering service. Napailing siya, noong isang araw niya pa sinabing wala na itong dapat pang problemahin sa mga ganoon dahil naayos na niya iyon.
Huli niyang nabasa ang mensahe ng kanyang pinsan. Binuksan niya ang kanyang laptop at binuksan ang skype niya, alam niyang alas sais pa lang doon ng gabi at kung hindi siya nagkakamali ay nag-aalaga ito sa anak nito.
Ilang sandali lang ay nakita niya agad sa monitor ang magandang mukha ni Eillaine, karga nito ang anak nito habang inaayos ang crib nito.
“Oh, an gaga mo naman yatang magising ngayon,” bungad sa kanya ni Eillaine.
Tiningnan niya ang itsura ng kanyang pinsan. Wala sa kaayusan ang pagkakatali nito ng buhok, maging ang t-shirt nitong suot ay may mantsa dahil sa natapon sigurong gatas ng anak nito. Halata din sa magandang mukha nito ang pagod at puyat sa pag-aalaga sa pamangkin niya. Ngunit kahit na ganoon ang itsura nito ay nakikita niya naman ang saya sa kislap ng mga mata nito.
“Kumusta ang pagiging ina?” tanong niya.
Itinigil nito ang ginagawa at tumingin sa kanya. “Nakakapagod pero nag-e-enjoy naman ako.” Nakangiti nitong sagot.
“Sagutin mo ang tanong ko, Thad. Bakit ang aga mo magising? O baka naman hindi ka pa natutulog?” Inilapag nito si Tan-Tan sa crib at binigyan ng laruan. “Pinahihirapan ka ba ni Tan diyan?”
Umiling siya. “Hindi. May binigay sa aking dokumento si Ricar at nirerebisa ko lang, binabalak naming palawakin pa ang negosyo naming. Alam mo namang dalawa na kaming nagma-manage niyon ngayon.”
Tumango ito ngunit hindi kumbinsido sa sinabi niya.
“Alam mo rin na hindi ako kumbinsido sa sinabi mo, di ba?” tanong nito.
Tipid siyang ngumiti at nangalumbaba. Hindi talaga uubra kay Eillaine ang mga pagsisinungaling niya.
“I met Xielo’s friend last night,” saad niya.
“When you say you met her, means you slept with her, right?” panghuhuli nito sa kanya.
Pikit-mata siyang tumango. “Huli na nang malaman ko na kaibigan pala siya ni Xielo, parang sinadya pa yata ni Nicole na sabihin iyon pagkatapos naming magtalik.”
“Ew.” Nakangiwing wika nito. “O, eh, ano naman ngayon kung kaibigan siya ni Xielo? Does it bother you a lot?”
“Yes, paano na lang kung tawagan niyon si Xielo at sabihin ang nangyari sa amin?” sagot niya.
Nagkagat ito ng labi at biglang lumungkot ang mukha nito. “Right, mas lalo nga siyang ma-i-stress kapag nalaman niyang hindi mo pinalampas ang isa sa mga kaibigan niya.”
“She’s seducing me, Eillaine. Lalaki lang ako at—”
“Jesus! Don’t give me that freaking line, Thad at baka hindi ko mapigil ang sarili ko at makapagsalita ako ng hindi maganda sa harap ng anak ko,” mataray na wika nito.
“Sorry,” hingi niya ng paumanhin dito. “I got your text, and you sound depressed. Why?”
Natigilan ito at sa klase ng tingin nito sa kanya ay parang may hindi ito magandang sasabihin.
“It’s about Xielo and Jules.”